Chapter 29: How To Break Up
Parang gustong sumayaw ni Gianna sa saya. Marinig lang ang mga salitang mahal siya ni Brayden ay ayos lang kung mamatay na siya. Masaya naman na siya dahil dito.
Hinaplos niya ang pisngi ng binata at umeskapo ang luha ng kasiyahan sa kanyang mga mata.
“I never thought I would hear those words from you again, Bray. You… you just make me so happy right now, I could die,” ang madramang aniya sa lalaki.
Pinahid ng binata ang mga luha niya. “Hey, I don’t want you to die. At least, we should be together until our old age, shall we?” ang mahinahong saway ng binata sa kanya.
Napatawa tuloy siya at nanginig ang mga labi habang napapaiyak pa rin sa saya. Nakatitig sila sa isa’t isa, nalulunod sa kanilang mga mata.
“You have no idea how my love for you grew over the past three years, Bray. Ni wala akong in-entertain na suitors sa Paris. And Pierre… he’s special.”
“Ah, please don’t tell me about that guy.” Napatiim-bagang ito.
Napangiti ang dalagang napaingos. “Seloso ‘to.”
“You’ve been with him for three years, whereas you’ve been with me for just over a year!” reklamo ng lalaki.
“Pero… ikaw lang naman ang nakatikim sa ‘kin, eh,” pampalubag-loob niya. “Eh, ikaw?” Tinaasan niya ito ng kilay.
Tumitig ito sa kanya nang husto, mukhang guilty. “Yes, I had sex with Kelly numerous times. FYI, I used condoms every time, and… yeah, I admit, it was you whom I thought I’ve made love to whenever I was with her.”
Napanganga siya sa kanyang narinig. “Bray!”
“It was driving me crazy, Gianna. You are driving me insane! For the past three years, I could not get over you, while I thought that you had gotten over me, ever since you left me.”
“Right. Wala ka talagang alam,” mapait na aniya at umiwas ng tingin.
Biglang namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Tumunog naman ang cell phone ni Brayden at sinagot nito ang tawag ni Kelly. Para na naman siyang sinaksak sa puso.
“Let’s just go home. Ihatid mo na lang ako,” aya niya sa binata bago pa man ito makapagsalita pagkatapos ng tawag na iyon.
Muli siyang niyakap at hinalikan ng binata sa labi, saka sinabing, “Ikaw lang talaga ang mahal ko, wifey.”
Kahit paano ay kinilig naman siya dahil sa sinabi nito. Abot pa sa tinggil niya ang sobrang kilig.
***
“Huwatt?” bulalas ni Ezra nang marinig ang good news. Namilog pa ang mga mata nitong nakatingin kay Gianna.
Nakangiti si Gianna nang malapad. At matagumpay. Kasalukuyan silang nasa kusina at naghahanda ng kanilang hapunan isang gabi.
“Tama ba ang narinig naming ‘to?” sabat ng kanyang ina. Kumuha ito ng mga pinggan, malapit sa may lababo. “Nagkabalikan na kayo ni Brayden, anak?” Nakita niyang natutuwa rin ang ina sa balitang ito, samantalang napatingin nang may pag-aalala sa kanya ang ama.
“Hindi ba may kasintahan na ‘yon?” ang punto nito. Humakbang itong papalapit sa kanya hawak ang saklay habang nilagyan niya ng sopas ang malaking bowl.
“Eh… hihiwalayan daw niya, ‘Tay,” sabi niya.
Napatingin ang ama sa ina niya.
“Eh, kung mahal naman talaga ni Brayden ang anak natin, ano’ng masama roon sa gagawin niya?” turan ng ina, dinepensahan siya. “Tama lang naman iyon, ‘di ba?”
“Nang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend ang anak natin! Okay lang sa ‘yo ‘yon?” sigaw ng ama sa kanyang ina.
“Nauna namang naging sila. Ano ba ang ipinagpuputok ng butse mo, ha? Binabawi lang naman ng anak natin ang talagang sa kanya dapat,” kunsinti ng ina.
Napakagat ng kanyang ibabang labi ang dalaga. “’Tay, nagmamahalan naman talaga kami ni Brayden, eh. Isa pa, hindi naman niya piniling maging two timer. Ako ‘yong… nang-akit sa kanya. At oo, inagaw ko nga siya sa babaeng ‘yon. Pero ako naman talaga ang pipiliin ni Brayden kahit ilang beses pa kaming magkahiwalay dahil mahal niya pa rin ako,” saad niya. “Well, I just hope once is enough,” mabilis na dagdag niya at napaiwas ng nagi-guilty na mukha.
Napailing na lang ang ama niya. “Kung totoo siyang lalaki at mahal ka niya, sana ay hindi siya nagkaroon ng ibang nobya!” Umalis ito patungo sa kanilang hapag-kainan, gamit pa rin ang saklay.
Napamaang na lang ang dalagang napasunod ng tingin sa ama.
Tinulungan na sila ni Naomi sa paghahain ng pagkain. Ito na ang nagsandok ng kanin mula sa rice cooker samantalang si Jin ay kumuha ng kubyertos.
“Huwag mo nang intindihin ‘yong tatay mo, ‘nak,” pabulong na saad ng ina.
Ngumiti lang siya nang matipid sa ina. Moral support talaga niya ito kahit kailan. At alam nitong mahal na mahal niya si Brayden.
“Eh, paano na ‘yong mama ni Brayden, Gianna?” pabulong na tanong ni Naomi sa kanya nang bumalik ito pagkalapag ng kanin sa mesa. Kinuha ng ina niya ang hawak na bowl ng sopas para ilagay na rin doon pagkalapag nito ng mga pinggan sa parihabang mesa na gawa sa bakal at salamin.
Napabuntong-hininga rin siya. “Problema ko nga rin ‘yon. Pero hindi ko sinabi kay Brayden ang tungkol doon. Hangga’t maaari ay ayaw kong malaman niya ‘yon. Baka magkagalit sila. Kahit paano ay ayaw kong magkaaway sila ng mama niya at lalo nang ayokong ako ang magiging dahilan no’n.”
Pinakawalan ni Ezra ang isang buntong-hininga. “Ang complicated naman no’n, gurl. Paano kung malaman nga ni Brayden? Kahit na hindi galing sa ‘yo, baka naman ay mabubunyag din ‘yon. Wala tayong hawak doon. Ang sekreto, nabubunyag talaga ‘yan pagdating ng panahon, gurl.”
“Baklesh, nandoon na ako. Pero ayoko talaga.” Umiling siya.
“Kakain na ba tayo o hindi pa?” Narinig nilang usisa ng ama. Nakaungot ang boses nito.
Mabilis na silang dumalo sa hapag-kainan.
“So, baklesh. Nakakita ka na ng house and lot na bibilhin?” tanong niya habang inabot ang kanin. Sadyang iniba ang usapan para sa ama.
“Malapit na. May natipuhan na akong bahay.”
***
Nag-dinner sa labas ang magkatipan. Nakangiti nang matamis kay Brayden si Kelly habang nag-uusap sila at nagpaplano na sa kasal nila kahit wala pang nakatakdang petsa.
“Maybe we should set a date now, and we’ll tell your mom. How’s that, babe?” suwestiyon ng babae. May pananabik sa mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Napaubo siya. Iniabot nito ang baso ng tubig para sa kanya. Pinasalamatan niya ang babae at ininom iyon. Plano niyang sasabihin na ngayon sa katipan na makikipag-break na siya rito. Pero mukhang hindi pa siya makatiyempo. Sa halip ay nag-uusap sila tungkol sa kasal, kung sino ang iimbitahin, kung sino ang isasali sa entourage, at iba pa. Or rather, ito ang excited na nagsasalita tungkol sa lahat ng ito at siya naman ay nakikinig lang.
Ilang araw na ring ganito. Hindi pa rin niya masabi-sabi ang gustong sabihin sa babae. Hindi na nga siya madalas nagpapakita sa babae at kapag nagkikita sila ay ito na ang paksa ni Kelly.
Hindi niya kasi alam kung paano magsimula gayong hindi naman nito kilala si Gianna. Nagtataka na rin ito kung bakit ayaw na niyang makipagniig dito.
“I’m just tired,” palusot niya.
“Okay, babe. I understand,” sabi na lang nito at niyakap siya.
Still, he had to do something about it. Ayaw niyang mas lalong palakihin ang kasalanan niya dahil sa panloloko niya rito. It was unfair to Kelly, and he was being a jerk. Big time.