Chapter 79: Marques Mafia
Nakarinig ako ng sigawan sa labas at tunog ng baril.
Sila Zeke na siguro iyon.
May binigay kasi akong keypad phobe kay Keian at mukhang nagamit niya naman ito.
Pero hindi ko na alam ang kalagayan niya dahil binugbog siya kanina at feeling ako ang may kasalanan noon.
Ibinaon ko sa tuhod ko na nakataas yung mukha ko.
Pero napataas din ng tingin nang may nagbukas nung pinto.
" Trikj?" Diretso ang tingin niya sa akin tsaka lumapit.
Anong ginagawa niya dito? Hindi ba dapat ay nasa labas siya at tinutulungan yung mga tauhan niya???
" Nass. Run away from here. Ito ang mga susi. You can free the others top" kumunot ang noo ko.
Teka. Hindi ko pa na-aabsorb yung sinasabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at sa unang pagkakataon, nakakita ako ng emosyon bukod sa pagiging malamig niya.
" Nass. I have to make sure Maximo is dead. Go..."
" Teka. Hindi ba't ikaw ang kanang kamay ni Lolo?" Malungkot itong ngumiti sa akin.
" I've been with him for almost six years already. Hindi ko na siya hahayaang ipagpatuloy yung masamang ginagawa niya" gumaan ang loob ko sa sinabi niya.
Hindi lang kami ang may gustong pumigil kay Lolo, kahit ang pinakainaasahan niyang tauhan ay gagawin ang lahat para matigil ang kasamaan niya.
Pinisil ko ang kamay niya.
" Thank you" ngumiti siya sa akin at tinulungan akong tumayo.
Hinubad niya ang suit at nilagay sa balikat ko.
" Here" kinuha ko ang susi na hawak niya. Ibinigay niya din sa akin ang isang baril.
Yumuko siya bahagya sa akin tsaka umalis.
Kaagad akong lumabas ng kwarto at nakitang wala man lang guwardiya dito.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Keian.
Pagkabukas ko ay nakita koang nanlilisik niyang mata.
Pero napuno ito ng pagtataka nang mapagtantong ako ang nagbukas ng pintuan niya.
" Nass?" habang ako, natigilan sa nakitang kalagayan niya.
Kahit sa malayo ay halatang injured yung kaliwang braso niya dahil nakababa lang ito sa sahig.
Tumutulo din ang dugo mula sa mga sugat niya.
Punong puno ng sugat ang mukha at buong katawan niya.
" Keian!" Bumilis ang tibok ng puso ko.
Grabe ang ginawa nila sa kanya!
Kinuha ko ang suit na ibinigay ni Trikj at nanginginig na lumapit kay Keian.
" Oh my ghad" hinawakan ko ang pisngi nito na puno ng dugo.
Biglang naging malamig ang ekspresyon niya at umiwas ng tingin.
" W-what are you doing here?" Mahinang tanong nito. Tinignan ko ang mga sugat niya at bukod sa braso ay tingin ko may injury din siya sa tuhod.
" We need to go..." inalalayan ko itong tumayo.
" My mafia is here" saad nito.
" Sa tingin ko nga"
" Ow!" Napadaing siya at muntik ko na siyang malaglag sa sahig.
" Keian! Are you okay?" Buong lakas ko itong inalalayan sa kanang braso niya.
Inakbayan ko siya at tinulungang makalakad sa may pinto.
Hindi siya makakalakad sa sarili niya...
" *ehem* Brylle and Dale..." napatingin ako sa kanya.
" You know where they are?" Tumango siya at tinuro ang direksyon kung nasaan yung dalawa.
" Sumandal ka muna sa pader, I need to open their doors" nanghihina siyang naglean sa may pader habang lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Also, while keeping eye on Lolo's men.
" What do you want--- Nass?" Dumako ang tingin ko kay Brylle na mahigpit na nakayakap kay Dale.
Mabilis akong lumapit dito.
" Brylle?" Parang inaantok siyang tumingin sa akin.
" Mama?" Napasinghap ako dahil bakas ang hirap niya sa pagsasalita.
" Brylle! I'm glad you're okay" kinuha ko si Brylle mula kay Dale at mahigpit itong hinawakan.
" Me too Mama. I miss you" hinalikan ko ang noo nito.
" I'm sorry baby. I'm not there for you" sumandal siya sa dibdib ko.
" I feel sleepy Mama..." hinagod ko ang likod nito.
" It's okay Brylle. You can sleep. I'll keep you safe"
" Thank youuu" humalik siya sa lips ko at tuluyang napapikit.
Lumingon ako kay Dale.
" Are you injured?" Umiling siya.
" Not really" bahagya akong ngumiti dito.
" Good. Paki-alalayan mo si Keian" nanlaki ang mata niya nang marinig na kasama ko si Keian at mabilis na lumabas.
" Oh f---! You look hell" iniwasan kong mapairap kay Dale.
" Yeahhh" kinuha ni Dale ang braso ni Keian at inalalayang tumayo nang maayos.
I led the way towards the exit pero bigla kaming may nakasalubong na tauhan ni Lolo.
" Tim" ngumisi ito sa akin.
" Nass"
Kaagad kong itinutok ang baril na hawak ko sa kanya.
Itinaas niya ang dalawa niyang kamay.
" Hey. Chill" tinignan ko siya nang masama habang mahigpit na hinahawakan si Brylle sa bisig ko.
" Move" ngumiti siya, ibinaba ang kamay at gumilid sa dadaanan.
Nagtataka man ay naglakad na ako kasunod sila Dale at Keian.
" Make him pay" nang marinig ko ang sinabi ni Tim ay naintindihan ko na kung ano ang pakay niya.
Bahagya akong tumango dito at nagpatuloy na sa paglalakad.
*bang!* kaagad akong napatago sa isang pader nang may nagpaputok sa direksyon namin.
Sumunod sa ginawa ko si Dale habang hawak si Kei.
Itinapat ko ang baril sa pinagmulan ng bala.
" Someone's down here. Over" napababa ako ng kamay nang marinig ang boses ni Maxence.
" Max!" Tawag ni Dale.
Lumabas kami sa pinagtataguaan namin at nakita si Maxence na may dalang rifle.
Nanlaki ang mata niya.
" I thought you're an enemy"
" You bastard. Muntik mo nang mabaril si Nass!" Umiwas ng tingin si Maxence sa sinabi ni Dale.
" It's okay." Tumingin siya sa akin at tumango.
" I found them" sabi nito na halatang ang kausap ay yung nasa earpiece niya.
" Tulong!" Napalingon ako sa pinanggalingan namin.
May iba pa bang nakakulong doon...?
Huminga ako nang malalim at lumapit kay Maxence para ipabuhat si Brylle.
" Take care of him" kumunot ang noo niya.
" What? No. Take care of him yourself" umiling ako dito.
" I have to free the other prisoners. So please, take care of him" tinignan niya ako nang masama bago buhatin si Brylle.
Ngumiti ako dito at tinalikuran siya.
Tahimik kaming nagkatinginan ni Keian.
Hinawakan ko muli ang pisngi niya habang nanlalamig ang ekspresyon niya.
I searched something on his eyes but it feels like it's not there.
Pilit akong ngumiti sa kanya at pinagtagpo ang noo namin.
" If anything happens. I want you to make sure Brylle is safe. Pati si Tiya" pinanliitan niya ako ng mata pero tumango din tsaka yumuko.
Napangiwi ako sa tahimik na sagot nito.
" Go out of here"
I slightly rubbed my thumb over his cheeks tsaka bumalik sa pinanggalingan namin kanina.
" Hello?" Tawag ko sa linya ng mga kwartong nandito.
" T-tulong!" Naglakad ako sa isang kwarto at kaagad na binuksan ang pinto.
Nabuhayan ang tingin ng tatlong babae sa loob.
" Thank you! Kailangan mong pakawalan yung iba pa. Please" tumango ako at binuksan isa-isa ang mga kwartong nakalock.
Ang ibang kwarto ay may limang tao sa loob, minsan isa lang.
" Nay Flores!?" Gulat kong tawag sa isang matandang pamilyar ang mukha sa akin.
Nanlaki ang mata niya at kaagad akong niyakap.
" Pat!" Hindi ako makapaniwala...
Akala ko ay patay na siya!
" Pat. Ang laki mo na!"
Siya ang yaya ko na kasama ko hanggang sa mag-sixteen years old ako. Kaso lang nabalitaan namin na patay na siya. Pumunta pa nga kami sa burol niya.
" P-paano?" Malungkot siyang tumingin sa akin.
" Nalaman kong ang Lolo mo ang pumatay sa Lola mo kaya ikinulong niya ako at pinagmukhang patay na" halos matumba ako sa narinig...
" Si Lolo ang pumatay kay Lola!?" Tumango ito.
" Is everyone okay?" Napatingin ako sa isang lalaking may pamilyar din na mukha.
Sumagot sa kanya ang iba ng oo na parang siya ang lider nila.
Napansin ni Nay Flores ang tingin ko dito.
No...
" Kadalasan sa amin ay matagal nang nandito... 3 years ago lang siya nahuli pero umakto na siyang parang lider namin. Napakasweet na bata" lumingon sa akin yung lalaki at hinawakan ang kamay ko tsaka buong lapad na ngumiti.
" Thank you... Thank you for saving us. We heard the noise outside so we figured someone attacked Maximo" he has the same accent... and the sama face as Tito Andre, mas pinabata lang.
Napaatras ako habang gulat na gulat.
" Are you okay?" I can even see Keian's features in his!
" Kayden?" Kumunot ang noo niya.
" Pat? Kilala mo si Kayden?" Lumunok ako at tumingin ay Nay Flores.
" Kapatid po siya ni Keian"
" Keian? Do you mean Kei? You know my brother?"
" You're supposed to be dead!" I said in shock.
" That's Maximo's tactic. Let you all believe we are dead"
Halos lahat ng akala kong patay na, buhay pa pala.
Is there a possibility that my parents are still alive?
Umling ako.
I saw them die right before my eyes.
Pero hindi niyon mapipigilan ang pagnanasa kong makita silang muli.
" Hoy!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at binaril yung tauhan bago pa siya makatutok ng baril.
Tumingin ako kay Kayden.
" Kailangan niyo nang umalis dito" ibinigay ko sa kanya ang baril.
" Make sure everyone's okay" nagkatitigan kami.
" Of course"
Hinawakan ko ang kamay nito.
" If I'm unable to come back, tell everyone I have something for them under my bed sa may maids quarters." Napangiti ako nang maalala yung mga nilagay ko sa kwarto bago ako umalis ng mansyon.
" Make sure they see it. And tell Keian..." humigpit ang hawak ko sa kanya.
" That I love him so much..." tinignan niya ako nang masama.
Heh. Pare-parehas sila ng reaksyon...
" You will tell them yourselves. Especially Kei" hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luhang lumabas sa mata ko.
" You're going to tell Kei that you love him..." ngumiti ako sa kanya at tumango.
" Go. May pupuntahan pa ako" tinapik niya ang ulo ko bago umalis kasama yung ibang nabilanggo.
Huminga ako nang malalim bago naglakad pabalik sa kwarto kung nasaan si Lolo.
Pero bago pa ako makapunta doon ay nakita kong nakahilata sa sahig si Diego.
" Diego!" Bahagyang tumaas ang tingin niya sa akin at bahagyang ngumiti.
" Nass. I'm glad you're okay"
There's a pool of blood on where he is...
Lumapit ako sa kanya at tinignan yung sugat niya.
May tama siya ng bala sa may tyan tsaka sa dibdib.
" You have to get out of here. The Marques' planted bombs everywhere" napasinghap ako sa sinabi niya.
" Kailangan nating umalis na dito" inalalayan ko siya tumayo pero sadyang nagpabigat.
" Ano ba Nass! Umalis ka na! You still have someone you need to take care of. Get out of here!" Hindi ko siya pinansin at buong lakas na itinayo siya.
" Nass..." napaupo ako kasama siya at napaubo siya ng dugo.
" Umalis ka na! Iwanan mo na ako!? I know that Trikj gave you the key to run away from this place! Why did you come back?!" Pinanlisikan ko siya ng mata.
" Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama. Tsaka kailangan kong siguraduhing patay na si Lolo..." hinihingal itong sumandal sa pader.
" He's dead Trikj killed him" tumango ako.
" Then let's get out of here"
" No! Tumakbo ka na! Mapapabagal lang kita!" Sa inis ko ay malakas ko siyang nasampal.
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin.
" Ano?! Sa tingin mo ako lang ang may kailangang alagaan!? Anak mo si Brylle at buhay pa siya. Nanay niya si Aedin at kailangan niyong bumawi sa limang taong wala kayo sa tabi niya. Sa tingin mo ba hindi ako malulungkot kapag nawala ka dabil iniwan kita dito!? Ngayon na nga lang tayong nagkasama ulit pagkatapos ng halos pitong taon tapos gusto mo iwanan kita. You're my best friend! Kahit na ano pa ang nagawa mo basta narealize mo at nagsisi ka ay mapapatawad kita. So don't you f---ing tell me to leave you alone. Because without you, I'll be alone too!" Tinignan niya ako nang masama.
" You are not alone Nass! Madaming tao ang nagmamahal sa iyo!"
" Nasa bilang ba ng taong nagmamahal ang batayan sa buhay?! Ano naman kung isa lang ang kasama mo. Ano naman kung madaming nagmamahal sa iyo? Don't be selfish Diego. They might've hated you. But I'm still here so don't tell me to leave you..." ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nito.
May tumulong luha sa pisngi ko pero alam kong hindi sa akin ito.
Tumingin ako kay Diego na umiiyak.
" Thank you. Nass" pinunasan ko ang luha nito at tumango.
" Try to stand up at huwag kang magpapabigat! Pinahihirapan mo lang ako eh" bahagya siyang napatawa at itinaas ang isang braso.
Kinuha ko ang kamay niya at inalalayang tumayo.
* Boom!* naramdaman ko ang mainit na enerhiyang nanggaling sa likod ko at dahil doon ay napadapa ako sa sahig at ganoon din si Diego.
" Ahhhh!" Sigaw nito sa sakit.
Shit. Baka hindi kami makaabot...
Pumikit ako nang makaramdam ng hapdi sa likod ko.
" Mama!" Rinig ko sa boses ni Brylle. He's scared at gusto kong yakapin nang mahigpit.
" It's okay, baby. I know that your Tito Kei will take care of you..." pumikit ako nang makarinig ng isa pang pagsabog.
Nakakatawa lang na ang huling mukhang nakita ko sa isip ko ay ang malamig na mukha ni Keian...
---
Third person's POV
" We are coming out, over" nang marinig ng iba ang sinabi ni Maxence ay napatingin sila sa may direksyon nung underground facilities.
Habang nasa kotse si Clara at Katie, nasa isang puno si Devon kasama ang ibang snipers nila.
Nasa loob ng bahay sina Erick at Steven na ngayon ay tumatakbo palabas dahil alam nilang malapit nang sumabog ang bombang nilagay nila sa buong lugar.
Magkasamang nasa bakuran ng bahay sina Zeke, Laiza at Theo at binabaril ang sino mang tauhan ni Maximo na magdadala sa kanila ng panganib.
Nasilayan ni Zeke si Maxence na hawak si Brylle at si Dale na akay akay ang nanghihinang si Kei.
" Max. Bring Brylle in Katie's car" tumango ito at pumunta na sa labas ng gate.
Lumapit si Zeke kay Dale at inalalayan din si Kei.
" Who get you out?" Tanong ni Zeke kay Keian pero hindi ito sumagot. Tumingin siya kay Dale.
" Si Nassandra" nagulat si Zeke.
Ilang araw na niyang hindi nakikita si Nassandra at nung umalis ito sa mansyon ay may pakiramdam siya na pupunta ito kay Gaius.
Hindi siya sigurado pero naramdaman niya ang pakay ni Nass.
" What happened?" Flat ang tonong tanong ni Kei.
" We arrived here and the security is not as tough as we thought. Pagkatapos ay nalaman namin na mayroong ibang tauhan si Gaius na gusto din siyang mawala" dumilim ang ekspresyon ni Kei at umigting ang panga ni Dale.
" Maximo's alive" saad ni Dale.
Nagulat ang tatlo sa sinabi nito.
" What?! How? We saw him die! Tayo pa nga ang naglibing sa kanya!" Tanong ni Laiza.
" We don't know. But we know he's alive and we saw him. He's an old hag but he has an underdog who's doing things for him"
" Baka hindi siya iyon" sabi ni Theo.
" No. His presence is unforgettable. I know it's him" napatingin ang lahat kay Keian at nagkaroon ng sandaling katahimikan.
" Sniper to Rider. Someone's coming out, no firearms. Parang trabahador nila na walang kinalaman sa Il Massimo Impero" sa sinabing ito ni Devon ay napatingin si Zeke sa pinanggalingan nila Maxence at may lumalabas doon na halos nasa benteng katao.
Napatigil sila nang makita ang grupo nila Zeke.
" It's okay... We will not harm you" pumunta sa harap nila si Zeke.
Napabuntong hininga ang iba at ang iba ay napangiti.
" Prisoners" Zeke mumbled.
" Nandito ba ang lahat? Walang naiwan or nasugatan?" Zeke, Dale, Laiza, Theo, and especially Kei froze when they heard the voice.
The all so familiar voice.
Sa likod ng kumpulan nung lumabas na tao ay nakatingin lang ang anim sa isang matangkad na lalaki na pumunta sa harap.
Napaatras si Zeke nang makita kung sino ang nasa harap niya.
Minumulto ba ako ni Kuya Kayden?
Iyan ang nasa isip ni Zeke.
Dahil ang kapatid ng kaibigan niya ang mismong nasa harap niya.
" Oh wow. Para kayong nakakita ng multo"
" T-teka. Multo ka ba?" Kinakabahang tanong ni Zeke.
Kayden chuckled at what he heard.
" No. I'm real. And yes, I'm alive. Bilanggo ako ni Maximo nang halos apat na taon. Hindi ako patay" sa pagkakarinig nito ay napayakap si Zeke dito.
Nakakabakla pero wala siyang pake.
" Oh. I miss you too, Nic"
" Shut up"
Lumayo ito at sumunod ang iba na batiin si Kayden.
" Kei. It's Kayden" sabi ni Zeke kay Kei na nakatingin lang sa bahay.
" Where's Nass?"
" Huh?" Lumapit si Zeke sa kanya dahil hindi niya narinig ang sinabi nito.
Napansin ng iba si Kei.
" Where is Nassandra?" Napunta ang tingin ni Kayden kay Keian na nakaupo sa damuhan at hinang hina.
" Kei..."
" Nasaan si Nassandra?!" May pagkalakas na tanong nito.
" Kayden?" Dumating sina Steven at Erick at nagulat sa nakikita nila ngayon.
" Ang sabi niya may kailangan pa siyang puntahan" kinuyom ni Kei ang kamao niya at sinubukang tumayo.
" Kei! Your injuries!" Hindi niya pinansin si Laiza at parang pagong na naglakad pabalik sa bahay. Hinihiling niya na mawala yung letseng sakit na nararamdaman niya.
" I'll go find her" pinigilan ni Kayden ang kapatid at nagkatinginan sila.
" No. It's dangerous." Kumunot ang noo ni Keian.
" I don't give a f--- whether it's dangerous or not!"
" She's coming back" sa tono ni Kayden ay tila siguradong sigurado itong babalik talaga si Nassandra.
And that reason alone made Keian stop.
" 10 seconds till the first bomb explode" lahat sila ay narinig ang paalalang iyon mula sa earpiece nila.
" We have to get out of here!" Nagsimulang tumakbo ang ibang tauhan nila palayo sa bahay.
Nanlaki ang mata ni Keian at sinubukang tumakbo papunta sa bahay.
" Kei!"
" F*ck!" Daing nito nang mapadapa sa damuhan.
He tried his best to crawl. Kahit na halos patayin na siya nung injury niya.
Mabilis ang pagtibok ng puso niya at hinihiling na sana kaagad na lumabas si Nassandra sa pinto ng bahay at tumakbo papalayo sa kapahamakan.
" Kei. Let's go. Once the first bomb exploded, the others will follow" kumawala sa hawak ni Zeke si Kei at tumayo.
" No. Nass is still inside!"
" Kei..." malungkot na sambit ni Zeke.
" Help me. Nic. Help me find her"
" I know. But we have to get out of here"
" 5 seconds" and bombang itinanim nila sa buong lugar ay hindi kayang madefuse... One of Marques' Manufacturing's.
" Sh8t. Kei. Come on" tumingin si Zeke sa kaibigan na sinusubukang maglakad.
" Nass"
" 3 seconds..."
" F*ck" walang nagawa si Zeke at binuhat si Keian at tumakbo.
Pero napatumba sa damuhan nang sumabog ang isang bomba. At sinundan na ito ng iba pa.
Nakadapa si Kei at ninamnam nito ang init na dulot ng bomba.
Maya maya ay nasusunog na ang buong bahay at ang nakapaligid na damo dito.
" Oh god" Zeke mumbled while recovering from the bomb's imapct.
Ang batuhan na kinadadapaan ni Kei ay halos napuno ng dugo niya.
Kinagat ni Keian ang labi para hindi mapahikbi.
Grabe ang pag-iyak niya ngayon.
Mabigat ang dibdib niya at inilalabas ang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iyak.
He never cried like this before.
Feelings are full with sadness, anger and guilt...
Ipinalibot nito ang kamay sa mga bato and he gripped it like it's just a bed sheet.
Hinigpitan niya ang hawak sa mga bato kahit na ramdam niya ang pagbaon nito sa kanyang kamay.
" Nass..."
Napapikit siya at ang nakita niya sa isip ang pigura ng babae.