Chapter 9: Driven him insane

Seren's POV

Nagising ako dahil sa pawis na tumatagaktak sa buong katawan ko. Kaya bumangon ako. Bahagya pa akong nagulat dahil wala na akong damit panlabas kundi bra at underwear nalang ang mayroon ako. Nang biglang magbukas ang pinto ng banyo ko at niluwa nito si yaya Mel, nagulat pa ito nang makita akong nakaupo na.

"Gising kana pala Miss." Nakangiti nitong turan sa 'kin.

"Anong nangyari? Bakit wala akong damit yaya?" I asked confused. Lumapit ito sa 'kin habang may dala-dalang tuwalya sa kanyang bisig.

"Bigla na naman po kayong nagkalagnat kagabi Miss. Siguro napagod po kayo kahapon."

"Ganun ba." Maikli kong sagot saka bumaba ng kama at kinuha ang robe na nakasampay sa dulo nang sofa at itinakip sa 'king sarili.

"Anong oras na yaya?"

Sabay kuha sa cellphone ko.

"9am pa po Miss." Sagot nito.

"Pakilinis na nang kwarto ko yaya, medyo umiinit na kasi rito." Ani 'ko sabay bukas nang aircon.

"Opo Miss." Papalabas na sana si yaya Mel nang mahagip ng mata ko ang isang amerikana sa bisig ni yaya na natakpan nang tuwalya.

"Wait yaya!" Pigil ko rito saka siya nilapitan at hinila ang amerikana sa bisig nito.

"Kanino 'to?" Saka angat sa coat.

"Kay Senyorito Kenneth po Miss."

Naningkit ang mata ko sa sinabi ni yaya. Kay Kent? Paano na naman siya nakapasok rito nang basta-basta.

"Bakit palagi nakakapasok si Kent rito? Hindi niyo ba siya nano-notice na pumapasok rito sa mansyon?" Nagtataka kong tanong.

"Yon po kasi ang bilin ng mommy niyo Miss. Hayaan lang po raw si senyorito Kenneth na makapasok rito nang malaya sa mansyon."

Sagot nito.

Halos namilog naman ang bibig ko. Mommy is really manipulative! Talagang gagawin niya ang lahat para matupad lang gusto nila. I sighed in defeat saka muling nagtanong kay yaya.

"Anong ginawa naman ni Kent rito?"

I softly asked.

"Binantayan ka po niya Miss. Buong gabi, sa tingin ko po hindi nga siya gaanong nakatulog sa kakabantay sa'yo po Miss."

Napapakurap ako at hindi makapaniwala sa aking mga narinig. Si Kent nagawa akong bantayan? After he insult me! Anong pakulo na naman kaya ang pumasok sa utak niya?

"And what? -- wait! Huwag mong sabihin siya rin nagtanggal nang mga saplot ko?"

I clearly asked.

"Opo Miss."

Halos maluwa ang mata ko at namilog ang bibig sa sobrang gulat. Shit! That pervert. Kahit tulog ako talagang nagawan niya ako nang kahalayan.

"Pero huwag po kayong mag-aalala Miss. Wala po siyang ginawa sa inyo, sa katunayan nga po matiyaga po siyang pinunasan kayo at painumin nang gamot habang wala kayong malay. Dahil hindi po agad bumaba ang lagnat niyo po. Kaya po naisipan niyang patayin ang aircon at hubaran kayo, lumabas nga po siya nang kwarto na'to na tagaktak ang pawis po eh." Clarifying statement ni yaya Mel sa 'kin.

"Really! He did that?"

"Opo Miss."

I sighed in contentment. So dapat pa pala magpasalamat ako sa kanya.

"Anong oras siya umalis?"

"8:30am po Miss."

"Okay! Thank you yaya."

Yumukod agad ito at niligpit ang higaan ko. Habang ako ay lumabas nang kwarto at tinungo ang kusina saka kinuha ang phone at tinext si Stella para paalalahanan about sa pool party. Saka tinignan ang mga text nang unknown number. Hangang sa nabasa ko ang rurok nang text at ..

"Kenneth Claude? -- ugh! Galit ba siya? Sobrang dami nang text at missed calls niya." Usap ko sa sarili. Habang kumakain nang agahan, sinubukan kong replayan ito.

"Hello! Sorry if i disturb you at this moment. I just want to say thank you for taking good care of me last night. At kung papayag ka, iimbitahan sana kita ngayong darating na linggo dito sa mansyon, dahil magdaraos nang pool party ang pinsan ko. And if you like to come, free to text me or call me."

Message sent..

Ilang minuto lang at nagreply na agad ito.

"I do love to come. See you wifey!"

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa reply nito. Pero may bahagi nang puso ko ang kinikilig at masaya at the same time ang kabilang bahagi naman ay kinakabahan at naiinis dahil ang ikli nang mensahe niya. I don't know what I'am feeling right now. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain hangang sa ako'y matapos at napagpasyahan nang maligo para puntahan ang iniwan na trabaho ni daddy para sa 'kin. At 'yon ang pamahalaan ang kompanya habang wala siya. Sanay naman rin ako sa ganitong responsibilidad dahil simula pagkabata tinuruan na nila ako kung ano ang mga dapat na gawin at hindi dapat gawin sa pagpapatakbo nang isang negosyo, kaya kabisado ko na ang pamamalakad nang kompanya namin.

-

-

-

Ayokong magpagabi sa opisina pero kailangan kong tapusin ang mga naiwan na trabaho ni daddy tulad nang paggawa ng panibagong marketing strategy dahil medyo matagal na rin 'yong advertisement namin sa TV. Kaya medyo tumutumal ang benta namin, so I need to think a new marketing plan.

Nang tumunog ang phone ko. Kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. I frowned when i saw who's calling..

"Yes! Mr. Calvin." May bahid nang pang-uuyam kong sagot.

"Mmp-mmp! Stopped calling me Mr. Calvin Louise," tila may iritasyon sa boses nito.

"Anong kailangan mo Mr. Claude?"

I need to be kind. 'Remember he took good care of you last night.' Bulong ko sa sarili.

"Im here at your parking lot building. Come over. NOW!" Napalayo ang bibig ko sa phone ko at napatitig rito.

'Siya nandito sa kompanya?'

"Hey! What are your doing? Bilis wifey."

Tila komando nitong sabi. Hindi ko alam kung bakit nagmadali naman akong tumayo at niligpit ang gamit ko saka binitbit at bumaba hangang parking lot. Nakita ko naman ito sa tabi ng isang Aston Martin na kotse habang nakatitig sa papalapit kong imahe.

I gasped when i reach him. He suddenly frowned.

"Naglakad ka lang ba pababa rito?"

He asked.

"Hindi naman kaso lang, medyo nalalayuan ako sa opisina ko."

He just grinned and looked at me head to toe. Nagtaas naman ako nang kilay sa kanya habang napapa-halukipkip

"What?"

"Wala lang, im just wondering what are you wearing now inside of that sexy sleeve and tight pants."

Napaawang ang labi ko at namilog ang mata sa kabastusan nito. Bigla-bigla siyang pupunta rito sa kompanya namin tapos ganito lang pala gagawin niya, ang asarin ako at bastusin! Namula ang mukha ko sa sobrang embarrassed.

"Why'd you like teasing me Kent! May nagawa ba akong mali o hindi mo nagustuhan para sa tuwing nagkikita tayo palagi mo nalang akong inaasar at pinapahiya? Ha!"

Hindi ko na maitago ang pagkainis at hinanakit sa pagtatrato niya sa 'kin. Nakatitig lang ito sa 'kin at bigla akong isinandal sa pinto nang kanyang Aston Martin at nagbaba nang tingin dahilan para magtama ang tungkil nang ilong namin.

"You're the one who's teasing me Serenity.. and it's driving me insane!"

Napasinghap ako at natigagal sa sinabi nito. 'Ako? It's me who's teasing him and driving him insane? Baliw ba siya! Paano ko naman siya naasar? And how can i drive him insane? Im totally confused now.' Nang bigla itong dumistansya sa 'kin at napamulsa.

"Get inside the car." Matipunong utos nito sabay bukas nang pinto sa side sit.

"W--why?" Nagtataka kong tanong.

"Just get in the car Serenity Louise! No asking."

Biglang nanindig ang balahibo ko sa katawan nang tinawag niya akong muli sa buo kong pangalan. Alam kong hindi ito nararapat na maramdaman ko, but it feels good when he called me on my full name. It's sounds hot and sexy! I know this is crazy to feel, but this is what im feeling right now.

Walang ano't sinunod ko naman siya at pumasok sa Aston Martin nito saka madali niyang sinara ang pinto at siya naman itong tinungo ang drive sit at mabilis na nagmaneho. Hindi ko alam kung ano ang naiisip at binabalak nito but i just sit in silence.

-------

Saan kaya sila magandang dalhin?😂 any suggestion?