Chapter 16: Heart beat
Naglalakad kami ni Paizel dito sa mall. Bibili kami ng mga school supplies ngayon. Kanina ay dumaan kami kina Arielle ngunit hindi siya sumama sa amin. Pansin ko ang pag-iwas niya sa akin ngunit pinagsawalang bahala ko 'yon sa ngayon.
"Saan tayo kakain?" tanong ko kay Paizel.
"Doon na lang sa favorite kong fast food chain. Okay lang ba?"
"Oo naman."
Sinundan ko siya kung saan man siya pumuntang kainan. Gutom na ako, gusto ko na lang mag-lunch kahit saan.
Pumasok kami sa 'di ko kilalang kainan. Naririnig ko ang restaurant na ito sa mga pinsan ko noon ngunit ngayon pa lang talaga ako makakakain dito. Nilibot ko ang aking paningin. Marami-rami ang kumakain ngayon, dahil na rin siguro oras ngayon ng tanghalian.
Umupo si Paizel sa isang lamesa malapit lang sa may counter, umupo na rin ako roon.
May lumapit sa aming waiter,
"Creamy pasta and mango graham shake" saad ni Paizel para sa kaniyang order.
Dahil wala naman akong magustuhan sa menu at first time ko pa lang dito ay katulad na lang ng kay Paizel ang inorder ko,
"Tulad na lang noong sa kaniya."
Umalis ang waiter. Sa kalagitnaan nang aming paghihintay ay tumunog ang cellphone ko. May nagtext dito,
Kavez:
Good afternoon. Kain ka na :)
Napangiti ako dahil doon.
You:
Kakain pa lang. Ikaw kumain ka na.
"Kumain ka na, 'wag ka na munang makipagtext diyan kay Kavez," ani Paizel.
Hindi ko napansin na nahain na pala sa amin ang mga pagkain. Nagsisimula nang kumain si Paizel kaya sinimulan ko na rin ang akin, hindi na muna tiningnan ang reply ni Kavez.
"Yexie!" rinig kong tawag sa akin ni manang Lerma sa labas ng aking kwarto.
"Bakit po?"
Nag-aaral ako ngayon. Final exam na kasi namin next week.
"Nasa baba si Kavez, pinapasok ko na"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni manang Lerma. Dali-dali akong pumunta sa harap ng aming salamin at tiningnan ang aking sarili, 'di ako nakaayos!
Pumunta ako ng mabilis sa closet ko at naghanap ng maayos-ayos na damit. Hindi maayos ang suot ko ngayon at magulo ang buhok dahil wala akong balak bumaba dahil sa aking pag-aaral para sa darating na exam.
Nag-ayos na rin muna ako ng buhok at mukha bago bumaba.
Habang pababa sa hagdan ay nakita ko si Kavez na may dala ulit na boquet of roses at chocolate.
"Bakit lagi mo kong dinadalhan ng rose?" 'yon ang bungad kong tanong sa kaniya kahit na gustong-gusto ko naman ang gingawa niyang ito.
"Nahalata ko kasi na gusto mo ang rose eh," sabi niya nang nakangiti.
"Paano mo nalaman?"
"Naramdaman ko lang,"
Humalkhak ako sa sinabi niya.
"Halika sa dining. Kain muna tayo," anyaya ko sa kaniya.
Sumunod siya sa akin. Ako na ang naghain ng mga pinggan para sa amin. Habang ginagawa ko iyon ay tinanong ko naman siya,
"Bakit ka nga pala naparito?"
"Next week na 'yong exam. We will study. It is okay?"
Nagulat ako sa sinabi niya sabay tawa,
"Nag-aaral ka pa pala?"
"Oo naman. Kailangan eh," saad niya sabay tawa rin.
"Okay, we will study after we eat," sabi ko pagkatapos ng aking halakhak.
Matapos kumain ay pumunta na kami sa sala,
"Dito ka muna, kukunin ko yung mga gamit ko."
Aakyat na sana ako ng may naalala ako,
"May dala ka bang notes or pag-aaralan mo?" tanong ko sa kaniya.
"Meron, I will just get it in my car."
Tumango na ako at nagpatuloy na sa aking pag-akyat. Nang pababa na ako ay siya ring pagpasok ni Kavez dala ang mga libro at notebooks.
"Wow! Handa ka talaga ah?"
"Oo naman, pinlano ko ito," humalakhak siya.
Hala! Ang gwapo niya sa tawa niyang 'yon.
"Alam mo ba ito? 'Di ko masyadong gets eh,"
Tiningnan niya kung anong lesson ang hindi ko maintindihan. Ipinaliwanag niya ito sa akin at ilang minuto lamang ay naintindihan ko na ito. May tinatago rin pala siyang talino eh.
"May hindi ka pa ba naiintindihan?" tanong niya sa akin ng naging tahimik na ako dahil sa pagrereview.
"Okay na lahat," sagot ko sa kaniya nang nakitingin pa rin sa pinag-aaralan.
Randam ko na hindi niya pa rin tinatanggal ang titig niya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya. Nagkatinginan kami ng matagal. Nag-iwas ako ng tingin ng nakabawi at namula ang aking pisngi, ramdam ko rin na bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Pinagtuunan ko na lamang ulit ng pansin ang aking libro.
Habang naglalakad papasok sa school ay nakasalubong ko si Sercide.
"Oy Sercide!"
Napatingin siya sa akin, kanina ay hindi niya pa ako napapansin at patuloy lang siya sa paglalakad.
"Oh Yexie, nakapag-aral ka na?" kaswal na tanong niya.
"Oo naman, ikaw?" balik kong tanong sa kaniya.
"Syempre naman"
Biglang dumaan si Arielle sa gitna namin, tatawagin ko sana siya ngunit dire-diretso at mabilis ang kaniyang lakad.
"Okay lang ba kayo ni Arielle?" tanong ni Sercide.
"Hindi ko nga alam eh. Pansin ko umiiwas siya," malungkot na saad ko.
"Kausapin mo na lang."
"Gano'n na nga ang gagawin ko."
Pagkarating sa room ay umupo na kami ni Sercide sa aming mga upuan. Naghintay kami sa pagdating ng professor para sa pagbibigay ng exam.
Ginala ko ang aking mga mata sa loob ng aming room. Ang iba kong kaklase ay nagcecellphone at ang iba naman ay nag-aaral, kasama na roon si Paizel. Napatingin ako kay Arielle. Nakatingin siya noong una sa akin ngunit nang nakita niya na nasa kaniya rin ang mga mata ko ay bigla niyang iniwas ang tingin. Kumunot ang noo ko dahil doon. Tatayo sana ako para kausapin siya ngunit siya namang pagpasok ng aming professor kaya napaupo na lamang ulit ako.
Mabilis kong nasagutan ang mga tanong sa exams namin dahil sa pag-aaral ko noong weekend at dahil na rin sa pagtuturo sa akin ni Kavez.
Ipinasa ko na ang exam ko at tiningnan ang upuan kung saan nakaupo si Arielle, wala na siya roon. Gusto ko siyang makausap pero nakauwi na ata siya. Hindi rin siya sumabay sa amin ni Paizel kanina sa break.
Kinakabahan ako ngayon dahil ibinibigay na sa amin ang resulta ng exams namin noong nakaraan.
"Vollira, Sercide."
"Larren, Paizel."
"Bernal, Arielle."
"Klimpton, Kenth"
"Arabelle, Yexie."
Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko habang naglalakad para kunin ang exam results ko. Pagkarating sa harap ni Ms. Clayden, ang professor namin na nagbibigay ng exam results, ay ngumiti siya sa akin at ibinigay na ang exams ko.
Pagkabalik ko sa upuan ay binuklat ko ang papel kung nasaan ang score ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong pasado ako!
"Paizel, pasado ka?" tanong ko sa kaniya.
"Oo!" masayang sambit niya.
Tumingin ako sa upuan ni Arielle, wala na siya roon. Gusto ko siyang makausap kahit saglit lang ngunit halata talagang iniiwasan niya ako. Imbis na maghintay sa wala ay nagpaalam na ako kay Paizel,
"Uwi na ako, ikaw ba? Sabay ka?"
"Hindi na, susunduin ako ni manong eh," sagot niya.
"Sige."
Sinimulan ko na ang paglalakad palabas ng room. Nang nasa may corridor na ako ay naramdaman kong biglang may kumuhit sa akin na siyang dahilan nang pagsigaw ko,
"Ahhh!"
"Lar, kuhit lang 'yon. Sumigaw ka agad eh," biglang sulpot ni Kavez sa harap ko.
"Kahit na!" pagalit kong sigaw sa kaniya.
"Nakapasa ka ba sa exams?" pag-iiba niya sa usapan.
Dahil sa tanong na 'yon ay nawala ang galit ko at napalitan ito ng isang malaking ngiti.
"Oo naman, thank you for helping me."
"You're welcome."
"But, how about you?" balik kong tanong sa kaniya.
"Oo naman, ako pa ba!" pagmamayabang niya.
Tinawanan ko na lamang ang inasta niya.
"Ah! We should celebrate!" sigaw niya.
"Pwede naman!"
"Oh sige!" sambit niya sa napakasayang tono.
Habang nagbibiyahe ay diretso lamang ang tingin niya sa daan samantalang ako ay palipat-lipat ang tingin sa labas ng bintana, sa kaniya at sa aking cellphone.
"Okay lang ba sayo na dito na lang tayo kumain? Maggagabi na eh. I should drive you home before 7"
"Oo naman, okay na rito," sagot ko sa kaniya.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko, dahil sa katagalan kong gawin iyon, pag-angat ko ng tingin ay hindi ko namalayan na nabuksan na pala ni Kavez ang pinto na nasa tabi ko at tutulungan na sana akong magtanggal ng seatbelt. Mabilis ko na lang na iniwas ang paningin sa kaniya.
Bumaba ako ng sasakyan nang namumula ang pisngi, mabilis at malakas ang pintig ng puso.
Pumasok na kami sa fastfood chain na aming pagkakainan. Kumalma na ako ng tuluyan nang makapasok roon. Naghanap muna kami ng mauupuan.
Hihilahin ko na sana ang upuan nang hinila na ito ni Kavez para sa akin. Dahan-dahan ako umupo habang nakayuko ng kaunti ang ulo.
"Anong gusto mo Lar?"
"Kahit ano na lang," saad ko sabay ngiti sa kaniya.
Kumuha ako ng pera sa aking wallet at pinatong sa mesa.
"Para sa bill ko," sambit ko habang nakapatong ang kamay sa pera.
Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay kong may pera.
"Ako ang magbabayad," sabi niya nang nakangiti.
Pilit rin akong ngumiti. Ilang segundo ang lumipas ay tinanggal ko na ang kamay ko kasama ang pera.
"U-uh salamat."
Tumayo na siya at umorder na.
Rinig na rinig ko ang muling pagbilis at paglakas ng pintig ng puso ko kahit na hindi ko naman hinahawakan ang palapulsuhan at bandang dibdib ko.
Napapadalas ata ito tuwing kasama ko si Kavez.