Chapter 9
AMARA’S POV
“Bababa ka o papa-ulanan ko ng bala ‘yang sasakyan n’yo?” Pagbabanta ni Adler sa labas.
Tumingin sa akin ng nag-aalala si Zach. Saka hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang panginginig at lamig ng kamay n’ya, parehas sa akin.
“Isa.”
“Sorry, sorry kasi kung ako ang kasama mo baka hindi nangyari ‘to.” Sabi n’ya. Umiling naman ako.
“Walang may gustong mangyari ‘to Zach. Wala tayong dapat sisihin.”
“Dalawa!” Sigaw sa labas. Pumikit naman ako saka tumango bago hinawakan ang pinto ng sasakyan. Pinipigilan n’ya ako pero nagpumilit pa rin ako
“Tat—”
“Ito na puñyeta naman hindi makahintay ang gago!” Sigaw ko saka pinunasan ang luha. Nakita ko na lumabas din si Zachary at akmang lalapit pero may pumigil agad sa kan’ya.
Nakarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril kasabay ng pag bagsak ng ilan sa mga tauhan nitong si Adler.
“Gulat na gulat naman si adler. Saka mabilis akong hinablot at tinutok ang baril sa ulo ko. Shiiiit!! Wala namang ganyanan!!
Pati si Zachary ay nagulat din sa pag-hablot sa akin.
“S-sino kayo? Sige, subukan n’yo. Papatayin ko ‘to!” Sigaw n’ya saka mas diniinan ang pagtutok ng baril sa ulo ko. Napapikit naman ako habang nanginginig.
Bigla na lamang akong nabitawan ni adler saka napahiga. Agad ko namang kinuha ang baril na hawak n’ya kanina kahit nanginginig. Dinamayan din naman ako agad ni Zach habang nagsisigaw si Adler. Nakita ko na mayroon s’yang tama ng baril sa kamay at sa hita. Pero paano?
“Amara! Zachary!” Tawag ni kuya sabay lapit sa amin. Agad n’ya naman akong niyakap. Nakita ko rin si Jackson.
“K-kuya.” Umiiyak na saad ko. Niyakap n’ya ako ng mahigpit habang pinapatahan.
“Oh, ano? Nasaan ang mga kalaban?” Tanong ni Jaxon pagkababa ng sasakyan.
“Tanga mo, late na tayo! Mga patay na yata mga ‘to e!” Sabi naman ni Aidan sabay sipa doon sa isa. Umalis din si kuya sa pagkakayakap bago tiningnan ang tatlo.
Nakita ko naman na palapit sa amin si Keizler.
“Hey, are you alright? Sorry, nahuli kami.” Sabi n’ya sabay luhod. Ngumiti naman ako saka tumango. Ngumiti s’ya pabalik sabay punas ng luha ko sa pisngi.
“Tara na, para ma-tingnan ka na rin if meron ka bang sugat.” Pag-yayaya ni Zach sabay tayo sa akin.
Nakarinig ako ng putok ng baril bago pa man kami makatayo dahilan kung bakit bigla ulit akong napaupo sabay takip ng tenga. Nakita ko naman na nagulat din sila at agad ding pinaglalabas ang baril. Nakita ko na nakahiga si Jackson at may dugo. Mabigat ang paghinga habang nakatingin naman sa amin si Adler habang naka-upo. Halata rin ang panghihina sa kan’ya.
Kinuha ni Aidan si Jackson at dali-daling isinakay sa sasakyan. Hindi naman iyon pinansin ni Adler dahil diretso pa rin s’yang nakatingin sa akin habang nakangisi.
“I-ikaw sana ang tinamaan ng bala pero swerte ka at iniligtas ka n’ya.” Tumatawang sabi n’ya.
“Hayop ka, pinagkatiwalaan ka namin!” Sigaw ni kuya habang nakatutok pa rin ang baril kay Adler pero mas lalo lang lumakas ang pagtawa n’ya.
“Pinagkatiwalaan? Nagpapatawa ka ba?” Tanong n’ya habang umiiling-iling. Maraming dugo na ang nakakalat ngayon pero gaano ba karami ang dugo nito at parang hindi nauubusan?
“Ni-isa hindi ko naranasan na mapagkatiwalaan. Kahit isa walang naniwala at nagtiwala sa akin. Kaya ikaw? Pinagkatiwalaan ako? Isang kasinungalingan!” Sigaw n’ya at may tumulong luha habang tumatawa.
“Gusto n’yo akong patayin? Sige!” Sigaw n’ya pa at binitawan ang baril sabay ibinuka n’ya ang mga kamay. “Bakit naman namin gagawin ‘yon? Hindi naman kami ganoon kasama.” Sabi ni Zach sabay lapit kay Adler at sinipa palayo ang baril na kanina ay hawak-hawak. Agad n’yang hinawakan ang kamay ni Adler at inilagay sa likod n’ya. Hindi naman s’ya nanlaban. Dala na rin siguro ng panghihina.
Inakay ako ni kuya papuntang sasakyan. Habang nasa likod namin si Zachary at buhat buhat si Adler dahil tuluyan na itong nawalan ng malay. Hindi ko alam kung saan nila s’ya dadalhin. Kanina pang umalis si Aidan kasama si Jackson.
Dumiretso kami sa ospital kasama si Adler. Hindi naman kami ganoon kasama para hayaan s’yang mamatay doon. Kahit papaano ay may pinagsamahan din naman kami.
Nagpatingin na rin ako at si Zachary pero katulad nga ng sinabi ko ay ayos lang ako. Nag-aalala ako kay Jackson kasi tulog s’ya ngayon. Ang sabi ay maraming dugo ang nawala sa kan’ya. Napaisip naman ako bigla kay adler. Hindi ba tatlo ang tama ng bala n’ya? At mas matagal pa s’yang nabaril. Edi may posibilidad ba na hindi na s’ya mabuhay? Jusko, ‘wag naman sana.
“Amara, are you alright?” Sabi ni Jackson sabay haplos sa buhok ko.
“Jackson! Sandali, tatawagin ko ang doctor.” Sabi ko sabay tayo.
Pagkatawag ko ay agad din namang dumating ang doctor sabay tingin sa kan’ya. Sabi n’ya ay normal na raw naman ang lahat. Paghihilumin na lang ang sugat at pwede na s’yang ma discharge. Hindi raw naman ganoon kalalim ang tama ng bala.
“Sorry.” Paghingi n’ya ng paumanhin. Kumunot naman ang noo ko.
“Dapat pala hindi na ako lumayo. Dapat pumunta ako kung saan makikita pa rin kita.” Agad naman akong umiling sa mga sinabi n’ya.
“Ayos lang, ano ba! Ikaw nga ‘tong napa-hamak ako pa rin inaalala mo. Wala namang may gusto nito.” Sabi ko sabay ayos ng gulo n’yang buhok.
“Nasaan ngayon si Adler?” Tanong n’ya.
“Nandito rin sa ospital pero hindi pa nagigising. Nag-aalala rin ako sa kan’ya kasi kahit naman ganoon ay may pinagsamahan pa rin naman kami.”
“Alam mo, ang bait mo. Dahil ang dapat na nararamdaman mo ngayon ay galit dahil sa kabila ng ginawa n’ya sa ‘yo. Pero nagawa mo pa ring mag-alala sa kan’ya.” Sabi n’ya habang hawak ang kamay ko. Ngumiti naman ako ng bahagya sa kan’ya.
“Hindi naman. Ganoon lang talaga siguro.”
Lumabas muna ako saglit para bumili ng pagkain namin. Hindi pa pwedeng kumain si Jackson kasi hindi pa s’ya pinapayagan ng doctor.
Sa dami ng iniisip ko dumagdag pa ang tungkol kay Zach at Jackson. At may sinabi pa sa akin si kuya na lalong nagpagulo ng isip ko.
“Alam mo bang matagal nang may gusto sa ‘yo si Keizler? Gusto n’yang umamin pero ‘di n’ya magawa. Lalo na ngayon, mas komplikado.”
“Sorry, what? What do you mean? Seryoso ba o joke time ‘to?” Sunod-sunod kong tanong.
“Ewan ko, hindi dapat ako ang nagsasabi sa’yo nito pero kasi ayon ‘yung totoo, naaawa na ako sa kan’ya kasi kapag nakikita natin s’ya, masaya. Parang walang iniisip pero deep inside pala ang dami n’yang dinadala. At isa na ro’n ang pilit n’yang tinatagong nararamdaman n’ya.”
“Kuya, hindi talaga tayo magkaintindihan. Dinaig mo pa ang lasing. Anong nararamdaman? May sakit ba s’ya?” Gulong-gulo na tanong ko. Totoong may inom s’ya pero sa tingin ko hindi pa naman ‘to lasing.
“Hindi ba noon ko pa sinasabi sa’yo na may gusto sa’yo si Keizler pero akala mo biro? Amara, hindi ‘yon biro. Hindi joke kasi totoo ‘yon. Matagal na s’yang may gusto sa’yo. Kaya lang ngayon, komplikado na kasi andyan na si Zachary. At kaibigan n’ya pa. Naunahan s’yang umamin. Hindi n’ya alam kung anong gagawin kasi ayaw n’yang masira ‘yung pagka-kaibigan na meron sila.”
“Anong gusto mong gawin ko? Kausapin sila parehas? Patitigilin ko na ba si Zach sa panliligaw n’ya sa akin?”
“Ikaw. Ikaw naman ang mag de-desisyon n’yan. Pero mas maganda kung kakausapin mo si Keizler ng personal.”