Chapter 11: Pool
Raven’s POV
Malakas kong sinampal si Duke nang makalayo kami sa harap ng maraming tao. Hindi ko akalain na ganito ka-sama ang ugali niya. Napa- tabingi ang ulo nito at napa-tiim ang bagang dahil sa lakas ng pagkakasampal ko,
“H-how could you threaten me like that? Okay lang kung ako lang, pero para idamay mo ang mga magulang ko? T-that’s below the belt Ace! Hindi ako makapaniwala na ganito pala ang ugali mo.” Marahas kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa kaliwa kong mata. Nag-angat ako ng tingin dito, pero na-disappoint lang ako ng makita ko itong walang emosyon na nakatingin sa akin.
“I’ll send you to your hotel room,”malamig na saad nito bago ako hinawakan sa braso. Umiling ako at para akong napapasong lumayo dito. Buntong hininga itong namulsa at tumingin sa malayo,
“Don’t come near me again,” ‘yon lang ang tanging nasabi ko at mabilis na tumakbo pabalik sa hotel room. Hindi ko mapigilan sumama ang loob dahil sa sinabi nito s’kin kanina, pagdating talaga sa mga magulang, hindi ko maiwasang matakot. Grabe na ‘yong naranasan nila dati dahil sa nangyari sa’kin, at ayaw ko na sila bigyan ng problema pa.
Pag-pasok sa Hotel room dali-dali kong hinanap ang phone ko na naiwan kong naka-charge kanina at agad na tinawagan ang mga magulang ko,
“Anak, napatawag ka? Ayos ka lang ba? Nakarating ka ba ng ligtas ‘d’yan sa Pampanga?” I smiled despite the fact that my tears kept falling into my eyes. I slowly breath out when I heard my mom’s comforting voice,
“W-wala po ma, na-miss ko lang po kayo bigla,”gumagaralgal pa ang boses ko sa pagsasalita, dahilan para makagat ko ang ibabang labi dahil baka mapansin nito na may mali sa’kin,
“Teka, umiiyak ka ba? May nang bully ba sa’yo sa trabaho? Sabihin mo lang sa akin. Hindi kita pinalaki at inalagaan ng maayos para lang apihin ng ibang tao, anak,” napangiti ako dahil sa sinabi nito,
“Wala ito ma, malamig lang po kasi dito sa tinutuluyan ko kaya medyo nanginig ang boses ko,” kahit hindi ko ito nakikita ramdam ko ang pagtango nito sa kabilang linya,
“Ma, may nangyari ba d’yan na hindi niyo inaasahan?” Tila nag-isip naman ito dahil sa sinabi ko,
“Nangyari? Wala naman anak, pero may mga dumating dito na lalaki,” Napatayo ako dahil sa sinabi nito at agad na nag-panic,
“Ano nangyari ma? Sinaktan ba nila kayo huh? Ayos lang ba kayo? Ni-report niyo na ba sa pulis?” bahagya itong natawa sa sinabi ko kaya natigilan ako,
“Ano ba ang pinagsasabi mo anak? Nagbigay lang sila ng mga bulaklak galing daw sa nobyo mo. Ikaw hindi ka nagsasabi na may kasintahan ka na pala,” sandali akong hindi nakaimik bago sinagot ang paratang nito,
“Ma, kahit na sino ang pumunta d’yan h’wag kang tatanggap ng kahit ano at baka masasamang tao ang mga ‘yan, sabihan mo ako agad pag-nangyari ulit ito, and to clarify things Ma, I don’t have a boyfriend nor a will to have one,” hindi na ito nakipag-laban pa. Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok dito na hotel attendant, konting paalala lang ang ibinigay sa akin ni Mama bago ito nagpaalam at may gagawin pa daw siya,
“What is it?” agad na bungad ko pagkabukas ng pinto, mukhang nasindak naman ito sa deretsa kong sagot kaya nakayuko itong nag-abot ng hawak nitong paper bag,
“A-hh… Ma’am pinapabigay po ng isang lalaking guest, dinner niyo daw po,” tinignan ko ang hawak nitong paper bag na mukhang galing sa mamahaling restaurant,
“Sinong guest?” nakakunot kong saad dito,
“H-hindi ko po kilala M-ma’am, inutusan lang ako ng Manager namin,” Tumango ako dito at kinuha sa kanya ang hawak bago magpasalamat,
Pagkasara ng pintuan, agad kong tinignan ang laman ng paper bag, steak ito na may kasamang vegetable salad at orange juice in a battle. Inilapag ko ang mga iyon sa ibabaw ng center table, at itatapon na sana ang paper bag, nang makita ko ang nakadikit na stick note dito,
“Sorry for what I said earlier. Eat your dinner now,” Nang mabasa ko ang sulat mula kay Duke, binalak ko pa’ng ibalik ang pagkain sa paper bag, pero tumunog ang tiyan ko kaya, hindi na ako nagpakipot at kinain na lamang ang mga naka-handang pagkain.
Kinabukasan, maaga akong nagising para sa pangalawang convention na gaganapin mamayang hapon. I decided to go to a pool and have a swim, since naka-bakasyon din naman kami, why not sulitin diba?.
I just wore my red two-piece at pinatungan ito ng balabal na kulay pula din at mukhang net, nag-suot din ako ng sunglass, dahil tirik ang araw ngayon at ipinusod lang ang buhok. Paglabas ko ng hotel room, nadatnan ko si Duke na nakasandal sa gilid ng pader at mukhang hinahatay akong lumabas. Napaangat ang tingin nito sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa,
“Where are you going? Why are you wearing that? Go back inside and change your clothes.” saad nito habang nakasunod sa akin. Inirapan ko ito at hindi pinansin. Agad akong dumeretso sa rooftop kung nasaan ang swimming pool ng Hotel. Bawat madadaanan namin ay napapatingin sa akin lalo na mga lalaki, pero pag napadapo ang tingin nila sa lalaking na sa aking likuran, agad silang napapaiwas ng tingin at nagmamadaling umalis. Nang mapatingin ako kay Duke kitang-kita ko kung paano niya samaan ito ng mga tingin,
“What are you doing? Bakit ba sunod ka nang sunod sa akin?” napaiwas ito ng tingin at tumikhim,
“Binabantayan ka,” mahinang saad nito. Napailing na lamang ako at dumeretso sa bar counter para umorder ng juice. Si Duke naman ay naupo hindi kalayuan sa akin at mataman akong tinititigan, kahit naiilang hindi ko pa rin siya pinagtutuunan ng pansin.
Ilang minuto pa ng dumating si Clive na naka-topless at board short lamang, may suot din itong aviator, dahilan para mas umangat ang kagwapuhan nito at pagtinginan siya ng mga babae. Agad itong ngumiti ng masilayan ako nito at lumapit, nag-order muna ito ng maiinom bago nalipat ang tingin kay Duke na kasalukuyang masama ang tingin sa kanya bago bumaling sa akin,
“How are you? Bigla ka na lang nawala kagabi at sumama kay Remington, may ginawa ba siya sa’yo?” Sumimsim ako sa juice at umiling, hindi niya na kailangan malaman pa.
“Wala naman pagod lang ako kaya nauna na akong bumalik sa hotel, walang kinalaman dito si Ace,” natahimik ito at tumanaw sa malayo,
“Ace… first name basis huh?” agad itong natauhan sa sinabi at tumawa ng mahina,
“Anyway, sabihin mo lang sa akin pag may ginawa siya sa’yo. You know, I always have your back,” ngumiti ako dito at nagpaalam na magsi-swimming muna. Tinanggal ko na ang suot kong patong bago lumusong sa pool. Ilang laps pa ang nagawa ko bago umahon. Hindi pa ako nakakaangat ng tingin nang may biglang nagbalot sa akin ng tuwalya at sapilitan akong binuhat,
“You ask for this…” saad ni Duke sa malamig na boses,
“Ano ba bitawan mo ako!” pinilit kong magpumiglas pero mas hinigpitan lang nito ang kapit sa akin at nagmamadaling bumalik sa loob ng Hotel, balak pa sana akong tulungan ni Clive pero umiling na lang ako dahil ayaw ko na magkaroon ng gulo dahil sa akin,
Ibinaba lang ako ni Duke ng makarating kami sa isang hotel room na mukhang pagmamay-ari niya,
“Ano bang problema mo, ahmmm!” hindi ko na mabuo ang sasabihin ko ng takpan nito ang bibig ko at bahagya siyang yumuko at naramdaman ko na lang labi nito sa gitnang bahagi ng dibdib ko.