Chapter 13: Birthday Cake
Raven’s POV
Isang oras na kami sa byahe pero hindi pa rin kami nagkikibuan ni Duke, or mas tamang sabihin na hindi ko magawang makatingin sa kanya matapos ng muntik na may mangyari sa amin. Pag nagagawi kasi ang tingin ko dito, hindi ko mapigilang magbalik tanaw at mamula,
“What are you thinking?” imik nito pero umiling lang ako at bumaling sa bintana,
“If you are thinking about what happened between us… Stop it, we can continue it later,” he teasingly said to me. Masama ko siyang tinignan at binatukan,
“As if! Pagkakamali lang ‘yon hindi na mauulit pa.” the side of his lips lift up a little habang bahagyang tumatango,
“Let’s see then.” saad nito bago malipat ang paningin nito sa kamay na nakalagay sa lap ko. I am curiously looking at him when he suddenly chuckled,
“What’s funny?” ibinalik nito ang tingin sa daan,
“Nothing, I just can't believe that you didn’t notice it yet.” I think he’s crazy, hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang tinutukoy niya. Hindi ko na lamang ito pinansin at natulog na lang.
Speaking of Clive, hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya ng personal dahil nagmamadali na kami kanina, pero nagawa ko naman siyang sabihan sa text, buti na lamang at pumayag ito at siya na daw ang bahala na umattend sa convention at magpaliwanag kung bakit hindi ako nakapunta.
Nagising ako dahil sa mumunting halik na nararamdaman ko sa pisngi,
“Wake up sleepy head, our son is waiting for us.” dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at napatitig sa mukha ni Duke na nakatitig sa akin,
“Are you that tired? We didn’t even finish what we did earlier, how can you complete another round, if you can’t even handle it now.” natataranta akong umayos ng upo at bahagya siyang tinulak. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Duke at agad na nag-ayos ng sarili bago bumaba ng kotse at nagpatiuna pumasok sa Hoffen Hospital kung saan dinala si Alastair,
Nasa tapat pa lang ako ng VIP room ni Alastair ng salubungin ako ni Ashley at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa,
“Bakit ganyan ang suot mo? Parang kakagaling mo lang sa sex.” napatikhim ako at umiwas ng tingin habang namumula ang mukha. Napatingin ako sa suot ko na White polo shirt na umabot hanggang tuhod. Hindi na kasi ako pinagpalit ni Duke bago umalis kanina, at mas bagay daw sa akin suot ang damit niya, makikipagtalo pa sana ako kaso tinakot niya ako,
“Wear that or I’ll tie you here and ravish you until I'm satisfied.”alam ko na seryoso siya that time, kaya hindi na ako sumagot pa at nag-ayos na lang ng buhok.
Hindi ako nakakibo sa tinuran ni Ashley, kaya mas nadagdagan lang ang suspetsya nito, lalo na at nakita nito si Duke na nakasunod sa akin. Napatakip pa pa si Ashley sa bibig at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Duke,
“D-dont tell me, something ha-” hindi na nito natuloy ang sasabihin at agad ko na siyang hinila papasok sa kwarto ni Alastair,
“You have a lot to explain later, Raven.” Inirapan ko ito. Hindi na naman ako nito titigilan hangga’t hindi niya nakukuha ang gustong sagot. Mas magandang ngayon pa lang ay pigilan ko na siya,
“Wala akong dapat i-explain Ash.” madiin kong sabi dito at agad ng lumayo, humalakhak pa ito at hindi naniwala sa akin,
Lumapit ako sa kama ni Alastair at pinagmasdan ang maamo nitong mukha habang natutulog. Napalingon ako kay Manang ng inayos nito ang pagkakakumot kay Alastair,
“Ayos lang po ba siya manang?” tumango ang matanda at bahagyang ngumiti at humikab,
“Oo iha, dahil siguro sa pabago-bagong panahon kaya siya nagka lagnat, kanina ka pa niya hinahanap.” Lumapit ako dito at pinatayo siya,
“Ako na po ang magbabantay dito, mauwi na po muna kayo at mukhang pagod na po kayo,” aangal pa sana ang matanda pero pinigilan na siya ni Duke,
“It’s okay Manang, we can take care Alastair, don’t worry, please go home and take some rest,” wala ng nagawa ang matanda at agad ng nagpaalam sa amin na uuwi. Ilang sandali pa ng magising si Alistair at agad na yumakap sa bewang ko. Ngumiti ako dito at inayos siya ng pagkakaupo at hinaplos ang buhok nito,
“How are you feeling now, Alastair? Are you hungry? What do you want to eat?” sunod-sunod na tanong ko dito. Hindi ito sumagot mas niyakap lang ako ng mahigpit,
“Hey… are you okay?” Kumalas ito sa akin at kinuha ang ipad,
“I want sopas po,” natawa ako sa nabasa dahil may kasama pa talagang sad emoji,
“Okay I will ask Ate Ashley to get you sopas, Is that okay?” Lumingon ito kay Ashley na kinawayan siya, ngumiti ito at tumatango na humarap sa akin. Sinabihan ko si Ashley na kumuha ng sopas sa Cafeteria pati na rin ng ibang makakain.
Paglabas nito, agad na lumapit sa akin si Duke at umupo sa tabi ng kamang inuupuan ko,
“Are you sure that you are okay now son?” Tumango sa kanya ang anak kaya ginulo niya ang buhok nito,
“Stop clinging to your mom, she’s tired.” masama ko itong tinignan dahil sa double meaning nitong sinabi. But he just shrugs his shoulders and smirks at me. Ang hilig niya talaga akong asarin, hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas para mang-asar ng ganto.
Tatlong araw ang minalagi ni Alastair sa Hospital bago ito makauwi. Pinipilit pa nga ako nitong pumunta sa kanila pati na ‘yong magaling niyang Tatay, pero hindi ako pumayag dahil bukod sa naiilang pa ako kay Duke, ay natatakot din ako na baka hindi na ako makalabas ng bahay nila.
“Ms. Raven, may I speak with you for a moment?” Nagpaalam ako sa kausap kong Nurse at agad na lumapit kay Mr. Smith. Dinala ako nito sa kanyang opisina at pinaupo,
"Ms. Raven, Mr. Remington is one of the investors who invests in your department, and he asked me for a favor to make you his son's Doctor.” what? Si Duke ang tinutukoy nila noong orientation? Bakit hindi ko man lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?
“B-but-” Itinaas nito ang kamay para pigilan ako sa pagsasalita,
“I’m not asking for your permission, I’m ordering you. I already sent you His son’s information, Goodluck. you may go back to your work.” bumuntong hininga ako at bagsak ang balikat na umalis sa Opisina nito,
How is that possible? Okay lang sana kung ‘yong bata lang ang makikita ko, pero kasama ‘yong Tatay. Hindi ko nga magawang magpakita dito ng ilang araw. Mukhang gumagawa ata ng paraan ang tadhana.
Kinabukasan, katulad ng inaasahan ko maaga ang mga ito pumunta sa Opisina ko. Agad na lumapit sa akin si Alastair at ipinakita sa akin ang nakasulat sa ipad nito,
“We miss you, Mommy,” saad nito at nagpakandong sa akin sabay halik sa pisngi. Lumapit din sa akin si Duke at bahagyang yumuko para bumulong,
“I miss you…” saad nito at akmang hahalik sa pisngi ko, pero agad akong umiwas at kunyaring may inabot na papel sa dulo ng lamesa ko.
Alam ko sa sarili na kailangan kong umiwas sa nalalapit na tukso. Hindi pa ako handa sa pakikipag-relasyon na walang kasiguraduhan. At itong mayroon sa amin ni Duke, alam namin pareho na wala lang ito at wala talaga kaming gusto para sa isa’t-isa. Siya ginagawa lang ito para sa anak, habang ako naman ay nadala lamang.
Hinablot nito ang kamay ko at sapilitan akong iniharap sa kanya. Si Alastair naman, ay walang kaalam-alam na bumaba sa pagkakakandong sa akin at pumunta sa couch para doon mag-drawing ng bagay na gusto niya,
“Where’s your ring?” isa rin ito sa dahilan kung bakit ako pilit na umiiwas sa kanya. Nalaman ko lang na may suot akong singsing noong isang araw habang naliligo ako, doon ko lang din naalala ang pagpayag ko sa kasal na sinasabi niya, Grabe ‘yong pagsisi ko ng sumang-ayon ako sa kasal habang na sa impluwensya ng kanyang mga halik,
“Iniwan ko sa bahay, I will give it to you later if you want.” masama itong tumingin sa akin at sandaling humigpit ang pagkakahawak nito sa pulso ko,
“What do you mean Raven? You already agreed with my proposal. Don’t tell me binabawi mo ‘yon?” kumunot ang noo ko at hinatak ang kamay mula sa pagkakahawak nito,
“It’s not valid, I’m not agreeing with your proposal.” mas lalong nagdikit ang labi nito at matalim akong tinignan bago tumalikod,
“Let’s see then, don’t make me say things that will regret your decision,” pagkatapos niya itong sabihin ay hindi na ito nag-paalam sa anak at agad ng umalis. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala ito at agad na lumapit kay Alastair para tignan ang drawing nito,
“Your birthday is tomorrow already? You want me to buy you cake?” agad itong tumango at humalik sa pisngi ko,
Kinabukasan, bumili ako ng cake at hinintay si Alistair dumating. Nakangiti ko itong sinalubong at niyakap. Bumaling ang tingin ko kay Duke na malamig ang tingin sa akin. Ano na namang problema nito? Masama pa rin ba loob niya dahil sa singsing? Tatawagin ko sana ito para yayain kumain ng cake pero tumalikod lang ito at hindi ako pinansin. Nagkibit-balikat na lang ako sa iniasta niya at ipinag walang bahala ko na lamang ang trato nito sa akin bago binuhat si Alastair.
Inilapag ko si Alastair sa couch at inilabas ang ube cake na binili ko. Nilagyan ko pa ito ng candle at sinindihan. Nakatulala si Alastair sa hawak kong cake, inilapag ko ito sa harapan niya at kinantahan siyang happy birthday. I thought na matutuwa siya, pero ng mamatay ang apoy sa kandila dahil sa hangin at usok na lamang ang natira, malakas itong pumalahaw ng iyak,
“Why are you crying? May masakit ba sayo? Tell me.” natataranta kong saad kay Alastair, pero hindi ako nito pinansin at mas lalo lamang nagwala. Hindi ko malaman kung saan ko ba siya dapat hawakan sa takot na mas lalo siyang masaktan at magwala. Agad na pumasok si Duke na may nag-aalalang tingin. Nalipat ang tingin nito kay Alastair na nagwawala at sa cake na nasa harapan. Matalim itong tumingin sa akin bago lumapit kay Alastair at binuhat ito bago ako lagpasan,
“Stop acting like his true mother again, you’re just a substitute. You don’t need to do this things kung sasaktan mo lang rin ang anak ko.” huling saad nito bago sila tuluyang nakaalis. Napatitig ako sa cake na naiwan at napayuko bago pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. I don’t know why I’m hurting like this, ang alam ko lang masakit ng mga sinabi niya. How could you Duke!