Chapter 8: Sick

Seren's POV

Sobrang sakit ng ulo ko kahit hindi naman talaga ako gumapang sa kalasingan. Nakauwi pa nga ako nang safe sa bahay namin kahit nasagasaan ko 'yong gate namin dahil hindi agad nagbukas. Thanks god! Dahil narito rin si Landon kagabi na pinsan ko para tulungan akong makapasok ng matiwasay rito sa mansyon.

"Oh ano ka ngayon? Hang-over is waving na sa'yo." Panunudyo ni Landon sa 'kin habang binigyan ako nang ice bag. Agad ko naman ito nilagay sa noo ko at marahang idiniin.

"Bakit ka pala andito Landon?" Sabay tingin sa kanya. Umupo naman ang pinsan ko sa tabing sofa na kinauupuan ko.

"Gusto ko lang mag-unwind."

Kaswal nitong sagot. Alam kong hindi lang ito ang dahilan niya kaya siya narito. But I never ask more dahil ayokong dagdagan pa ang alalahanin nito. Lahat naman kami magpipinsan pressured sa mga parents naming puro pagpapalago lang nang yaman ang alam.

"Tapos dito talaga sa bahay namin Landon?"

"Bakit naman hindi? Eh! Ikaw lang naman nandito sa malaking mansyon niyo kasi 'yong mga magulang mo sa ibang bansa namamalagi."

Panunudyo nitong may katotohanan. Napapikit nalang ako at ninanamnam ang malamig na ginhawa na dulot ng ice bag sa noo ko.

"Alam mo pareho lang kayo ni Leeon." Turan ko sa kanya habang nakapikit.

"Bakit? Galing din ba rito si Leeon kahapon?" Nagtataka nitong tanong.

"Uhm-oum. Magdaraos raw siya nang pool party rito sa mansyon this coming sunday." Sagot ko.

"Talaga!" Mabilis itong tumayo na tila na-excite sa sinabi ko. Dahilan para magbukas ako nang isang mata at tignan siya.

"Yap."

"Tamang-tama pala ang uwi ko galing Japan." Tila masaya nitong turan. Tinaasan ko naman siya nang isang kilay.

"Boring kana ba do'n sa Japan Landon? Wala na bang party ro'n?" Pilosopang tanong ko sa kanya.

"Mayron naman cous, kaso iba pa rin kapag pamilya mo talaga ang kasama mo. At kapwa Pilipino ang kabonding mo."

Nakangising tanong nito. Napaikot nalang ang mata ko rito at muling pumikit.

"Saan ka naman uuwi?" I asked again.

"Bibili nang condo." Mabilis nitong sagot.

"Okay, “Maikli kong sagot.

"You want to eat?" Tanong nito sa 'kin.

"Yes! please cous. “Marahan kong sagot.

"Right away beautiful."

Sabay kindat nito at layas sa harapan ko. Dahil sa sinabi nitong 'beautiful ' nasagi tuloy sa isipan ko ang lalaking nakausap ko kagabi sa bar.

'Sino kaya 'yon? Bakit parang pamilyar ang amoy niya sa 'kin? Pero hindi ko lang talaga matukoy kung saan at kanino ko naamoy 'yong pabango na 'yon.

Ilang minuto pa at tinawag na ako ni Landon para kumain. May tiwala naman ako sa pinsan kong 'to dahil cooking ang hubbie nito.

-

-

-

Kent's POV

I texted her many times but she doesn't bothered checking or replying my messages. Kaya tinawagan ko naman ito and still she's not answering. Napipikon na ako at kulang nalang magsabog na ako nang galit rito sa loob nang kompanya ko.

"Find my wifey! Kilan."

Naiinis kong turan. Madali naman itong kumilos at lumabas ng opisina ko.

Ano ba kasi ang social media account niya? Kinuha ko ang phone ko at nagbukas nang account ko. Saka hinanap ang account nang mapapangasawa ko, Until I saw her friends account. Hindi ako pwedeng magkamali it's him!

Nang tumunog ang cellphone ko and looked who's calling. 'Kilan'

"Where is she?"

"Nasa mansyon lang po nila boss, natulog daw po ulit sabi nang kanyang katulong."

"Okay thank you."

Binaba ko agad ang tawag. Saka lumabas nang building. Mabuti nalang talaga at binigyan ako nang full access ng mommy ni Serenity na makapasok sa bahay nila kahit walang paalam. Dahil gusto nga nila magkaroon nang progress ang sa amin daw kunu nang anak nila. Pinuntahan ko ang mansyon nang mga Altamayor at naabutan naman ako nang mga katulong sa loob ng mansyon.

"Senyorito, narito pala kayo." Bungad ng katulong. Mabilis ko lang naman siyang nilagpasan at nagsalita.

"Saan senyorita niyo?" Tanong ko habang papaakyat ng hagdan.

"Nasa kanyang kwarto po Senyorito,"

Hindi ko na ito kinausap pa at tinungo ang kwarto ni Serenity. Pagpasok ko ay nilapitan ko agad ito sa kanyang higaan. Pamilyar na rin sa 'kin ang silid na 'to dahil nakapasok na nga ako rito.

"It's afternoon already Louise! Bakit natutulog kapa rin?"

May panunukso kong wika sa kanya. Ngunit hindi pa rin ito nagsalita kaya lumapit pa ako nang husto sa kanya at hinawakan ang balikat niya. F*ck!

"Your sick Seren," Bulas ko.

'Bakit hindi niya sinabi na may lagnat siya? Gusto niya ba mamatay sa init nang katawan niya.' Tinungo ko ang kanyang bathroom at kumuha nang face towel saka binasa at muling bumalik sa kanya at nilagay sa noo niya ang towel. Saka lumabas at tumawag nang katulong.

"Yaya, hindi niyo ba alam na may lagnat senyorita niyo?"

May bahid nang inis na tanong ko. Alam ko wala silang kasalanan, but it's their duty para alagaan at bantayan bawat minuto ang kanilang senyorita. Lumapit sa 'kin ang isang may katandaan na katulong at nginitian ako.

"Alam ko po senyorito, kaya lang po ayaw ni Miss na iniistorbo siya kapag nagpapahinga." Turan nito. I frowned. 'Miss? This old woman just called her miss?'

"Kaano-ano ka ni Seren?"

"Ako po ang kanyang personal yaya since baby pa po siya senyorito." Sagot nito sabay yukod.

"Pakidala nang mga kakailanganin niya."

Saka sabay silang tinalikuran at bumalik sa tabi kay Serenity saka upo sa sofa na katabi lang nito. Nasobrahan marahil siya sa inom kagabi kaya siya nagkalagnat. Ilang sandali pa at pumasok na ang katulong ni Seren at nilapag sa side table ang mga kakailanganin ko.

"May kailangan pa po ba kayo senyorito?"

Tumango ako at nagsalita.

"Bakit siya nagkalagnat?"

"Basta po nagpapagod siya masyado. Kasi nagkakasakit po siya agad kapag gano'n. Marahil napagod po siya kahapon sa dami po nang orders niya." Magalang nitong sagot.

"What's your name?"

"Melanie po senyorito, yaya Mel nalang po itawag niyo sa 'kin."Nakangiting sagot nito.

"Tumawag naba kayo nang doctor?"

"Hindi pa po senyorito, gusto niyo po tumawag ako."

"Bakit gusto din ba ni Seren magpatingin sa doctor?" Puno nang sarkasmo kong tanong habang walang anong ekspresyon ang mukha.

"Kapag lumala na po lagnat niya saka pa po siya nagpapatawag nang doctor. Ang gusto niya lang po kasi magpahinga, dahil nasanay na po siyang nag-iisa sa tuwing nagkakasakit siya." May pahiwatig nitong turan sa 'kin.

"Alone? Bakit saan pala naglalagi sila Mrs. At Ms. Altamayor?" I asked while trying to hide my interest on this conversation.

"Palagi po sila nangingibang bansa senyorito at paminsan po mga kaibigan niya lang po ang palagi niyang kasama sa tuwing nagkakasakit siya o nangangailangan nang karamay." Sagot nito.

Tumango lang ako saka sumenyas na lumabas na siya. Na-gets naman nito ang pagsenyas ko at umalis. Napapahilot naman ako sa aking sentido habang napapapikit at nirerelax ang likod sa sofa. Magkatulad pala kami. Dahil buong buhay ko mga empleyado, katulong at body guards ko lang ang palagi kong kasama. My parents weren't there for me everytime i get sick. Kahit nga kaibigan wala akong nakakasama. May mga kaibigan naman ako kaso napilitan akong iwan sila dahil sa mga nakaatang na obligasyon sa 'kin.

Namulat ako ng gumalaw nang bahagya si Serenity kaya nilapitan ko ito saka muling binasa ang bimpo na nasa noo nito. She's really pretty and elegant. im f*cking idiot for telling her that im not interested with her! Dahil ang totoo sobrang interesado ako sa kanya. At dahil sa interested nga ako sa buong pagkatao niya, kinakabahan ako at natatakot na mapalapit sa kanya. I just think that..

She's not good for my health. If totoo man ang mga sinabi sa 'kin ni Kilan na marahil may gusto sa 'kin si Serenity, dapat hindi. It shouldn't be.

-----------------

Huwag na kasing magpigil Claude.