Chapter 34: Orchestrated
“All this time, she wanted you to be her daughter-in-law, hindi ba?” pagpatuloy ni Gianna na nakatunghay sa babaeng kasing-tangkad niya. “Nang mawala na ako sa landas ng anak niya, she orchestrated your meeting, para magkakilala kayo ni Brayden nang hindi raw sadya. Hindi ba ‘yon ang totoo?” dagdag pa niya.
Napamaang si Kelly. Hindi nakapagsalita. Parang tinakasan ito ng mga salita at wala man lang mahuma ngayon para sumagot sa kanya at ipawalang-saysay ang bintang niya.
“She manipulated her own son! Eh, ‘di wow! Wala man lang kaalam-alam si Brayden na magkasabwat kayo ng ina niya! To think that he even cared for you? Sinabi pa niyang nahihirapan siyang makipaghiwalay sa ‘yo dahil iniisip niyang masasaktan ka… He took his time to ensure that you’ll break up amicably, and I’ve waited so patiently. Somehow. Nirespeto ko ang desisyon niya. But this? Tell me, sino ang vixen sa ‘ting dalawa ngayon? At least ako, hindi ko kailanman pinaglalaruan ang taong mahal ko! Hindi ko siya niloko kahit kailan! Masasabi mo ba sa ‘kin ngayon na mahal mo si Brayden at hindi mo siya niloko, ha? That you’ve got nothing to do with his mother’s schemes?”
“Oo! Mahal ko na siya matagal na! Bago ka pa man dumating sa buhay niya!” sagot ng doktora.
Umiling si Gianna. “Huh. Pasensyosa ka rin pala, ‘no? Kung gusto mo siya noon pa, ba’t hindi ka gumawa ng hakbang? Hinintay mo lang akong mawala sa landas ni Brayden sa tulong ng ina niya bago ka nagpakilala as if it was a bloody coincidence! Ang galing lang ng entrance mo sa buhay niya, eh. Puwede ka palang maging artista!” sarkastikang aniya.
Napalunok ito. Napunta na rito ang pansin ng mga tao at hindi sa kanya dahil sa mga salitang binitiwan niya.
“Gumawa kayo ng paraan para mapalayo ako kay Brayden, ‘di ba? You played and used my emotions and my poor background. You knew Brayden loved me so much! But you still wanted him for yourself. Suwerte mo lang at ikaw ang gusto ng ina niya dahil mas edukada, may kayamanan dahil tagapagmana ng ospital, at mas matingkad ang kinabukasan. Pero sino ngayon ang mang-aagaw sa ‘ting dalawa, ha? You played dirty tricks on us!”
“I-I just… love him so much!” mahinang sabi nito. Her eyes wavered.
“Pero ako, ako ang tunay niyang mahal. Hindi ikaw! Kaya sabihin mo sa ina niyang manipulator at dakilang epal sa buhay ng anak niya na hindi na ako magpapatalo pa sa kanya ngayon. Tapos ko na siyang pinagbigyan noon, hindi na ngayon! Tapos na akong magpakagaga nang dahil sa kanya dahil nirespeto ko siya bilang ina ni Brayden! Pero akin lang si Brayden! At ako ang mahal niya! Tanggapin n’yo na ‘yon! Mga pucha kayong dalawa!” galit na wika niya.
Napatingin siya sa mga taong napapalakpak. Hindi niya inasahan iyon. Para silang gumagawa ng eksena sa isang pelikula.
Dumating naman si Brayden nang hindi niya namalayan. Agad siya nitong hinawakan sa kamay at halos kaladkarin palabas ng hotel.
Malapit sa parking lot ay isinandal siya nito sa pader ng gusali. Doon ay niyakap siya nito nang mahigpit at hinalikan sa labi nang napakarubdob. Tinugon naman niya ito nang napakainit.
“I’m sorry. I’m so sorry! I’m the one who’s so stupid! I didn’t know!” Halos mangiyak-ngiyak na sabi ng binata pagkatapos siyang halikan. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi.
“A-ang alin doon ang narinig mo?” Sinilip niya ang mukha nito habang nakayuko ito.
“Lahat-lahat! Tinawagan agad ako ni Krish nang makita ka niya sa hotel. She mentioned to me kanina na nagkita pala kayo ni Mama pero hindi mo sinabi sa ‘kin ‘yon. Krish wanted to talk to you at the time, but you just brushed her off. She knew there was something fishy when she saw you with my mom, knowing that we already broke up and judging by your being upset then. At nalaman niya ang tungkol sa tabloids.
“Nang marinig ko ang usapan n’yo ni Kelly dahil kay Krish… through the phone… it all made sense! Kung bakit hindi mo kayang tanggapin ang perang alok ko sa ‘yo kahit na pagbayarin naman kita… kung bakit nagmatigas ka noon… kung bakit ayaw mong tanggapin ang tulong ko. You were so f*cking determined to leave me! At hindi ko alam na ‘yon pala ay dahil sa pagmaniobra ng mama ko.
“Gianna, she put ideas into your head. She insulted you. She hurt you! I didn’t even know she did it. And for that, I am so sorry, Gianna. I didn’t know at the time na hindi pala siya boto sa ‘yo. Akala ko ay natural lang na malamig siya sa ‘yo. She is not really a warm person to start with. Pero lately ko lang nahalatang mas gusto nga pala niya si Kelly kaysa sa ‘yo nang marinig ko mismo sa kanya ‘yon noong isang araw.”
Napalunok si Gianna at napahigit siya ng hininga. “Bray… Ayokong mag-away kayo ng mama mo kaya hindi ko sinabi sa ‘yo. Kaya… sorry, Bray. Nasaktan kita noon.”
Bahagya itong tumango. “Kaya pala ayaw ni Rina kay Kelly dahil may alam na siya… Nakita raw kasi niya noon ang mama ko at si Kelly na magkausap sa isang nadaanang elite women’s club bago naging kami… At kaya pala ayaw ring sabihin sa ‘kin ni Naomi ang totooo. She gave me a hint—kung alam ko lang ang totoong dahilan mo kung bakit ka umalis… that kind of stuff. And even Tyke. At first, he played along, but he later on defended you. Siya rin ang humanap ng paraan para magkaayos tayo noon sa condo unit niya.”
“Yeah. I realized it belatedly. Ginawa pa niyang excuse noon si Alex.” Napatawa siya nang marahan. Hinaplos niya nang banayad ang pisngi ng binata. Ang mga mata niya ay punong-puno ng pagmamahal na nakatunghay sa lalaki.
“So… thanks to Krish. Narinig ko ang lahat na pinag-usapan n’yo ni Kelly. So, kilala ka pala talaga ni Kelly kahit na hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa ‘yo. She was just playing me. She and my mother, they were playing me from the start.” He snorted. “And now, I feel like a fool! To think that I even cared…” Napailing ito.
“Gano’n na nga. Noong una ay akala ko ay inosente talaga siya. Pero na-realize ko kaninang hindi pala. Pinagtagpi-tagpi ko lang. It’s all twisted, you know?”
“Everything with you is twisted, though,” tudyo nito.
Napatawa siya nang marahan. “Ito ba ‘yong tungkol sa una nating pagkikita, ha?”
“Well, ever since from the beginning, you’re the one and only eccentric chick I’ve ever met!”
“Whom your mother despises so,” napabuntong-hiningang aniya at may malungkot na ngiting iginawad sa binata.
“I don’t care what she thinks anymore.” Napailing ito. “Kaya wala kang dapat na ipag-aalala. Hindi ko siya susumbatan. Hindi ko siya aawayin. Huwag ko lang marinig na iinsultuhin ka niya ulit, wifey.”
Hinaplos niya ang pisngi nito. “Mahal mo talaga ako, ‘no, hubby?”