Chapter 34: Happier
Xena
"There she is," nakangising sabi at turo sa akin ni Hero.
Nag-init kaagad ang mukha ko.
Naghiyawan at nagpalakpakan naman bigla ang mga tao.
Kung kanina ay nahihiya ako, ngayon ay nag-iba na ang nararamdaman ko dahil hindi lang basta ako nahihiya, hiyang-hiya na ako!
D*mn this guy. Bakit kailangang isali pa ako sa kalokohan nito?
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
Ang gusto ko na lamang ay maglahong bigla dahil pakiramdam ko ay nakatingin ang lahat ng naroon sa akin.
"Shocking, Ma'am! Kaya pala ayaw mo kay sir Mikey, e. Naiintindihan ko na ngayon at gets na gets ko na! Pero ikaw na talaga, Ma'am! Ikaw na talaga, ang haba po ng hair mo! How to be you po?" maligalig na sabi ni Miranda at halos maalog na ang utak ko sa kalikutan nito kakahampas at yugyog sa braso ko dahil sa kilig?
Sh*t. Hindi ko alam kung bakit ba ito kinikilig.
Hindi pa rin naaalis ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa hiya at gusto ko na lang ay magtago sa ilalim ng mesa kung puwede lang sana.
Tumikhim muna si Hero habang nakatapat pa rin sa bibig ang mikropono upang kuhaning muli ang atensyon ng mga naroon. "Dahil diyan, sasamahan niya po kami rito ngayong gabi sa stage at kakantahan niya po tayo mamaya. May special number po siya."
Nanlalaki ang matang umiling ako nang paulit-ulit kay Hero para ipahiwatig dito na ayoko.
Pero mukhang walang epekto dahil lalo lamang lumawak ang ngiti nito. "Bawal ang tumanggi. Maraming naghihintay sa iyo. 'Di ba hinihintay ninyo po siya?" Baling nito sa huli sa mga naroon para makakuha ng kakampi.
Nagsisang-ayunan naman nga ang mga naroon.
Gusto kong pagpawisan bigla nang malapot kahit na hindi naman mainit talaga.
Kainis. Ano ang mga ito? Uto-uto? Bakit mga pumayag? Hays.
"Ma'am, kumakanta ka rin pala? Naks! Parinig naman po! Pero bagay po kayo ni sir Hero. Yie! Match na match, parehong singer. Lilipat na po pala ako ng susuportahan na kampo. Sorry kung balimbing ako pero kay sir Hero na po ako simula ngayon, ekis na si sir Mikey!" humahagikgik na sabi ni Miranda habang parang kiti-kiting nagkikikibot at nakakapit pa talaga sa braso ko.
Jusko! Ano ba ang pinagsasasabi nito? At talagang nakikisakay at nakikisabay pa ito!
Hays. Kagagaling, pinagkakaisahan ako!
"Tumayo ka na riyan, Babe. Sige ka, hindi kami mag-uumpisa hangga't hindi ka pa rin pumapanhik dito," pangongonsensiya ni Hero kaya nabalik ang atensyon ko rito.
Sh*t na malagkit!
Tumuon ang mata ko kay Hero na nakangiti.
Ang cute sana nito, e. Kaso lang, may nakikita akong dalawang tulos sa ibabaw ng ulo nito, 'yong sungay na hindi nakikita ng iba. Mabait ito, pero may pagka-evil din minsan. Ang sarap nitong tirisin ngayon!
Pinanlisikan ko ito ng mata at nakasimangot na umiling-iling para ipahiwatig na ayoko talaga, pero ang tinamaan ng magaling! Ang hirap nitong umintindi, sa halip ay ngumiti pa itong lalo at itinaas-baba ang mga kilay.
Pasaway na lalaki! Napakasutil!
Punyemas. Masasakal ko talaga itong Hero na 'to mamaya, promise!
"Tumayo ka na riyan, Babe. Come on. Mahiya ka naman at ang dami nang naghihintay sa iyo," demanding na turan pa nito.
Tss. Mahiya? Sino ba kasi ang nagsabing hintayin ako? Hindi ba at ito lang naman ang may pakana niyon?
Ang sarap nitong itakwil. Alam na alam naman sana nitong hindi ako komportable na nasa harapan ng maraming tao.
Inilibot ko ang tingin ko at parang umaasam ang mata ng mga naroon.
Hays. Pahamak na lalaki! Kahit na Hero pa ang pangalan nito ay isang villain naman ang tingin ko rito ngayon.
"Tatayo na 'yan! Tatayo na 'yan! Tatayo na 'yan!" pag-uumpisang chant ni Hero.
Nanlaki ang mata ko.
D*mn! Parang nahuhulaan ko na kasi ang susunod na mangyayari!
Hindi nga ako nagkamali at lalo lamang nanlaki ang mata ko sa sumunod na sandali.
Kung noong una ay nag-iisa lang ito, nang sumunod ay hindi na dahil sinigundahan ito ng isa sa mga kabanda nito, na sinundan pa ng isa at isa pa hanggang sa dumami na at halos lahat ng naroon ay iyon na ang lumalabas sa bibig.
Sh*t talaga. Pinagkakaisahan ako!
Napapikit ako nang mariin.
"Ma'am, tumayo ka na! Go! Kaya mo po iyan! Cheer kita! Yie! Support!" sulsol pa ni Miranda.
Pati tuloy ito ay pinaningkitan ko ng mata. "Argh. Hindi ka nakakatulong, Miranda! Sasapatusin kita makita mo," mahinang reklamo ko.
Dapat ay nasa side ko ito, pero hindi!
Argh talaga!
Naghiyawan ulit ang mga tao habang apura ang pagtsi-cheer at nagulat ako nang hinila na ako patayo ni Miranda.
Napahinga ako nang malalim.
Ano ba itong nasuungan ko? Bakit wala akong kakampi?
Kainis. Hindi lang isa, kung hindi dalawa ang masasakal ko mamaya pagkatapos ng lahat ng ito, sina Miranda at Hero!
Talagang inihatid pa ako ni Miranda hanggang sa makarating kami sa tagliran ng stage at doon naman ako inabangan ni Hero, nang makalapit na kami sa wakas ay iniumang kaagad nito ang kamay sa akin upang maalalayan akong makaakyat.
Nang makaayos na ako ay pasimple ko itong kinurot pero mukhang hindi man lang ito nasaktan dahil ngumisi pa nga ito.
"Baliw ka. Anong kagaguhan 'to?" mariing bulong ko na nakapagpatawa lamang dito.
Inilibot ko ang paningin ko at leshe, naramdaman ko na naman ang hiya!
Umayos ako ng tayo at nagkunwaring hindi kabado, pero punyemas iba 'yong kaba ko. Real na real.
Pinanuod ko na lang nang naglagay si Calix ng isang upuan na malapit lang sa tabi ni Hero at doon ako pinaupo, ang nakakainis ay nakangisi rin ito.
Inikot kong muli ang tingin ko at sa pagkakataong iyon ay nakita ko si Mikey na seryosong nakatingin sa amin.
Nagulat pa ako, nakalimutan ko kasi sa maikling sandali na naroon nga rin pala ito.
Lumihis ang mata ko sa katabi nito, na nakahilig na muli sa katawan nito.
Kumirot ang dibdib ko.
Hindi raw girlfriend, tapos ganyan katamis ang mga galawan? G*go talaga. Ang lakas ng loob nitong magsinungaling gayong kahit hindi ito magsalita o kahit na hindi pa nito aminin kung ano ang estado ng relasyon ng mga ito ay malalaman na kaagad kung ano ang namamagitan sa mga ito sa isang tingin lang. Gagawin pa ako nitong tanga.
Pero mahirap mang aminin, ayoko ng nakikita ko kaya mabilis na inalis ko ang pagkakatingin sa mga ito.
Sa totoo lang, kahit ayoko ng masaktan ay hindi ko naman mapigilan.
Paano nga ba mapipigilan ang sakit na nararamdaman? May switch ba na kapag sobra na o hindi mo na kaya ay puwede na lang na i-off? Paano? Is there a way? Lalo na kung tila ba may sarili na yatang isip ang mata na pahamak, na sa halip na umiwas ay iyon pa rin ang gustong tingnan at hinahanap? Nakakasura na madalas ang sarili ko pati na rin itong sitwasyon na kinalalagyan ko, ang komplikado ng pakiramdam ko kahit na ang totoo ay simple lang naman ang dapat kong gawin at maramdaman— ang lumayo rito at hindi na ito mahalin. Pero paano? Paano tuturuan ang puso at isip na makalimot kung sobrang sutil at ayaw papigil?
Naalala kong bigla ang sinabi nito noong minsan, may nalalaman pa itong babawi. Nakakatawang isipin, mabuti na lang at hindi ako naging uto-uto sa mabulaklak na salita nito kahit na gusto ko na sanang umasa, pigil na pigil akong bumigay. Ang hirap kasing hindi pansinin at hindi umasa kahit na sa mga simpleng bagay na ginagawa nito at sa mga binibitawan nitong salita na mapamasama o mabuti man ay hindi kayang baguhin ang nararamdaman ko. Wala, e. Talong-talo ako kung laban man ito. Kasi sarili ko mismo ang kalaban ko, hanggang ngayon kasi ay hindi ko maitatanggi na mahal ko pa ito.
Nakakainis kasi ang pagmamahal, napakapapansin, makulit, ang hilig sumingit sa isip at ang hilig kumalabit sa pusong nananahimik. It always longed to be noticed. Kailangan na mapansin mo, kung hindi ay pilit kang guguluhin. Nakakabaliw isipin at maramdaman.
Ibinalik ko na lang ang atensyon at tingin ko kay Hero. Nang makaayos na ang mga ito ay ngumiti ito sa akin.
Pinanuod ko kung paano ito humawak sa mikropono.
Hindi ko mapigilang mapangiti, na-miss ko kasi talaga ang makita itong ganito.
Tumikhim ito bago magsalita. "Tonight, magsesenti muna tayo and I would like to dedicate our first song sa mga taong gustong-gusto nang maging masaya kahit na mailap pa iyon sa kanila," sabi nito bago sumulyap sa akin.
Lumabi ako.
'Yong tingin kasi nito ay as if na isa ako sa gusto nitong pag-alayan ng kanta na aawitin nito.
Bully. Porke masaya ang loko, e.
"Para ito sa lahat ng may pinagdadaanan sa buhay. Don't lose hope. Sabi nga po, kaya raw po 'yan tinawag na pinagdadaaanan ay dahil dadaanan lang natin at hindi tatambayan. Kung ano man po ang mga pangyayaring hindi maganda na nararanasan ng iba rito ngayon, kahit na mahirap ay isipin ninyo na someday it'll all be over, magiging maayos din ang lahat at magiging masaya rin kayong muli— na doble ang katumbas ng kasiyahan na naghihintay para sa inyo kapag nalampasan ninyo na 'yang kung ano mang pinagdadaanan ninyo. Again, don't lose hope, kung sino ka man, this song is for you. Own it."
Kinilabutan ako sa sinabi nito. Sinubukan kong hulihin ang tingin nito nang mapansin kong tila ba lumambong ang mata nito pero hindi na ito lumingon pa sa akin, sa halip ay pinagtuunan na nito ng pansin ang gitarang nakasukbit sa balikat nito.
Pumikit ito at nagsimulang damahin ang kanta.
Itinuon ko naman ang atensyon ko nang ementrada na ang pamilyar na tunog ng gitara.
Bahagya akong napangiti, ang ironic kasi, ang title ng kanta ay Happier pero malungkot naman ang tema.
Nagsimula na itong kumanta at hindi ko mapigilang kilabutan.
Umpisa pa lang... pero d*mn! Iba talaga ito, iba ang ganda ng boses at iba talaga para sa akin ang pagde-deliver nito ng kanta.
Napatitig ako kay Hero, sakto naman na nagdilat ito at dumapo sa gawi ko ang mata. Nakita ko ang pagngiti nito nang bahagya at pag-iling.
Nakakainis. Masaya naman daw itong si Hero pero bakit itong kanta pa na ito ang napili nito? Ang lungkot at masakit sa puso, gusto ko tuloy magreklamo.
Naikuyom ko ang kamao ko nang maisip si Mikey at ang nakaraan namin.
Ano kaya ang naramdaman nito noon? Mas naging masaya kaya ito noong nawala ako? Mas naging magaan ba ang buhay nito noong umalis ako?
Dapat ay maging masaya ako kung gano'n man nga ang nangyari, kasi iyon naman ang gusto ko— ang maging masaya ito.
But why does my heart ache with the thought that he's happy without me? That he is happy with someone else? Na may ibang may kakayahang pangitiin at pasayahin ito?
Napangiti ako nang mapait.
Kung nasaktan ko man ito sa pag-alis ko noon dahil sa may pinagsamahan din naman kami, ang tanging maipagmamalaki ko lang ay minahal ko talaga ito nang sobra at wala na sigurong magmamahal dito katulad ng pagmamahal na kaya kong ialay para rito. 'Yong pagmamahal na kayang magtiis at magparaya, para lang sa ikabubuti nito at kahit na ang maging kabayaran pa niyon ay ako ang masira, masaktan at mawasak.
Pasimple akong humugot ng hangin.
Kainis kasing Hero. Hindi ko mapigilan na ito ang sisihin. Ang ganda kasi ng boses. Kung sa ibang pagkakataon ay baka nakatulog na ako pero iba ngayon, bakit kasi kuhang-kuha nito ang emosyon sa kantang ito? Tila ba hugot na hugot? Tapos para akong hinihila at pinipilit na i-relate ko ang sarili ko? Ineengganyo akong masaktan sa bawat kataga? Saktan ang sarili ko sa pakikinig kahit na hindi naman ako masokista?
Kinagat ko ang labi ko at nagbaba ng mata sa sahig.
Why does this song affect me that much? Dati ko naman nang naririnig ito pero bakit ngayon ko lang din napagtuunan ng pansin ang lyrics?
Ang sarap sakalin ni Ed Sheeran dahil sa ganda ng kanta. Ang bittersweet masyado sa pakiramdam at pandinig.
Nakakainis ang lyrics, dahil masyado akong tinatamaan at ipinapa-realize sa akin ang mga bagay.
I am still in love with him. Kahit na gaano pa katagal na panahon ang lumipas na hindi ko ito nakasama at nakita. Kahit na hindi pa ako nito minahal sa nakaraan na pinagsaluhan naming dalawa. Kahit na nasaktan lamang ako ng lubusan sa naging desisyon ko. At masakit kahit na alam ko sa sarili kong hindi ako ang nararapat dito, gusto ko pa rin na kahit minsan man lang sana ay mahalin din ako nito— kahit na saglit lang.
Nakakag*go, masaya naman na ako, e. But there's always a but. Hindi matatapos nang gano'n kadali ang statement dahil ang totoo ay masaya naman ako pero mas masaya ako noong kasama ko ito.
Masaya naman na ako. Pero kapag naiisip at nakikita kong masaya ito sa iba ay nasasaktan ako. Naiirita ang pakiramdam ko. I want him to be happy, pero bakit pakiramdam ko ay ayoko rin? Cause deep inside, I know that what I really want is that— him being happy with me and not with anyone or someone else.
Am I being selfish?
Kasalanan ba 'yon kung iyon ang gusto ko?
Masama ba na patuloy ko itong gustuhin sa buhay ko? Kailanganin ko ito? At higit sa lahat ay ang mahalin ito?
D*mn. But no matter how hard I try to convince myself that I don't feel that way, I still do.
Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ang mata ni Hero. Nakangiti ito pero hindi ko magawang suklian iyon katulad na lang nang ginagawa ko parati tuwing kaharap ito para lang maiwasan na mag-alala ito sa kalagayan ko.
Ang hirap.
Nagsisikip ang dibdib ko sa mga naiisip ko dahil sa lyrics.
D*mn it. Para akong tangang nagdadrama dahil sa isang kanta habang walang alam ang nakapaligid sa akin na ganito ang nararamdaman ko.
Napailing-iling ako sa lyrics na binitawan ni Hero.
Masakit man pero ang gusto ko kasi kung may mahanap man na bago si Mikey ay hindi na ito masaktan pa. Kahit pa hindi maganda ang kinahantungan naming dalawa. I still want what's best for him.
Pinagmasdan ko si Hero nang matapos na ang kanta.
Tahimik ang paligid, katulad ko ay tila ba na-overwhelm ang mga taong naroon sa narinig at nasaksihang talento na ipinamalas ni Hero.
Ngumiti ako kahit na ramdam ko ang pagbigat ng nararamdaman ko dahil sa simpleng kanta.
Inumpisahan ko ang pagpalakpak at nagsisunuran naman ang iba, pagkatapos niyon ay may sumigaw ng more na ikinatawa ko.
Bumaling sa akin si Hero nang nakangisi. "More? You want more? How about we'll give you a duet?" tanong ni Hero.
Nanlamig bigla ang kamay ko.
Masama kasi ang kutob ko sa ngisi nito at sa duet na binanggit nito.
Patuloy pa rin ang iba sa pagsigaw ng more.
Biglang namawis ang kamay ko kahit hindi naman mainit.
"Okay, palakpakan naman po natin si Babe dahil sasabayan n'ya po akong kumanta," anunsyo ni Hero bago ito lumapit nang husto sa akin at lumayo sa mic.
Bwiset. Sinasabi ko na nga ba!
Hinila ko ang laylayan ng damit ni Hero. "H-Hoy, teka lang..."
"What?" nakangiting tanong pa nito, 'yong tipong napakainosente ng hitsura.
"Bakit pati ako ay nasali sa magpe-perform? Akala ko ay dito lang ako at uupo?" gulantang kong pabulong na tanong.
"Hmm? 'Di ba sinabi ko na kanina na may special number ka? Don't worry, kayang-kaya mo 'yan dahil nandito naman ako. Saka, akala mo ba hindi ko napansin kanina noong kumakanta ako na masyadong malalim ang iniisip mo, sa sobrang lalim ay alam kong tungkol na naman 'yon sa nakaraan," panghuhuli nito.
Napansin pa nito 'yon? Tss. E, ito naman kasi ang may kasalanan! Bat kasi 'yon pa ang kinanta nito? Tapos ang ganda-ganda pa ng boses at nakakadala talaga.
Ngumuso ako. "Kasalanan mo," angil ko.
Sa pangalawang pagkakataon ay wala na naman akong nagawa nang hilahin ako nito patayo at may nag-abot sa akin ng mic.
Kainis naman talaga. Takbuhan ko kaya ito? Argh! Kung kami-kami lang sana ay puwede ko itong hiyain at hindi ako kumanta pero hindi dahil nasa harap kami ngayon ng maraming tao! Ayokong magmukhang timang.
"Stop overthinking, please! Just enjoy the night," hiling nito.
Napabuga ako ng hangin.
Maybe he's right. Siguro nga iyon ang kailangan ko.
Lumunok ako dahil ramdam ko ang kaba. "P-Pero ano ang kakantahin natin?"
"Hmm, secret. Pero ihanda mo na ang lalamunan mo at hininga, Babe. Sigurado kasing mapapasabak ka pero magugustuhan mo 'tong napili kong kanta," pabulong na sagot lang nito na parang nanloloko at kinindatan pa ako sa huli.
D*mn. Napakaraming alam ng lalaking 'to! Ang sarap isako at itapon sa ilog!