Chapter1: Meeting my Boss

Maaga akong gumising para maghanda ng aalmusalin ng mag-ama ko. First day ko kasi ngayon sa trabaho as secretary, kaya kahit alas kwatro palang ng madaling araw ay gising na ako. Nang matapos ko na lahat ay agad na akong naligo, at nag-ayos ng sarili, tiningnan ko ang oras sa maliit kong alarm clock 5:45 na kaya napagdesesyonan kong gisingin na ang mga bata at ang asawa ko dahil may pasok pa ang mga anak ko. Gabi pa naman ang pasok ng asawa ko pero dahil nga sa wala pang bantay ang mga anak namin kaya kailangang sya muna ang mag-aasikaso sa mga bata at maghatid sundo sa skol. "bhey,, gising kana, bhey.." gising ko sa asawa ko, "bakit ba antok pa ako eh" sabi ni Mike sakin na parang ayaw pa talagang bumangon. "eh bhey kailangan mo nang bumangon walang mag-aasikaso sa mga bata papasok na ako sa trabaho, sige na gising kana please". Yugyog ko parin sa asawa ko. "sige fhey babangon na ako, give me 2 minutes". at niyakap ang unan, "oh sige gigisingin ko na muna ang mga bata" at lumabas ako ng kwarto namin.

Natapos ko nang gisingin ang mga bata at dahil sa hindi pa bumaba si Mike at dahil sa may libre pa naman akong oras ako na muna ang nag-aasikaso sa mga bata, pinaliguan at sinuotan na din ng kani-kanilang uniporme. Si Lucas ang aking panganay sya ay 7yrs old at nasa ikalawang baitang na sya, ang bunso ko namang si Elaine ay 5yrs old at nasa nursery pa lang. Mag se-seven na ng umaga pero hindi parin nababa si Mike, patapos narin kami ng mga batang mag-almusal, kaya dali-dali akong nagtungo sa kwatro namin ni Mike para gisingin sya ulit dahil panegurado natulog uli ito. At yon nga tulog na tulog ito ng madatnan ko, "Mike!! Hoy ano ba! Malelate nako sa trabaho,, gumising kana ihatid mo na ang mga bata sa eskwelahan. Hoy!!!" na pinukpok ko na sya ng unan.. "Oo na oo na gigising na" at bumangon na nga sya, "anong oras na ba?" habang nakapikit pa ang mga mata,, "7:10 na po, kailangang wala pang alas otso nasa opisina na ako, malilintikan ako nito ng boss ko pag ma late ako",, "sige na fhey ako na bahala sa mga bata, mag-aayos lang ako ng sarili ko" at tumayo narin sya sa wakas. "Sige na hubhey mauna nakong aalis sa inyo" at lalabas na sana ako. "Saglit lang fhey antayin mo'ko isasabay ka na namin ng mga bata". "Wag na bhey" agad ko namang sabi" malelate kami parehas ng mga bata nyan, sige na mag tataxi nalang ako" at lumabas na nga ako ng silid, nagpa-alam narin ako sa mga anak ko at humalik sa kanilang mga pisngi.

Habang nasa taxi ako ay nag-aayos ako ng aking sarili , dahil sa na busy ako kanina sa bahay nakalimutan kong maglagay ng make-up sa aking mukha. Hindi talaga ako nalabas ng bahay ng walang make-up, para sakin kasi walang kabuhay-buhay ang itsura ko pag wala akong make-up. Naglagay ako ng cream saking mukha, pagkatapos nagkilay rin ako, pina curl ko ang eyelash ko, nag liptint, at naglagay ng kunting blush on. Pagkatapos ay sinusuklay ko ang straight at maitim kong buhok na hanggang bewang ko lang. Nang huminto na ang taxi agad akong nagbayad, "heto po bayad kuya, salamat po" nakangiting sabi ko. "salamat po maam, ingat po kayo" nakangiting sabi rin nito habang kinuha ang binayad ko. Dali-dali akong bumaba ng taxi, at patakbong pumasok sa kompanya. Sumakay ako ng elevator papuntang 10th floor dahil nandon ang office ng boss ko. Ngayon ko palang makikita at makikilala ang boss ko dahil hindi naman sya ang taong nag interview sakin nong ininterview ako, ang sekretaryang papalitan ko ang syang nag hire sakin. Nang makarating nako sa 10th floor, bumukas kaagad ang elevator at agad-agad din naman akong lumabas, hinanap ko kaagad ang President's Office.

"Why are you late?" si Mr. De los Reyes, sya ang boss ko, nakaupo sya sa kanyang kulay itim na swivel chair. "" di ba nasabi sayo nitong si Ms. Bernaldez na bago paman mag alas otso ay dapat nandito kana? " habang nakatingin sya sakin." Dyos ko Lord medyo masungit pala tong boss ko" sa aking sarili. "sorry po sir di ko po kasi nasabi kay Ms. Gracia ang tungkol dyan, pasensya na po" agad namang sabi ni Ms. Bernaldez na nasa aking gilid. Napatingin nalang ako kay Ms. Bernaldez dahil ang totoo nabanggit nya sakin ang tungkol dito, nalate lang talaga ako dahil sa natagalan ako sa bahay. "Sa susunod ayoko nang malate ka, do you understand?," yes po sir" agad ko namang sagot. "Ms. Bernaldez?," yes po sir? "na nakatingin sa boss namin." ituro mo na sa bagong secretary ang mga dapat nyang matutunan at malalaman ng sa ganon ay hindi sya paanga-anga", nanlaki naman ang mga mata ko sa huling binanggit ng aking boss,, "paanga-anga?, grabe naman to ang sungit" sa aking sarili.. "ahm wag po kayong mag-alala sir fast learner po ako" nakangiti kong sabi sa boss ko. "okay well see, hmm you two can leave now marami pakong gagawin" at ibinalik na ulit ang tingin sa mga papel na nasa harapan nya. Agad naman kaming lumabas ni Ms. Bernaldez.

"pasensya ka na kay sir Ms. Gracia ha" mahinahong sabi sakin ni Ms. Bernaldez. "it's okay, wala naman tayong magagawa kong sungitan nya tayo ng sungitan eh boss natin sya eh, kaya pakumbaba lalo na ang mga kagaya kong nangangailangan talaga ng trabaho". Habang nakangiti ako sa kanya. Ngumiti rin naman sakin si Ms. Bernaldez. "nga pala Ms. Gracia di ba may asawa't mga anak kana?,,," Oo bakit? ".." napaisip lang kasi ako, bakit Ms. Gracia parin ang gamit mo? ",, ngumiti naman ako sa kanya" ano kasi hindi pa kami kasal ng live in partner ko",, "ah kaya pala, so kelan nyo po balak??".