Chapter 2: Beating Behind the Bush

Alas otso na ng gabi ng maka-uwi ako sa bahay, nadatnan kong nagbibihis na ang asawa ko.

"papasok ka na ba? " "

"yes fhey napatulog ko narin ang mga bata, kumain ka na rin may tinira akong pagkain sayo nasa ref initin mo nalang ang mga yon" sabay halik sakin sa labi.

"sige bhey mag-iingat ka"

At lumabas na ng bahay si Mike, nilapag ko sa sofa ang aking shoulder bag at umupo na muna ako dahil akoy pagod na pagod pa, ang dami kasi naming ginawa kanina ni Ms. Bernaldez, isang linggo nalang sya sa kompanya, ang sabi nya sakin pinag reresign na sya ng jowa nyang kano, magpapakasal na daw kasi sila at dadalhin na sya nito sa America. Kaya napilitan si Mr. De los Reyes na magpahanap ng magiging kapalit nya at ako ang napili ni Ms. Bernaldez para syang papalit sa kanya.

"Salamat naman at pumayag ka sa pakiusap ko sayo" ang sabi ko sa kapatid kong si Carla habang naghahanda ako ng baon ng aking mga anak

"Ay pasalamat ka mahal ko yang mga cute kong pamangkin, at tsaka 1week naman akong naka leave eh kaya okay lang" na kumakain ng saging na lakatan

"yon na nga eh naka leave ka para magpapahinga tapos inaabala pa kita"

"aysus ano ka ba te, syempre kapatid kita tutulungan kita,, pero oy maghanap narin kayo ni kuya Mike nang magiging bantay ng mga bata ha"

"yon nga gagawin namin ni Mike napag-usapan narin namin ang tungkol dyan".

"Where's Malina?"

"po?" na may halong gulat, di ko kasi napansin ang paglapit ng boss ko saking table,, "Ahm si Ms. Bernaldez po ba?"

"Yes where is she?"

"maaga po syang umuwi, susunduin daw po nya ang boyfriend nya sa airport"

"is it today?"

"po?"

"nothing, ahm what's my schedule for today?"

"may meeting po kayo mamayang 3pm , at may ime-meet up kayong client mamayang 5pm"

"cancel the meet-ups" habang nakatitig sakin

"okay po sir"

Umalis narin sya kaagad pagkatapos akong kausapin,. Gwapo, matangkad, maputi, at maganda ang katawan ng boss ko. Sya ang tipo ng lalaki na talagang kababaliwan ng mga babae, kahit seguro ako kung wala pakong asawa baka magkakagusto rin ako sa kanya. Napangiti at napailing-iling nalang ako sa mga naiisip kong iyon.

Pabagsak na umupo ng swivel chair ang aking boss, inilapag ko naman sa table nya ang mga papeles na dala dala ko.

"ahm sir may iuutos pa po ba kayo sakin?"

Tiningnan nya lang ako,.

"pag may kailangan po kayo sir tawagin mo na lang po ako, marami pa kasi akong kailagang gawin don sa may table ko"

"Am i not worth it?"

"Po?"

"Nothing, you can leave now" at hinawakan ang ballpen nya

"okay po" at lumabas nako ng office nya.