Chapter 37

Pagdating sa bahay, hilong-hilo na sya ni hindi nga nya magawang buksan ang pinto ng kotse. Narinig pa nya ang  mabigat na pagbuntong hininga ni Gavin, bago bumaba ng kotse at malakas na sinara yon. Ewan naman nya kung bakit wala syang lakas. Sa susunod hinding-hindi na sya iinom.

"Your drunk!" galit na sita ni Gavin sa kanya, nang buksan nito ang pintuan ng passenger seat.

"A little" nakuha nyang isagot, kahit obvious na lasing na lasing na sya.

"Sa susunod huwag kang iinom kung hindi mo kaya! at lalong huwag kang iinom kung hindi mo maipagtanggol sa mga manyakis ang sarili mo!" sermon nito sa kanya. Mangangatwiran sana sya nang bigla syang buhatin nito mula sa upuan ng kotse.

"Gavin!" tili nya. Nang umangat ang pang upo nya sa upuan. Mabilis nyang kinawit ang mga braso sa batok nito, sa takot na mahulog sya.

"What are you doing?" alanganing tanong nya. Habang halos nakasubsob na ang mukha nya sa leeg nito. Naaamoy nya ang mapangakit na mint colonge nito mula sa leeg nito. Pakiramdam nya nawala ang hilo nya at napalitan ng init sa katawan.

"Hmmmm"

"Will you stop that Ellise!"

"Ah? what?" groging boses na tanong nya. Pero hindi ito sumagot. Nang tuloy lang sila sa pagpasok sa loob ng bahay. Agad silang sinalubong ng kasambahay.

"Buti nalang po nakita nyo sya Sir" narinig nyang sabi ng kasambahay. Bakit nawala ba sya? hinanap ba talaga sya ni Gavin? inakala ba nitong naglayas na sya? tanong nya sa sarili. Pasimple nyang tiningala si Gavin, para makita kung gaano kagwapo ang mukha nito. Ang swerte talaga nya at nakilala nya ang isang Gavin Saavedra, kahit mahirap at nasa hindi kapani-paniwalanh sitwasyon sila ni Gavin ay kahit papano naman ay nag eenjoy sya.

Pagdating sa itaas, agad syang pinasok ni Gavin sa silid nya. Alam nyang hindi sya mabigat, kaya nga kung buhatin sya ni Gavin ay tila sya walang katimbang-timbang. Ibinaba sya nito sa kama.

"Magpahinga ka na, bukas na tayo mag-uusap" may pagbabanta sa tono nito. At hakmang bibitawan na sya nito nang automatic na hinila ng mga kamay nya ang batok nito, at nadikit sa mukha nya.

"Can we talk Gavin?" pupungay-pungay na matang tanong nya.

"No, you are drunk Ellise! baka kung ano lang ang masabi mo. Bukas na tayo mag-usap"sagot nito at hinawakan ang mga kamay nya sa batok nito, at mabilis na inalis ang mga yon.

"Don't go Gavin" parang batang sabi nya. Marahil sa kalasingan kaya nya nagagawa ang mga bagay na ito.

"Just rest Ellise. Marami kang nainom. And that was your last Ellise, hindi kana pwedeng uminom pa, lalo na't mag-isa kalang" sabi nito habang inaayos ang unan nya.

"Gavin, do you know how handsome you are?" tanong nya rito at inaabot ang gwapong mukha nito. Hinuli ni Gavin ang kamay nya, at hinawakan ng mahigpit yon.

"Kung inaakala mo na makukuha mo ko sa pagpapa cute mo, well nagkakamali ka Ellise. Dahil bukas na bukas makakatikim ka ng sermon sa akin sa ginawa mong pag-alis ng bahay, at sadyang pag-iwan sa cellphone mo. Idagdag pa yang pagpapakalasing mo!" sermon nito sa kanya. Napatili sya dahil humigpit ang hawak nito sa braso.

"I saw with Sabrina" sambit nya. Na tila ba nawala ang kalasingan nya ng banggitin ang pangalan ni Sabrina. Tiningala nya si Gavin, nagtama ang mga mata nila. Bumuntong hininga ito at binitawan ang kamay nya.

"Do you still love her?" lakas loob na tanong nya. Kung sakaling sagutin ni Gavin at masaktan sya, maari syang mangkunwaring hindi alam kung ano ang nangyari ngayon gabi. Nakatitigan sila Gavin. Pakiramdam nya ang haba ng sandaling dumaan bago ito nagsalita.

"Magpahinga ka na Ellise, bukas na natin pag-usapan ito" sagot nito at hakmang tatalikod na ng pigilan nya ito sa kamay. Tinignan nito ang kamay nyang pumipigil sa kamay nito.

"Gavin" simula nya at tiningala ito. Nakita nyang kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kamay nyang nakahawak sa kamay nito. Nalipat ang tingin nito sa kanya. At wala syang pakialam kung makita man syang umiiyak ni Gavin. Pakiramdam kasi nya sasabog na ang damdamin nya kung hindi pa nya ilalabas ang sama ng loob at inanakit rito, at alam nyang nasasaktan sya dahil may damdamin sya kay Gavin. Mahirap ipaliwanag pero sa loob ng isang linggo nila sa Isla ay tila sya nahulog kay Gavin. At ngayong nasa San Sebastian na sila ay tila lalo syang nahuhulog kay Gavin. Kahit ayaw nya wala syang magawa, hindi nya makontrol ang sarili. Hindi nya maintindihan kung bakit nangyayari at nararamdaman nya ang lahat ng ito kay Gavin. Dahil ba si Gavin ang unang lalake sa buhay nya? maybe wala pang nangyayari sa kanila ni Gavin literally, but Gavin saw her naked, touched her body, kissed her over and over, na never pa nya nagawa sa ibang lalake. And of course, of course Gavin tasted her secret heart, tila narin nakuha ni Gavin ang virginity nya sa mga ginagawa nila, and she want more, she want more and more from Gavin. She's going to risk everything, just to have him.

"I want to marry you Gavin. Kung gusto mo ngayon na, papayag ako" patuloy nya at naramdaman ang pagpatak ng mga luha. Napansin nya ang pag-iba ng hininga ni Gavin.

"Let's get married Gavin, I'll marry you, susunod ako sa mga gusto mo'ng mangyari, papayag ako sa kontratang gusto mo, even a fake marriage it's ok to me" patuloy nya, habang walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Just marry me Gavin. Please" pagsusumamo nya. 

"Ellise, you are drunk! you don't even know what you are saying" sagot nito at binawi ang kamay nito. Napalunok sya at napatitig sa magagandang mga mata nito. Wala naman syang makitang rejection sa mga mata nito. But litteraly Gavin rejected her.

"I know what I am doin Gavin. And I want to marry you" pagmamatigas nya.

"Sabrina is not the right woman for you" patuloy nya.

"Take a rest Ellise, bukas na tayo mag-usap pag hindi kana lasing" tanging sagot nito at nagtuloy sa paglakad palapit sa pintuan. Nakasunod lang sya ng tingin rito at nagkibit balikat. At napa agulgol ng iyak. Nasasaktan sya at hindi nya mapigilan ang maiyak. Narinig pa nya ng sumara ang pintuan, tuluyan syang iniwan ni Gavin. Lalo syang nag-iiyak sa sakit at sama ng loob, hiniling na sana lasing nalang sya at makalimutan nya ang lahat kinabukasan.