Chapter 11
May surprise exam kami sa araw na 'yon. Ang masaklap, lahat ng subjects ang magpapa-take ng quiz. Nagulantang ang mga kaklase ko, pati na ako. Hindi pa naman ako nakapag-review o kaya nag-advance reading.
Sa huli, nakakuha ako ng zero. Mabuti na lang nakabawi isa pang subject. Nakakuha ako ng ten points.
Bumuga ako ng hangin at sinipsip ang straw ng sachet ng orange juice. As usual, nakaupo ako sa lilim ng isang puno sa soccer field. May ilang players na naglalaro sa malayo. Tirik ang araw.
Breaktime pa pero halos tumapat na ang araw. Pinahid ko ang pawis at nagpalinga-linga sa paligid. Wala si Hanson. Nasa'n na kaya 'yon?
"Laura!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Gernalie. Patakbo siyang lumapit sa puno kung saan ako nakaupo't nakasandig. Hingal siyang ngumiti. "Buti nandito ka. Grabe, hindi ka maniniwala. Nagpa-surprise quiz ang teachers ko!" Hapong naupo siya sa tabi ko at sumandal din sa puno.
Natawa ako. "Pareho tayo. Nagulat din ako nang magpa-surprise quiz ang mga teachers."
"Kayo rin pala," bulong niya. "Baka preparation sa malapit nang mid-term exam. Naku naman, ingat ka Laura. Baka meron ding ganito bukas. Aral ka mamayang gabi, ha?"
Nagkibit-balikat ako. "Wag naman sanang mangyari ang sinabi mo."
Kaso... nagdilang-anghel siya. Kinabukasan, nagpa-quiz ulit ang teachers. This time, hindi na one hundred items, aabot na raw sa two hundred items. Napapikit tuloy ako at napahilot sa sentido. Aba. Hindi ako robot!
Nang mag-breaktime, agad akong lumabas ng classroom at patakbong bumaba't lumabas ng B. D building. Dumiretso ako sa canteen at nag-order ng sweets at drinks. Mabilis ko 'yong kinain. Siguro dahil sa stress.
Huminga pa ulit ako nang makailang beses, bago lumabas ng canteen. Naglakad-lakad ako sa field nang makasalubong ko si Gernalie.
"Laura!"
Lagot. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Maraming tao. Nakakahiya.
Pumihit ako at tinahak ang direksyon pabalik sa covered pathwalk.
"Laura! Sandali! Hintay! Ilan ang nakuha mo sa test?"
Nahigit ko ang hininga. Mabilis akong pumihit at pinandilatan siya. Sinenyasan ko pa siyang tumahimik na siyang kinatango niya. Pumihit ulit ako at binagalan ang lakad. Naramdaman kong sumabay sa akin si Gernalie.
Bumuga ako ng hangin. "As usual, zero."
"Ayos lang 'yan friend."
Ngumiti ako. "Yep, ayos lang. Sanay na ako." Mas pinalapad ko ang ngiti pero may munting kirot sa puso ko.
Ewan, kahit anong gawin ko, nananatili pa rin akong failure. Masakit pero nakasanayan na. Siguro kailangan ko pang mas maging malamig at iwaksi agad ang mga negative sa isip ko, para hindi ako masaktan.
MAY nangyari sa bahay. Nilagnat si Lola at inubo si Lolo. Kailangan na namang kumayod ni Mama kaya nag-o-overtime siya sa trabaho. Si Tito Boy at Tita Karol, tambay lang sa bahay. Habang si Tito Pol naman ay naghanap ng trabaho pero bigo. Sabi pa niya, mahirap humanap ng marangal na trabaho ang isang elementary graduate na kagaya niya. Si Tita Merivic at Tito Reide, kapwa college students, at nagdahilan na regular load ang kinuha kaya walang oras para mag-part-time.
Sa madaling salita, si Mama lang 'yong nagpapasok ng pera sa bahay. Sa kaniya nakaatang lahat ng gastusin, kaya nahihiya akong humingi ng pera para sa project ko. Alam kong nahihirapan siya kaya lang, hindi siya nagrireklamo.
Ewan... baka kung nandito si Papa, hindi mahihirapan si Mama. Kaso, matagal na siyang kinuha mula sa amin. At simula nang araw na 'yon, hindi na naging maganda ang takbo ng buhay ko.
Nakakatawa nga. Sobrang bata ko pa para magising sa realidad ng buhay. Pero, ganito talaga ang buhay ko. Tanggap ko na noon pa na hindi ko mai-enjoy nang husto ang childhood days ko. Noong una, naghinayang ako. At kagaya nang paulit-ulit kong sinasabi, nasanay na ako.
Masakit palang masanay?
Pinahid ko ang basang pisngi at malungkot na tiningala ang buwan. "Tanggap ko na kaso masakit pa rin. Akala ko okay na ako, 'yon pala pilit kong dini-deny 'yong hinanakit dito sa puso ko." Bumuntong-hinga ako. "Sana, dumating 'yong araw na makalaya ako. Naririndi ka na siguro sa paulit-ulit kong salita, no? Pero totoo naman. Pagod na ako."
Bumalik ako sa kama at padapang binagsak ang katawan. Pinikit ko nang mariin ang mga mata at pilit hinanap ang antok sa kamalayan ko.
May kakaiba sa umagang 'yon. Maraming estudyante ang nagkukumpulan sa labas ng gate. Hawak nila ang kanilang mga cellphones, saka nagbubulungan. May humagikgik pa saka impit na tumili.
Anong meron?
"Si Desirie! Wah, kung alam ko lang na sisikat siya, sana kinaibigan ko noon pa!"
"Dude, ang ganda ni Desirie riyan. Papasa naman."
"Send mo nga 'yong latest music video niya, girl?"
"Wah! Nakakatibo ang ganda niya!"
Desirie? Pamilyar ang pangalan niya. Lumapit ako sa isang poster sa gilid ng gate. May mukha ng babae ro'n saka nakasulat ang pangalan sa ibaba. Desirie Guinea
Sandali, siya yata 'yong president ng Red Cross? Napatingin ako sa ilang mga estudyante. Dalawang kumpul lang ang nandito. Kumpul ng babae at lalaki, saka lima hanggang walo lang yata sila.
Hindi siguro gano'n kasikat sa school si Desirie, pero may mga fans pa rin siya. Pinagkibit-balikat ko na lang saka pumasok sa Tyrant. Natapos ang umaga nang normal. Sa tanghali, binisita ako ni Hanson sa classroom.
Sabi niya, samahan ko raw siya sa classroom ni Gernali dahil papakyawin niya ang paninda nito. Ngiti ko naman siyang hinatid sa A. D. Building. Nagulat pa nga si Gernalie nang marinig ang sinabi ni Hanson na kukunin nito lahat ng biscuits na tinda niya.
Manghang inabot ni Gernalie ang supot ng biscuits kay Hanson. "P-Pakisabi sa kaklase mo na salamat."
"Walang anuman." Naglabas si Hanson ng isanlibo. "Here. Keep the change."
"Pero -"
"Sige na," ngiting putol ni Hanson. "Tip ko na ang sukli. Naging mabuting kaibigan ka sa girlfriend ko."
"Salamat... s-salamat talaga."
Kaya ayun, masayang kinuwento ni Gernalie ang pagbili niya ng gamot at paggaling ng ama niya. Matapos niyon, inaya kami ni Hanson sa canteen pero tumanggi ako. Malapit nang magsimula ang unang klase sa hapon.
"Sigurado ka? Baka nauuhaw ka, Ash."
"Hindi na." Natawa ako at lumiko sa hagdan sabay hakbang pababa. Naramdaman kong sumunod siya at nakahabol sa akin. Umikhim ako. "Salamat sa ginawa mo kay Gernalie."
"Gusto kong tumulong kahit paano sa kaibigan mo. Alam ko ang pinagdadaanan niya dahil naghirap din ang mga magulang ko bago nakahanap nang magandang trabaho."
Napatango ako. "Hindi mo pa kinukuwento ang tungkol sa magulang mo."
"Hindi pa ba?" Sumulyap siya saglit sa akin bago binalik ang tingin sa harap. "My mother is just a simple woman. And my dad is an example of good head of the family."
"Ang iksi naman," reklamo ko.
Natawa siya. "Gano'n ang kuwento nila." Saka umikhim. "May bagong bible verse ka bang nabasa?"
"Ah... oo."
"Ano 'yon?"
"John 3:16."
Ngumiti siya. "Anong meron sa verse?"
"For God so loved the world that He gave His only begotten Son, that whoever believes in Him shall not perish but have an everlasting life. Natutuhan ko..." Ngumiti ako pabalik sa kaniya. "That God really loves us. He gave up His Son, Jesus Christ, to save this world."
"Yong lang?"
Nawala ang ngiti sa labi ko. Napakunot ako ng noo. "Yon lang naman ang nakasaad sa verse, 'di ba? May mali ba akong nasabi?"
"Relax." Natawa si Hanson. "Nagtatanong ako kung may iba ka pa bang realization sa verse na 'yan."
Natahimik ako saglit at napaisip. Maya-maya pa'y umiling ako. "Yon lang talaga. As in, na-memorize ko ang verse na 'yan at masasabi kong 'yon lang ang nakasaad doon. Wala nang iba."
"Wala nang iba?" Ngumiti si Hanson, nanunukso.
Natawa ako. "Oo nga!"
"Jesus..."
Nahinto ako sa pagtawa at tumitig sa kaniya.
Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya. "Jesus... you know who He is. The Saviour, Redeemer of the world. Siya ang Panginoon, hindi ba, Ash?"
"Y-Yes. Jesus is Lord."
Tumango siya. "Jesus is our Saviour they says. Pero saan ba tayo niligtas ni Jesus?"
"Uhm..." Napaisip ako. Napangiti na lang ako nang may maalala. "Niligtas tayo ni Jesus mula sa kasalanan at kamatayan!"
"Tama ka."
Napailing ako. "Pero bakit mo tinatanong? Alam kong alam mo na ang tungkol diyan."
Bumuga ng hangin si Hanson. "People know that Jesus came here to save His people. And many are deceived by the belief that Jesus came here to save people from depression, anxiety, sadness, loneliness, anger, poverty, hunger, and other things... if I ask you, Ash, in whom Jesus are you believing to?"
"Ha? Uhm... sa p-pangalawa?" Nagusot ang mukha ni Hanson. Mabilis akong umiling. "I mean, sa una pala!"
Napabuntong-hinga siya. "If you believe that Jesus came to save you from loneliness and depression, you are not believing the JESUS whom the Bible is pertaining to."
"A-Anong ibig mong sabihin?"
Sumulyap siya sa akin. "Ashlee, Jesus came to save people from sin and death, and He didn't came here just to give happiness to people and erase their sadness and loneliness in this world. Many are being deceived."
"Ha? P-Pero..." Napayuko ako. "Totoo naman 'yon, 'di ba? Kapag nasa 'yo si Jesus, magkakaroon ka ng happiness, peace, and without worries. Totoo ang sinabi ko. Naranasan ko 'yon."
Tumango siya. "I didn't say that Jesus don't give happiness and peace... what I'm saying is... because of this feelings, many false preachers and so-called Christian Bands are using emotions to deceive people. They teach that Jesus save His people from depression and anxiety. But they don't preach repentance."
Nahinto ako sa paghakbang at napatitig ako nang husto sa kaniya. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang punto niya. Noong tinanggap ko si Jesus, sobrang saya ko noon. Ang gaan sa pakiramdam. Kaya bakit niya sinasabing marami ang naloloko sa paniniwalang niligtas ni Jesus ang mga tao sa depresyon?
Umiling ako. "Hindi ko maintindihan, bakit mo 'to sinasabi sa akin?"
"Because that belief is very dangerous."
"Ha? Paanong naging delikado?"
Nag-iwas ng tingin si Hanson at sinuksok sa magkabilang bulsa ang mga kamay. "When you come to Jesus to take away your burdens, He is faithful to help you overcome it. The problem is... there is no repentance. So people don't come to repent, but they come to Him to ask something.
That is very dangerous. Once that burden is lifted, you'll come back to being worldly and set aside Jesus. But when life brings you down again, that's the time when you will remember Jesus again."
Sumulyap sa akin si Hanson. "Yan ang nangyari sa ancient Israelite noon. Napakadelikado. Because it will only prove that your faith in Jesus is only emotional attachment and not the true faith that He requires."
Napatigalgal ako. Bigla, may kirot sa puso ko na hindi ko mawari kung saan galing. Pero sa bawat salita niya, natamaan ako. Totoo, lumalapit lang ako kay Jesus dahil may kailangan ako sa Kaniya. Hindi dahil... gusto kong humingi ng tawad. Napayuko ako sa kahihiyan.
Narinig ko ang buntong-hinga ni Hanson. "Ash, don't rely only on worship and praise songs. You need to ask His Spirit to touch you. Dahil maski worship songs... na-manipulate na ng kalaban. It is very soothing in your ear, but it is very dangerous in your soul. Relying ONLY on worship songs prevents you from hearing the true gospel and doctrine. You need to read... the Scriptures. You have His Word, read it."
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong naglalakad na sa hallway ang unang subject teacher para sa afternoon class. Lumunok. "K-Kita tayo mamaya. Sige, b-bye!" Kumaway ako bago tumakbo pahabol sa teacher.
Ewan... may punto ang sinabi niya pero...