Chapter 5: Chapter Four

"Ma'am?"

Muling bumalik sa katawang lupa ko ang kaluluwa ko nang may magsalita sa likuran ko. Humarap ako sa kanya.

"Ay, pasensya na ma'am. Pinapatawag ho kayo ni Sir Kurt." ang sabi ng hindi katandaang lalaking nasa harapan ko.

Tumango ako bago siya nagpaalam na mauuna na. Iniayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto.

Pababa ako ng hagdan nang madatnan ang nasa limang lalaking nasa sala. Ano bang nangyayari? Bakit padami na ng padami ang nakakasalamuha ko dito sa bahay?

Sa bawat mukhang nakikita ko sa baba, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Hindi naman ito ang unang beses na magkita ako ng mga lalaki pero bakit ganito ako? Siguro kasi matagal na kong single? Hmm...

Nang makaapak ako sa huling baitang ng hagdan ay siya namang sabay-sabay na paglingon sa direksyon ko ng mga lalaki sa sala. May ilang ngumiti at mayroon din namang nanatiling walang emosyon ang mukha. Then I felt that cold breeze again. No wonder I'm with people who are cold enough to make me feel such things.

"Come." bulong ng isang lalaki sa gilid ko habang marahang nakahawak sa braso ko at iginigiya sa direksyon papunta sa sala.

"Robie?" tanong ko nang lumingon ako sa kanya. Pero hindi niya maintindihan ang gusto kong iparating. Kinakabahan ako. Or should I say, natatakot ako?

Nanlalamig ang buong katawan ko nang humarap ako sa limang lalaking naroon. Dalawa lang sa kanila ang kilala ko, si Lux at yung lalaking pumasok sa kwarto ko kanina. Nang makita nila ako, sabay-sabay silang tumayo maliban sa isa at humarap sa akin.

"You knew him, right?" ang sabi ni Robie na nasa tabi ko habang tinuturo ang lalaking may kulay almond na mata.

"Yeh, Lux?"

"Right." sagot naman nito habang nakangiti. Binawi ko rin agad ang aking tingin nang maramdaman ang hawak ni Robie sa braso ko. Muli, sa kanya natuon ang mga mata kong nagtatanong pa rin.

"That's Xander." pagpapakilala ni Robie sa lalaking katabi ni Lux. He flashed a smile to me. His emerald eyes caught my attention.

"Alexander Martinez." pagpapakilala nito nang nakangiti pa rin.

"That one is Jin Hernandez." turo ni Robie sa lalaking nasa dulo. Katabi ng lalaking may kulay abong buhok. Ngumiti naman siya sa akin bilang pagpapakilala.

"Next is Apollo Martinez."

"Polo for short." dagdag pa ng lalaki at inilahad ang kamay sa aking harapan. We shook hands as we stare at each other's eyes.

"And that one, he's Joaquin Herrera." turo naman ni Robie sa isang lalaking nasa sofa at busy sa kanyang cellphone. Saglit itong humarap at kumaway ng bahagya sa akin.

"He's too lazy to stand up, don't mind him." bulong naman sa akin ni Polo.

"Then the last one, I know you met him minutes ago." panimula ni Robie sa pagpapakilala sa isa pa. Natuon ang atensyon ko sa lalaking may kulay abong buhok. "He's Nyx Morevillano. My younger brother."

Brother? Seryoso? Magkapatid sila?! Bakit hindi halata?

"Don't worry too much, they won't bite." paalala sa akin ni Robie bago umalis sa tabi ko at akmang lalakad na papuntang kusina ngunit pinigilan ko siya.

Humarap siya sa akin at tinanong kung ano pang kailangan ko. Umiling na lang ako at sumunod sa kanyang paglalakad.

"You don't seem comfortable. Wag ka mag-alala, wala silang gagawing masama sayo. Before they will dare to, they're dead." saad nito nang makarating kami sa kusina at malayo na sa amin ang limang lalaking nakilala ko kani-kanina lang.

Imbes na gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko alam pero lalo akong kinakabahan sa mga pwede pang mangyari. Hindi na kayang iabsorb ng utak ko lahat ng nangyayari sakin ngayon.

~•~

Lumipas ang mahigit isang oras na wala akong kinikibo ni isa sa kanila. Maliban na lang kay Robie na naghatid ng pagkain sa akin kanina dito sa kwarto ko. Simula nang magpakilala sila sa akin isa-isa, parang ayoko na ulit lumapit sa kanila. Pagkatapos naming mag-usap kanina ni Robie ay umakyat na ako at sinabing wala akong gana. Pero dinalhan pa rin niya ako ng hapunan. Duties?

Dahil wala naman akong ganang kumain at pakiramdam ko pagod na pagod ako, kaunti lang ang nabawas ko roon.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng isang maliit na cabinet habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin na kapantay ko.

Tok. Tok. Tok.

Tumayo ako at saka nagtungo sa pintuan para buksan ito.

Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko nang mabuksan ang pinto.

"Kukunin ko lang sana yung kinainan mo." ang sabi ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ngingitian ko siya o ano. Hindi na ako nakapag-isip nang pumasok na siya sa loob ng kwarto ko kahit wala pa akong sinasabi.

"Who are they?" tanong ko kay Robie na nakatalikod sa akin at naglalakad papunta sa mini table na nasa bandang gilid.

Tumigil siya sa paglalakad. Lumingon ito sakin bago humakbang papalapit sa akin.

"They will be with you."

Pinaningkitan ko siya ng mata para sabihing hindi ko siya naiintindihan.

"Grifhorst University has a huge campus ground, at alam mo na rin sigurong kailangan mong mag-stay doon. Those men will be with you inside that school." paliwanag niya sa akin habang wala pa ring emosyon ang matang nakatitig sa akin.

"Akala ko ikaw ang--"

"Yes, I am. But I am not capable of getting inside that university."

"Pero bakit parang ang da--"

"For security purposes. Kahit wala ako sa tabi mo roon, kailangan ko pa ring masigurong ligtas ka." putol na naman niya sa sasabihin ko. Bakit ba parang napepredict na niya lahat ng sasabihin ko?

Tumalikod na ulit siya para kunin ang pagkaing dinala niya kanina na halos hindi ko nagalaw.

"I'm sorry, this is just my duty, to assure your safety." ang sabi niya nang naglalakad na siya palabas ng kwarto ko. Pero bago pa siya makalabas ay humarap ulit siya sa akin.

"Sweetdreams."

How am I supposed to have a sweet dream if he keeps messing with my head? Hindi na nagfa-function ng tama ang utak ko dahil sa mga sinasabi at ginagawa niya. Safety? Protection? Ang OA naman yata na lima pa ang kailangang magbantay sakin sa loob ng isang school? Unless pupunta ako sa isang kampo kung saan maraming terorista, maiintindihan ko pa. What if-

~•~

Nagising akong maganda, ay este, nagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang may kumalabog sa labas. Nag-aalangan man ay tumayo ako para sana i-lock ang pinto nang may kumaluskos sa labas. Muli akong nahiga at nagtalukbong ng kumot.

Ramdam na ramdam ko ang presensya ng kung sinong nasa labas dahil sa munting pagkaluskos at mga yabag doon. Lalo kong ipinikit ang mga mata ko. Kung pwede lang magpalamon na ako sa kama para lang hindi na makita pa ang susunod na mangyayari.

Tok. Tok. Tok.

Lalong nanginig at nanlamig ang katawan ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Mas namaluktot ako sa loob ng kumot kong nakatalukbong sa akin. Kahit mainit titiisin ko dahil sa kung sinumang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Tok. Tok. Tok.

Muling pagkatok ng nasa labas. Mahina at mabagal. Na siya namang mas nagpataas ng mga balahibo ko.

Akmang sisilip ako sa direksyon ng pintuan nang may marinig akong kaluskos. Mas idinikit ko lalo ang mukha ko sa kumot ko nang makarinig ako ng mga yabag papalapit sa akin.

"Ash?"

Napapitlag ako nang marining ang malalim at malamig na boses ng isang lalaki sa kanang bahagi ng kama ko. Imbes na manginig at lalong kabahan ay na-curious ako sa kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"I know you're still awake." bulong nito sa tenga ko. Which made my nervous system glitched.

Gusto kong makita ang mukha niya dahil gusto ko siyang makilala ngunit may kung anong nagsasabi sa aking huwag na.

But then I found myself staring at his almond eyes. Those pair which sends chills down my spine.

Hindi ko alam pero hindi ko magawang kumilos habang titig na titig sa kanyang mga matang nagniningning sa liwanag na nagmumula sa buwan. Gusto kong sumigaw at hampasin siya dahil sa pagpasok sa kwarto ko pero hindi ko magawa.

"A-anong gina--"

"Shh. I'm just here to check you. Baka kasi natatakot ka samin, hindi ka makatulog."

"Pero paanong--" naputol ang pagsasalita ko nang inilabas niya ang isang kumikislap na bagay at ipinakita sa akin.

"Ano yan?"

"Seriously? Hindi mo alam? This is a paper clip. Too obvious." ang sabi niya na halos pasigaw na bulong sa akin. Now, I managed to breathe a bit deep.

"Checking me is not your duty, Lux. Kaya bakit kailangan mong gaw--"

"Because I can't breathe." putol niya sa sasabihin ko sana.

This time, the tone of his voice became deeper. His pair of almond eyes, dazzling, staring at me passionately. Leaning in front of me. I can't do a thing. Not a single thing! I am supposed to push him away! But his gaze locked my consciousness.

"Lux."

~•~

- Lux

Naalimpungatan ako nang may narinig akong kaluskos na nanggagaling sa labas ng kwarto namin nina Nyx at Joaquin. Dahil ako lang yata ang nagising bumangon ako para tignan kung anong meron doon.

Habang papalapit ako sa pintuan ay patuloy ang pagkaluskos ng kung sino o kung ano sa labas.

Pagbukas ko naman ng pinto ay bigla na lang itong nawala. Hinintay ko ang muling paggawa ng ingay noon. Pinakiramdaman ko ang paligid pero wala akong naramdamang kakaiba.

Kinuha ko ang phone ko sa mesa at ini-on ang flash niyon para gamiting ilaw. Kailangan kong masiguro na wala ngang ibang tao dito sa bahay.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa labas ay nakarinig ako ng mahinang katok na nanggaling sa kabilang kwarto, katabi ng sa aming tatlo.

Dahil napagtanto kong kwarto iyon ni Ash ay lakad-takbo ko itong nilapitan nang hindi gaanong nakakagawa ng ingay. Nang makalapit sa pintuan nitong sarado, nagtaka ako. Kung may kung sino man sa loob maliban sa kanya ay malamang na nasa panganib siya.

Lumuhod ako sa harap ng pintuan nito at kinuha ang pin na nasa case ng cellphone kong sinadyang ginawa para malagyan ng lockpicking kit.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng mai-unlock ito. Sumilip muna ako para hindi matunugan ng kung sino sa loob. Ngunit sa laking gulat ko, walang ibang tao roon kung hindi si Ash lang na nakatalukbong ng kumot.

Lumapit ako sa kanang bahagi ng kama niya. Nang marinig ko ang mabigat na paghinga niya'y alam ko ng gising siya. Malamang ay narinig din niya ang kaluskos na naririnig ko kanina.

"Ash?" hindi ko alam kung gising nga siya o trip lang talaga niyang matulog nang nakatalukbong. Mukha bang nang-iistorbo ako ng natutulog ngayon?

Napansin kong napapitlag siya nang magsalita ako. Kaya sigurado na akong gising nga siya.

"I know you're still awake." ang sabi ko kahit sa totoo nyan ay hindi ko talaga alam. O baka naman nagising ko lang siya?

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot na tumatakip sa kanyang mukha. Base sa mukha niya alam ko ng gising talaga siya kanina pa at halata ang takot sa kanyang mga mata. Damn, those eyes.

Nakatitig lang siya akin at ganon din naman ako. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko sa kanya ngayong alam kong narinig niya ang katok na nanggaling sa kwarto niya mismo.

"A-anong gina--"

"Shh. I'm just here to check you. Baka kasi natatakot ka samin, hindi ka makatulog." tanging nasabi ko nang bigla na lang siyang sumigaw na halos pabulong lang. Pinigilan ko ang sarili kong takpan ang bibig niya dahil baka lalo lang siyang matakot.

"Pero paanong--"

Inilabas ko ang isang pin sa bulsa ko na ginamit ko kanina para mabuksan ang pinto. Siguro naman may ideya na siya kung anong ginawa ko.

"Ano yan?"

"Seriously? Hindi mo alam? This is a paper clip. Too obvious." ang sabi ko na halos napalakas yata. Ang sinungaling ko na, syempre hindi lang yon basta paper clip lang!

"Checking me is not your duty, Lux. Kaya bakit kailangan mong gaw--"

"Because I can't breathe." putol ko sa susunod pa niyang sasabihin. Seriously, Lux? Ano ba 'tong lumalabas sa bibig ko?

Damn, this is bad. No. Control.

I remember the smoothness of her hands when we shook hands this morning. This woman is really something.

Wala sa sariling lumapit ako sa kanya habang nakatitig sa mata niyang kumikislap sa liwanag ng buwan. This woman really make me--

"Lux."

Sa isang iglap lang ay bigla akong natauhan na para bang biglang bumalik ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.

Nakita ko si Robie na nakatayo sa tapat ng pintuan ni Ash. Tinitigan niya ako nang makahulugan at saka pumasok sa kwarto. Agad akong umatras palayo kay Ash nang mapansing madilim ang presensya ng lalaking naglalakad palapit sa amin.

Huminto siya nang makarating sa pagitan namin ni Ash. Tinalikuran niya ito at tumingin sa akin.

One wrong move.

Those words made me leave the room as soon as I can. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin pero dahil sa rule na yon, alam kong malala pa sa iniisip ko ang pwede niyang gawin sa akin.