Chapter 29

Hiding Son Of Atlas Gilmore

Sa mga oras na ito ay lahat kami ay emosyonal na, ng medyo uminahon na ako ay nakaupo lamang ako sa isang sulok. Wala akong pinapansin kahit sino, ang gusto ko malaman ay okay lang ba si ate.

Ngayong babalik na ako ay siya namang ito na kapahamakan. Hindi ko alam ang aking gagawin kung mawawala si Ate Eunice sa akin. Ito ang naging sandalan ko noon kaya malapit ako dito.

"Sino po ang pamilya ng patient? Tanong doctor, lahat kami ay sabay na sumagot sa doctor. Kaya napatingin ito sa aming lahat.

Siguro ay naguluhan ito saglit dahil halos kami ng lahat nandito ay sabay na sumagot.

"Okay, since lahat kayo ay family ng patient don't worry maayos na ang pasyente. Sa ngayon wala pa itong malay. Antayin na lang na maging stable na Ang patient. Maiwan ko na kayo." Saad nito sa amin.

Tila nawala ang kaba ko dahil sa aking narinig. Napanatag ako na okay lang si Ate, habang si daddy naman ay pilit na kausapin ako, di naman ako galit kay dad.

But may tampo padin ako dito sa nangyari noon sa amin. Di ko man lang alam na hindi pala ako anak ni mommy, kung ganon nasaan ang biological mother ko? Kahit man lang puntod sana ng real mother ko ay ipaalam sa akin.

"Iha, mukhang pagod kana magpahinga ka muna." Bilin ni daddy sa akin.

Gusto ko yakapin si dad, dahil sa labis na pag ka-miss dito pero di alam anong nagtutulak na huwag gawin iyon.

Hindi ko kinibo ang daddy kaya tinapik ako ng mahina ni Atlas.

"Kinakausap ka ng daddy mo Vanessa." Saad nito sa akin.

"Wala ako sa mood makipag usap ngayon dad, I'm so tired maybe later nalang.." pagod na sagot ko sa daddy ko.

Nang iwan kami ni dad ay umupo sa tabi ko si Atlas, kinausap ko ito dahil akala ko ay naipakulong niya ito at di na makakalapit samin. Kaya ganon ang pagtataka ko na nandito parin si kuya Steven.

Akala ko ay safe na si ate kay kuya Alejandro, although di naman kasalanan ni kuya Alejandro iyon sadyang pursigido lang ang ex-husband ni ate, siguro di nito matanggap na hihiwalayan na ito ni ate.

"Akala ko ba napaalis mo na itong ex-husband ni ate?" Tanong ko dito.

Niyakap naman ako ni Atlas palapit sa kanya, Hindi ko alam bakit sa tuwing ginagawa sa akin ito ni Atlas ay napapagaan nito ang aking pakiramdam. Tila ba parang Wala akong problema na kinakaharap.

"Yes it's true na napaalis ko ito, pero hindi ko alam na bumalik pala ito, I'm so sorry baby.." paghingi ng tawad nito sa akin. Ramdam ko ang sinseridad ni Atlas habang sinasabi iyon sa akin.

Hanggang ngayon ay wala paring malay si ate, ang sabi naman ng doctor anytime pwedeng magising si Ate. Si mom naman ay sadyang matigas ang puso, akala ko ay matatauhan na ito sa nakita niya na video but I guess hindi pa rin pala.

Nakakalungkot na may ganito pala talagang ina, ang sabi nila gagawin ng ina ang lahat upang di mapahamak ang kanilang anak, pero sa case ni mom siya ang gumagawa kaya napahamak si ate.

"Umalis na kayo, di kayo kailangan dito, at ikaw na lalaking hardinero umalis ka dito ang kapal ng mukha mo magpakita dito!! Diba binayaran kana namin?? At talagang binalikan mo pa talaga ang anak ko." Galit na bulyaw ni mom kay kuya Alejandro.

Ganito siya kapag kay kuya Alejandro, pero si Atlas na aking katabi ay di niya magawa ang ganon, dahil alam nito na mayaman na tao si Atlas.

Masiyado niyang minamahal ang pera, at kaya pati sarili niyang anak ay napapahamak dahil sa pera lang. Hindi ko alam kailan matatuhan si mom sa mga nangyari.

Kumain muna kami saglit ni Atlas sa baba, ilang minutes lang din kami doon at nag kwentuhan ng saglit lang, nahihiya ako kay Atlas at nakita niya paano laitin ni mom si kuya Alejandro.

Mabait si kuya Alejandro ni minsan di ko narinig na magsumbat sa parents namin, ganon niya nirerespeto ang parent namin, kahit na hindi ito nirerespeto ni mom.

Tahimik lang kanina si kuya Alejandro habang sinusumbatan ni mom, mas lalong nahiya ako ng duruin ni mom si kuya Alejandro.

Nakakapang ubos ng pasensya si mom at pinipigilan ko lang, dahil ayoko din masaktan si dad kapag na bastos ko ang asawa niya. Lalo din kasi iyon magagalit sa akin.

Hindi ko nga alam kung matatanggap ba nila ang anak ko, pero tingin ko baka nga si mom pa magtulak na ikasal kami ni Atlas, puro pera lang naman nasa utak non.

Bumalik kami ng kwarto at si Kuya Alejandro nalang ang nasa loob, Wala si dad at mom at baka inaya muna ni dad, dahil sa pag wawala nito kanina.

Umupo muna ako sa isang upuan ng biglang sinabi ni kuya Alejandro na naramdaman niya na gumalaw ang mga daliri ni ate.

Naluluha pa si kuya Alejandro ng makita na may malay na si ate.

Agad ko itong nilapitan, at ang mga mata ni ate ay tila nasisilaw pa kaya maliit palang ang bukas non, si Atlas naman ay nagtawag ng doctor. Mabilis naman na dumating ang doctor.

Agad na tinignan si ate at ayon sa doctor ay mabuti at nagkamalay na si ate, kailangan niya nalang na magpahinga lalo na ang tama niya na kailangan talaga ipahinga.

Masaya ako na maayos ang pakiramdam ni ate, sobrang pagod ako ngayon araw kaya napasandal ako kay Atlas. Naramdaman ko naman na hinahagod ni Atlas ang aking likod.

Dahan-dahan iyon kaya hinahatak ako ng antok, naramdaman ko din ang halik nito sa aking noo, kaya mas lalo akong naging comfortable sa pwesto ko.

Di ko namalayan na ilang oras di pala ako nakatulog sa sobrang pagod, si ate naman ay sinusubuan ni kuya Alejandro. Mabuti nalang at di na nag eskandalo si mom ng magising na si ate.

"Bakit di mo ako ginising, baka masakit na ang katawan mo sa akin at nabigatan ka sa akin" Nahihiyang saad ko dito.

" Okay lang iyon, ikaw nga di ka nabigatan noong dinadala mo ang baby natin, and I'm so proud of you baby kahit na Ikaw lang ay nakaya mo." Saad nito sa akin.

Napaka sarap pala sa pakiramdam kapag may taong pumupuri sa mga sakripisyo mo at pagod.

"Nagugutom kana ba?" Tanong nito sa akin.

"Nope, I'm full pa, baka ikaw gutom kana?" Tanong ko naman sa kanya.

Umiling lang ito sa akin at dahil doon ay nag stay muna kami ng ilang oras at nag pag pasiyahan namin na umuwi na, si kuya Alejandro muna ang bahala na mag bantay kay ate.

Si kuya Steven naman ay nagtatago matapos ang ginawa niya kay Ate, nangako si Atlas gagawin niya ang upang mahanap ito at mapagdusahan.

Sabay kami na umuwi sa bahay ang anak naman namin ay masaya na sinalubong kami. Nag linis na kami ng katawan ni Atlas bago tumungo dito kaya okay lang yakapin na kami nito.

Yayakin ko na sana si baby Ezekiel ng biglang dumiretso ito sa kanyang ama, nagulat naman ako don kasi akala ko sa akin ito lalapit. Aba loko mas na miss pa ata nito ang ama niya kesa sa akin.

Kunwaring nag tatampo ako kaya naman napansin iyon ng aking anak, niyakap ako nito sa aking likuran ganito ito kapag naglalambing yayakapin ka niya upang lambingin.

"I thought di mo love si mommy mo.." pag lalambing ko dito. Hinalikan ko ito sa kanyang pisngi.

Biglang naman nag salita ang anak ko na bakit wala daw kiss ang daddy niya sa akin? Aba manang-mana sa ama maloko din.

"Where's daddy kiss?" Tanong nito sa akin.

Habang si Atlas naman ay nang-aasar sa akin dahil na corner ako sa aking anak. Dahan-dahan akong lumapit dito at hinablot ang kwelyo nito palapit sa akin.

"Ikaw tinuturuan mo ata ang anak mo ah!!" Bulong ko dito.

Hinalikan ko dito sa pisnge akala ko sa pisngi ko lang ito mahahalikan ng biglang sunggaban ako ni Atlas ng halik. Biglang nasilakihan ang mga mata ko sa gulat.

Habang ang anak naman namin ay tuwang-tuwa sa ginawa ng ama niya sa akin. Parang may second version na agad na Atlas ah mukhang masakit sa ulo ang bata ito kapag lumaki na.

Nagtatawanan kami ng biglang kumatok sa pinto si Arthuro.

"May mga report para sa bagong clients natin." Saad ni Arthuro.

Napansin ko naman ng masungit na tingin ni Atlas kay Arthuro, mas lalo pa akong nagulat ng hapitin nito ang aking bewang, na tila parang walang makaka-agaw sa akin.

"Look may mukhang nagseselos." bulong ko dito, pero ng atensyon lang ni Atlas ay naka baling kay Arthuro.

"Sige paki Iwan nalang sa desk ko Arthuro salamat." Sagot ko Kay Arthuro.

Gusto ko magawa sa kinikilos ni Atlas, di ko alam na may ganito pala siyang side ang masiyadong seloso, pero sa bagay ay gwapo kasi ito si Arthuro.

"Nag seselos ka? Ang gwapo no??" Pang-aasar ko dito.

Sinamaan naman ako nito ng tanong. Nag walk out ang loko binibiro lang.

"Hoy, joke lang paano tayo magkaka-ayos niyan napaka seloso mo.." pag tawag ko dito, dahil tuloy-tuloy lang ang lakad ni Atlas.

Napaka saya pala asarin nito lalo na kapag nag seselos.

"Kelan mo plano umuwi?" Tanong ni Atlas sa akin.

"Naisip ko na sunod na linggo na, para naman makilala na ni baby Ezekiel ang mga grandparents niya." Sagot ko dito.

"E, ang pakasalan ako kailan?" Tanong ni Atlas.

"Hoy, di pa nga tayo okay tapos tatanungin mo agad ako ng kasal? Dapat paghirapan mo rin no!" Kunwaring masungit na sagot ko dito.

Lumipas ang ilang araw at itong si Atlas naman ay masiyadong nagpaka busy na hanapin ang ex-husband ni ate, sinaway ko na nga ito dahil may mga tauhan naman na humahanap don, pero itong si Atlas napaka tigas ng ulo.

"Hayaan mo na sila ang maghanap sa g*go na yun, magpahinga ka naman, alam mo naman na delikadong tao yun. Mamaya mapahamak ka pa sa ginagawa mo." Sermon ko dito.

Pero sadyang matigas talaga ang ulo nito at talagang sumasama pa siya sa paghahanap. Minsan sa kalagitnaan ng gabi ay may naririnig ako na nag sasalita sa sala. Ayun pala ay may kinakausap na tao ito.

"Sino ang kausap mo?" Tanong ko dito.

Nagulat naman sa akin si Atlas dahil gising pa ako ng ganitong oras.

"A-ah may client lang na kausap.." palusot nito sa akin. Akala siguro nito ay di ko narinig ang kausap nito.

"Huwag mo akong gawing tanga Atlas, sino? At ikaw sinabihan na kita kapag napahamak ka bahala ka sa buhay mo alam mo na may anak ka na nag-antay sayo, ayusin mo ang desisyon mo Atlas." Iniwan ko ito dahil sa labis na inis ko dito.

Tumabi ako sa aming anak hindi ako makatulog dahil sa pangamba na baka mapahamak si Atlas sa mga ginagawa niya.

Naramdaman ko na yumakap si Atlas mula sa aking likuran. Ganito talaga noon pa man kapag alam niya na inis ako sa kanya ay yayakapin ako nito. Pero sa ngayon sitwasyon, di ko maiwasan na mangamba na baka pati siya ay balikan ng ex-husband ni Ate.

Lalo na at nakikialam si Atlas sa kaso, kahit na may mga pulis na naghahanap ay pinapahanap niya din ito sa kanyang mga tauhan.

"I'm sorry.." paghingi ng tawad nito sa akin.

Ngayon lang uli ako nakaramdam ng takot na mawalan ng mahal sa buhay, aaminin ko na medyo may tampo ako sa kanya. Pero may puwang pa rin ito sa akin, ayoko na maramdaman na maiwan uli.

"Please makinig ka naman sakin ngayon Atlas.." pagmamaka-awa ko dito.

Hinalikan ako nito sa aking noo, at dahil doon ay napapikit ako, mukhang di ko na mapigilan sa desisyon niya na hanapin si Steven.

Umaga ng kasama ko si baby Ezekiel naglalakad lakad kami malapit sa orphanage. Naisip ko na dalawin si Kate malaki na ito at balak ko na din ito kunin at isama sa pag balik ko sa aming bahay.

Diko pa nakakausap sa bagay na ito si Atlas, Mukhang papayag naman si Atlas kaya kampante ako na papayag ito sa gusto ko.

"Hi!! Kamusta kayo dito??" Tanong ko sa kanila.

Ang mga bata ay masasaya na tumakbo sa amin. Ang iba ay tuwang-tuwa Kay baby Ezekiel.

May Isang bata na kinuha sa akin si baby Ezekiel, tiwala ako na ligtas dito si baby Ezekiel, dahil puro bata at Madre naman ang nandito. At marunong naman sila na bantayan si baby Ezekiel.

Nakikipag usap ako sa Madre kung paano ang proseso sa pag kuha kay Kate, desidido na ako na kunin ito dito, natuwa pa nga ang punong Madre at may aampon na kay Kate at mas nakakatuwa ay kilala niya ang kukuha Kay Kate, which is me.

Naguusap kami ng punong Madre ng biglang nagsigawan ang mga bata, agad ako na kumaripas ng takbo doon kung ano ang nangyari. Ang bata na nagbantay saglit Kay baby Ezekiel ay umiiyak at wala na sa kanya ang bata.

Agad na kinabahan ako, lumapit agad ako sa bata.

"Nasan si baby Ezekiel??" Tanong ko agac dito.

"M-may kumuha po kay baby Ezekiel.." umiiyak na saad ng bata.

Nag ikot ikot ako sa buong orphanage pero wala talaga ang anak ko. May CCTV ang orphanage kaya naman agad namin na tinignan ang video doon na nakuhanan.

Si kuya Steven nanaman ang may pakana ng lahat. May mga tauhan pa itong kasama, ang mga tauhan niya ay mga naka bonnet habang siya ay wala, tila parang sinadya talaga nito na ipakita ang kanyang mukha.

Agad na tumawag ako kay Atlas, natataranta ako habang tumatawag ako dito.

"A-atlas... Si baby Ezekiel kinuha.." umiiyak na sumbong ko dito.

Di agad naka sagot si Atlas sa kabilang linya, siguro shock pa ito sa aking sinabi.

"I'm so sorry kasalanan ko di ko nabantayan si baby Ezekiel, hanapin mo ang anak natin Atlas.." umiiyak ko na saad sa kabilang linya.

"Okay calm down baby.. hahanapin ko ka agad si baby Ezekiel, don't cry.. antayin mo ako na bumalik okay?? Promised babalik ako na kasama si baby Ezekiel natin." Pag papakalma nito sa akin.

Kahit sa tawag lang pag uusap namin ay tumatango ako sa pag sangayon kay Atlas.

I hoped na maayos lang ang mag ama ko...

Isang chapter muna tayo guys.. na busy kasi :))

Baddie_ Cutie8