Chapter 35: A Life Together
“Yeah. You made quite an impression on me sa umpisa pa lang. Kaya siguro gano’n,” pabirong sabi ni Brayden kay Gianna.
“Hmm… mapapansin mo kaya ako noon kung hindi ko ‘yon ginawa?” Sumandal siya sa pader at ikinuros ang mga braso habang nakamasid sa mukha ng lalaki. Gusto niya ring malaman kung ano ang naisip nito noong pagkikita nila sa convenience store. If she would think about it, he did not really say.
Napaisip ito. “Hindi kita nakita noon, eh, hanggang sa pinagbayad mo ‘ko sa grocery mo.”
Napatawa siya. Totoo nga naman iyon. “Paano kasi, nasa likod mo lang ako. Ang ganda ng back view mo pa lang. Na-attract agad ako, eh.”
Napatawa ito nang marahan. “Ah, kaya pala gano’n, hindi kita nakita.” Binigyan siya nito ng pilyong ngiti. “Teka nga lang. Alam mo bang hinanap kita nang halos buong araw? Pinuntahan kita sa inyo kanina, ah. Sabi ng mga magulang mo at ni Jin na hindi nila alam kung nasaan ka. Kung hindi pa sinabi sa ‘kin ni Ezra ay hindi ko rin malalaman kung nasaan ka. At ‘yon na nga, tumawag sa ‘kin si Krish. Ipinarinig niya sa ‘kin ang away n’yong dalawa ni Kelly.”
“Bakit mo ‘ko hinanap?” Pa-demure naman siyang napatingin dito. Ibinaba niya ang mukha pero inangat ang paningin.
“I was dying to know kung babalik ka nga ba ulit ng France!” Pinandilatan siya nito. “Nabanggit kasi ni Kelly sa ‘kin ‘yon. I believe she slipped it purposely, now that I think of it, considering her intentions.” Kumunot ang noo ng binata.
“Ano?” manghang aniya.
“So?”
“Hindi ako babalik doon. Well, at least not for the same reason. Noong nakita mo si Pierre noon sa bahay, he was trying to convince me to go back in two months. Bagong kontrata sa agency niya. But I…” sadya niyang ibinitin iyon.
“But you…? What?” tanong ng lalaki.
“I respectfully declined.”
Napangiti sa kanya ang lalaki nang sobrang lapad at hinalikan siya sa tungki ng ilong. “Good! Pero sinundan ka talaga rito ni Pierre?”
May nabanaag siyang pagdududa at pagseselos sa mga mata nito. Kaya naman ay napatawa si Gianna nang marahan.
“He’s on vacation! Nagkataon lang. He did try to seduce me while I was in Paris.”
Napamaang at napasimangot ang lalaki sa itinuran niya.
Ngumisi siya. “But I told him I’m in love with someone. So, ‘yon. Professional naman siya,” mabilis niyang dagdag.
“So, hindi ka na babalik doon para magtrabaho?” kulit ni Brayden sa kanya.
Lumabi siyang saglit. “Babalik pa rin dahil kailangan ang appearance ko para sa isang brand na kinontrata na ako before I came here for a hiatus. So, I still have to go back to Paris.” Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatitig sa binata.
“Ano? For how long?”
“Ilang days lang naman. Naka-oo na kasi ako bago ako dumating dito. So, kailangan ko nga talagang umalis. Pero baka kasi gusto mong sumama sa ‘kin… mas maganda ‘yon, ‘di ba?” suhestiyon niya.
Itinakbo niya ang kanyang daliri sa panga ng lalaki at hinimas-himas ang baba nitong makinis dahil sa palagi itong nag-she-shave. Hinalikan niya iyon nang may buong paglalambing.
“Hubby?”
“Hmm? I’ll think about it,” pa-hard to get na saad nito. Nakangiti naman ito dahil sa ginagawa niya.
Alam na alam niya kung ano ang epekto niyon sa binata kapag ginagawa niya iyon.
Hindi nila alintana ang mga taong napadaan at napasulyap sa kanila. Kahit na ang mga photographers ng kung saang tabloids o newspaper na kumukuha ng larawan ay wala silang pakialam. Tuloy ay para silang nag-pictorial.
“Sige na,” kulit niya sa lalaki. “Ito-tour kita roon. Aakyat tayong Eiffel Tower. Maganda roon sa itaas, promise. Nag-imagine nga akong nandoon ka, eh.”
“Hmm… That sounds interesting. I wonder if Rina’s up to handling the office while I’m gone. ‘Yong VP ko kasi ay naka-assign sa isang branch at aalis siya para mag-represent sa ‘kin sa Hong Kong. We’re planning to expand there.”
“Are you joking? Si Rina ang iiwan mo roon? Ang hina noon, ah!” ang salungat niya.
Napatawa ito. “But she’s one loyal person to you, alam mo ba? Hindi siya boto kay Kelly. Napansin ko lang. Palagi siyang nakairap kapag nandoon si Kelly. At nang bumalik ka, tuwang-tuwa siya kaya ipinakita niya sa ‘kin ‘yong tabloid na may picture sa ‘yo sa airport. You looked sizzling hot in that photo, by the way.” He then ran the back of his index finger on her soft cheek.
Napatawa siya. “Hmm… Sige, binabawi ko nang mahina si Rina. Paano kasi, noong una kitang binisita ay dapat kasi pinatagal niya ang pagpasok sa loob para mahalikan sana kita. Tuloy ay itinulak mo ‘ko palayo.” Lumabi siya pagkasalita.
He chuckled at that. “Hindi mo lang alam kung gaano ko kinontrol ang sarili ko noon para huwag kitang yakapin at halikan. I really missed you! Still, I was in denial… and I was angry at you.”
“But I knew better, right?” Napangiti siya nang matamis sa binata.
Tumango itong nakangiti sa kanya. “You were right. I was and am always in love with you. No matter what. You’ll always be my beloved, glamorous kryptonite, Gianna.”
Napangiti siya habang kinikilig ang kanyang puso.
***
“O, sabi ko sa ‘yo, eh! Ang ganda rito sa itaas ng Eiffel Tower, ‘di ba?” sabi ni Gianna kay Brayden.
Nasa itaas sila ng sikat na tower ng Paris, France, ilang linggo ang nakalipas. Magkahawak ang kanilang kamay.
Lahat ng kanilang issue sa Pilipinas ay humigit-kumulang, naresolba na. Wala nang nagawa ang ina ng binata nang tuluyan na siyang umalis sa bahay para tumira sa bagong bahay na binili niya para sa kanila ni Gianna. Si Kelly naman ay nabalitaan na lang niyang umalis ng bansa. Kung saan ito pumunta, wala na siyang pakialam. Hindi na sila nagkausap pagkatapos ng tagpo sa hotel.
Natuwa para sa kanila ang kanilang mga kaibigan, lalo na sina Ezra, Tyke, at Alex. Si Naomi naman ay ganoon din, kaso madulas pa rin ito kay Tyke na naghahabol sa dalaga.
Masaya naman si Brayden na tinanggap muli ng pamilya ni Gianna, lalo na ng ama nito. Sinabi ng ina nitong magbabago rin ang mama niya sa pananaw nito kay Gianna balang araw. Huwag lang nila itong pilitin.
Napatingin silang magkasintahan sa papalubog na araw nang magkayakap. Nag-selfie pa silang dalawa. Nang tuluyan nang mawala ang araw ay unti-unting nagkikislapan ang iba’t ibang kulay ng mga ilaw sa siyudad at bumukas na rin ang ilaw ng tower.
Habang nakamasid ang dalaga sa spectacular lights show, lumuhod si Brayden sa harap nito at inilabas ang kahitang may lamang singsing.
“Will you never leave my side ever again, wifey?” nakangiting propose niya sa dalaga nang mapatingin itong muli sa kanya.
Natutop ng babae ang bibig nang tuwang-tuwa. Nanubig ang mga mata nitong napatingin sa kanya at sa kumikislap na mamahaling singsing na may diamante at ruby.
“Yes! Hinding-hindi ako magpapakipot sa ‘yo, hubby. Isuot mo na ang singsing, dali!” Excited talaga ito.
Napatawa siyang tumalima rito. Hinalikan niya ang kamay nito at tumayo na para yakapin ito. Binigyan niya rin ito ng isang matamis na halik pagkatapos ng ilang saglit.
“And I have an important news for you, hubby.”
“What is it?”
“You’re going to be a daddy soon!” kinilig na balita nito. Niyakap pa siya nito nang mahigpit.
Maluha-luha siya dahil sa saya. He knew it was coming, since they never used protection, but he did not think that he was already prepared to be a family man. Let alone Gianna, who wanted to give everything for her family. Napatunayan lang niyang mahal na mahal din siya nito at handa na itong makasama siya habang-buhay. At siguro nga ay tapos na ito sa responsibilidad, financially speaking, sa pamilya nito.
Well, Gianna may be his kryptonite, but he just could not help it. He could not stay away from her, even for a moment. Especially now that they started building a family, and he could not wait to be with her for always.
Because what she was to him and in his life?
His whole f*cking happiness!
-- Wakas --
The End
You finished this book. Find your next story below.





