Chapter 6: Deal
Kent's POV
Bakit ba palagi ko nalang siyang naabutan sa silid niyang nakahubad? Sinasadya niya bang hayaan ang damit niyang dumadausdus sa katawan niyang sobrang kinis at lambot.
'f*ck! So, this is what i get everytime we crossed paths. Nabubuhay niya ang halimaw sa loob ko and it's f*cking bothers me, Dahil parang nagiging addiction na itong nangyayari sa 'kin.'
Sinadya kong magpagabi sa opisina nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito without looking who's calling.
"What!" Angas ko sa earpod.
"May car racing, sama ka?" Sagot nang nasa kabilang linya. Napatingin naman agad ako sa caller ID. Si Zandro pala. Isa sa mga collector din ng sportscar.
"What time? Anong pusta?" I casually asked.
"5 million at isang McLaren 720S."
Bigla kong tinigil ang pagpipirma sa mga papeles na nasa mesa ko at biglang nagkaroon ng interes sa binanggit ni Zandro.
"Time?"
"Sabi ko na nga ba eh! Hindi mo ito tatanggihan." Bahagyang napatawa si Zandro sa kabilang linya bago muling magsalita.
"10pm. Aantayin ka namin."
Pagkasabi nito ay binaba ko agad ang cellphone ko at nag-dial muli saka tinawagan si Kilan isa sa mga tauhan ko na kanang kamay ko.
"Yes Boss,"
"Get my Ferrari sf90 on my garage, dalhin mo rito. May pupuntahan ako."
Pagkasabi ko ay binaba ko agad ang tawag at pumasok sa pribadong kwarto rito sa opisina ko at nagbihis. Wearing my gray v-neck shirt at black fit jeans paired with my black sandals. Ganito lang naman ako magbihis kapag out of business. Saka sinuot ang aking paboritong relo, i never walked without it.
Ilang minuto lang ang inantay ko at nasa baba na si Kilan. Kaya madali akong bumaba at ako na ang nagmaneho papunta sa race track namin nang mga kapwa ko adik sa racing. Pagdating ko ay tila halos laglag ang panga nila habang nakamasid sa 'kin pati sa kotseng dala ko. Mabilis akong sinalubong ni Zandro at nagpasamano.
"Woaw! You really bought it bro. Damn! Pinakamabilis na sportscar. Tiyak na panalo mo." Saad agad ni Zandro sa 'kin.
"Don't mention, baka umatras ang karamihan eh." Pagmamayabang ko. Nang may nakaturbong kotse rin ang huminto sa kung saan kami dahilan para mapakunot ang noo ko habang inaabangan ang pagbaba ng driver niyon.
'We have same car?'
Saka bumaba ang driver nito and stared at the women standing beside the car.
'SERENITY LOUISE!?'
"Damn bro! Ang hot ng isa sa makikipag-karera sa atin."
Sabat agad ni Zandro. Halos hindi naman maalis ang tingin ko sa imahe ni Seren sa kinatatayuan nito. 'She's so f*ck*ng hot and sexy, on her black leather jacket and knitted black jeans and boots. She's really looking for somebody's attention. Iniirapan naman niya ako kahit may kalalakihan siyang kinakausap.
'Hindi ba nila alam na mapapangasawa ko 'yang kinakausap nila. 'F*ck!' And to get their attention ay nilapitan ko si Seren and grimaced to annoyed her.
"Hi W-I-F-E-Y!"
Insiste ko sa salitang wifey! They all back off of her. Dahilan para magkaroon ako nang full access na kausapin ito. Nagsalubong agad ang kilay nito at napahalukipkip.
"Ano na naman ba 'yang trip mo ha! Kenneth Claude!?"
Masungit nitong tanong habang lumalaban ng pagtitig sa 'kin. Malayong-malayo sa kanyang imahe na mahinhin at malumanay kapag kasama niya mga kaibigan niya at mga tauhan niya.
"What are you doing here?"
I crossed my arms between my chest and looked at her with amazement. She really amazed me and it's f*cking turning me on.
"Makikipagkarera, bakit? Eh! Ikaw ba't andito ka?" Tanong nito balik sa 'kin habang napapasulyap sa mga sasakyan na nakapaligid sa 'min. Marahil hinahanap ng mata nito ang kotse ko.
"Same as what your up here, and i guess we have same car too." Antipatiko kong sagot sa kanya. Tinaasan ako nito ng kilay saka hinagip ng mata nito ang kotse ko.
"Well goodluck sa 'tin, be the best driver win." Ani 'to at akmang tatalikod na sana nang muli akong magsalita.
"Why don't we make a deal? Just the two of us?" Sabay kagat sa 'king pang-ibabang labi habang napapatitig sa kanyang magandang hubog ng hita.
'f*ck*ng sexy!'. Napalingon ito sa 'kin at tinaasan muli ako nang kilay.
"What deal?" Nilapitan ko ito nang ilang dipa lamang saka nagbaba ng mukha para pantayan siya saka siya pilyong nginitian.
"Be with me for one night if I win.. and if I lose hahayaan na kita at hindi na kita iistorbohin. Di 'ba 'yon naman ata ang gusto mo?" Kitang-kita ko ang paglunok nang laway nito at ramdam ko ang tensyon na namumuo sa katawan nito. 'This is how her body responds on me? F*cking sexy huh.
"Deal! Walang bawian ha."
Pagmamatapang nito saka bumalik sa loob nang kanyang kotse at pinaandar. ‘akala naman niya mananalo siya sa 'kin. I smirked and got inside my car then start the engine.
-
-
-
Seren's POV
'Leche! Natalo talaga ako. Bwisit na lalaki ang galing niya talaga magmaniubra nang sasakyan. Ang galing niya rin mag-distract ng focus ugh! Paano niya ako gano'n kadali natalo?' Halos hindi ako makalabas nang kotse ko dahil sa hiya. Lumapit ito sa gilid ng kotse ko at yumuko saka kumatok. Bahagya ko siyang pinagbuksan and glared at him.
"I know are deal!" Naiinis kong turan.
"See you tomorrow night my wifey, tetext ko sa'yo kung saan tayo magkikita please wear an easy undress clothes."
Sabay kindat nito sa 'kin. Madali kong sinara ang bintana at halos mapapalo ako sa manubela sa sobrang inis sa mapang-asar nitong ugali. 'Bakit ang bossy-bossy niya at annoying!?' Hindi na ako nagtagal sa lugar na ito at kusang pinaharurot ang kotse ko papalayo. Pagdating nang bahay ay naabutan ko ang pinsan kong si Leeon na mabilis akong inakbayan.
"Hey! Cous." Malapad na ngiti ang gumuhit sa mukha nito. Tinanggal ko ang braso nito habang papasok ng mansyon.
"What do you want again Leeon?"
I asked expressionless. Alam kong may kailangan ito kaya narito.
"Gusto ko sanang magpaparty nextweek Sunday."
"And?"
"Do'n sana sa may swimming pool niyo, pool party kunbaga."
Napaupo ako sa pang-isahang sofa saka napasandal sa pagod. Nakangisi lang naman ito habang nakatingin sa 'kin saka napaupo rin sa kaharap kong sofa.
"Dito talaga sa mansyon Leeon? Bakit sa bahay niyo pala?" Tanong ko sabay napapamasahe sa sentido.
"Malas nga eh! Kasi umuwi na si mommy at daddy galing hongkong, kaya hindi na lang roon ang venue." May bahid ng pagkadismayang turan nito. Napatingin ako sa kanya nang may bigla akong naisip.
"Can i invite my bestfriends?" Nakangiti kong tanong.
"Sure why not! Basta ba mga dalaga lahat. No problem." Sabay kindat nito sa 'kin.
"Okay fine! Papayag na ako. Kailangan ko rin ng maghappy-happy. Masyado na kasi akong nagagambala nang arrange marriage ng parents ko." Reklamo ko. Napasandal si Leeon sa sofa habang nakatitig sa 'kin.
"We don't have a say with that cous. Kahit nga ako baka matatapos na ang pagka-bachelor ko kapag hindi ko ginawang magulo ang buhay ko. Kaya nga nagpapa-pasaway ako eh! Para hindi maisip nila mommy na nag-matured na ako at nagtitino."
Sumbong din nito. We both exhaled softly. Saka nagtawanan, marami akong mga pinsan at isa si Leeon sa mga malapit sa 'kin. Puro din naman kasi lalaki ang mga pinsan ko eh! Kaya kahit matanda na ako they all care for me at ginagawa pa rin akong baby.
Nang naisip ko bigla ang deal namin ni Kent kanina. Kaya mas lalong nagpa-stress sa utak ko.
'ano kaya binabalak ng bastos na 'yon?'