Chapter 65
Matapos kong kumain nang kumain ay nag-shower na ako. Ang naudlot kong pag sa- shower kanina ay itinuloy ko na. At paglipas nga ng thirty minutes ay lumabas na ako ng banyo. Sa balkonahe ko nakita si Shiela. Nakatanaw sa magandang tanawin sa labas. Buhat kasi roon ay tanaw niya lahat ang buong paligid.
Nakamatanggal nga naman ng pagod. Ngunit sa pag kakataong ito ay nais kong malaman ang lahat. Sinamantala kong tulog si Baby Daniel at naroon naman si Marvin habang nanonood ng T. V
"Shiela, nakahanda na ako," seryoso kong sabi sa kanya. Nakita niya sa mga mata ko ang pagiging determinado. Sa pagkakataong iyon ay ayaw kong maging mahina ako. Kailangan kong maging malakas para sa amin ng anak ko.
"Patay na ang Papa mo, actually hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo pero..." Nag-aatubili pa rin si Shiela. Marahil ay natatakot pa rin siyang mabigla ako ng sobra.
"Shiela, makinig kang mabuti; ituturing ko itong malaking utang na loob sa'yo. Dahil alam kong nahihirapan ka rin." Mahigpit akong humawak sa mga kamay niya. Tumitig sa mga mata niya. Upang patunayang maari na niyang sabihin ang mga nakagugulat na mga rebelasyong maririnig ko.
"Okay fine, nasa ospital ka, nag fifty-fifty ka no'n dahil nga sa insindenteng nangyari. Hindi kinaya ng Papa mo ang mga kaganapan. Inatake siya sa puso." Sa sinabing iyon ni Shiela parang binagsakan ng patalim ang puso ko. Ngunit. Pinigilan ko ang maiyak. Kinakailangan kong maging matibay sa mga sandaling iyon para marinig kong lahat ang mga pangyayaring hindi ko pa alam.
"Lahat kami nagulantang nang bigla na lang bumagsak sa harap namin si Tito Ramon. Pagkatapos no'n ay dineklara na siyang patay ka," sabi ni Shiela na tila pinipigilan din ang emosyon.
Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanyang mga mata. Nakahintay sa bawat detalye ng pangyayaring hindi ko naitala sa sarili kong buhay.
"Tapos no'n after two days, nalaman naming inilipat ka ng hospital. Nagulat kaming lahat. Kasi nga after na mangyari ‘yon inasikaso nila ang cremation ni Tito, kaya two days silang hindi nakadalaw sa'yo. Ako nga lang ang bantay no'ng time na iyon. Pagkatapos dumating bigla si Sir Leo sa ospital at pilit kang pinapa-discharge.
“Nagkaroon pa ng kaguluhan dahil ayaw sanang pumayag ng mga doktor na may hawak sa'yo. Ngunit ng malaman nilang sa Santivanez hospital ka ililipat ay hindi na sila nag-atubili pa at tumutol. Dahil alam nilang pinaka kumpleto ang kagamitan sa hospital na Sir. Pero sa ibang lugar ka dinala. Nag - anounce ang abogado ni Sir Dave, para sa freezing account ng lahat ng mga ari-arian niya. Meaning walang dapat makagalaw ng lahat ng bagay na ipinagtataka namin. At ang anak raw niya lang ang maaring humawak ng lahat ng mga negosyo niyo. Tapos no'n isa -isa nang nawala ang pamilya mo. Including Joan. Patina ang pamilya ni Joan. Umiiyak nga si Philip.
"Ano? Nawawala? Ibig mo bang sabihin nawawa ang mga pamilya ko? Sina kuya Shiemen, Dhino, at si Mama? Kasama ang buong pamilya ni Joan?" Nanglalaki ang mga matang naulit ko ang mga sinabi ni Shiela.
"Yes, nawawala sila. Pati si Sir Dave, ay nawawala pa rin. Wala pang nakakaalam kung nasaan sila." malungkot ang mukha ni Shiela habang sinasabi ang mga iyon sa akin.
"Si Dave, alam kong buhay pa siya. Pero ang hindi ko alam," nasabi ko na lamang.
"Ha! Paano mo nasasabi 'yan? Paanong buhay pa siya?"
"Sa tingin mo sinong mag-uutos kay Leo na asikasuhin kami sa ospital ng anim na buwan? Si Dave lang siyempre ang gagawa no'n," sabi ko kay Shiela na kampante sa tanong kong ako rin ang sumagot. Tumingin sa labas si Shiela. Parang atubiling may sasabihin, pero hindi masabi.
"Ano pa ba ang hindi ko alam? 'Wag na kasing maglihim pa," naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Ah... Iyong kasing sinasabi mo, si Sir Leo, kay Marvin na siya nagtatrabaho. Lahat ng mga ginagastos niya para sa iyo ay galing iyon kay Marvin. Alam mo kasi girl.…"
"Alam mo Shiela! Lahat ng meron siya ngayon ay galing kay Dave! Anuman ang meron siya, hindi kanya iyon. Dahil kay Dave, kaya may narating siya. Alam kong may nililihim din niyan sa akin ang tungkol kay Dave!" medyo pagalit kong sabi. Ngunit sa mahinang boses lang.
Marahil ay hindi ko matanggap ang sinabi ni Shiela na ito ang sumoporta sa amin ng anak ko, sa loob ng anim na buwan. So ang ibig sabihin pala ay mayroon pa akong utang na loob sa kanya. Isang bagay na lalong magpapabigat sa loob ko. Sa dami nang problemang idinulot sa akin ni Kuya Edmond, ni hindi manlang namin ni Dave, napaghandaan ang mga ganitong bagay. Hindi ko akalaing sa mismong araw ng kasal ko sa simbahan pa mangyayari ang lahat.
Hindi ko akalaing ako pa mismo ang magiging sanhi ng pagkamatay ng Papa ko. Nakapanghihinayang lang na si Papa ang sumagip ng buhay namin ng anak ko. Kung si Papa ba, ang humarang kay kamatayan para kunin kami sa mundong ito, iyon na lamang ang matindi kong iniisip. Sa ngayon nalaman ko na ang lahat ng mga nangyari liban na lamang sa totoong kalagayan ni Dave, at kung nasaan ang pamilya ko.
Pero malakas ang pakiramdam ko na buhay pa si Dave, at alam iyon ni Marvin. O kung hindi maaaring ang Marvin na ito ay miyembro ng mga sindikatong dumukot sa akin.
"Anong iniisip mo Girl?" tanong ni Shiela.
"Eto, siya nga pala sigurado ka na ba d’yan sa Marvn na iyan? Baka mamaya miyembro pa iyan ng sindikatong kalaban ni Dave?" nasabi ko nang wala sa loob.
"Ha! Wow ah... Nakapag isip ka na kaagad ng ganyan kay Marvin? Magagawa niya ba iyon sa taong umaruga sa kanya?" bulalas ni Shiela.
"Bakit diba sa mga novela nga sa t. v at poketbook maging magkadugo nagpapatayan nang dahil sa pera? Eh anong malay natin? Nangyari nga sa amin diba? Sa pamilya ko mismo nangyari?" tugon ko kay Shiela. Napaisip naman si Shiela.
"P-pero Girl, kung totoo yang sinasabi mo ay sana pinatay ka na niya sa loob ng anim na buwan? Pwede niya iyong gawin," sabi ni Shiela na pilit ipinagtatanggol si Marvin.
"Ewan ko sayo! Basta ako gagawin ko na ang lahat para makapagbagong buhay na kami ng anak ko, kung hindi ko pa alam ang gagawin ay pag-iisipan ko."
"Girl, may plano kasi kami eh, hindi namin nasabi sayo. May maliit na property si Sir Dave, na naipangalan raw sayo sabi ni Marvin, ang kaso sa malayo pang lugar," habol na salita ni Shiela, nang makita niyang tatalikod na ako. Pero sinenyas ko ang isang kamay ko para patigilin siya sa mga sasabihin niya.
"Give me time. Magluluksa muna ako sa pagkamatay ng Papa ko tapos ay pag-uusapan natin ang sinasabi mo. Pwede bang ikaw na muna ang bahala kay Baby Daniel," mahina kong sabi sa kanya.
"Oo naman, makakaasa ka. Ilang linggo ba?"
"Isang gabi lang..." tugon ko kay Shiela.