Chapter 30: Wedding

“Is there something going on between you and Kelly?” naitanong ng ina ni Brayden minsan nang sabay silang mag-agahan na mag-ina. It was not really a daily basis, but today was one of those days that they ate together.

“Nothing, Ma.” Iyan na nga ang problema niya. Nakokonsensiya na talaga siya. Pero bakit ba siya naduduwag? Masasaktan at masasaktan niya pa rin si Kelly, pati na si Gianna na naghihintay sa kanya. Kaya naisip niyang huwag na itong mas patatagalin pa.

“Why don’t we set the wedding date now?” Napangiti ang ina sa kanya bago sumubo ng pagkain at ngumuya nang marahan. Nanantiya ang mga mata nito.

“I’m still… thinking about it,” marahang pagsinungaling niya habang nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya sinalubong ang mga mata ng ina. Hindi rin kasi niya masabi ritong nagkabalikan na sila ni Gianna.

Malinaw na nananabik ang ina niya sa kasal nila ni Kelly. Nang sinabi niya noong engaged na sila ni Kelly ay hinagkan pa siya nito sa tuwa. Napansin niyang mas malapit ang ina kay Kelly kaysa kay Gianna noon. Pero hindi niya ito binigyang pansin noon. He knew his mother tends to be cold at times. Okay, most of the time.

“Ano pa ba ang iniisip mo? Did you happen to meet Gianna?” His mother’s eyes were probing.

Napalunok siya. Hindi siya sumagot. Deep inside, he knew his mother had seen all those articles on the net or in tabloids. Baka nga si Kelly rin ay nakita na iyon pero hindi lang siya kinumpronta for some reason. Ngunit wala siyang oras para mag-isip.

“Gianna’s just your past. She left you, Brayden. This is a fact. Hindi mo naman siguro nakalimutan ‘yon. Ipinagpalit ka niya sa kasikatan at pera. You were thrown aside like garbage. But now, you’re engaged with a successful, kind, and beautiful doctor who has a bright future right in front of her. Si Kelly. If I were you, hindi na ako mag-iisip pa at hindi na rin ako makikipagkita sa ex mong cheap.”

That was it. Pabagsak niyang binitiwan ang kubyertos. “Ma! Don’t talk like that about her. She’s not cheap!”

“Isn’t it true? Hindi man lang siya nakapagtapos ng pag-aaral niya. She’s just a college dropout! Isang pobre!”

Nagpanting na talaga ang tainga niya sa sinabi ng ina. Sobra nitong minamaliit ang kanyang pinakamamahal na babae.

“It’s because her family couldn’t afford it! Wala siyang choice kundi ang magbanat ng buto kaya nag-drop out siya!”

“Nonsense! May iba nga riyang sobrang mahirap pero nakapagtapos pa rin. She’s just one lazy woman who wants instant fame and money!” giit ng kanyang ina, nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya.

“What? You don’t know anything about her, Ma. You have no right to judge her. She had no choice, especially at the time!” pag-uulit na naman niya. Tumaas ang kanyang boses.

Napamaang ang ina niya. May takot na bumahid sa mga mata nito. “Were you just defending her, Brayden? Do you mean that you…?”

Hindi natapos ng ina ni Brayden ang nais nitong sabihin. Napailing itong nakatitig sa mukha niya. Parang biglang nawala ang dugo sa mukha nito at para na itong kasing-kulay ng papel.

Tumayo siya nang pabalya na naging sanhi ng malakas na pagkuskos ng silya sa sahig at iniwan ang inang nakanganga sa hapag-kainan. Tinawag siya nito pero hindi niya pinansin. Pumanhik siya ng hagdan. Naglakad siya patungo sa kanyang kuwarto sa mabibilis at malalaking hakbang. Pumasok na siya sa sariling banyo at naghanda na upang pumasok sa trabaho.

Ayaw na niyang makipagtalo pa sa ina. He had a problem breaking up with Kelly, and his mother added to that issue. Hindi nga naman niya ito masisisi dahil mabait si Kelly. Pero kahit ganoon pa man, sinubukan naman niyang mahalin ito. He thought it would be possible. Lalo na kapag naikasal na siya sa babae. Iyon ang akala niya noon. But then, Gianna came back. That belief was crushed, and now they were back together. Gianna was still the one he loved all these years, and she was the only one for him. He was very sure of it.

“Hindi mo pa masabi kay Kelly ang totoo?” banayad na tanong ni Gianna nang magkita sila. Nag-dinner sila sa isang hotel restaurant.

“I’m so sorry, Gianna. I know that it’s hard for us⸺”

Napababa ito ng tingin. “Sa… tingin mo ba ay hindi siya nagbabasa ng tabloids? Aside from my face, nandoon din ang mukha mo, Bray. Nakita nga ng ma—” Bigla itong napahinto sa pagsasalita. Tumikhim ito. “I mean… mga magulang ko nga nakita ang mga pictures natin na magkasama sa tabloids.”

Napangiti siya. “No, I don’t think so. She’s not into rumors and fake news.”

Lumabi ito. Napangiti siya rito nang nanunukso.

“So, ako lang ang tumitingin sa mga gano’n? Is that what you’re implying, huh? Hubby?”

Napatawa siya nang marahan. “Well, you can’t help it. Ikaw ang celebrity. You should also know what they’re talking behind your back.”

Pinakunot nito ang ilong. “Ang understanding mo naman. Don’t you mind having your pictures taken and spread by those rumors and false-content articles?”

“If you don’t mind, then I won’t.” Kumibit siya.

Napatawa ang dalaga sa sinabi niya. “Ang bilis mo namang matuto. Ini-ignore ko nga lang ang lahat ng mga sinasabi nila basta ba’t hindi below the belt o mapasama ang pamilya ko. Pero alam mo ba kung ano ang latest rumors na ipinagkakalat nila?”

“Ano?”

“That we’re going to get married soon.” Sumeryoso ito. “I’m sure may nag-feed sa kanila ng gossip na malapit ka nang ikasal.”

Napakunot siya ng noo. “At sino naman ‘yon?” Wala siyang ideya kung sinuman iyon.