Chapter 30

Hiding Son Of Atlas Gilmore

Akala ko ay diretso na agad sa pag hanap si Atlas, ngunit dumaan pa ito dito sa akin. Hinihingal ito ng dumating habang ako ay maga ang mga mata sa pag iyak.

Niyakap ako nito ng mahigpit, pilit pinapatahan pero lalo lamang lumakas ang iyak ko ng yakapin ako nito. Pakiramdam ko ay pinabayaan ko si baby Ezekiel na makuha ito sa akin.

Masiyadong nagpaka kampante ako na ligtas kami ng anak ko dito, ang dami kong what if, Sana di ko ito hiyaan na iwan sa iba, di ko sinisisi ang bata dahil sa nangyari ako ang dapat sisihin.

"Shsss.. don't cry baby okay?? Maibabalik ko si baby Ezekiel natin, sa ngayon ay may mga tauhan na ako na naghahanap. Sa bahay ko muna ikaw tutuloy kasama si Manang okay??" Bilin nito sa akin.

Tanging tango lamang ang sagot ko dito, diko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Marami pang bilin sa amin si Atlas ng makarating kami sa mansion niya.

Si manang naman ay nanginginig sa kaba dahil sobrang napaka mahal nito ang anak namin, pakiramdam ko tuloy ay gusto ko mawala dahil dagdag nanaman ako sa problema.

"I'm so sorry talaga... Akala ko safe kami doon." Pag papaliwanag ko kay Atlas.

Naiinitindihan naman daw ako ni Atlas, akala ko ay magagalit ito sa akin. Nagmamadali ito na umalis ng maihatid na kami nito sa mansion niya. Bago pa ito umalis ay niyakap ako nito ng napaka higpit.

"I promise I'll come back and bring our baby with me, and I'll marry you." Saad ni Atlas sa akin habang yakap ako nito ng mahigpit.

Naiiyak ako lalo dahil pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa pag hahanap nila kay baby Ezekiel.

"Bumalik ka, dahil lagot ka sa akin kapag di ka bumalik." Umiiyak na sagot ko dito.

"Please huwag ka na umiyak, lagi ka nalang umiiyak ayoko na makita pa na tumulo ang mga luha mo." Pag papatahan nito sa akin.

Bumitaw na ito sa pagyakap sa akin, at umalis na, nagmamadali ito na sumakay ng sasakyan niya. At dito naman sa malaking mansion ni Atlas ay napaka daming bantay.

Kahit ganon ay pakiramdam ko ay di parin kami safe dito, para bang may masama ako na pakiramdam. Hindi ko na muna din pinaalam kila kuya Alejandro ang nangyari dahil nasa hospital pa si Ate.

Ayoko na pati sila ay maabla ko pa, galing pa sa operation ang ate at ayoko na ma stress ito sa balita na aking sasabihin.

Sa malaking mansion na ito ay panay ang lakad ko, Hindi ako mapakali sa Isang pwesto, sa mga oras na ito ay gusto ko na manakit ng mga masasayang tao.

Iniisip ko paano ang baby ko baka umiiyak na iyon, Hindi kakain yun kapag hindi kami ni manang ang mag susubo sa kanya ng food. Baka mag sakit ito dahil sa maduming paligid.

Hindi ko na din na contact si Atlas, siguro ay busy na ito sa kakahanp ng anak namin, Panay ang dasal ko na sana nasa maayos na kalagayan ang mag ama ko.

Kahit sa pagkain sa hapag ay sila pa rin ang iniisip ko, parang ayaw ko na nga lunukin ang pagkain, dahil sa takot at kaba.

"Iha, kumain kana huwag kang mag alala uuwing ligtas ang mag-ama mo." Saad ni Manang sa akin.

"Di ko po maiwasan na di po sila isipin, lalo na po masiyado pang bata ang anak namin." Sagot ko.

Nang matapos kami kumain ay agad ako na umakyat sa taas ng kwarto namin, tulala lang ako at parang may gustong gawin. Nakahiga ako sa malaking kama ng tumawag si Kuya Alejandro.

"Kamusta ka diyan? Gusto ka makita ng ate mo." Saad ni kuya Alejandro sa akin.

Agad ko na pinunasan ang mga luha sa aking mga mata, maga ito at diko alam paano ako mag explain kay ate bakit ganito ka maga ang mga mata ko.

Nahihiya pa ako na humarap sa video call, ng makita ako ni ate sa video call ay agad na kumunot ang noo nito sa pagtakaka na bakit maga ang mga mata ko?

"Napaano ka? Bakit maga yang mata mo??" Nag aalalang tanong nito sa akin.

"Wala to ate tears of joy po, nag propose po sa akin si Atlas.." iyon ang naisip ko na idahilan sa kanya.

"Ganon ba congratulations, and okay na pala kayo? Nasan si baby Ezekiel??" Tanong muli nito.

Agad ako na tinubuan ng kaba sa aking dibdib, dahil sa hinahanap ni ate si Baby Ezekiel. Mabuti nalang naisip ko na idahilan na nasa magulang ni Atlas si baby Ezekiel.

" Wala ngayon dito si baby Ezekiel ate nasa parents po ni Atlas.." palusot ko dito.

Mabuti nalang at kumagat sa palusot ko si Ate. Akala ko magtatanong pa ito pero mukhang hindi na.

"O sige na baba ko, again congrats sa inyo... Enjoy your day with Atlas.." masayang bati nito sa akin.

Nang matapos ang tawag ay halos malungkot ako sa mga kasinungalingan na aking sinabi kanina sa ate ko. Na kokonsensiya din ako sa mga kasinungalingan na aking sinabi.

Hating gabi sa aking pag tulog ay naka rinig ako ng putok ng baril, ang mga maid sa bahay ay nagsisigawan, at si Manang naman ay kumaripas ng takbo sa aking kwarto.

"Anong pong nangyayari sa labas? Putok po ba ng baril ang narinig ko kanina??" Tarantang tanong ko kay Manang.

"Shss... Kumalma ka iha... I lock natin lahat ng pwedeng pasukan ng mga masasamang tao." Bilin ni manang.

Nang mailock na namin ay biglang kumalabog ng malakas ang pinto, halos umiiyak na ako sa sobrang takot, Panay ang tawag ko sa pangalan ni Atlas na sana ay dumating siya dito.

Kahit naka lock na ang mga pinto At bintana ay nabuksan pa din nila ang mga nilock namin.

"Please... Don't hurt us.. kung pera gusto niyo ibibigay namin.." nakaluhod ako na nag mamaka-awa sa lalaking may suot na itim na bonnet.

Hindi ko makita ang mukha nito kaya wala akong maisusumbong sa mga pulis kung sakali na makaligtas ako sa mga kamay ng mga ito.

"Hindi namin kailangan ng pera mo!! Manahimik ka kung ayaw mo masaktan." Sigaw ng lalaki sa akin.

Malaki ang lalaki na ito at napaka tangkad, kahit anong pagpumilit ko na kumawala ay balewala lamang ang lakas ko.

Ginagawa ko ang lahat para bitawan ako nito. Ngunit malakas na suntok sa aking tiyan ang ginawad nito sa akin..

Masakit iyon parang hinahati sa dalawa ang katawan ko dahil sa suntok na ginawa sa akin.. dahil sa suntok ay unti-unti na ako nawalan ng malay bago pa ako nawalan ng malay ay narinig ko pa ang pag iyak ni Manang.

Naramdaman ko na isinakay nila ako sa van, at para lalo ako mawalan ng malay ay may kung anong pina-amoy sa akin.

Nang magising ako ay isang abondunado na lugar ako nakatali ang mga kamay ko ng mahigpit masakit iyon, at ang aking ulo ay napaka sakit na parang pinupukpok sa martilyo.

"Ouchh.. f*ck nasan ba ako??" Daing ko sa sobrang sakit ng aking ulo.

"finally you are awake .. how are you sleeping?" Tanong ng lalaki, walang iba kundi si Steven.

"f*ck you!! let me out of here!!" Sigaw ko dito.. kahit anong pilit ko ng pag palag ay napaka higpit talaga ng tali ng mga kamay ko.

"If you want to see your child well, be quiet!!" Hawak nito ang aking pisngi at napaka sakit ng hawak niya, galit na galit ito.

Umiiyak ako dahil mukhang may masamang mangyayari ngayon. At aking pinapanalangin ay sana ligtas kami na maka-alis dito.

Maya-maya lang ay may baby na umiiyak ako na narinig, agad ako nag wawala sa aking kinauupuan dahil alam ko na baby ko iyon..

Nakita ko na buhay ng lalaki ang anak ko, nakahinga ako ng maayos ng makita ko na maayos ang anak ko at walang galos.. kinalagan ako ng tali sa aking kamay. At inabot sa akin ng anak ko.

Halata sa anak ko na iyak ito ng iyak dito, at sinisisi ko naman ang aking sarili sa mga nangyari.

"Shsss.. don't cry baby, mommy is here na.." pagpapatahan ko dito.

Biglang lumapit saakin ang lalaki at may video na hinarap sa akin. Alam ko na kay Atlas nila iyon ibibigay at sasabihin na hawak nila ang mag-ina niya.

Ang tiyan ko naman ay masakit pa rin dahil sa suntok na aking natanggap kanina.

Mabuti nalang at nakatulog si baby Ezekiel sa aking kanlungan. Kumalma na din ito ng malaman niya na ako ang kasama niya, awang-awa ako sa anak ko dahil sa trauma na maalala niya.

Mga 3 oras pa kami nagtagal non dinadaanan lang kami ng mga tauhan ni Steven, good thing at hindi na kami nila pinagtritripan.

Lumipas pa ang dalawang oras at nakadinig muli kami ng putok ng baril mula sa labas.. ang anak ko naman ay umiyak sa sobrang lakas my mgs barilan.

Ang ilang tauhan ni Steven ay pilipino kaya naiinitindihan ko agad ang pinaguusap nila.

" Patay napasok tayo ng asawa ng bihag natin.." tarantang sumbong ng tauhan sa kasamahan niya.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko na malaman ko na nahanap na kami ni Atlas... At tumupad ito na hahanapin niya ang anak namin..

"Kunin niyo ito at baka makuha nila agad ito, putukan niyo agad ng baril if may kalaban.." bilin ng Isang tauhan sa kumuha sa amin.

"Please pakawalan niyo na kami, Wala ba kayong anak?? Nag mamaka-awa na ako sa iyo!" Saad ko dito, ngunit nag bingihan ito sa aking sinasabi.

Umiiyak ang anak ko habang umaalis kami sa pwesto namin..

Lalakad palang kami ay narinig ko ang boses ni Arthuro, nagulat ako at bakit kasama ito sa grupo ni Atlas..

Agad na tinutukan ni Arthuro ng baril ang kasama ko, dahil doon ay tinakpan ko ang tenga ng anak ko.. dahil sa malakas ang tunog non. Bumagsak sa aking gilid ang kasama ko patay na ito at umiyak ako na sa mismong gilid ko ito timumba.

"Bilis ilalabas ko kayo dito, may mga pulis sa labas at nag-antay para ma tignan kung may masakit ba sa inyo.." bilin ni Arthuro sa akin.

"Si Atlas nasan siyaa?? Kasama niyo ba??" Tanong ko dito.

"Oo, at baka kasama siya sa nag babarilan doon." Turo ni Arthuro.

Agad na lumakad kami sa daan na mas safe kami dahil maraming nagbabarilan, malapit na kami makalabas ng may bumaril sa braso ni Arthuro.

Agad naman bumaril pabalik si Arthuro, upang mailigtas kami ng anak ko. Dahil nakatutok na sa akin ang baril ng kalaban.

At napatay iyon ni Arthuro nagmadali na kami na lumabas doon. At ligtas naman kami nakalabas, ang kaso tuloy lang ang dugo na lumalabas Kay Arthuro mula sa braso niya.

Agad naman na kinuha ng nurse sa akin ang baby ko, dahil puro dugo na din ang damit ko.

"F*ck kaya mo ba?? Ipagamot mo na agad!!" Tarantang saad ko dito..

Tinawanan lamang ako nito dahil sa pag sigaw ko sa sobrang takot sa dugo na lumalabas sa kanya. Kaibigan ko na din ito kaya sobrang worried din ako rito.

"Huwag kang mag alala malayo sa bituka to, tsaka lagot ako kay Liezel kapag di ako naka balik don isusumbong ako sa daddy non." Biro pa nito sa akin.

"Iiwan kita dito kailangan ko na mahanap si Atlas." Paalam ko dito, bago pa ako umalis sa harap ni Arthuro ay narinig ko pa na inaawat ako nito, dahil hindi safe sa loob na bumalik pa.

Pero di ako nakinig at pumasok pa din ako, ang ibang pulis ay inawat ako pero nag pumilit ako, sa aking pag pasok ay nakita ko na nagputukan ng baril si Atlas at Steven.

Kapwa puro ma dugo ang mga damit, naliligo sa mga pawis.. at ang mga ilang tauhan ni Steven ay naka handusay sa sahig at wala ng malay.

"Atlas... Tumigil kana.. hayaan mo na ang mga pulis ang kumuha sa kanya.." sigaw ko dito, pero tuloy pa din si Atlas. Kita ko ang galit sa mga mata ni Atlas habang nakikipag barilan kay Steven.

Sa pagbaril ni Atlas ay tinamaan sa dibdib si Steven, kaya humandusay sa sahig si Steven.

"Ta*ina mo sinabihan na kita na huwag kang babalik dito at kapag may nasaktan ka sa pamilya ko di ako mag dadalawang isip na patayin ka!!" Galit na sigaw ni Atlas.

Akala ni Atlas ay patay na ito kaya tumakbo ito sa akin palapit at bago pa ito malapit ay bumaril si Steven kay Atlas, tinamaan si Atlas at hindi ko alam kung saan banda ang tama niya.

Dahil sa tama ay napasubson sa sahig si Atlas at tumilapon ang hawak na baril na saktong sa akin iyon napunta, agad ko na dinampot iyon, kahit na hindi ko alam paano gamitin ay dinampot ko iyon at itinutok kay Steven.

"I'm so sorry!..." Saad ko bago ko naiputok ang baril. Humandusay na sa sahig muli si Steven sa ngayon ay patay na ito talaga. Agad ako na lumapit Kay Atlas.

"Kumapit ka baby please... Sabi mo mag-iingat ka!! Papakasalan mo pa ako, sige ka maraming mangliligaw sa akin.." pag babanta ko pa dito.

Pero kahit hirap na ay tumawa parin si Atlas sa aking sinabi..

Agad na lumapit ang rescue team at binuhat na si Atlas... Agad din namin ito sinugod sa malapit na hospital.. kabado ako sa tama ni Atlas na sana ay maayos lang siya...

Enjoy reading.. :)))

Baddie_Cutie8