Chapter 22
Pinagpatuloy ko ang panghahampas sa kanya. Hindi ako titigil hanggat hindi sya nasasaktan.
"Tama na" pero hindi ko 'yon pinansin at pinagpatuloy ko lang ang panghahampas sa kanya. Nakakainis sya! Pinaasa lang ako. Akala ko pa naman non , mahal nya talaga ako kaso nagkamali lang ako. Isa lang malaking panloloko ang lahat.
"Hindi ako titigil hangga't hindi mo nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon" sigaw ko habang patuloy parin ako sa ginagawa ko hanggang sa isa isa ng bumagsak itong mga luha ko.
"Manloloko. Manggagamit. Heartbreaker" pagkatapos kong sabihin 'yon ay ako na mismo ang tumigil sa pananakit sa kanya. Lumayo lang ako ng kautin at pagkatapos ay pinunasan ang mga luha kong patuloy parin sa pagbagsak.
"Hannah, ano bang sinasabi mo?" naguguluhan nyang tanong. Tiningnan ko muna sya ng masama at pagkatapos ay binigyan ko uli sya ng isa pang panibagong sampal.
"Huwag mo na akong lokohin. Oo, ang puso naloloko pero ang mga mata hindi. Kitang kita ko na ang katotohan bakit hindi mo na lang aminin ang lahat" i shouted at the top of my lungs. Isang sigaw na nag-echo sa buong paligid. Natigilan sya.
Tanging pagtunog lang ng wall clock ang maririnig. Maranas ko na lang pinunasan itong mga luha ko at pagkatapos ay tinalikuran ko na sya.
"Mabuti pa atang maghiwalay na lang tayo" muli kong pinunasan itong mga luha ko at pagkatapos ay tuluyan ko na syang iniwan. Iniwan ko syang lumuluha.
Akala ko pa naman may happly ever after saming dalawa ni Lance pero nagkamali ako. Tanging sa mga teleserye at mga asian drama mo lang mararanasan ang happly ever after.
Jonelle's Pov
Iniwan ni Hannah si Lance na luhaan. Hindi man lang nya binigyan ng pagkakataon ang binata na magpaliwanag. Hindi man lang hinayaan ni Hannah na sabihin ni Lance ang totoo.
Na sadyang hindi naman totoo ang sinasabi ng dalaga. Binagsak lang ni Lance ang sarili sa sofa at pagkatapos ay napahilamos sya ng mukha habang umiiyak.
"Sana.. Pinabayaan nya man lang na ipaliwanag ko ang lahat" sabi ni Lance sa sarili habang umiiyak.
PAGKAUWI naman ni Hannah sa bahay ay agad na syang dumiretso sa kanyang kwarto at basta na lang binagsak ang katawan sa kama at nag-iiyak sya dun.
"Mahal ko naman sya pero bakit nya ako ginanito?" she kept on saying those words hanggang sa nakatulog na sya.
Nang nagising sya sa umaga ay magang maga ang kanyang mga mata. Wala naman talaga syang balak na tumayo kung hindi lang dahil pinilit sya ng Papa nya na bumaba dahil hinihintay na sya ni Lance sa may sala.
Kahit labag sa loob nya ay bumaba pa rin sya. Hindi na rin sya nag-abala pang ayusin ang mukha. Dahil para sa kanya, hiwalay na naman sila bakit kailangan nya pang mag-ayos.
Pabagsak na lang nyang pinaupo ang sarili. Hindi na rin sya nagubos pa ng panahon para tingnan ang binata dahil hanggang ngayon ay naiinis parin sya dito.
"Bakit ka ba nandito?" pabalang nyang tanong dito habang sa ibang direksyon parin sya nakatingin.
Napansin naman ni Lance na ayaw syang tingnan ni Hannah kaya tiningnan nya ito dahilan para madiskubre nyang namamaga ang mga mata nito. Well, parehas lang sila pero dahil sa cool sya ay nagsuot sya ng shades para magmukha syang cool.
"Bakit namamaga ang mga mata mo?" sinagot ni Lance ang tanong ni Hannah ng isa pang tanong. Dahilan para tingnan sya ng dalaga at napansin nitong nakasuot sya ng shades.
"Ano namang kaartehan yan? Nakasuot ka pa ng shades? Hindi bagay sayo. Mukha kang tutubi" at nakaismid pang sabi ni Hannah at pagkatapos ay nagcross arms pa.
Ang hindi alam ni Hannah ay napangiti si Lance dun sa sinabi nya.
"Okay lang magmukhang tutubi, mapangiti ko lang babaeng mahal na mahal ko" nakangiting saad ni Lance habang hindi inaalis ang kanyang paningin sa magandang mukha ni Hannah.
"Anong sabi mo ? Babaeng mahal na mahal ? Puntahan mo si Clare dahil sa pagkakaalam ko hindi ako ang babaeng tinutukoy mo" halos humaba na ang nguso ni Hannah habang sinasabi nya 'yon dahilan para hindi na mapigilan ni Lance na matawa.
Napansin naman 'yon ni Hannah kaya nainis sya kay Lance kaya tumayo na sya at nilapitan ang binata pero wrong move para sa kanya dahil agad namang tumayo si Lance at niyakap sya ng mahigpit.
"Sorry na kung nagseselos ka. Hindi ko alam kung bakit ka nagseselos pero magso-sorry ako dahil kahit hindi ko man alam kung anong ginawa kong mali ay masaya ako dahil nakakausap parin kita ..." at hinalikan ni Lance ang buhok ni Hannah at pagkatapos ay muli syang bumulong.
"Kung iniisip mong si Clare ang babaeng mahal na mahal ko. Pasensya ka na dahil nagkakamali ka. Dahil sa pagkakaalam ko, ikaw ang sinisigaw nitong puso ko"
Hindi na napigilan ni Hannah na mapaluha. Pakiramdam nya galing sa puso ang bawat letra at bawat salitang sinasabi ni Lance. Kaya niyakap nya rin ito ng mahigpit.
"Sorry rin. Dahil nagselos ako. Pati si Clare na kaibigan natin pinagselosan ko. Sorry na po" at nakapout pang sabi ni Hannah . Napangiti naman si Lance kaya agad nyang hinalikan si Hannah.
They shared a passionate kiss. At pagkatapos non ay hinawakan ni Lance ang kamay ni Hannah , he even intertwined it with her.
"Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal rin kita"