Chapter 12: KABANATA 11

MYCA’S POV

Wala akong oras para isipin kung bakit nandito ang taong iyon. I did everything to give him warm because his body will never stop from trembling. Sa lahat ng ginawa ko ay saka lang siya medyo uminit nang naka limang makakapal na kumot siya. Hindi ko siya kayang iakyat sa taas kaya ang nangyari ay ibinaba ko ang isang spare bed foam at doon siya pinahiga. Pinatuyo ko na rin ang buhok niya. Now that I am trying to figure out how did I manage to take off his pants, hindi ko alam. Basta sa sobrang taranta ko at sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na matandaan ang ibang ginawa ko sa kanya. Wala pa rin siyang malay kaya hindi ko siya mapakain. I cooked porridge for him. Iinitan ko na lang siguro sakaling magising siya.

Pero hindi siya nagising hanggang sa mag-umaga na. Kung kahapon na lamig lang ang nararamdaman niya, ngayon ay sinabayan na ng sinat. I can’t contact Jilo to help me because of the typhoon. Hindi ko naman magawang ayusin ang tower dahil paniguradong masisira iyon sa lakas ng hangin at ulan sa labas. I have to take care of him alone even though I don’t know how do it right.

“Jusko… How am I supposed to take care of him like this? Kahit pa may gamot ako sa lagnat ay hindi niya maiinom kung hindi pa siya kumakain simula kahapon,” problemado kong sambit sa sarili ko.

Mahina pa rin ang pulso niya kaya siguradong kailangan niyang kumain para may lakas siya kahit papaano. Kumuha ako ng maraming unan sa taas tapos pinagpatong-patong ito at sinubukan siyang pasandalin doon. Pinainitan ko ang lugaw para kahit papaano ay mainitan ang tiyan niya kapag nakakain siya nito. I am feeling a little cold and unwell but I couldn’t afford to stay on the bed because of him. Nilapitan ko siya dala ang isang mangkok ng lugaw.

“You have to eat so you can recover your strength,” I talked to him even though he may not be able to hear and get me.

Pinalamig ko nang kunti ang lugaw para hindi siya mapaso. Inilapit ko ang kutsara sa kanyang mga labi. Pero wala pa ring nangyari dahil hindi niya iyon kinakain. I forced it inside his mouth but I feel guilty so I stopped. Kalahati lang din ng isang kutsarang lugaw ang nakain niya. Ilang minuto akong nag-isip ng ibang paraan upang mapakain siya. Pero walang sumasagi sa isip ko.

“Ian…” I tried to wake him up.

Oo. Si Ian ang lalaking ito. Walang ibang Ian kundi si Frencillio Ian Tessimond mismo. Palaisipan sa akin ang lahat. Kung ano-ano rin ang sumasagi sa isip ko na dahilan kung papaano siya naanod rito na nasa ganoong ayos. Kahit pa sabihin nating may bagyo. Pero sakay ba siya ng isang bangka at hindi isang yate? I saw that wrecked boat. Tapos kinabukasan ay nahanap ko siya kaya anong ibang makakapagpatunay na hindi siya sakay ng bangkang iyon? What is he doing before he has drowned? Hindi niya ba alam na may bagyo tapos gusto niyang mangisda sa laot o ano? Pero gumugulo sa isip ko ang maraming damit na nakaparak sa tabi ng palm trees. May dala siyang mga damit! Kaya ano ang dapat kong isipin?

“You have to wake up and eat!” now I sound a little frustrated.

Nararamdaman ko na ang bigat sa aking katawan. Bumibigay na rin ako sa lagnat kaya naman ay sumandal ako sa likod ng sofa na malapit kung saan kami ngayon. Doon ako nakatulog. Nagising lang ako nang matunugan ko ang mga daing ni Ian dahil binabangungot siya. Ilang beses ko siyang niyugyog at saka lang nakahinga nang malalim paglipas nang ilang minuto. Kumain na lang ako at uminom ng gamot para umayos naman ang pakiramdam ko. Saka ko siya binalikan at sinubukan ulit ng lugaw.

Nang mawalan na ako nang pag-asang subuan ulit siya dahil hindi naman niya ito kinakain ay tinitigan ko na lamang siya. Bumaba ang mga mata ko sa mga labi niyang nakaawang nang kunti. That is when an idea popped up into my mind. Pero umiling ako. Hindi iyon maganda. Baka isipin niyang tinitake advantage ko ang sitwasyong ito at mamis-understood niya ang pagmamagandang loob ko.

“Behave, Myca. There is no way you are going to do that…” I warned myself and looked away.

Pero dumako ang tingin ko sa lugaw na malapit nang lumamig nang tuluyan. Baka masayang lang ang lahat ng ito. Kunti pa ang pagkain na nasa ref ko at sa cabinet dahil hindi ako napadalhan ni Majo ng pagkain dahil sa bagyo. Kaya pareho kaming magugutom kapag hindi kami nagtipid sa pagkain. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan titigil ang ulan at ang bagyo. It is better to be safe than sorry.

Buo na ang loob ko nang lumapit ako sa kanya. Nanginig ang mga kamay ko at lumakas ang pagtibok ng puso ko pero binalewala ko iyon. My eyes were then fixed to his face. Nagtagal ang mga titig ko sa kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin na may nunal siya sa gilid ng kanyang kanang mata. Makakapal ang kanyang magkabilang kilay at maganda pa ang pagkakaayos na para bang isang babaeng maaarte sa katawan at maalaga. Matangos ang ilong niya at ang mga mata niya ay medyo may pagkasingit. His eyelashes are long. Anyone can get attracted to how beautiful his lips are because it is naturally curved like of that bow. Medyo manipis iyon kaya nakakaakit talagang tignan.

Sumagi sa isip ko ang nakangiti niyang imahe. Napakurap ako at napatikhim. Kanina pa pala namumula ang aking magkabilang pisngi. Huminga ako nang malalim at sinubuan ang sarili ko. I faced him with full of determination. I cupped his face and leaned my face closer to him until I felt our lips met. Para akong nakaramdam ng kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. I just felt something on my stomach but what really made me feel relieved is when I realized that he has eaten the food I transferred to his mouth. That was one kind of gross… and a little lewd move but I shook my head to disregard that thought. Mas mahalagang mapakain ko siya. Muli kong sinubuan ang sarili ko at inulit ang ginawa ko hanggang sa nasundan pa ng isang beses at namalayan ko na lang ay naubos na ang nakalagay na lugaw sa isang mangkok.

Lumipas ang tatlong araw at sa ganoong paraan ko siya napapakain nang maayos. Bumuti na rin ata ang pakiramdam niya dahil maayos na siyang tignan kumpara noong unang beses ko siyang nakita na maputla at mahina pa ang pulso niya. Pero hindi pa rin siya gumigising. Kakatapos ko lang siyang tignan ng temperature at wala siyang lagnat. Umakyat na muna ako sa taas upang magpahinga. Umuulan pa rin sa labas at mahangin. Doble ang lakas ng hangin dahil nasa isang isla kami. Mabuti na lamang at medyo malayo itong bahay sa tabi ng dalampasigan dahil kung hindi ay baka nagyelo na kami pareho. Nakatulog ako nang mahimbing pagkahiga ko pa lang sa kama. I hope I will wake up peacefully.

BOOGHS!

Nagising ako nang makarinig ako nang kalabog sa baba at para bang may nabasag pang isang bagay. Gabi na at kumikidlat pa. Napabalikwas ako nang higa at tumayo agad para tignan kung ano ang nangyayari sa baba. Dinatnan kong wala si Ian sa higaan niya at nabasag ang flower vase na nasa gilid ng mini table malapit sa higaan niya. Nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya roon ako tumungo. I saw him checking each cabinet to find for something. Maybe he is looking for a food or something.

“Anong hinahanap mo?” tanong ko sa kanya habang nakatayo sa tabi ng hamba ng pintuan.

Nagulat ko ata siya. Agad siyang humarap sa akin suot ang medyo gulat niyang mukha. He is wearing my oversized t-shirt. Pero kahit na malaki iyon sa akin ay kasya pa rin sa kanya at mas bagay sa kanya. Nilabhan ko naman ang damit na suot niya noong nahanap ko siya.

“M-Myca?” gulat niyang sambit sa pangalan ko.

“Oo. Anong hinahanap mo? Pagkain? Pasensya na, puro na lang canned goods ang maiuulam natin dahil hindi pa dumadating si Majo dahil sa bagyo.”

Lumapit ako sa kanya at binuksan ang isa pang cabinet kung saan ko nilagay ang lahat ng canned goods na binili ni Jilo para sa akin. I draw near the rice cooker to see if the rice will be enough for the two of us. Good thing I have cooked before I went to bed.

“Bakit ka nandito? Saan mo ako nahanap?” tanong niya sa akin at nilapitan ako.

Hinarap ko siya. “Nalunod ka ba o ano? Nahanap kita ilang araw na ang lumilipas habang nakahandusay ka sa tabi ng dalampasigan. Saan ka ba galing? Hindi mo ba alam na may bagyo? Naligaw ba ang bangka mo ano? Mabuti na lang at may pulso ka pa noong nahanap kita…” lumiit ang boses ko nang sabihin ko ang panghuling mga kataga.

Tinitigan niya lamang ako. Akala ko ay iniintindi niya ang mga sinabi ko pero iba ang lumabas sa kanyang bibig.

“Nawala ka nang ilang linggo. Your parents are looking everywhere. Bakit ka nandito? Nasaan ba tayo? Ang sabi ay nawawala ka raw. Tatiana is so worried. They even thought someone has kidnapped you,” tuloy-tuloy niyang sabi.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “Maayos lang ako. Nasa isang pribadong isla tayo.”

“Where exactly are we? Malayo ba sa dakong timog ng Europa?”

Napakunot ang noo ko sa kanya. Pero tumango na lang ako dahil hindi ko alam kung bakit iyan pa ang naitanong niya sa akin. Natahimik kami nang ilang minuto. Literal na walang nagsasalita sa amin at walang maririnig na ingay maliban sa kidlat at ulan sa labas.

“Are you hungry?” I broke the silence with that question.

“Kind of. Thank you, by the way. I don’t know how to return the favor.”

Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyari sa kanya. Kung ano ba ang ginagawa niya bago siya tinangay ng hangin papunta dito. Pero sa tingin ko ay gusto niyang sarilinin iyon. Tapos na rin naman ang parte ko. Natulungan ko siya kaya hindi na ako makakaramdam ng guilt sakaling umalis siya. At least he didn’t die in my presence. Ayos lang na hindi ko malaman ang nangyari.

“Ako na ang maghahanda ng pagkain. Sa loob ka na muna maghintay. At walang anuman, Ian. Ginawa ko lang kung ano ang tama.”

Nagkatitigan kami pareho. Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil nararamdaman ko na naman na lumalakas ang pagtibok ng puso ko. I didn’t expect to see him again. At sa ganitong sitwasyon pa. Pero sa kaloob-looban ko ay nararamdaman kong masaya ako sa kabila ng mga nangyari. I am happy because I am the one who happened to be here. I managed to save him. Malaking bagay na ito para sa akin. Natahimik ulit kami pero wala nang nangahas na basagin pa ulit ang katahimikan. I can almost hear a cricket as the silence envelopes us so I faced the cabinet to get some of the canned goods and prepared the plates too. Naramdaman ko ang pag-alis niya nang simulan kong painitan ang kawali sa stove. Saka lang ako nakahinga nang maayos pagkaalis niya sa kusina. Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko kaya napahilig ako sa counter.