Chapter 64: Tito Andre
Ngumiti ako kay Dale.
" I know that you're a good guy like deep down, really deep deep down your heart though you're a jerk " he chuckled.
" You know, everyone here has a reason why they're here" tumingin siya sa akin at ngumisi.
" What's yours?" Bumuntong hininga ako.
" So kayo pala ang nakapatay kay lolo" saad ko.
" Yah. Ghad, I can't forget the feeling when I saw him dead. Pero may nakakalap na akong information dati that Il Massimo Impero is not dead and what happened confirmed my suspicions" tumitig ako sa malayo. Kung nasaan yung garden nila na puno ng bulaklak.
" After running away from home, I have nowhere to go, so I have to live alone in the street. Kahit sa kila lolo ay wala akong nabalitaan. Mas inintindi ko na hindi ako makita nung mga tauhan niya" tumingin ako sa kanya at ngumiti.
" Then nakilala ko si Brylle, pinatira kami ni Tiya sa bahay niya then I have to find work, kaya nandito ako ngayon" natawa naman siya sa sinabi ko.
" Sorry I was a jerk the first time I met you"
" It's okay. Kahit naman hanggang ngayon eh" sabay kaming natawa.
" Thank you. For waking me up of my nightmare" ngumisi siya sa akin at kumindat.
" Ahem" napatingin kami sa gilid namin at nakita ang isang hindi ganoong katandang lalaki na may matipunong katawan at medyo kamukha ni Keian?! Nakasuot siya ng suit at eleganteng nakatayo habang nakatingin sa amin ni Dale.
Parehas kaming nagulat ni Dale.
Tumingin sa akin ang lalaki at unti unti napuno ng recognition ang mata niya.
" Tito Andre?" Naging emotionless ang ekspresyon niya at bumalik ang tingin kay Dale.
Nagtaka naman ako.
" Where's Nicolas?" Tumingin sa akin si Dale bago umahon sa pool at kumuha ng tuwalya.
Nakita kong tinignan ako muli nung what I'm assuming is tatay ni Keian. Pero sandali lang.
" Uhmmm, he's in Mindanao, together with Katie" dahan dahang sagot ni Dale.
Inabot sa akin ni Dale ang isang tuwalya at umahon ako para kuhanin ito.
Binalot ko iyon sa katawan ko, yumuko sa harap nilang dalawa tsaka tumalikod para bumalik na sa mansion.
" Stop" utos nung tatay ni Keian. Napatigil naman ako.
Aba, may pinagmanahan ah!
Humarap ulit ako dito.
" B-Bakit po?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
" Stay here" mas lumala naman ang pagtataka ko.
Gusto ko sanang itanong kung bakit pero dahil intense nung tingin sa akin ay nanahimik nalang ako.
" Tito, bakit ka po nandito? Kailan pa kayo dumating sa Pilipinas?" Napangiwi naman siya.
" J'ai retrouvé mon fils hier devant ma maison. Je lui demande pourquoi il a volé 11, 100 km et il ne me répondra pas. J'ai décidé d'aller ici pour avoir ma réponse ( I found my son yesterday in front of my house. I ask him why he flew 11, 100 km and he won't answer me. I decided to go here to have my answer.)" Pagf-french nito para siguro hindi ko maintindihan yung pinag-uusapan nila.
Heh.
Dale gave me a side glance.
" Je ne connais pas non plus la raison, mon ocle (I don't know the reason either, uncle)" tumaas ang kilay ko kay Dale.
Nagulat ako nang binatukan nung tatay ni Keian si Dale.
" Aw! Tito!"
" C'est pourquoi je demande Zeke, pas toi! ( That's why I'm asking for Zeke, not you!)" Napanguso si Dale at tumingin sa akin.
" Je suis la raison pour laquelle Keian est en France ( I'm the reason Keian is in France)" Singit ko sa usapan nila. Tumingin sa akin yung tatay ni Keian.
Humarap siya sa akin.
" And you are?" Nanlilit ang matang tanong nito.
" Nassandra... sir" tumaas ang kilay niya.
Lumingon siya kat Dale bago lumapit sa akin.
" Can you tell me why? Though you have to change first or you'll get a cold" nanlaki ang mata ko nang maglahad siya ng braso sa akin.
Alinalangan kong kinawit ang braso ko sa kanya.
" O-okay po" hindi ko alam kung bakit pero parang nagpanic si Dale nang makitang sabay kaming pumunta nung daddy ni Keian papasok ng mansyon.
Pagkapasok namin ay pumunta kami sa may sala at umupo siya sa isang sofa.
Tumango siya sa akin na parang sunasabing 'sige magbihis ka na'
Awkward naman akong umakyat ng hagdan.
May kung anong presenya sa kanya na hindi ko malaman.
Nang makapagpalit na ako sa tuyo at malinis na damit ay bumalik ako sa sala.
Tumitingin lang ang Daddy ni Keian sa paligid. Siguro ay matagal siyang hindi nakauwi dito sa Pilipinas.
Nang mapansin ako ay umayos siya ng upo at sinenyasan ang sofa nasa tapat niya.
" Sit" sinunod ko siya at nakatungong umupo sa harap niya.
.
.
.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Wala akong maisip na sasabihin eh!
" Keiranz have always been... fragile since he were a kid" napataas ang tingin ko nang magsalita siya.
" Namana niya ang ugali niya sa mommy niya. They're both energetic and kind hearted" nakatingin lang siya sa mata ko.
" Ever since she died, naging matamlay si Kei and over the time, he decided to join my mafia. I was happy as a leader because he has skills but not as a father. Gusto niya lang sumali para maghiganti"
" But even I can't change his mind. He's stubborn. And a coward" tumaas ang kilay ko sa sinabi nung kasama ko ngayon.
" And you" napaayos ako ng upo ng tukuyin niya ako.
" You are a maid here"
" Yes, sir" walang atubali kong pagsagot.
" You are the reason why Kei's in France" tumango tango ako sa kanya.
" Yes, sir"
" Then Keiranz loves you"
" Yes po--- Ehhh?" Nagulat ako dun sa huli niyang sinabi.
Hindi ko yun inaasahan ah.
Bahagya siyang ngumiti sa akin.
" I heard you killed my wife" kinabahan naman ako sa sinabi nito.
" Sir, hi---" napatigil ako sa pagsasalita nang itaas niya ang kanang kamay.
" Yes or no?" Kumunot ang noo ko dito.
" No sir" napatungo ako.
" Just call me Tito Andre" bumalik ang tingin ko sa kanya.
" O-okay po"
" If your answer is no then I believe you"
" P-po? Pe--" lumapit siya sa akin habang nakaupo pa rin sa sofa.
" Now tell me why?" Teka. Ano na bang nangyayari?
Haystttt.
Bumuntong hininga ako.
" Hindi ko po makukwento kung ano talaga ang rason, but I know na dahil sa akin kaya siya umalis ng Pilipinas" walang ekspresyon ang mata niyang sinuri ako.
" Hmm. I won't meddle in your relationship, gusto ko kayong dalawa ang mag-ayos nito. Kaya lang ako nandito ay gusto kong malaman kung sino ang dahilan kung bakit siya nagkaganon"
Napatango tango ako dito. Parang inuutusan pa kami ah.
" Just make sure" bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang madiin itong magsalita.
" You betray him or anyone in this house. If that happens, ako mismo ang pupunta dito para sa iyo" napalunok ako sa banta nito.
" Opo" ngumiti siya sa akin pagkatapos akong pagbantaan.
" Uhmmm. Nakapagumagahan na po ba kayo?" Tanong ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
" As a matter of fact, no. A father just can't sleep when his son is not okay" napangiti ako sa sinabi nito.
" Ipagluto ko na po kayo" hindi pa din kasi ako naguumagahan.
Ang alam ko, binigyan ng break ni Zeke sila Ema at Jane. Nasa mall sila, ang kaso lang dun lang sila pwede maglibot kasi may nagbabantay sa kanilang tauhan.
Pero I'm sure na makapageenjoy naman sila.
" Are you sure?" Tumango ako at pumunta na sa kusina. Sumunod naman siya.
" Yes, Tito. Ano po ba ang gusto niyo?" Weird ba na bigla akong nakaramdam na komportable ako sa presence niya?
Well, wala na kayong magagawa. May pagkaparehas ang presensya nila ni Keian.
" Kahit ano, iha. Hindi naman ako mapili sa pagkain, basta masarap" tumango ako sa kanya at nagsimula nang magluto.
" So do you want to hear about Keiranz embarassing childhood?" Natawa ko na may pagkagulat sa sinabi ni Tito Andre.
" Oh definitely"
---
" He's more close with his mother, but... he would always run to me when my wife become so childish. Then, ako yung mapagbubutungan ni Karina habang nakatago siya!" Sabay kaming natawa ni Tito sa kinwento niya.
Dahil nagbrunch kami kanina, mga hapon na ngayon, siguro mga 3 o'clock.
Mga limang oras na yata kaming nagkukwentuhan dito. All topics are about Keian.
" She seems like a great mother, and a wife" napatigil siya ng tawa at malungkot na ngumiti.
" She is" nalungkot ito.
" I'm really sorry, pero si Lolo po talaga ang pumatay sa kanya. I tried to save her pero ayaw ni Lolo." Nakaramdam na naman ako ng guilt dahil sa nangyari.
" Even I, hate my own grandfather" bumuntong hininga siya.
" It's okay, Nass. I'm not blaming you" nagngitian kami sa isa't isa.
Itinaas niya yung kamay niya para siguro hawakan ang pisngi ko pero may pumigil.
" Tito Andre! We can't let you hurt her!" Napatingin kami kila Zeke na hawak ang braso ni Tito, si Dale na humarang sa harap ko at si Katie at Theo na lumapit sa akin.
" Are you alright? Nasaktan ka ba?" Naguluhan naman ako.
" Anong meron?" Sinuri ni Katie yung buong katawan ko kung may injury or anything.
" What the hell Nicolas?" Napalunok si Zeke na basang basa pa ng pawis at gulo gulo ang buhok.
" Tito. Nassandra is our friend. And we already know na hindi siya ang pumatay kay Tita Karina" napatingin ako kay Zeke na mukhang kinakabahan.
Don't tell me...
" Huh? Iniisip niyo na sasaktan ako ni Tito Andre?" Nakagilid ang ulo kong tanong.
Napatingin silang apat sa akin na may seryosong mukha.
Nanlaki ang mata ko.
" Pftt" napatakip ako ng bibig para hindi matawa.
Nakaramdam naman ako ng madilim na aura na nanggagaling kay Tito Andre.
" Arf!" Ngumiti ako nang makitang pumasok sa loob ng bahay si Leon.
Tumakbo siya papunta sa akin at sinalubong ko siya.
" Hi, Leon" dinila dilaan niya naman ang mukha ko.
" The four of you, stand near the wall" maotoridad na sabi ni Tito.
Kaagad namang sumunod ang apat.
Lumapit si Tito sa mga nakayuko at kinakabahang nasa may pader.
Napangiti ako habang hinahagod ang balahibo ni Leon.
" Ow!" - Zeke
" Wah! - Dale
"... " - Theo
" Hi, sweetie" isa isang binatukan ni Tito ang Andre ang tatlo at nang mapunta kay Katie ay ngumiti ito at bumati.
Ngumiti pabalik si Katie.
" Hello, Tito" humalik muna si Tito Andre sa pisngi ni Katie pagkatapos ay binatukan ito.
Akala ko hindi na siya babatukan...
" All of you think that I'm going to hurt her?!" Napatayo nang maayos ang apat.
" Yes, Sir!" Nanlaki ang mata nila nang marealize kung ano ang sinagot.
" Ay. No sir po pala" napakamot sa batok si Zeke.
Bumuntong hininga si Tito Andre.
" Look. I know you're worried but I know her" nagtaka naman kami.
Kilala niya ako?
" Wait, kilala---"
" I have Ricardo reporting to me everyday on what's happening here. I know her" napabuka naman ang bibig ng apat.
" So you're spying on us?" Matamis na ngumiti si Tito Andre.
" No, iho. I'm just... checking you all out. Sa lahat ng bahay niyo, meron akong tagamasid."
Natahimik nalang ang apat.
" Now, if you will excuse us. May paguusapan pa kami ni Nassandra" lumapit sa akin si Tito at hinawakan ang waist ko.
" Let's leave them there" ngumisi ako at sumama kay Tito na palabas ng mansion. Nakita kong nakatulala pa rin ang apat. Sumunod din sa amin si Leon.
---
" I'll be staying here for a while, you can visit me in my house if you want!" Kumaway ako kay Tito Andre na papasakay sa limousine niya.
" Sige po! Ingat po!" Ngumiti siya at tuluyan nang nakapasok sa loob.
Pinanood kong lumayo ang sasakyan bago pumasok sa mansyon.
" Nass. Nagugutom na kami, we want food!" Umiling ako sa sinabi ni Zeke.
Lumapit ako sa kanya, as in yung malapit na malapit halos magkadikit na ang mukha namin.
Nagtaka naman siya sa kinilos ko.
" Bago ko kayo ipagluto" lumingon ako kay Katie na naguguluhan.
Mwahahahaha.
" Kwento niyo muna kung ano ang ginawa niyo sa Mindanao? Bakit parang... ang gulo gulo ng buhok niyo?" May panunukso sa tono kong sinabi. Nanlaki ang mata nilang dalawa.
" Oo nga! Pagkakita ko sa inyo kanina, parang may kakaiba!"
" Wala ah!" Biglang pagsabi ni Zeke.
Nakita ko naman ang matatalim na tingin ni Theo sa kanya.
Kahit kasi si Katie, magulo din ang buhok.
" Kailangan kasi naming magmadali dito kasi akala namin may nangyari nang masama sa iyo. Nakakastress kayang magtravel from Mindanao hanggang dito!" Tumango tango nalang ako sa dinahilan ni Zeke at tumayo.
Kita kong namumula si Katie.
" Oh, okay. Sige. Magluluto na ako" pumunta ako sa kusina para na nga magluto dahil gabi na din at hindi pa kami naghahapunan.
" You don't believe me don't you!?" Ikinumpas ko nalang ang kamay ko sa sinabi niya.
Nang naghahapunan kami ay dumating si Erick, Laiza at Devon at nakikain na din. Galing daw kasi sila sa sari-sarili nilang bahay. Habang si Maxence at Steven ay may ginagawa daw.
Buti nalang madami akong naluto...