Chapter 66

TWO YEARS LATER:

Annies Pov:

Mga alaala ng nakalipas na dalawang taon.

Ang property na sinasabi ni Shiela sa akin ay ang taniman ng strawberry sa baryo Sta. Ynez sa Benguet na nasa Baguio. May property pala roon na noon pa ipinangalan sa akin ni Dave. Pati pala ang apartment na noon ay tinirhan ko. Tinanong sa akin ni Marvin, kung nais ko bang ipagbili iyon, tutal naman ay sa akin iyon ipingalan ni Dave. Ngunit tinutulan ko iyon, marami kasing alaala na naroon na nais ko pa ring balikan. Sumama sa akin si Shiela hanggang sa Baguio. Dahil nga sa hindi na siya pwedeng bumalik sa kanyang pamilya nang hindi na madamay pa ang mga ito sa magulong buhay ko.

Wala naman daw problema sa pamilya niya, kaya okay lang para sa dalaga ang sumama ng tuluyan sa akin. Ang hindi ko alam isang palang malaking sorpresa ang naghihintay sa akin sa pupuntahan naming lugar.

No'ng umpisa ay hindi pa rin naging lubos ang tiwala ko kay Marvin. Sa loob ng halos isang buwan naming pagsasama nina Shiel, at Marvin ay unti- unti ko namang nakilala ang binata. Nabatid ko rin ang kabutihan ng kanyang puso at pagiging sincere niya sa pagtulong sa amin ng anak ko.

At tulad ko, hindi rin siya naniniwalang patay na si Dave. Alam raw niyang buhay pa ito. Basta maghintay lang daw ako sa pagbabalik nito. Dahil sa suporta niya at ni Shiela sa akin ay kinaya kong makapagdesisyon ng tama para sa amin ng anak ko. Nakausap ko rin noon si Leo. Para magtanong ng mga posibleng nalalaman niya sa dahilan ng pagkawala ng pamilya ko.

Pero hindi rin talaga niya alam. Ang sinabi lang niya noon sa telepono ay ang tungkol sa mga sindikatong humahabol sa amin ng dahil kay Dave. Maaring ninais ni Dave na malayo sa amin nang matagal upang hindi na kami madamay pa sa kapahamakan.

Ilang mga di kilalang kalalakihan noon ang umaaligid sa ospital, ng mga panahong iyon kaya nagdesisyon siyang ilipat ako sa malayung hospital pagkatapos ng dalawang araw. Tapos no'n ay ang pamilya ko naman ang halos sabay-sabay na namawala. Ngunit nang makarating na kami sa Baguio, kung saan ang titirhan namin ay malapit na rin sa isang farm ng mga strawberry, "Girl, excited nako sa bago nating buhay doon," natutuwang sabi ni Shiela.

Mas excited pa siya sa'kin. Kahit na mapapalayo na siya sa pamilya niya ay buong puso pa rin siyang sumama sa akin. Na Siya ko namang pinagpapasalamat. Aba! Hindi ko yata kayang pakisamahan ng mag-isa si Marvin na laging nakabuntot sa aming mag-ina.

Mabuti na rin iyon para sila ang laging magkausap ni Marvin. Ayaw kong may masabi sa amin ang ibang tao. Kung sabagay ay madalas niya akong ipakilala na ate niya sa mga taong nagtatanong kung minsan. Hindi naman kasi maniniwala kung step mom ang sasabihin niya.

At nang makarating na kami sa Baguio, nagulat kami ni Shiela nang makababa na kami ng van na sinakyan namin dahil hindi namin akalaing ang sasalubong sa amin ay ang mga taong hindi namin aakalaing makikita namin.

Sina Mama, Kuya Shiemen, Kuya Salmon, Kuya Dhino at ang pamilya niya. Si Joan at ang mga magulang niya at mga kapatid ay naroon din. Sa sobrang saya ko ay napaluha ako.

Kasalukuyan: 2019

"Annie, okay ka lang ba?" tanong ni kuya Salmon sa'kin. Tumango naman ako ng marahan sa kanya. Tinapik ako nito sa balikat ko. Sabay abot ng tasa na may mainit na kape.

"Ano bang iniisip mo?" tanong nitong napansin ang malalim kong pag-iisip.

"Naalala ko lang ang mga nangyari sa loob nang nakalipas na dalawang taon." Humigop ako ng mainit na kape saka muling tumingin sa kanya.

"Alam mo, ako rin, hindi lang iyon, nagpapasalamat ako at ligtas tayong lahat. 'Yong nga lang may hindi maiiwasang may magsakripisyo," lumungkot na wika ni Kuya Salmon.

Madaling-araw pa lamang noon at tulog pa ang iba naming mga kasama. Nagtayo kami ng kanya-kanyang bahay sa malawak na lupaing iyon. Isang bahay para kay Mama, kuya Shimen at kuya Salmon. Isang bahay din para sa buong pamilya ni kuya Dhino. At isang bahay din sa pamilya ni Joan. Isang bahay para sa amin ni Shiela. Paminsan-minsan ay dumadalaw rin si Marvin ngunit doon na siya kina Mama natutulog. Ngunit ang maganda rito ay iisang kusina lang ang ginawa nila upang sa iisang kainan lang din kami kakain. Sabay-sabay at nagtuturingang isang pamilya.

Masaya kaming kumakain nang sabay-sabay. Ang Papa ni Joan ang tumatayong ama namin. At si Mama naman ang ina para sa amin. Biyudo na rin kasi ang ama ni Joan, na si Tito Arnold. Kasama rin ang dalawang kapatid na babae ni Joan na sina Marie at Joy na noon ay maliliit pa ngunit ngayon at mga dalagita na. Ngayon ay nalaman ko na nadamay nga sila dahil ate ni Joan, si Ate Luisa na hipag ko.

Ganoon naging magkakaruktong ang buhay namin nina Joan at Shiela. Ang dalawang matalik kong kaibigan. Samantalang si Kuya Shiemen ay patuloy ring naghihintay kay Carol. Na hanggang ngayon ay nasa America pa rin.

"Kuya, hindi ako makapaniwala na dalawang taon na ang lumipas. Dalawang taon na ring nawawala si Dave," sabi ko na may lungkot sa aking tinig.

"Huwag kang malungkot. Alam kong maayos ang kalagayan niya. Pasasaan ba 't makakabalik din siya sa piling mo," sabi ni kuya Salmon, na ngumiti pa sa akin para mabawasan ang lungkot na nadarama ko.

Malungkot talaga ako dahil sa miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na si Dave. Nagpaalam muna ako kay kuya, pumasok ako sa aming bahay at pinuntahan ang anak ko na noo'y tulog na tulog pa sa kanyang higaan. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kamukhang-kamukha niya ang kanyang Ama.

Hinaplos ko ang mukha niya. At naiiyak akong hinagkan ito sa pisngi. Nakakalungkot na lang na lumaki ang anak niya na wala siya. Hindi manlang nayakap ni Dave, si Baby Daniel. At ngayon ay two years old na ito. Nagsisimula na rin siyang maghanap ng ama. Dahil nakikita niya ang mga pinsan niyang sina Joyie at Dhaine na mga anak ni kuya Dhino.

"Oh Dave, kung nasaan ka man nawa ay ligtas ka at magbalik ka na sa amin."