Chapter Thirty-two
Second Chance
Kung ilang metro o minuto ang nilakad ni Elaine habang tahimik siyang nakasunod sa kabilang bahagi ng daan, Tan did not mind checking. Ang alam niya, bukod sa halo-halo ang emosyon sa kanyang dibdib, hindi niya maalis ni minsan dito ang tingin.
Banayad na inililipad ng hangin ang nakalugay nitong buhok, ang laylayan ng suot na blusa na sumasabay sa bawat hakbang nito. Just like before, everything she wore fit perfectly to her slender body. The same body he’d adored and worshipped.
Tan came to a realization that for the last three years, he had never gone an entire day without longing for her. The yearning was deep and strong it was consuming him. At marahil, sinadya niyang maipagkamali at palitan ang damdaming iyon ng galit.
Why was the question that was too painful for Tan to ask. At ang mga sagot sa mga bakit na iyon ang kinatatakutan niyang marinig mula nang magkrus muli ang kanilang mga landas.
Bakit siya iniwan ni Elaine? Bakit ang dali-dali lang para dito na kalimutan at itapon ang pagmamahal niya? Bakit sa loob ng tatlong taon, ni minsan ay hindi man lang ito nagpakita sa kanya? Didn’t she miss him the way he did? O kahit kaunti man lang, hindi ba ito nanghinayang sa ilang taon nilang pinagsamahan?
The pang of pain and regret crept into his heart. Nanghihinayang siya sa mga panahong lumipas. Iyong tatlong taon na hinayaan niyang dumaan habang nabubuhay siya sa lungkot, sana inilaan niya para hanapin si Elaine at alamin ang totoo. Pero hindi niya ginawa dahil busy siya sa pagkumbinsi sa sarili na iniwan siya nito para sa pera.
Hindi nalaman ng mga De Marco ang tungkol sa pagkakakulong ni Elaine. Perhaps because during those times, naka-focus ang pamilya sa aksidente niya at pagpapagaling. While Elaine was suffering all alone, there he was, lying in his hospital bed, worthless.
Pero ngayong alam na niya ang totoong sagot sa mga katanungan—pakiramdam niya ay pinipiga ang kanyang puso ng daan-daang dambuhalang kamay.
He deserved that. For being mean to her this entire time. Elaine suffered because of him. Ang laki ng pagkukulang niya sa asawa. Nalunod siya sa kaligayahan nang ikasal siya sa kauna-unahang babaeng minahal. Ni hindi siya nag-abalang kilalanin ito nang maigi o alamin man lang ang pinagmulan.
Wala siya sa tabi ni Elaine noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. At kahit pagkatapos ng mga panahong iyon, wala pa rin siya sa tabi nito. Nawala ang anak nila nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa existence nito. That all happened because he was so damn busy taking care of his career habang ang sarili niyang asawa, hinayaan lang mag-isang magdusa.
Tan hope it wasn’t too late yet. Sana kaya pa niyang habulin ang mga nasayang na oras at panahon. Sana mabigyan pa sila ng pangalawang pagkakataon.
Alam na niya ang totoo, anak man si Elaine ng mortal na kaaway ng kanilang pamilya, walang magbabago. Wala kahit ang pangit na nakaraan ni Elaine ang kayang magpabago sa tibok ng kanyang puso. His love for her would never fade nor transform. It would stay in pure form.
Nahinto si Tan sa paghakbang nang tumigil si Elaine sa paglalakad sa tapat ng stoplight. Nakita niyang tumingala ito sa langit.
Pakiramdam niya ay may humaplos sa puso niya nang makita ang bahagyang pagsilay ng pag-asa sa mga labi ng babae. Almost… almost the same smile that made him fall to his knees.
It was already dark, nasorpresa siguro si Elaine nang ma-realize iyon. Akmang babalik ito sa pinanggalingan nang hindi sinasadyang mahagip siya ng tingin.
Tan’s heart throbbed against his chest. Unti-unti, nabura ang ngiti sa mga labi ni Elaine. Napalitan iyon ng kalituhan, ng pagkamangha. Ng pagmamahal na sana totoo… kahit hindi kasintindi ng pagmamahal niya rito.
When Elaine’s gaze met Tan’s, it became hard for her to look away. Para siyang hinihigop ng maitim nitong mga mata sa kabila ng kadiliman ng gabi.
At nang mag-umpisang humakbang si Tan para tawirin ang kanilang mga pagitan, wala siyang nagawa kundi hintayin ito sa kabilang bahagi ng daan. Hindi niya magawang utusan ang mga paa, ang katawan. Nabibingi siya sa malakas na kabog ng dibdib, sa antisipasyon, sa pagmamahal.
Ano ang ginagawa nito roon? Hindi niya matandaang nabanggit o nadala sa bahay ni Bettina ang asawa noon. Did he follow her all the way here?
Nang huminto si Tan sa harap niya, nanatiling walang katinag-tinag si Elaine. Malakas at nakakabingi ang kabog ng kanyang dibdib. She swallowed the imaginary lump in her throat.
“Sorry, hindi kita sinunod kanina. Sinundan kita mula sa The Palace hanggang dito.”
W-why? gustong mamutawi sa kanyang bibig pero nanatiling tikom ang kanyang mga labi. Ang mga mata niya, nakatitig sa mga mata ng lalaki na nakapagkit na yata sa kanyang mukha ang tingin.
To tell you that you don’t need to keep those painful memories deep in your heart all alone anymore. Because I’d be right by your side no matter what happens. I’m willing to carry your burden, share your fears and pains.
That was the answer Tan’s gaze was giving her. Na para bang nabasa nito ang tanong sa kanyang isip. Kumurap siya nang sa wakas ay muling magbuka ng bibig si Tan.
“I’ve missed you so much, wife…”
The surrounding seemed to lit up when after saying those words, a smile touched the corners of his mouth.
Nagbuga nghangin si Elaine. Ipinikit niya ang mga mata, saka muling dumilat. Tumitig siya sa kisame. May ilang oras na ang lumipas mula nang maghiwalay sila ni Tan pero pakiramdam niya, paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang anim na salitang sinabi nito.
Bumalikwas siya sa kama. Sa isang hotel siya sa Makati tumuloy. Doon din siya inihatid ni Tan na hindi pumayag na mag-drive pa siya nang mag-isa. Nagtawag na lang ito ng driver para sa kotse niya.
Nilingon niya si Drew na kanina pa humahagok sa couch. Hindi niya napigilan nang sumugod ito roon para samahan siya. Bukod pa sa nagpapalipas ito ng sama ng loob kay Macon na isang linggo na nitong katampuhan.
Lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha. Alam niya kung bakit. Hanggang ngayon, natatakot si Drew na muli niyang saktan ang sarili kagaya ng dati. Hindi niya ito masisisi. Ito ang tinatawagan ni Sandra tuwing isinusugod siya sa ospital. Pero tapos na siya sa parteng iyon ng buhay. She was done killing herself to escape her pains.
Elaine had been struggling to overcome her own fears for the last three years. It was hard to do so, lalo at si Drew lang ang naging karamay niya simula ng ma-diagnose siya ni Sandra.
When she got a little better, saka naman nag-umpisa ang PTSD niya. Nag-umpisa iyon ilang linggo bago sila nagkitang muli ni Tan. Ang kagustuhan siguro niyang makalaya sa sakit ang nag-trigger. Naging sunod-sunod ang episodes at flashbacks. She had a hard time concealing it.
“Alas-onse na, utang-na-loob, pilitin mong makatulog,” ungol ni Drew.
Pero tila hanging dumaan lang sa tainga niya ang boses nito.
When did Tan become that outspoken? Nang manligaw ito sa kanya noon, ni hindi nito mabigkas nang maayos ang love confession nito.
Bumalik siya sa pagkakahiga. Muling tumitig sa kisame. Ipinatong niya ang isang braso sa noo. Nasa isip pa rin ang guwapong mukha ni Tan.
“I’ve missed you so much, wife.”
Ipinikit ni Elaine ang mga mata. She smiled. Sa loob ng tatlong taon, iyon ang unang pagkakataong nakatulog siya nang magaan ang loob.
Time check, eleven in the evening. She didn’t take her sleeping pills. Another first.
Umungol si Elaine nang marinig ang pag-iingay ng doorbell. Bahagya siyang dumilat para lang ipikit uli. Hinahatak pa siya ng antok. Naramdaman niyang bumangon si Drew para pagbuksan ang kung sino mang nasa labas ng pinto.
Inabot ni Elaine ang bolster pillow, niyakap iyon, saka tumagilid patalikod, ayaw pa ring paistorbo.
Mayamaya lang, pumasok ang bisita sa loob kasunod ang nasosorpresang si Drew. Humakbang papasok si Tan, matagal—pinagkasya ang sarili na makontento sa pagtitig sa likod ng natutulog na asawa.
“Gusto mo bang gisingin ko siya?”
Pinuwersa ni Tan ang sarili na ilayo ang tingin kay Elaine. Bumaling siya kay Drew na sumulyap din kay Elaine.
“Let her sleep. Papasok ba siya sa trabaho?”
“Alam ko, oo. May date ba kayo?”
Hindi siya sumagot. Hindi niya pinigilan ang sarili na muling ibalik ang tingin sa asawa. Nang hindi makatiis, humakbang siya palapit. Umikot sa kabilang bahagi para mas mapagmasdan ito nang husto.
Tan smiled. Malalim ang tulog ni Elaine. Habang siya, magdamag na hindi nakatulog kagabi. He couldn’t get her off his mind. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Sandra. Ang hirap na pinagdaanan ni Elaine na wala siyang kaalam-alam.
Elaine was in pain for so long. She carried the burden every single day while acting tough and strong. She deserved to be happy now. At sisiguruhin niya iyon.
“Aalis ka na?” tanong ni Drew nang mag-umpisa siyang maglakad papunta sa pintuan.
“Please don’t tell her I dropped by.”
“Sure. Sure,” she answered energetically. He could see her trying to conceal her mischievous grin. Hindi pa man nakakailang hakbang palayo ng pinto si Tan, hindi na napigilan ni Drew ang tili.
Nagulantang si Elaine, napabalikwas. Drew jump on her bed, parang isdang naasinan, nangisay ito nang walang humpay habang panay pa rin ang tili.
Pupungas-pungas si Elaine. Tumigil sa pagkisay si Drew. Naupo ito sa kama, hinawakan siya sa magkabilang balikat at iniharap dito.
“Hindi ka maniniwala kung sino ang nanggaling dito, Elaine. Oh, my God! Oh, my God! Nakikini-kinita ko na ang happy ending!” Tumili ito pagkatapos.
Dahil disoriented pa, hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Naghikab siya. Parang mas gusto na lang niyang matulog kaysa makinig sa ikukuwento nito.
“Hulaan mo kung sino, dali! Hulaan mo!”
Dahil na-pressure, at para tigilan na lang siya nito, napasagot siya ng, “Si Macon?”
Nagusot ang mukha ni Drew. Nawala ang ngiti sa mga labi, pinakawalan siya. Padabog itong bumaba ng kama, matalim kunwari ang tingin sa kanya. “Alam mo, ang aga mong mang-inis. Hindi pupunta dito ang hinayupak na ‘yon dahil magkaaway kami. Si Tan! Galing dito ang asawa mo! Tinitigan ka nang mga sampung minuto habang naglalaway ka sa kama mo! ‘Kainis ‘to.”
Natigilan si Elaine. Ni hindi niya napansin nang magmartsa si Drew papunta sa pantry para mag-emote and at the same time ay maghanda ng makakain.
Umasa si Elaine na pupuntahan siya ni Tan sa Ainsdale. Ang sabi kasi ni Drew, tinanong ng lalaki kung papasok siya sa trabaho. Kaya kahit gusto sana niyang ilubog ang sarili sa kama, napilitan siyang mag-ayos.
Mag-iisang oras na siya sa harap ng vanity mirror. Gustong subukan ang lahat ng lipstick na nasa kanyang bag.
Elaine paired her black wrap dress with her black sling back heels. Pinili niyang ilugay ang buhok. She chose the nude matte for her lips na somehow ay bumagay sa mapusyaw niyang balat.
“Dressed to kill, love it,” sabi ni Drew na sumungaw sa bungad ng kuwarto. “Hindi ako maiinggit since mahigit three years ago nang delay ang kaligayahan n’yo. Kapag nag-alok si Tan ng yakapan at halikan, huwag mong kalimutang bumigay agad. Habulin n’yo ‘yong mga panahong nasayang.”
Napailing siya. Tumingin sa repleksiyon ng kaibigan sa salamin. “Hindi ako uuwi sa inuupahan naming bahay sa Makati. Magtatrabaho lang po ako at uuwi din dito mamayang gabi.”
Tumikwas ang kilay ni Drew. “Sabihin mo ‘yan sa akin mamaya bago magdilim.”
“Why do you need to see theCCTV footage from yesterday? At diyan pa mismo sa elevator?” tanong ni Sean sa kapatid. Sinamahan siya nito sa Safety and Security Office ng The Palace. It was a huge room where surveillance cameras and CCTV footages were being transmitted.
“I have to check something,” sagot ni Tan. Nakatutok ang mga mata sa monitor na inuumpisahan nang i-play ng security staff.
Humalukipkip si Sean. Tumahimik na lang nang mapansing seryoso ang ekspresyon sa mukha ng kakambal.
Pagkatapos ng ilang saglit, nag-umpisang magngalit ang mga bagang ni Tan. Kuyom nang mahigpit ang mga kamay habang titig na titig pa rin sa ipine-play na footage.
Sean gulped, itinuon ang tingin sa monitor. Bago pa ito makapagsalita, tumalikod si Tan. Nagtuloy-tuloy siya sa labas ng opisina, wearing that I’m-gonna-kill-the-bastard-who-dared-hurt-my-wife look on his face.
Drew must be a psychic. Dahilbago pa mag-alas-sais ng gabi, natagpuan ni Elaine ang sarili na ipinaparada ang kotse sa harap ng bahay na inuupahan ni Tan. Maghapon siyang naghintay sa text o tawag nito. Kahit sa biglaan nitong pagdating sa Ainsdale para sunduin siya o yayaing kumain kaya.
Pero palubog na ang araw, hindi man lang nagparamdam ang lalaki. Dumeretso siya sa sariling kuwarto nang makapasok sa kabahayan. Nagbihis saglit, saka lumabas muli para maghanda ng makakain. Tatawagan niya si Tan pagkatapos niyang maghanda ng dinner.
Bago pumatak ang alas-otso ng gabi, tapos na siyang magluto. Tinitikman niya ang nilutong beef caldereta nang marinig ang ugong ng kotse. Kumabog ang dibdib niya. By this time, alam niyang nakita na ni Tan ang kotse niya sa garahe.
Nagmamadali, hinubad ni Elaine ang suot na apron, tsinek ang hitsura gamit ang mirror app sa kanyang cell phone. Nang makontento sa hitsura, pumuwesto siya sa harap ng pinto.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Bumukas ang pinto ng bahay. Iniluwa roon si Tan na saglit lang na natigilan nang makita siya.
Bahagyang-bahagya, ngumiti siya. Akmang magbubuka siya ng bibig para magsalita pero naunang humakbang si Tan palapit sa kanya.