Chapter 13: KABANATA 12
MYCA’S POV
Pagkatapos kong maghanda ng pagkain namin ay saka ko tinawag si Ian. Mas lalo lang kaming naging tahimik ngayon na kumakain na kami. The truth is I am still trying to absorb everything. Hindi man lang ako nagkaroon ng oras para mag-isip at magulat sa mga nagdaang araw dahil sa mga nangyari. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang pinaghalo-halong hiya, gulat, saya, inis, at pagtataka. Dumagdag pa na ngayon ko pa lang naaamin sa sarili ko na nakakahiya ang mga ginawa ko sa mga nagdaang araw. Dapat na ba akong magdasal na sana ay hindi niya malaman man lang kung paano ko siya napapakain? Nakakawala ba ng dignidad ang mga ginawa ko? Pero hindi ba ay may rason naman ako para gawin iyon? He can’t just blame me because I saved him!
“So… Did you even feed me while I am past asleep?” Halos mabulunan ako sa naging tanong ni Ian bigla.
Para namang narinig niya ang nasa isip ko kanina. Tumikhim ako at tumango nang simple. Hindi ko naman sasabihin sa kanya kung paano ko iyon ginawa kaya ayos lang na maisip niyang napapakain ko pa rin siya.
“How? Hindi iyon siguro madali?” tanong pa niya na para bang kataka-taka ang ginawa ko.
Tuluyan kong ibinaba ang hawak kong kutsara. Inangat ko sa kanya ang tingin ko. Dapat ko bang sabihin ang totoo sa kanya? Hindi na kailangan iyon, di ba? Hindi ko alam kung matatawa ba siya, magagalit, o matutuwa kapag nalaman niya ang mga ginawa ko eh. Baka pa iba ang maisip niya sa akin.
“Gusto mong malaman kung paano kita napakain sa mga nagdaang araw, Ian? Huwag mo na nga alamin. Ang mahalaga ay buhay ka,” sambit ko sa kanya at pinagtaasan pa siya ng kilay para magmukha akong mataray.
This is fine. I refused to talk so he has nothing to say about it. Sige lang, Myca. Tarayan mo pa siya para hindi na siya magtanong pa. Kumunot ang noo ni Ian. He looked at me using his doubtful stare. Tumagal pa iyon hanggang sa tumango na lang siya dahil hindi naman ako magsasalita tungkol doon. I can already picture how he will laugh when he find out that trick I did just to feed him. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya kapag nagkataong nalaman niya ang lahat!
“I shouldn’t care more about anything else but aside from feeding me, how did you manage to change my clothes?” Tinignan pa niya ang suot niya bago ako balingan ng tingin.
Napatigil ako nang tuluyan. My mouth ran dry and I felt my hands trembled. Will he buy my excuse that I can’t even remember how? Suot niya ang oversized t-shirt ko na puti at ang pants na gamit niya ay akin din at kung titignang mabuti ay hindi talaga kasya sa kanya kaya nagmukhang fitted pants!
“Ede binihisan kita! Alangan namang patuyuin ko iyong damit mong basang-basa sa katawan mo mismo? Baka hindi ka na sikatan ng araw kasi may bagyo pa! Gusto mo sigurong manigas sa lamig?” Kinakabahan talaga ako pero nagtunog pang galit dahil sa tonong ginamit ko.
“Bakit parang galit ka? Nagtatanong lang naman ako… Pero paano mo nga ako binihisan?” tanong niya ulit at ngumisi pa nang nakakaloko.
Inirapan ko siya. “Maging masaya ka na lang na naalagaan kita! Huwag na ngang maraming tanong.”
“Pero hindi ka ba nahirapan sa pag-aalaga sa akin? Alam kong hindi sapat ang pasalamatan ka lang dahil sa pagligtas at pag-aalaga mo sa akin sa loob nang ilang araw. At hindi ko pa alam kung paano kita masusuklian.”
Hindi na ako maniningil. Kusa ko iyon ginawa kaya walang kapalit. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Medyo umaayos na ang pakiramdam ko. Kasi kahit hindi ko sinasabi sa kanya ang lahat ay para bang alam na niya ang mga nakakahiyang ginawa ko sa kanya. Hindi kaya gising naman talaga si Ian tapos nagtutulog-tulugan lang noon? But that is unbelievable! Pero paano nga kung totoo? Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya at naabutan kong nakatingin siya sa akin habang nakangisi nang abot tainga. I blinked twice and looked away.
“Baka naman kasi may ginawa kang kababalaghan sa akin kaya hindi mo maamin ang lahat sa akin, Miss?” mapaglaro nitong untag.
Napapikit ako sa kanyang sinabi. It took me a minute to compose myself and construct words to counterattack his claim. This man’s gut is to the highest level. Baka akala niya ay lahat ng babae ay maaakit niya! Hindi ko naman ipagkakaila na gusto ko siya pero hindi ako magti-take advantage sa isang tao lalo na kapag alam ko na wala siyang kalaban-laban!
“Hoy! Anong kababalaghan?! Wala no! Kahit gwapo ka ay hindi kita pagsasamantalahan o gagawan nang masama! Duhh! Over my gorgeous and sexy body!”
He burst into laughter after hearing my counterclaim. “At least you have admitted that I am handsome.”
I made a make face. Pero namula ako nang may bigla akong maalaala. I bit my lower lip to divert my attention but damn this memory because it won’t stop replaying to my mind. Sumagi lang naman sa isip ko kung paano ko binihisan si Ian!
“Why are you blushing now? Seems like you really did something to me,” si Ian.
I covered my face to with my hands. What the hell… Oh, lupa, lamunin mo na ako! Idagdag pa na ilang beses ko ba siyang nagawang halikan. My goodness! Bakit ngayon lang nagsi-sink in sa akin ang lahat? He is my first kiss too! Though I don’t really consider it kissing but… Dios mio, our lips touched!
“But then you shouldn’t be ashamed of what you did because I know that you did it to save me. I won’t ask questions anymore. Just don’t avoid me because you feel embarrassed of something.” Now he sounds serious and sincere.
Pinaghiwalay ko ang dalawa kong daliri para silipin kung nakatingin pa rin ba siya sa akin. Nagpupunas na siya sa bibig kaya mukhang tapos na siyang kumain.
“Dapat lang na huwag ka na magtanong. Maayos ka naman na kaya manahimik ka na lang,” sambit ko.
“You are right. I shouldn’t ask for more. Thank you. I owe you my life, Myrtle Blessica…”
Para akong naestatwa sa aking kinauupuan dahil sa pagbanggit niya sa aking buong pangalan. That is normal for other people to say your name but I don’t know why it hits different. Maybe because no one has used it while thanking me or saying something to me. Siya pa lang. Tumayo si Ian bigla kaya naibaba ko ang aking magkabilang kamay. Umawang ang bibig ko para sana magsalita pero naunahan niya ako.
“Finish your food. Magpapahinga lang ako,” aniya at tinalikuran ako.
Kahit pa nakaalis na siya ay hindi pa rin ako nagpapatuloy sa pagkain. Nakatitig lang ako sa pinto kung saan siya dumaan palabas. I heaved a sigh after some moment. Tumayo ako at nagligpit ng aming pinagkainan dahil busog na ako. I don’t feel hungry anymore. Lumabas ako ng kusina pagkatapos kong maghugas ng pinggan. Gusto ko sanang umakyat pero madadaanan ko pa muna siya bago ako makapunta sa hagdan. So I have no choice but to continue from walking towards the living room. Dinatnan ko siyang nagtitingintingin sa mga palamuti sa kabilang sulok.
Hindi naman masyadong marami ang mga palamuti rito dahil inalis iyon nina Majo para sa paglalagay ng security cameras at iba pa. At isa pa ay ngayon pa lang ako namalagi rito nang ilang linggo kaya hindi ko naaayos iyon. Hindi naman kasi bakasyon ang ipinunta ko rito kaya hindi ko man lang naisip na palagyan ng palamuti ang bawat sulok ng bahay. Nasa ganoon pa ring ayos ang hinihigaan niya sa kung paano ko iyon inayos noon. Naalis ko na rin ang nabasag na flower vase kanina.
“Siya nga pala, may isa pang kwarto sa taas na hindi ko naman nagagamit. Pupwedeng doon ka na lumipat para maayos kang makapagpahinga,” untag ko para kunin ang atensyon niya.
He glanced at me. “Kasama mo ba sa isang kwarto iyong nabanggit mo kanina?”
Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya nakuha agad pero naalala kong nabanggit ko pala si Majo sa kanya kanina.
“Si Majo ba? Hindi,” tugon ko sa kanya.
Hindi naman siya natutulog rito. At kung dito man magpapalipas ng gabi si Majo ay sa kabilang kwarto naman siya matutulog. Tumango naman si Ian. He then faced me.
“Lalaki iyong Majo?” maingat niyang tanong.
“Yup.”
Tumango ulit siya na para bang kuha na niya ang lahat. Natahimik kami nang ilang minuto pero nagsalita ulit siya.
“Kaya ka ba nawala ay dahil sa…” hindi niya itinuloy ang gusto niyang sabihin o itanong.
Hindi ko siya makuha kaya tinanong ko na. “Dahil sa ano?”
Napakamot siya sa kanyang batok. Parang hirap siyang magsalita.
“Ano, Ian?” tanong ko ulit nang hindi siya sumagot.
“Dahil kay Majo?” parang hindi pa siya sigurado sa kanyang sinasabi. “Nasaan ba siya? Babalik ba siya ngayon o pagkatapos ng bagyo tulad ng sinabi mo? Kayo lang ba ang nandito sa isla o may iba pa?”
My brow shot up when I get what he is trying to point out. Sinasabi niya bang kaya ako nawala ay dahil nakipagtanan ako kay Majo? Lumakas ang paghinga ko.
“Hindi ako nakipagtanan sa kanya!” bigla kong sambit upang depensahan ang sarili.
“Oo nga. Hindi ko naman iyan sinabi at alam kong hindi siya ang dahilan kung bakit ka nawala,” agad niyang sambit na mukha pang nakahinga nang maluwag.
Hindi ko naman siya masisisi kung iyon ang maiisip niya. At isa pa ay ilang linggo akong nawala at ang sinabi ng aking mga magulang sa awtoridad ay nawawala nga ako at hindi nagtatago. I hope Jilo is doing something to clear my name. He has been doing his job to convince my parents let me decide on who I want to marry. Pero wala pa ring progress sa plano kaya baka ay abutin pa ako rito nang ilang buwan sa isla.
“Kung ganoon ay hindi ka talaga nawawala kasi ginusto mong pumunta rito sa islang ito?” paniniguro niya sa kanyang naiisip.
Napabuntong hininga ako. “Ian, mas mabuti pang wala kang nalalaman. Kung ano man ang dahilan ko ay labas ka na roon. After you recover, I will help you ask someone you know to rescue you in Manila. Pero iuuna ko kay Majo ang lahat kaya sa kanya ka sasama muna. You will keep your mouth shut and act as if you have not seen me anywhere. Did you get me?”
Hindi siya nakapagsalita agad. His face darkened as he is trying to understand my words. Mukhang aapila pa siya pero nang makita ang determinasyon sa aking mga mata ay tumango na rin siya at nag-iwas ng tingin.
“At least we are even. Don’t let anyone know that I am here or I’ve been here. Ako ang kakausap sa Majo na iyan tungkol sa kung saan niya ako maaaring ibaba,” aniya.
His request brings no harm so I agreed. Nang pareho na kaming natahimik ay iniwan ko siya roon at umakyat na ako sa taas. Mukhang nagtataka siya kung bakit nga ako naibalitang nawawala. Nagtataka rin naman ako kung bakit siya nalunod o kung bakit siya nandito. Ayaw niya pa na may makaalam na nandito siya kaya dumagdag pa iyan sa aking isipin. Hindi kaya ay may problemang tinatakasan si Ian? Pero kahit na playboy siya ay wala naman akong nababalitaan na marami siyang kaaway na maaaring magtangka sa kanyang buhay. Unless what happened to him is merely an accident, right? It must be a coincidence or something. Aksidente lang kaya ba napadpad siya rito dahil sa bagyo sa Pilipinas?
But then he has his own reason. If he doesn’t like anyone sticking their nose to his business then I will keep quiet just as much as I want him to stay out of my own problem. Patas lang kami kung may itinatago man siyang sekreto sa akin o sa mga tao. Ngayon ay dapat kong problemahin ay kung paano ko maaayos ang tower gayong may bagyo pa. I have to contact Majo or Jilo as soon as possible to tell them about my situation here. At hindi lang iyon ang problema ko dahil paubos na ang pagkain namin. Kapag tumagal pa itong bagyo nang isang linggo ay hindi ko na alam kung ano ang kakainin namin ni Ian. Pwede naman akong mangisda pero may bagyo nga! Takot naman akong maghanap ng makakain sa likod ng bahay kung saan may maraming puno ng prutas dahil hindi ko pa nauutusan si Majo na tignan kung safe ba iyon at kung wala bang ahas. But for now, I will relax myself so I can have energy to face Ian tomorrow.