IMMORTAL DESTROYER: Upheaval [Volume 2]

IMMORTAL DESTROYER: Upheaval [Volume 2]

By: jilib480

4.9K
views
100
Chapters
Completed
Status

IMMORTAL DESTROYER: Upheaval [Volume 2] is a completed fantasy novel by jilib480 with 100 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added June 22, 2022.

Synopsis

Living in the present, Li Xiaolong became aware of the situation Li Clan has to be inorder to survive in the cruel world of cultivation. Sky Flame Kingdom begun to show it's fangs and the other three kingdom's defense alerted. What if an external evil forces began to join this chaotic situations between this four kingdoms? Will Dou City will be at peace to work on maintening the peace order that lies between the four kingdoms because of the treaty?

Read the first chapter

Chapter 1

Tila napasimangot naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Pero nang maisip niya at maabsorb ang lahat ng impormasyong sinabi nito ay nagmi-make sense naman ito lalo na at tila mayroon mga bagay siyang nakaligtaan. Una, sino lang ba ang Xiantian Realm Expert sa Green Valley, Siya lamang at ang natitirang mga buhay pa na Clan Chiefs sa karatig-angkan nila ang maaaring maging pag-asa ng angkan ng Green Valley ngunit wala pa rin silang binatbat sa mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom o sa mga galamay ng mga itong namumugaran sa iba't-ibang parte ng lugar na sakop ng nasabing kaharian.

"Oo na Binibini, aaminin kong medyo overconfident ako sa lakas ko pero I know na hindi ko kaya ang nakatagong napakalakas na pwersang meron ang kaharian ng Sky Flame Kingdom pero naniniwala akong balang araw ay makakaya ko silang tapatan at wasakin kung saka-sakali pero naisip ko lang ay kailangan kong maging matatag dahil alam kong malabo pa sa malabo na makakaya namin ang nasabing kaharian ng Sky Flame Kingdom kung sakaling mangyari ang kinatatakutan ko o namin. Aaminin kong mali ang pag-underestimate ko sa mga ito lalo na at akala ko lamang ay pinakamataas na ang Xiantian Realm o Blood Warrior Realm na lebel ng Cultivation sa apat na kaharian o sa lungsod ng Dou City pero hindi mo naman masisisi sa akin o sa amin yung kung mahina kami dahil palagi na lamang kaming nasa ilalim, walang hustisya o kakayahang umunlad ng sarili lamang namin ng walang hadlang." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Alam niyang may punto naman ang sinasabi ng magandang babaeng nasa harapan lamang niya ngunit tila may dating sa kaniya na parang tingin niya ay napakaliit niya o nila. Ito lang kasi ang unang nagsabi sa kaniya ng masakit na salita este pangalawa pala. Alam niyang masakit magsalita ang nagsasalitang quoll na si Fai pero mas brutal at vulgar pala magsalita ang magandang babaeng nasa harapan niya na siyang nakakaramdam siya ng panliliit sa kaniyang sarili. It is really a huge blow para sa kaniya lalo na at wala naman talaga siya o silang makakapitan.

"So kasalanan ko? Kasalanan pala namin? Dapat na sisihin niyo ang mga sarili niyo at ireflect ko saan kayo nagkulang o ikaw. To be exact with, sisihin niyo ang mga ancestors niyo hindi yung parang kasalanan ko pa. Hindi pa nga yan mas masakit bata na sasabihin ko sa'yo nor I will change my attitude towards you. Masakit man ako magsalita just so you to learn. Hindi ito ang lugar na bagay para sa mga mahihinang nilalang bata. Kung talagang sumusuko ka na at hindi mo matanggap yung sasabihin ko sa'yo, ngayon pa lang ay wag kang magcultivate o maging martial artists. Hayaan mo nalang na mamatay ang mga mahal mo sa buhay o ang mga inosenteng buhay ng mga nilalang na sa angkan niyo o sa Green Valley. In fact, I can't help you physically, parang kasalanan ko pa kong may mamamatay sa inyo o mawawasak ang ngal ugar sa Green Valley na sinasabi mo. Hindi mo ako kalaban batang Xiaolong kaya wag mo kong madamay-damay sa kapangahasan ng sinasabi mong Sky Flame Kingdom!" Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitaan sa tono ng pananalita nito ang labis na pagkainis sa sinabi Ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Tila nanlaki naman ang pares na mata ng batang lalaking si Li Xiaolong at napayuko na lamang ito all throughout sa sinasabi ng magandang babaeng nasa harapan niya.

"Pasensya na magandang Binibini, hindi ko sadya ang sinasabi ko lalo na at na-misinterpret mo ang mga sinalita ko. Aaminin kong medyo lumapas ako pero ayoko lang masira ang buong Green Valley at ayokong tumigil sa pagiging Martial Artists. Tinahak ko ang daan ng Cultivation hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa mga nilalang na mahalaga sa akin." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong na nasa mahinang boses ito. Mapapansin na nagsisisi ito sa kaniyang sinabi.

More by jilib480

View all

You may also like

Fantasy

Sign in to join the discussion