Chapter 23
Jonelle's Pov
Muli ng nakaayos si Lance at Hannah. Masayang masaya na silang dalawa dahil ayos na ang lahat para sa kanila. They even planned their wedding dahil payag na naman ang mga magulang nila. They planned their wedding na after nilang gumaraduate sa college at magpapakasal sila.
Another months have passed.
"Lance ..." bigkas ni Hannah sa pangalan ng nobyo habang magkahawak kamay sila papunta sa may park.
"Hmm?"
"Sigurado ka bang magpapakasal talaga tayo after nating gumaradute?"
Lance Damian's Pov
Parang bigla akong nabingi sa sinabi nya kaya agad akong tumigil sa paglalakad dahilan para tumigil din sya. Nakatingin lang sya sakin na parang sinasabi ng mga mata nyang 'Lance, may problema ba?"
I just shook my head on that thought.
"Lance, may problema ba?" aba't talagang kagaya talaga ng naiinis ko.
Pero imbis na sagutin ko ang tanong nya ay hinawakan ko ang mga kamay nya habang nakatitig sa magaganda nyang mga mata.
"Hannah, kung may nakita kang mali sa relasyon na 'to. Kung may nakikita kang pagkukulang ko, sabihin mo lang sakin pupunan ko 'yon wag ka lang mawala sakin" nakita kong mukha syang nabigla.
Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko pero hindi ko na lang pinansin'yon at nanatili ang senseredad sa mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Lance, okay ka lang ba?" nakunot noong tanong nya at halatang nagpipigil na sya ng tawa pero hindi ko na lang pinansin 'yon at niyakap ko na lang sya ng mahigpit.
"Hannah, Every single moment that I have with you is like a million of seconds. I will treasure it like it's the most valuable thing in this world" hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Nakakainis lang isipin na ang babaeng 'to na kayakap ko ngayon ay dati ay pinagtabuyan at pinakawalan ko lang non. I was so drunk of that anger inside me na hindi ko na nakita ang babaeng nilaan sakin ng Diyos.
I wasted my time and energy to be with girls na hindi naman talaga mahalaga sakin. Those girls, I played with their hearts and wrecked each one of them.
"I love you" i sincerely whispered in her ear.
"Lance, are you okay?" kumalas na sya sa yakap at tiningnan nya ako sa mata.
"Are you okay? May sakit ka ba?" there's concern in her voice that makes me fall for her harder.
Nilagay nya pa ang likod ng kamay nya sa may noo ko para i-check kung may lagnat ako. Napangiti lang ako sa ginawa nya.
Mukha namang napahiya sya kaya nagblush sya bigla.
"Nakakainis ka naman eh! Kinikilig ako eh" at playful nya pa akong pinaghahampas. Hindi ko na lang pinansin 'yon bagkus ay muli ko syang niyakap ng mahigpit.
"I love you Hannah. I won't stop repeating those little yet powerful words. Because for me 'I love you' is not complete because the best things about you and me is we are meant to be" nanatili lang kami sa ganung posisyon hanggang sa maramdaman ko na lang na may warm fluid na tumutulo sa balikat ko. Alam kong hindi ulan 'yon dahil hindi naman makulimlim.
"Lance, I love you too pero please don't talk like that pakiramdam ko kasi iiwan mo na ako. Please, don't scare me like this." napangiti naman ako sa sinabi nya.
Hannah Mikaella's Pov
A day before the graduation.
Sobra kong saya dahil bukas It's official. Nakagraduate na ako ng college at makakapagtrabaho na ako sa pangarap kong company. Syempre kina Lance, hihihi. Ang saya kaya non pero speaking of Lance, this past few days hindi na sya ng te-text sakin, ni tumawag nga hindi eh. Laging busy ang phone nya.
Bigla ko tuloy naalala ung sinabi nya sakin non. Natatakot akong isipin na baka may nangyari sa kanyang masama pero I prayed to God na hopefully walang nangyari. Syempre, bago nya ako naging girlfriend I was first became his friend turned into a bestfriend and now his girlfriend , well let's just add the word 'Official' dahil kung maalala nyo ung first chapters ng nobelang 'to sinabi ko kay Lance na 'Be my boyfriend'.
Gosh, I'm so desperate back there. Using those poor girls who always cry because Lance dumped them.
Well, back to present. Pagkatapos ng practise para sa graduation ay pinuntahan ko sya sa bahay nila at yep wala rin sya sa practise kanina kaya nakakapag-alala.
Tinatanong ako ng mga kaklase ko kanina kung nasaan si Lance, syempre ang sagot ko naman hindi ko alam. That's the truth hindi ko naman talaga alam , bakit naman ako magsisinungaling kung hindi ko naman talaga diba? Tapos idagdag mo pa ang mga babaeng patay na patay kay Lance, sabihan ba naman akong panget at nakapagtyaga daw si Lance sakin ng ilang buwan dahil bestfriend nya daw ako at isa raw yung utang na loob. Naku! Mga sabi sabi nila, makapagbitaw lang ng salita para lang magmukha silang kapanipaniwala ibang tao ang ipapahiya.
"Ma'am, sino pong hinahanap nyo?" pagkatapos kong magdoor bell ay may isang kasambahay ang lumabas.
"Ahh, si Lance po ba nandyan?" Don't ask kung bakit hindi ako sa condo nya pumunta. Kaya hindi ako pumunta dahil pinuntahan ko 'yon kanina nung nagmo-monologue ako. Anong akala nyo sakin? Mabagal? Hindi ako pagong para sabihang mabagal kaya habang distracted kayo sa kagandahan ko ay masyado kong binilisan ang pagkilos ko kaya ayan , wala kayong kaalam alam na ang galing galing ko.
Anyway back to present.
"Kayo po ba si Miss Hannah?" bigla akong napangiti dun sa sinabi nya. Hindi dahil sa alam nya ang pangalan ko or whatever pero duh! Tinawag nya akong Miss Hannah parang sosyal na may class at pakiramdam ko mayaman ako pag sinasabihan ako ng ganun. Nakakatuwa.
"Yes po" todo ngiti at todo tango ko namang tugon. Malay mo diba, sa next sentence nya may Miss uli ang itawag sakin. Edi magiging masaya na ako o kaya pumunta agad ako sa supreme court para padagdagan ang pangalan ko ng Miss bali ang magiging pangalan ko ay Miss Hannah Mikaella Gonzales hihihi, iniisip ko palang sobra ko ng saya. Pero syempre dahil sa wala akong pera ay uutangan ko muna itong si ateng kasambahay , mukhang marami syang pera kahit kasambahay lang sya eh.
"Ma'am, okay lang po kayo" winagayway nya pa sa pagmumukha ko ung malaki nyang kamay dahilan para matakot ako at magbalik sa kasalukuyan.
"Ha?" nagpalingon ako sa kaliwa't kanan para i-check kung nasa earth pa ba ako o sadyang naglalakad na lang ako sa clouds.
"Miss Hannah ..." sabi nya. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at nagliwanag na ang mga mata ko na parang gawa ito sa dyamante . Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya dahil gustong gusto ko na tawagin akong Miss Hannah masyadong maharlika.
"Si Sir Lance po ay nasa Singapore nandun po kasi ang mga magulang nya at sa pagkakaalam ko po ay babalik po sila dito siguro po ay bukas---"
"BUKAS?" nanlaki ang mga mata ko. Ba't hindi naman sinasabi sakin ni Lance ang mga bagay na 'yon. Balak nya bang ilihim sakin na umalis sya ng bansa without na sasabihin sakin? Hindi ko naman sya pipigilan sa nais nya ang saakin lang, kailangan kong malaman dahil ako ang girlfriend. Syempre tao rin naman ako marunong mag-alala.
"Opo, Ma'am---"
"Sige. Salamat" hindi ko na sya pinatapos sa kanyang sinasabi at pagkatapos ay umalis na ako. Nakakasama lang ng loob. Parang sa ginawa nya parang wala man lang akong halaga para sa kanya. Ang sakit lang tanggapin. Parang wala akong karapatan.
Parang nung nakakaraan lang sinabi nya sakin na mahal nya ako pero parang kagaya ng sulat sa buhangin na kayang burahin ng tubig din ang sinabi nya na buong pusong pinaniwalaan ko.