Minsan ay katatapos lang ng kanilang klase na mga lalaki sa electronics na subject.
“I’m a Fat Fucker,” sabi ni Keith.
“What the—?” ani Cyler nang kinuha ng kaibigan ang papel na nakadikit sa likod niya. Binasa niya ito, mahigpit na kinuyumos saka itinapon.
Nakita niyang nag-high five sina Benjie at ang kaibigan nito. Agad niyang sinugod ito at saka sinuntok sa panga. Sapul ito at napadura ng dugo. Sumugod din si Benjie sa kanya nang galit.
“Sumusobra ka na, Cyler, ah!” anito.
Nasalag ni Cyler ang suntok nito at tinadyakan niya si Benjie sa tiyan. “That should be my line, Benjie!”
Sadsad na napabagsak sa sahig si Benjie. Bumangon ang huli at susugod ulit sa kanya nang pinigilan ito ng kaibigan at pati siya ay pinigilan na rin ni Keith. Hinawakan siya nito sa braso nang sobrang higpit.
“Ikaw lang naman ang puwedeng magsabi no’n, eh! Sinasabi ko na sa ‘yong tantanan n’yo na si Fiona!” nanggalaiting sigaw niya sa mga ito. His eyes were murderous.
“What’s this again, de Guzman, Santos?”
Napalingon sila kay Mr. Aranas na napadaan. Napansin nito ang duguang bibig ni Benjie. Napatingin ito sa kanila nang may babala.
“To my office, you two. Now!”
***
“What’s with you, Cyler?” galit na salubong ni Courtney kay Cyler nang makauwi siya sa bahay nila sa gabing iyon.
Sinundan siya nito sa kanyang silid nang hindi niya ito pinansin. Ngunit wala siyang ganang makipagtalo sa kanyang kapatid ngayon. Malamang makakarating din ang balita sa mga magulang nila at magagalit na naman ang mga ito sa kanya.
“Ever since na tumuntong ka ng senior high, naging basagulero ka na, ah! Parang wala ka nang ipinagkaiba sa mga tambay sa kanto!” pagpatuloy ng kapatid. “You weren’t like this before… before you met that ugly, fat—”
Malakas niyang itinabig ang lampshade. “Don’t you dare call her that!” Dinuro niya pa ang kapatid.
Napakurap-kurap si Courtney pagkaatras. Nagulat ito sa ginawa niya. Ngayon lang siya nagkaganito sa harap ng kapatid.
“What the fuck, Cyler? Ano ba’ng pinakain sa ‘yo ng so-called girlfriend mo at ganyan ka na, ha? You’ve gone completely mental!”
“What? You! You of all people! Why would you even call her ugly and fat? You don’t know her! They don’t know her. Alam mo bang kahit wala siyang ginagawa ay siya lang ang tanging taong nagparamdam sa ‘kin na may dahilan kung bakit ako nandito sa mundo, ha? Our parents don’t care about us! I tried my best to understand them. You should know that better dahil kapatid kita!” nanggalaiting aniya sa kapatid. “Kahit si Fiona ay pinagsabihan ako tungkol sa parents natin…” He combed his hair with his fingers, panting and angry. So angry. Nagbabaga ang mga mata niyang nakatunghay sa kapatid. “Anyway, you don’t have a clue about her. Nobody can see she’s my gem.”
Napakurap-kurap si Courtney na nakatitig sa kanya. “At ano ba ang nagawa ng gem na ‘yon para sa ‘yo, ha? Naging mabuting impluwensiya ba siya sa ‘yo? Ipinapahamak ka lang niya! You’re suspended for a few days, Cyler! Graduating ka pa naman. ‘Di ka nga makakadalo sa prom n’yo, ‘di ba?” punto ng kapatid.
“I don’t care about that damn prom! Si Fiona lang ang mahalaga para sa ‘kin. When I’m with her, it’s like I’m too far away from my own troubles. My family troubles! Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong lumayo na rito pero siya lang ang pumipigil sa ‘king gawin ang katarantaduhang naiisip ko. Siya lang ang nagbibigay sa ‘kin ng lakas para intindihin ang mga magulang natin. Hindi mo lang alam na gustong-gusto ko nang umalis sa pamamahay na ‘to matagal na!”
“What did you say?”
Humigpit ang panga ng binata habang nakatitig nang matalim sa kapatid. “I’m so done here, Courtney.” Napailing siya sa kausap. Umalis siya upang pumunta sa gym at doon niya inilabas ang lahat ng sama ng loob. He could just perhaps take a shower to calm down afterwards.
***
Napatitig si Fiona sa babaeng minsan na niyang nakita noon sa clinic na nagpagamot. Hindi siya makapaniwalang ito pala ang nakatatandang kapatid ng nobyo niya.
“You know what you are?” bungad nito sa kanya. “You’re like a round, fat flea! A pa-ra-site! Ginagamit mo lang si Cyler para may lumaban para sa ‘yo dahil sa mga nambu-bully sa ‘yo. At ano pagkatapos? Because of you, suspended si Cyler! Ni hindi nga niya ma-enjoy at ma-experience ang senior prom nang dahil sa ‘yo!” Mapagmata siya nitong tiningnan at galit pa. “You took everything from my brother. You’re sucking him dry!”
Alam na niya ang nangyari nang dahil kay Benjie. Nagkausap naman sila ng nobyo niya. Parang balewala lang nito ang nangyari pero siyempre naaapektuhan din naman siya. Alam niyang nagawa lang nito ang pambubugbog kay Benjie na suspended din dahil sa kanya. At kung siya nga ang sinisisi ngayon ni Courtney ay hindi niya ipagkakaila iyon. She could take the blame, of course. It was all because of her. Pero hindi naman niya ginusto na maging ganito ang mangyayari sa nobyo. Kita naman niya ang pagpipigil nito pero sa pagkakataong iyon ay siguro nasagad na si Cyler.
Pero ano nga ba ang magagawa niya para sa kasintahan?
“I want you to end your relationship with my brother as soon as possible. I don’t want him to go down just because of some fat bitch like you!” Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito.
Napalunok ang dalaga. Kahit hindi siya sinaktan nito nang pisikal ay sobrang sakit naman niyon sa kanyang puso. Ang sakit naman kasing magsalita ng kapatid ni Cyler. Ang buong akala niya ay mabait itong katulad ng nobyo pero hindi pala. Ang akala niya ay maunawain ito, subalit nagkakamali siya. Masama nga rin ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi boto sa kanya. Paano pa kaya ang mga magulang nito? Lalo na siguro.
Napabagsak siya ng upo sa isang bench sa may student lounge nang sapo ang dibdib. Napatingin sa kanya ang ibang mga estudyante na nakarinig sa sinabi ni Courtney at tinutuya siya ngayon ng tingin ng mga ito. Nagbubulung-bulungan din. Malamang makararating din ito kay Shiloh at magkakaroon na naman ito ng rason para awayin siya.
Napakuyom siya ng mga palad at pilit nilunok ang bumara sa kanyang lalamunan.
***
Sa gabing iyon ay halos hindi makatulog si Fiona. Kinumusta niya si Cyler sa pamamagitan ng text.
How are you? tanong niya pa sa text. Hindi ito sumagot kundi ay tumawag sa kanya.
“I’m fine, bae-beau. Don’t worry about me.” Rinig niya naman ang pagbuntong-hininga nito.
“Saan ka ngayon? Are you at home?”
“Yes, bae-beau. I’m on my bed, lying down.”
“Ako rin.”
He softly chuckled at that.
“I’m sorry, Cyler. Kasalanan ko ‘to.” Tumagilid siya sa paghiga at nakatitig lang sa dingding nang parang wala sa sarili.
“No, it’s not your fault, bae-beau. People are just so mean! They tend to look at other people on the outside, and they’re judgy. If only the society has no standards, this wouldn’t happen. I think the world is just filled with a lot of hate, negativity, and superficial beings who think of nothing but themselves. I hate it!”
Napahugot ng hininga ang dalaga. Kahit paano ay ramdam niya ang nararamdaman nito. Totoo naman kasi ang sinasabi nito.
“Cyler…” Napakagat-labi siya bago nagpatuloy sa naisip niya. Pero baka hindi naman tama ang naisip niyang makipaghiwalay rito. Baka lalo lang mapasama si Cyler kapag wala siya sa tabi nito. O hindi? She was in dilemma.
“Bae-beau, ‘wag ka nang mag-aalala. Just get some rest and sleep well, okay?”
“Sige. Goodnight,” nasabi na lang niya at napabuga ng hangin nang tumugon din sa kanya ang nobyo.