Chapter 24

MATI

"Anong sabi mo Mr. officer, na wala na yong tao sa loob?" she demanded a few minutes later.

"Sorry, Ms. Aragon," sabi sa kanya ng bagitong pulis. "pero wala talaga kaming nakikitang tao sa loob."

"May nakapasok talaga na tao sa loob at hindi naman siya basta-basta nalang makaalis dahil naka automatic lock ang lahat ng pinto dito." giit niya. "Nandoon siya sa loob ten minutes ago."

She would had more respect for the policeman's opinion if he could manage to keep his eyes off her bugle-beaded breasts.

"Baka nakatakas na talaga yon, Mati." dagdag naman ni manong John.

"Hindi ba talaga kayo naniniwala sakin?" angil niya. "Hinila pa nga niya ako papunta sa kitchen."

The men exchanged glances. She didn't have to hear the words to know what they were thinking.

"Hindi naman sa hindi kami naniniwala sayo, Mati." kalmadong pahayag ni manong John. "Mas makakatulong sana kung may nakita ang mga pulis na ebidensya."

"Hindi pa ba sapat na ako ang ebidensya? Kung gusto ninyo, pwede nyo akong kuhanan ng fingerprints dahil hinawakan niya ako."

Sumabat naman ang isa pang bagitong pulis. "Ma'am, meron pa po ba siyang ibang hinawakan bukod sa inyo?"

"Wala, ako lang ang hinawakan niya. You name it, he touched it." walang kagatol-gatol na pahayag niya.

Nagpatuloy na sa pag halughog ang mga pulis sa loob ng guest house. Si manong John nakita niyang napapailing lang. At siya naman itong hindi mapakali at pabalik-balik ng lakad. Binigyan na rin niya ang mga pulis ng full description sa intruder, but she'd witheld their brief conversation about her father. Hindi niya pwedeng isangkot ang ama dito, kasi patuloy pa rin itong nagpapahilum ng sugat sa kanyang operasyon.

May koneksyon ba talaga ang ama niya sa lalaking nakasayaw niya sa party? Siguro. Maari ngang may inilihim sa kanila ang ama.

Maghintay na lamang siya sa lalabas na match sa fingerprints. Then she'd decide what to do next.