Chapter46: Pain
"Ano bang pag-uusapan natin?" si Cathy na nakaharap ng upo kay Miggy nasa terrace sila ngayon
"Eh di ba next week aalis na tayo sa company?" si Miggy
"Oo tapos?"
"Okay lang ba sayo kung, mangibang bansa na tayo?, don na muna tayo tumira ng mga bata?" na nakatingin ng maigi sa mukha ni Cathy
"Sa ibang bansa na tayo titira?, se-seryoso ka ba?"
"Oo kasi balak kong mag apply sa public hospital don sa Canada, sabi kasi ng tita Pia ko na nasa Canada, ay hiring daw doon ngayon, ano sa tingin mo hon?"
"Kakausapin ko na muna ang mga bata tungkol dyan hon"
"Oh sige, pakisabihan nalang ako agad sa magiging desisyon mo hon"
"Sige" na ngumiti kay Miggy
"Ah nga pala hon, sabi ni Andrew ikukuha ka daw nya ng bodyguard"
"Bodyguard???"
"What?? Seryoso ka ba??" si Michael na nakaupo sa sofa ng office ni Andrew, katabi nya rin sina Alli at Rodel
"Seryoso nga" si Andrew na nakatayo at nakapamulsa sa kanilang harapan
"Grabe ka naman brad gagawin mo lang kaming bodyguard?" si Alli
"Kala ko ba kailangan nyo ng pera?" si Andrew
"Oo nga, pero wag mo naman kaming gawing bodyguard, sa gwapo naming to magiging bodyguard lang kami?" si Alli
"Ba't di nyo na lang kasi kausapin ang mga parents ninyo na kayo na ang maghawak sa mga kompanya nila ng sa ganon ay magka income na kayo", si Rodel sa dalawang kaibigan
"Kung makapagsalita ka bro ah kala mo ipinagkatiwala ng mga parents mo ang company nila sayo" si Alli, at tinawanan lang sya ni Rodel
"Sino ba yang gagwardyahan namin?" si Rodel kay Andrew
"Grabe naman to sa term na gagwardyahan, ano yan priso?" si Alli na natawa, "pero seryoso bro sino ba yang babantayan namin?" na seryosong nakatingin kay Andrew
"Fiancée ng utol ko" na tinanggal ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nya
"What?, pero bakit??" si Michael
"Para hindi sya malapitan nang ex ng kapatid ko"
"Wait" si Michael na tumayo, "di ba yong girl na hinatid natin last night, sya yong ex ng brother mo?"
"Aha" si Andrew
"Ginugulo ng ex girlfriend ang new girlfriend ng brother mo?" si Rodel, tumango lang si Andrew sa kanya, "okay sige I'm in"
"What are you serious??" si Alli na nakatingin kay Rodel
"Magkano ang bigay mo samin buwan-buwan?" si Michael
"50k kada isa sa inyo" si Andrew
"Ang kuripot mo naman?" si Alli
"Okay sige maghahanap nalang ako ng iba" si Andrew na tumalikod
"Wait wait.. Okay ako sa 50k" si Michael
"Me too" si Rodel na nakangiti
"Okay good" si Andrew na humarap ulit sa mga kaibigan, what about you bro? "kay Alli
" Okay narin ako"
"Paalala lang, bantayan ninyo ng maigi si Cathy ha, pag kayo patanga-tanga wala kayong sahod sakin, do we have a deal?"
"Deal" sabay na sabi ng tatlo, napatayo narin sina Alli at Rodel sa kinauupuan
"Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit ikaw ang naghanap ng magiging bantay ng fiancée ng brother mo?" si Michael
"Oo nga, dapat ang brother mo" si Alli
"Ipinagkatiwala ng kapatid ko sakin ang bagay na to kasi alam nyang mas marami akong mapagkakatiwalaang kakilala na pwedeng kuning bantay"
"Weeh di nga" si Michael, "seguro type mo ang fiancée ng kapatid mo no?" na kumindat-kindat pa kay Andrew
"Hoy kayo talaga, tigilan nyo nga yan, pag yan si Andrew nagkagusto talaga don sa fiancee ng kapatid nya kasalanan ninyo" si Rodel, "alam nyo naman ang naging nakaraan ni Andrew at tsaka ng kapatid nya ng dahil lang sa isang babae, gusto nyo bang maulit na naman yon?"
"Oh bakit ako nasali dyan?, si Michael lang naman ang nagsabi ng kung anu-ano eh" si Alli
"Ito naman ang seryoso, joke lang" si Michael, "oy bro" na humakbang papalapit kay Andrew, "wag seryosohin ang sinabe ko, joke lang yon" na tinapik ang balikat ni Andrew
"It's okay" na ngumiti sa kaibigan, "so pano ba yan, bukas aantayin ko kayo dito sa office ko"
"Mga anong oras ba?" si Michael
"9:30am"
"Okay got it" sabay na sabi nina Alli at Rodel
"Papa totoo po ba na pupunta tayong Canada?" si Elaine na nakatingin kay Miggy, nasa hapag kainan sila ngayon
"Yes baby kun papayag si mommy ninyo" si Miggy na tumingin kay Cathy
Ngumiti naman si Cathy sa kanya, "nakausap ko na sila kagabi" ang mga bata ang tinutukoy, "at excited silang pumunta don"
"Pero mom, what about dad po? Can he come with us?" si Lucas
Nagtinginan lang sina Miggy at Cathy
"Maam, sir nandito po si sir Andrew at may mga kasama po sya" si nanay Nena na pumasok ng kusina
"Nay pakisamahan na po muna ang mga bata dito, pupuntahan lang namin sila Andrew" si Miggy na pinunasan ng table napkin ang bibig, "hon tara puntahan natin sila" kay Cathy at agad na tumayo, tumayo din agad si Cathy at sabay na silang lumabas ng kusina
"Bigatin din yang utol mo no?, sa edad na 28 ang dami na nyang naipundar" si Rodel na patingin-tingin sa kabuuan ng sala
"Parehas lang sila ni Andrew, ganon talaga seguro pag sobrang sipag sa trabaho" si Alli
"Oo wala kasi kayong sipag?" si Michael na nakangiti
"Wow nagsalita ang isa pang tamad" si Alli
"Hoy tama na nga yan, baka kung saan na naman mapunta yang biruan ninyo" sita ni Andrew sa mga kaibigan
"Bakit kasi ayaw akong pagkatiwalaan ng mga parents ko, kaya ko namang i handle na ang company nila eh" si Michael na umupo sa sofa, sumunod rin sa pag-upo si Andrew pati narin ang dalawa pang kaibigan
"Sila ba ang tinutukoy mo kuya?" si Miggy na nakahawak sa kamay ni Cathy, at papalapit sa kinaroroonan nila Andrew
"Yes bro, sila nga" na tumayo, "Si Michael, Alli, and Rodel, kaibigan ko silang lahat" at tumingin ulit kina Miggy at Cathy na nasa harapan na nila
"Akala ko ba bodyguard?" si Cathy na nakatingin sa tatlong binata na nakangiti sa kanya
"Hmm mas maigi kung bodyguards, para mas marami ang bantay mo" si Andrew na ngumiti kay Cathy
"Segurado ka kuya na sila ang magiging bodyguards ni Cathy?" si Miggy na palipat-lipat ang tingin sa tatlo
"Oo, bakit ayaw mo ba sa kanila?"
"Hindi naman sa ayaw, pero parang mayayaman tong mga to eh"
"Actually anak mayayaman talaga tong mga to" na umupo at tumingin sa mga kaibigan, "kaso nga lang, walang mga pangarap sa buhay kaya tinanggalan ng monthly allowance ng mga magulang kaya nangangailangan ngayon pera"
"Grabe ka naman sa walang mga pangarap brad?" si Rodel
"Oo nga nakaka hurt ka ng feelings" si Alli na nakahawak pa sa may dibdiban nya
Natawa nalang si Cathy sa kanila, "mukhang okay naman sila" si Cathy kay Miggy
"Ang ganda pala ng fiancée mo no?" si Rodel kay Miggy
"Maganda talaga to" si Miggy na hinawakan ang kamay ni Cathy at inalalayang umupo sa sofa na kaharap kina Andrew, "at tsaka sobrang bait pa nito, kaya mahal na mahal ko" na hinalikan si Cathy sa labi
Hinampas naman ni Cathy ang balikat ni Miggy, "ano ka ba?, nakakahiya" sita nya kay Miggy
"Ba't naman ako mahihiya?, eh super proud ako sayo" si Miggy na nginitian ng napakatamis si Cathy
"How sweet" si Alli, "sana magkaka lovelife narin ako"
Tinawanan naman sya ni Rodel
Si Michael ay kanina pa nakasulyap kay Andrew, nahahalata nyang nagseselos ito sa kapatid at fiancée nito
"Ahm.. Excuse me lang ha tatawagan ko lang ang secretary ko" si Andrew na tumayo at agad na umalis
"E-excuse din muna ako saglit ha?" si Michael
"Tatawagan mo rin ang secretary mo?" biro ni Alli sa kaibigan
"Sira ulo" si Michael at agad na sumunod kay Andrew
Di maiwasan ni Andrew na maluha ng nasa labas na sya, nasasaktan kasi talaga sya sa nakita kani-kanina lang. Ngayon lang sya nagiging ganto sa isang babae, eh simula't sapul kasi ay ngayon palang sya umiibig, "Lord ganto pala pag nagmahal no?, ansakit pala, pag makita mo ang taong mahal mo, hinahalikan ng iba sa mismong harapan mo??"
"So tama nga ako may gusto ka sa fiancée ng kapatid mo" si Michael na papalapit sa kanya
"Bakit mo ako sinusundan?" na pinunasan ang mga mata na nagluluha-luha
"Haha are you crying?" na nakalapit na kay Andrew
"Hindi ah, bakit naman ako iiyak?" na iniiwas ang tingin kay Michael
"Normal lang naman ang umiyak pag nasasaktan ka, di mo kailangang ikahiya yan" na tinapik ang balikat ni Andrew, "for the first time, ngayon lang kita nakitang umiiyak, sobrang mahal mo ba talaga?" na tumingin sa mukha ng kaibigan
"Seguro, kasi sobrang nasasaktan din ako eh" na tumingin narin sa kaibigan
"Ba't di mo nalang agawin sa kapatid mo?"
"Gago ka ba?, mahal na mahal ko rin yang kapatid ko at di ko kayang saktan sya, ayoko ng maulit na naman yong nangyari noon"
"Eh pano ka?, pano yang puso mo?"
"Kaya ko to" na ngumiti, "makaka move on din ako"
"Okay, sabi mo eh"
"Halika na balik na tayo sa loob, baka nagtataka na yong mga yon ba't ang tagal natin"
Ngumiti si Michael sa kaibigan, "Ang bait mo masyado brad"