Chapter 45: Pag-amin

Natapos narin ni Andrew sa wakas ang pagpirma sa mga documents na nasa mesa nya, isinandal nya ang kanyang ulo sa sandalan ng swivel chair, inabot nya ang kanyang selpon na nasa mesa at agad na binuksan ito, naisipan nyang mag facebook na muna saglit, scroll lang sya ng scroll ng mapadaan sa newsfeeds nya ang isang video, parang pamilyar sa kanya kaya viniew nya ito, "Oh my god, sina Miggy at Cathy to ah?" agad syang nagpunta sa contacts, hinanap ang numero ng kapatid at tinawagan, "Asan ka ngayon?, alam mo na ba ang tungkol sa video?, viral online ngayon ang video ninyo ni Cathy na naghahalikan sa kubo ng Resort ko, oh sige sige I'm on my way" na dali-daling tumayo at lumabas ng opisina nya, "Audrey may importanting lakad lang ako ha"

"Sige po sir, ingat po kayo"

Dali-daling umalis si Andrew

Galit na galit si Mike habang pinapanuod ang viral video nina Miggy at Cathy, "Trina humanda ka talaga sakin" na tumayo at agad na lumabas ng kwarto nya

"Buti at alam mo pa ang daan papunta dito sa bahay ko?" si Lexie na nakatayo sa harapan ni Trina

"Ito naman grabe mag tampo, na busy lang po ako kaya ngayon lang naka dalaw" na naka de kwatro ng upo

"Busy saan?, sa paninira ng pamilya ng iba?" na umupo sa upuang kaharap ni Trina

"Grabe ka talaga sakin, kaibigan ba talaga kita??" na tumayo

"Oh saan ka pupunta" na nakatingin kay Trina

"Sa kusina kukuha lang ako ng beer" na aalis na sana

"Di na ako bumibili ng beer"

"What??" na napatingin sa kaibigan, "alam mo namang beer agad ang hinahanap ko pag nagpupunta ako dito di ba?"

"Eh ilang buwan ka na kayang di nagpunta dito, malamang ititigil ko talaga ang pagbili ng beer alam mo namang di ako mahilig don"

"Ito naman" na umupo ulit

"Dapat kasi tatawag ka pag pupunta ka dito ng maipaghanda kita ng beer mo"

"Oo na sa susunod" na nagtatampo

"Babalik na ako ng UK next week, sumama kana kaya sakin" na tinitingnan ng diretso si Trina

"I can't, marami pa akong dapat asikasuhin dito, maybe next time" na naka de kwatro ulit

"Anong dapat mong asikasuhin??, Trina hiniwalayan ka na ni Mike, ginawa na nya ang tama, pwede bang pati ikaw gawin mo narin ang tama"

"Tama?, tama ba yong iniwan nalang nya ako bigla dahil sa narealize nyang si Cathy parin talaga ang mahal nya?, what a big bullshit, hindi ko matanggap" na napaayos ng upo

"Trina.. Makinig ka naman sakin please.., tumigil ka na, sumama ka na sakin sa UK, malay mo nandon ang kasiyahan na hinahanap mo"

"Hindi ako sasaya hangga't nakikita kong masaya si Cathy"

"Nagiging inggitira ka na, hindi ka talaga sasaya sa buhay mo hangga't pinapairal mo yang inggit sa puso mo"

"I don't want to hear your nonsense, nagpunta ako dito para mag relax pero bubunganga-an mo na naman ako?, litseng buhay naman to oh" na tumayo

"Katrina!!" si Lexie na tumayo rin at lumapit kay Trina, "makinig ka naman sa akin please.."

"Hindi kita nanay para pangaralan mo ako, wala kang karapatan" at agad na lumagapak ang pisngi nya dahil sa pagsampal ni Lexie sa kanya

"Napaka bastos mo na"

"Bumalik ka na ng UK  at wag mo na akong alalahanin pa" at agad na lumabas ng bahay

"Dyos ko, sana matauhan na ang babaeng yon, wala syang mapapalang maganda sa ginagawa nya" si Lexie na nakatingin sa papalayong si Trina

"Bakit nag-abala ka pang ihatid ako, pwede naman akong mag commute" si Cathy na naka upo sa frontseat ng sasakyan ni Andrew, di sya makatingin ng diretso sa lalaki dahil naiilang sya dito

"Utos ng fiance mo na sunduin kita at ihatid sa bahay nya ng safe" si Andrew na nag da-drive, "napanuod mo na ba yong video?"

"Ah yong scandal namin ni Miggy?" na tumingin saglit sa lalaki

"May idea ka ba kung sino ang may gawa non?"

"Hindi naman sa nambibintang ako, pero malakas ang kutob ko na si Trina ang may gawa non"

"Parehas pala tayo ng pinaghihinalaan, pero hangga't wala tayong patunay na sya nga ang may gawa, hindi natin sya pwedeng basta-basta nalang sugudin"

"Wala akong balak na sugudin sya, ang sa akin lang ay ang mabura ang video" si Cathy na nakatingin sa labas ng bintana

"Wag kang mag-alala, ako na ang bahala"

"Trina buksan mo to!!, Trina!!" si Mike na kinatok ng malakas ang pinto ng condo ni Trina, "Trina!! Sisirain ko tong pinto mo!!"

"Babe? What are you doing here?" na kakarating lang

"Nandyan ka lang pala" na humarap sa babae, "buksan mo tong pinto, mag-uusap tayo sa loob"

"Okay" na nakangiti at agad na kinuha sa loob ng kanyang sling bag ang susi, binuksan naman nya kaagad ang pinto, "Come'in babe" na naunang pumasok, "buti naman at naisipan mong dalawin ako??" na humarap sa lalaki

Agad na pumasok si Mike at isinara ang pinto, "Ikaw ba ang nag upload nong video?"

"What?, what video??"

Kinuha ni Mike ang kanyang selpon at pinakita kay Trina ang video na tinutukoy nya, "itong video na to, ikaw ba ang nag upload nito?" na dahan-dahang humahakbang papalapit kay Trina

"Hi-hindi ako, ba't naman ako pagbibintangan mo?" na umaatras at di kayang tingnan si Mike sa mga mata

"Don't lie to me, aminin mo na sakin ngayon kung ikaw ba ang may gawa nito!!?" na sinigawan si Trina

"Oo!! Oo ako nga ang may gawa nyan, happy??" na patuloy sa pag-atras, hanggang sa wala na syang maatrasan dahil nakasandal na ang likod nya sa pader

"Hayop ka talaga" si Mike na nanlilisik ang mga mata, "di ba sabi ko sayo tantanan mo na si Cathy?" na ilang hakbang nalang ang layo kay Trina

"Naalala mo rin ba ang sinabe ko sayo na pagsisisihan mo ang ginawa mong paulit-ulit na pagtataboy sakin? di ba sinabe ko sayo na pagbabayaran ni Cathy ang lahat ng to??" agad syang sinakal ni Mike, "Mi-Mike bitawan mo ako" na tinatampal ang mga kamay ni Mike na nakahawak sa leeg nya, naluluha sya sa sobrang higpit ng pagkakasakal ng lalaki sa kanya

"Hayop kang babae ka, ang dapat sayo ay mamatay na" si Mike na nangigigil sa galit

"Mike pa-parang awa mo na, di a-ako makahinga, please.." na natulo ang mga luha

Natauhan naman kaagad si Mike kaya binitawan nya ang leeg ng babae, paupong bumagsak sa sahig si Cathy na umiiyak ng malakas sa sobrang takot

"Sa susunod na may gagawin ka kay Cathy, pasensyahan tayo baka hindi na ako makapag timpi pa" si Mike at agad na lumabas ng condo, naiwan si Trina na humahagulhol ng iyak

"Okay na pala kayong dalawa?" si Andrew kina Miggy at Mike, nasa bahay sila ngayon ni Miggy nakaupo sa mahabang sofa na nasa sala

"Ano ba yang mahalagang sasabihin mo sa akin at kailangan mong magpunta dito sa bahay ko ng dis oras ng gabi?" si Miggy kay Mike

"Tungkol ito sa kumakalat na video"

"May alam ka kung sino ang may gawa non?" si Miggy

"Si Trina malamang" si Andrew na naka de kwatro

"Si Trina??" si Miggy

"Oo si Trina" si Mike

"Sabi ko na nga ba eh, kelan ba talaga titino ang babaeng yon?" si Andrew

Tumayo si Miggy sa kanyang inuupuan, "hindi titigil ang babaeng yon hangga't hindi sya nakukulong"

"Muntikan ko na syang mapatay kanina" si Mike

"What??" sabay na sabi nina Andrew at Miggy

"Anong ginawa mo sa kanya?" si Miggy na napaupo ulit

"Di ko nakontrol ang galit ko kanina ng aminin nya sakin na sya ang may gawa nong pagpakalat ng video, nasakal ko sya kanina, buti na lang at bumalik ako sa aking katinuan"

"Oh my god, mukhang magiging krimenal ka pa ata ah ng dahil lang sa babaeng yon" si Andrew na napailing-iling

"Masyado nang desperada ang babaeng yon, hangga't malaya syang nakakagalaw makakagawa at makakagawa sya ng masama kay Cathy, kailangan na natin syang ipakulong" si Miggy

"Wala tayong hawak na ebidensya para maipakulong natin sya" si Andrew

"Hindi pa ba sapat yong pag-amin nya kay Mike na sya nga ang nagpakalat ng video namin ni Cathy?" si Miggy

"Nairecord mo ba ang pag-amin nya Mike?" si Andrew

"Hindi, nawala sa isip ko"

"Oh di wala tayong ebidensya"

"Paaminin natin sya ulit, at ng marecord natin" si Miggy

"Imposibleng mapapa-amin natin sya ulit" si Andrew

"So ano, mag-aantay nalang tayo sa susunod nyang gawin kay Cathy?, ganon ba?"

"Ba't di mo ikuha ng bodyguard si Cathy?" si Andrew

"Bodyguard??" si Miggy