Chapter 14: Whether you like it or not

Raven’s POV

“Stop acting like his mother again…” This word keeps running in my mind, as if I'm contaminated with an unknown virus.

I should have check Alastair’s information first, hindi sana ako naging impulsive. Masyado akong naging panatag na ang lahat ng ibibigay ko ay tatanggapin ng bata. Naturingan akong child psychologist, but I guess I failed to become one.

Muling kong nilagok ang isang baso ng rum habang nakatingin sa dance floor. I need to be wasted to forget what happened. I feel so guilty, wala na akong maihaharap sa kanilang mag-ama pagkatapos ng nangyari ngayong araw. Nagpapasalamat na lang ako at hindi nakarating ang nangyari sa nakakataas at baka matanggal ako sa trabaho, lalo na at makapangyarihang tao si Duke.

“Isa pa!” saad ko sa bantender ng maubos ko sa isang lagok ang inorder kong rum.

Napapailing ito sa akin at hindi ako pinansin at nag-patuloy lang sa paghahalo ng mga alak. What the? I know that I drink a lot, but it doesn’t mean that I’m already drunk. Hindi pa ako lasing hangga’t hindi pa ako nakakalimot.

“Ma’am, stop drinking already, lasing ka na po. And look, you are crying.” natigilan ako sa sinabi nito at napahawak sa pisngi.

Mahina akong natawa nang makapa ko ang basang pisngi. Pero hindi ako natinag at muling iniharap sa bartender ang hawak kong baso, para masalinan niya ng alak. Napapailing ito, pero wala na siyang magawa ng ako na mismo ang umagaw sa kanya ng bote.

Nahihilo akong napaupo at tinungga ang alak. Agad na humagod sa aking lalamunan ang mapait na lasa nito at ang iba pa ay tumilapon sa aking damit sa pagmamadali na maubos. Tinignan ko lang ang basa ko ng damit ngayon, at pinag sa walang bahala ko ang bakat kong bra. Nakasuot lang kasi ako ng manipis na white polo, kaya pag nabasa siya babakat agad ang na sa loob.

“Ma’am, nakikitaan po kayo…” nag-aalala na saad ng bartender bago hinubad ang suot nitong blazer.

Iaabot niya na sana ito sa akin ng may pumigil sa kamay nito,

“Let me, don’t worry about her. I can handle this.” saad ng lalaking bagong dating at hinubad ang suot nitong coat at binalot sa akin.

“Who are you?” saad ko ng hindi ko mapagmasdan ang mukha nito dahil sa sobrang hilo.

He didn’t answer, instead he carried me as if my weight didn't matter to him. Agad akong napayakap sa leeg nito ng inayos niya ang pagkakabuhat sa akin. Dahilan para maamoy ko ang hininga nito. It has a mixture of cigarette and menthol flavor and that smell makes me want to kiss him hard.

“Sir, kaano-ano niyo po ba si Ma’am?” mababakas ang pag-aalala sa mukha ng bartender, nang makita akong tinatangay ng isang lalaki. Palipat-lipat ang tingin nito sa amin, at mukhang naghahanda ng hilain ako kung sakali na hindi ko kilala ang lalaking may buhat sa akin.

“Don’t worry, I won't do anything bad to my wife.” Wife… There’s only one person who keeps on claiming that I’m his wife…Duke.

I don’t know how I should react. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sayang nararamdaman ko. Pinuntahan niya ako, I should celebrate because he can’t resist me, but I feel more guilty when Alastair’s face crosses my mind.

I buried my face to his chest at nakuntento na lang sa pakikinig ng tibok ng kanyang puso. He was calm, yet his heart was beating so fast. Mas humigpit ang yakap ko dito ng magsimula na itong maglakad palabas ng bar.

“Stop drinking when you can’t even handle yourself.” saad nito sa malamig na tono.

Iniangat ko ang tingin sa kanya dahilan para makita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa liwanag ng buwan. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin, pero iniangat ko ang sarili para magkalapit ang labi namin. Natigilan ito sa paglalakad at napatitig sa aking mga mata.

“I’m sorry…” I said, before I kissed him. Sa una, hindi ito tumugon at hinayaan lang akong namnamin ang kanyang labi. Pero siya na mismo ang nagtulak ng batok ko palapit sa kanyang labi at mas pinalalim pa ang halik. Humiwalay ito at inayos ang nagulo kong buhok at inayos ang pagbubuhat sa akin.

“It’s okay… Stop crying now.” I don’t know why, but his words triggered my tears to come out continuously. Yumakap ako sa kanya, as I let my tears out.

“I’m sorry… Hindi ko sinasadya, I just want Alastair to be happy on his birthday. I didn’t mean to trigger his trauma… W-what if he d-doesn’t like me anymore? W-what if he hates me?” saad ko at mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ko.

Bumuntong hininga si Duke at pinasok ako sa dala nitong kotse, bago siya umikot papuntang driver seat. Hindi pa rin ako natigil sa paghikbi at nakatingin lang sa kanya habang nakanguso. I know, he’s angry because of the ring, but my decision is still the same, at walang makakapagpabago no’n.

Humarap sa akin si Duke, at ikinabit ang seatbelt. I just keep staring at him, while my tears are still coming out into my eyes. Muli itong napatitig sa akin at muli akong dinampian ng halik sa labi.

“Stop crying already… Alastair is not mad, he’s just guilty because you had to see his tantrums, hmm?” Tumango ako sa sinabi nito at isinandal ang likod sa upuan bago nito pinaandar ang sasakyan.

I just hope that Alastair won’t be mad at me. In a short period of time, I already treated him as my own child, at ayaw kong nagagalit sa akin ang anak ko. Before I fell into a deep sleep, I heard Duke say something.

“I’m sorry too… Kung hindi kita madadaan sa santong dasalan, idadaan kita sa santong paspasan. Be ready to be officially mine.” ‘yon lang ang tanging narinig ko bago ako nilamon ng antok.

Kinabukasan, nagising akong sobrang sakit ng ulo at nagsusuka. Agad akong tumayo at tumakbo sa banyo para ilabas ang lahat ng nainom ko kagabi at naghilamos. Nang makalabas ng banyo, doon ko lang napagtanto na nasa sarili akong bahay and probably that everything happened that night was just a product of my dreams. I don’t know what reaction I should have. Ang alam ko lang nalulungkot ako.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Ashley na kasalukuyang nagluluto. Nakapusod pa ang buhok nito at nakapamewang habang tinitikman ang soup na kanyang ginagawa. Napalingon ito sa akin ng marinig nito ang paggalaw ng upuan at agad akong pinaghainan ng soup. Nilanghap ko muna ito bago kainin.

“Sino pala ang naghatid sa akin dito?” umaasa pa rin ako na sana si Duke ang naghatid sa akin at hindi panaginip ang nangyari kagabi.

Umupo ito sa harap ko at nagpalumbaba.

“I don’t know, ang tanging naabutan ko lang ay ‘yong guard ng building ang naghatid sa iyo dito. Mukhang hirap na hirap pa si kuya sa pagbubuhat sa’yo dahil ang likot mo at kung ano-ano ang sinasabi mo.” namula naman ako sa sinabi nito at hindi na lamang nangulit pa.

Ilang araw din ang hinihintay ko, umaasa na sana ay dumalaw ulit sila Duke dito sa office ko. But I always end up disappointed, bakit pa nga ba ako umaasa? Ano nga ba ako sa kanila? Dumating na lang ang 53th anniversary ng Hospital, pero wala pa rin silang paramdam, I guess hanggang dito na lang talaga.

Ngumiti ako kay Clive ng masilayan ko itong naghihintay sa akin sa tapat ng venue, it is Hoffen Hospital 53th anniversary, kaya required na pumunta ang mga important personnel sa naturang event. I just wear my black cocktail dress na backless, pinatungan ko lang din ito ng black cardigan and red shoes.

Aaminin kong I’m a head turner, my hair color suits my dress and my light make up today. My body shape was highlighted because of my dress and Clive is my escort, making them retort in jealousy.

“You’re so beautiful today, Rav, it’s my honor to be your escort for today’s event.” nahihiya nitong saad, bago ini-offer ang braso kung saan ako pwede kumapit.

“T-thank you…” nahihiya kong saad bago ako kumapit sa kanyang braso at pumasok sa loob.

Pagpasok sa loob, makikita ang mga nakakalat na white table at ang mga nagtataasang chandelier. The theme of the party is between black and gold which make the event more sophisticated.

Hindi pa kami nakakalapit sa isang table, nang salubungin kami ni Sarah at agad na hinatak palapit sa kanya si Clive. Hindi naman nakapalag ang huli dahil sa higpit ng kapit sa kanya ng pinsan.

“Why are you with this bitch Clive? I already told you na she’s malandi, nilalandi niya ang boyfriend ko, and yet lumalapit ka pa rin.” may kalakasang saad ni Sarah, dahilan para pagtinginan kami ng mga tao. Nahihiya ako, hindi dahil sa nilalandi ko ang boyfriend niya, kun’di dahil sa pagiging eskandalosa ng bibig ni Sarah.

“Stop it, Sarah. Napag-usapan na natin ‘to, Don’t blame Raven. Stop defending your so-called boyfriend, when in fact he doesn’t do anything good either.” madiing saad nito bago lumingon kay Jonathan na nananatiling nakayuko.

Naaawa akong napalingon dito, for having a girlfriend like Sarah na eskandalosa, naturingang anak mayaman pero ‘yong ugali, basura.

“Kuya… Bakit mo ba siya laging pinagtatanggol? Ako ‘yong pinsan mo dito!” Pagmamaktol ni Sarah. I just rolled my eyes because I can’t take her being so maarte.

“Shut up! Hindi kita kayang ipagtanggol Sarah, lalo na at alam kong mali ka.” hindi na naituloy ni Sarah ang sasabihin nang mapalingon ito sa likod ko.

Nagtataka ko naman itong tinignan ng para itong naputulan ng dila at nag-iwas ng tingin. nang mapatingin naman ako sa ibang bisita… Nakatulala din ang mga ito sa bandang likuran ko. Lilingon na sana ako pero hindi ko na nagawa, ng may mga braso na hinapit ako sa bewang at hinalikan ako sa pisngi.

“What are you doing to my wife?” malamig nitong saad sa mga taong na sa aking harapan.

Hindi ang mga ito nakasagot at nag-iwas ng tingin, pero iba ang sitwasyon ni Clive. Masama itong nakatingin kay Duke na para bang ang laki ng kasalanan nito sa kanya.

“She’s not your wife, you know that Mr. Remington.” madiin nitong saad, dahilan para muling bumaling ang tingin sa amin ng mga tao at magsimula ang bulungan.

“Not now, but soon…” saad ni Duke bago kinuha ang kamay ko at sinuot ang panibagong singsing na mukhang mas malaki pa ang diamond kaysa sa una nitong binigay, na hindi ko pa naisasauli.

Nang maisuot nito ang singsing sa aking daliri, dinala niya ang likod ng palad ko sa kanyang labi at marahang hinalikan. Hindi ako nakaimik sa tinuran nito, pati na ang mga bisita. Marahil ay nagtataka kung bakit ganito na lang kung umakto ang isang billionaire na si Ace Duke Remington. Agad na lumapit sa amin ang mga media at kinuhanan kami ng mga litrato.

Tumalikod ako at bumulong kay Duke,

“What are you doing? The last time I check, hindi ako pumayag na pakasalan ka.” madiin kong saad, but he just smirks and whisper,

“You don’t need to agree, you will marry me, whether you like it or not, or else…” agad na pumasok sa isip ko ang sinabi nito noon sa convention na nagdala ng kakaibang takot sa akin.

My parents… dali-dali akong lumayo sa mga tao at kay Duke, bago tawagan ang mga magulang ko. Hindi pa man ako nakakapagsalita, ay rinig ko na ang mumunting hikbi ni Mama.

“Ma…” mahinang saad ko at napalunok sa maaaring marinig,

“Anak… M-may bumili ng lupa natin… P-paano na tayo? Pinaghirapan namin iyon ng Papa mo…” saad nito at muling humagulgol.

Agad na nagbagsakan ang luha ko at napalingon kay Duke na kasalukuyan akong tinititigan ng malamig. W-why do you need to do this, Duke…