Chapter 25: Chapter Twenty-four

Fragmented

Elaine’s head was spinning. Her eyes were begging him to spare her but the man didn’t even flinch a little.

Then the elevator door opened. Awtomatikong napahawak siya sa leeg nang pakawalan ng lalaki. She gasped for air. Walang lakas ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Dinadalahit ng ubo.

Tumalungko ang lalaki sa tabi niya. “This is the price you need to pay for being alive, Elaine.”

She was slowly drifting off pero narinig niya ang sinabi nito. In a blink of an eye, she saw flashes of images and noises burst through.

“This is the price you need to pay for turning your back on your father, Elaine!”

“Mamatay ka na! Mamatay ka na!”

Elaine went still. Her whole body trembled in fear. Ang takot na gumagapang sa dibdib niya, hindi niya alam kung saan nanggagaling. O kung kailan titigil.

August 18, 2017

Quezon City, Philippines

Hindi mapigilan ni Elaine ang paglitaw ng ngiti sa mga labi habang hawak-hawak sa dibdib ang pregnancy test kits at resulta galing sa kanyang ob-gyne. Pagkatapos ng halos every month na pagte-test, noong nakaraang lingo ay nakakuha na rin siya ng dalawang guhit!

She was four weeks pregnant. Tatlong test kit na magkakaiba ang brand ang ginamit niya para makasigurong hindi false ang test result. That same day, nagpa-checkup siya at kanina lang nakuha ang resulta.

Pinlano na nila nina Macon, Drew, at Mang Chito kung paano sosorpresahin si Tan nang makumpirma niya ang resulta. Si Elaine higit kanino man ang nakakaalam kung gaano magiging masaya ang asawa kapag narinig na ang balita. Mahilig ito sa mga bata, ang mga litrato ng mga pamangkin sa mga pinsan ang laman ng social media accounts nito. Nadagdag ang mga litrato niya—nilang dalawa habang magkasama few months ago.

Matutuwa rin ang mga magulang ni Tan. Ilang buwan na ring umuungot ang mga biyenan ng apo sa kambal dahil tumatanda na raw ang mga ito.

Isinilid ni Elaine ang pregnancy test kits at ultrasound sa loob ng kahon. Pag-uwi ni Tan galing sa medical mission sa Cordillera sa susunod na linggo, sasabihin niya agad ang magandang balita over candlelit dinner at home. At hindi na siya makapaghintay pa.

Ikinabit niya ang seat belt. Akmang bubuhayin na ang makina ng kotse nang may isang matandang lalaking lumitaw sa gilid niya.

The man was in his late fifties or early sixties. Maayos ang pananamit at nakasuot ng khaki baseball cap.

Ibinaba niya nang kaunti ang bintana. “Bakit ho?”

Umangat ang sulok ng bibig ng matanda. “Ganito ba ang tamang salubong sa ama na halos buong buhay mong hindi nakita?”

Ilang araw pagkatapos ng una nilang pagkikita ng matandang lalaking iyon, nasa labas siya ng bahay nila sa Parañaque. Tinawagan siya ni Bettina. “Nabulyawan” was the right term. Pinapapunta siya nito sa apartment dahil may importante raw silang kailangang pag-usapan.

Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong na si Elaine ng lumilipad na stuffed toy. Kung hindi siya nakailag, malamang na nabitawan niya ang bitbit na pasalubong.

“Mabuti dumating kang gaga ka!”

Dinampot niya ang stuffed toy at dinala hanggang sa sala. Ibinaba iyon sa gilid ng sofa, saka ipinatong ang cake sa mesa.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na huwag kang makikipagkita sa hayup na lalaking ‘yon?! Hindi siya ang ama mo, okay? Wala kang amang kriminal, Elaine!”

“‘Nay…”

“No’ng nagpakasal ka sa De Marco na iyon, binalaan na kita. Hindi ka magiging masaya. Lilitaw at lilitaw ang problema! Ngayon, heto na nga! At wala ka sa aking tiwala! Binibilog lang ng tatay mo ang ulo mo. Makinig ka sa ‘kin, Elaine. Hindi mo siya kilala. Ako, kilala ko siya! Gusto ko siyang patayin at ilibing nang buhay sa lupa!”

Hindi pinansin ni Elaine ang contradicting na sinabi ni Bettina. Nararamdaman niyang tatay niya ang matandang lalaking lumapit sa kanya noong nakaraang linggo. She had been seeing him since then.

Binilhan niya ito ng mga damit at gamit, ikinuha ng condo unit at inaabutan ng pera, humihingi man ito o hindi. Na-deprive siya nang mahabang panahon sa pagmamahal ng isang ama. May pagkakataon pa siya para bawiin ang mga taon na hindi ito nakasama.

Ayaw niyang patulan pa ang ina. One thing she learned from Tan ay ang pagmamahal at respeto sa mga magulang. Nabiyayaan ng maganda at respetadong mga magulang si Tan, taliwas sa nakagisnan niya.

Bettina was on drugs bukod sa pagpapatakbo nito sa ilegal na pub house sa Parañaque. Iyon ang ilan sa mga rason kung bakit nahiya siyang ipakilala ang ina kay Tan at sa mga magulang nito.

Dala ng galit sa pang-aabuso—pisikal at emosyonal—nagawa niyang sabihin kay Tan na matagal nang patay ang mga magulang. Ganoon din naman, naisip niya. Hindi suportado ng ina ang noon ay nag-uumpisa pa lang na relasyon nila.

Kahit sumilip sa kasal niya, hindi ginawa ni Bettina. Kaya pinaninindigan niya ang kasinungalingan hanggang ngayon.

Pinagmasdan ni Elaine si Bettina. Bagaman maayos sa katawan, nag-uumpisa nang maging puti ang dati rati ay palaging de kulay nitong buhok. May wrinkles na at halata na ang pagkulubot. Paano siya babawi sa ina? Paano niya babawiin kay Tan at sa pamilya nito ang lahat? She wanted to make things right this time. Kukumbinsihin niya si Bettina na mahal na mahal nila ni Tan ang isa’t isa habang pinag-iisipan kung paano mag-uumpisang maging honest kay Tan sa lahat ng bagay.

“Chocolate cake ang dala ko, paborito mo,” sabi niya. Dumeretso siya sa kusina at kumuha ng platito at tinidor.

“Kung ayaw mong makinig sa akin, bahala ka. Walang sisihan, Elaine. Binalaan kita!”

Bago pa makabalik sa sala, narinig na niya ang pabagsak na pagsara ng pinto ng kuwarto ng ina.

Suminghap si Elaine nang ang flashback ay masundan pa ng isa pang flashback…

September 18, 2017

Quezon City, Philippines

Bumukas ang pinto ng master bedroom. Iniluwa roon si Tan na inabutan siyang isinasara ang maletang nakapatong sa kama. Huminga ito nang malalim. Lumakad palapit sa kanya.

“Elaine…”

“Babalik na ‘ko kina Mang Chito. Doon na uli ako titira habang inaayos mo ang annulment.”

“Nakainom ka…”

“Wala kang pakialam.”

Huminga nang malalim si Tan.

“Sabihin mo naman sa akin kung ano’ng problema. I don’t know what I did wrong. Kung mayroon man, nakahanda akong gawin ang lahat para itama iyon,” pagsusumamo nito.

Ibinaba ni Elaine ang maleta sa marmol na sahig. Itinaas niya ang mukha kay Tan na nakaguhit na naman ang lungkot sa mga mata. Pero kaysa makisimpatya, kailangan niyang mas saktan pa ang asawa.

“I hate everything about you and our marriage, Tan. Nabigla ako. Nagkamali ako ng pagpapakasal sa ‘yo. Pinagsisisihan ko na nang matindi iyon.”

“Kung dahil lang ito sa Textile, kahit hindi ako ang heir, may stocks tayo sa kompanya. I’ll make sure we won’t starve. Mabibili mo ang lahat ng gusto mo. Hindi kita pipigilan.”

“Hindi mo na mababago ang isip ko. Gusto ko nang makipaghiwalay. Ang annulment, ikaw na ang bahalang mag-process. Mas mabilis na mapawalang-bisa ang kasal, mas okay,” matigas na putol niya.

Hinila ni Elaine ang maleta at nag-umpisang lumakad palabas ng kuwarto na ilang buwan ding naging saksi sa pagmamahalan nila. At sa takot at lungkot na pilit niyang pinagtatakpan ng panlalamig at kawalan ng emosyon.

Ipinikit niya nang mariin ang mga mata nang lampasan si Tan. Pigil-pigil niya ang sarili na huwag itong balikan at takbuhin nang mahigpit na yakap.

Para siyang gaga na basta na lang iiwan ang lalaking mahal niya at mahal na mahal din siya. Pero wala siyang choice. Tama si Bettina, nakaguhit sa mga palad niya. Hindi siya puwedeng maging Mrs. De Marco kung gusto niyang maging masaya.

Gagawin niya iyon hindi dahil gusto niya. Kundi dahil wala na siyang ibang puwedeng maisip na paraan para huwag madamay si Tan.

But even though she gave him enough reasons to give her up and leave, he chose to stay.

Alam ni Elaine na nakahanda itong akuin ang lahat ng kasalanang inimbento niya. Handa itong mag-adjust para sa kanya. Alam niyang hirap itong makakuha ng maayos na schedule sa ospital, lalo at isang taon pa lang itong resident doctor, pero nagawan nito iyon ng paraan kahit paano.

Nasa garahe na siya nang abutan ni Tan na hindi niya napansing humabol. Nahawakan siya nito sa kamay. Napapihit siya paharap sa lalaki.

“If you want some time apart, that’s fine with me. But I’m not going to let go of you no matter what happens. Don’t expect any future talks about annulling our marriage, Elaine. I will never let that happen.”

Lumunok siya, agad nag-iwas ng tingin nang makita ang determinasyon at sinseridad sa mga mata ng lalaki.

Binawi niya ang kamay. Sinadya niyang tigasan ang boses nang magsalita.“Mahirap ba talagang intindihin ang ibig sabihin ng hindi na kita mahal, Tan? Please, huwag mo nang ipilit sa akin ang pagmamahal mo dahil hindi ko na ‘yan kayang suklian. I lied about staying with Tatang. May... May ibang lalaki na akong nagugustuhan. He’s a businessman. Sa kanya na ako sasama, mag-uumpisa uli ng bagong buhay.”

That should hit Tan real hard. She didn’t want to see the pain in his eyes kaya mabilis siyang tumalikod papunta sa kotse niya. Pero nagulat siya nang magawa uli nitong pigilan ang kamay niyang may hawak sa maleta bago pa niya mabuksan ang trunk.

He looked her in the eye. Walang halong galit at sumbat ang itim na itim nitong mga mata. There was understanding and love and tenderness in them na gusto niyang maiyak. Kahit ang kamay nitong nakahawak sa pupulsuhan niya, hindi niya maramdaman ang higpit at bigat. Ang tanging naroon ay ang pagmamahal at pag-iingat.

Elaine choke back her tears. How could life be this cruel to them? She was about to lose someone so precious and pure. Saang planeta pa ba siya makakakilala ng lalaking katulad ni Tan pagkatapos ng gabing ito?

“Kung gusto mo talagang umalis, ihahatid kita. Gabing-gabi na. At nakainom ka.”

Muli siyang pumiksi. Naghalo-halo na ang frustration, galit sa mundo at sa sarili. At sa awa at nag-uumapaw na pagmamahal sa lalaking ginago na at lahat, hindi pa makuhang magalit.

“Why can’t you just curse at me, Tan? I know I deserve that. Kaysa pakitaan mo ‘ko ng maganda, pagsalitaan mo na lang ako ng masama! Mas matatanggap ko pa ‘yan kaysa… kaysa…” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil gagaralgal ang boses niya.

Nang bahagyang ngumiti si Tan, lalong nadurog ang puso niya.“I’m not angry. Alam kong naguguluhan ka lang. Don’t ever mention something crazy like you, having an affair with other man. Kahit paulit-ulit mo sa aking sabihin iyan, hindi ako maniniwala. Forgive me for forgetting how young you are compared to my age, Elaine. Though I want us to go back to the good old days and I miss us, alam kong mas kailangan mo ng oras para sa sarili.”

It was getting harder as time goes by, Elaine thought. Kailangan niyang makasakay sa kotse bago pa siya traidurin ng sarili. At least sa tinted niyang kotse na regalo pa ng mga magulang ni Tan, maitatago niya kahit paano ang totoong nararamdaman.

There she could cry her heart out without anyone noticing. Kagaya ng madalas niyang ginagawa tuwing sinasadya niyang galitin ang lalaki. Sadly, unsuccessful siya sa kanyang mga attempt. Dahil hanggang sa huling pagkakataon, hindi pa rin nito makuhang magalit.

Lihim na nagpasalamat si Elaine na madilim sa parteng iyon ng garahe o makikita ni Tan ang pagpuslit ng dalawang makulit na luha sa kanyang mga mata.

Nobody knew how much it pained her seeing Tan like this. Hurting him like this. But hurting him, and herself as well, was the only way to protect him. His family’s name.

Itinaas ni Elaine ang mukha matapos pasimpleng punasan ang luha.“Sinabi ko na sa ‘yo ang totoo. Bahala ka sa gusto mong paniwalaan. Gusto kong ipahanda mo ang lahat, mas mabilis, mas maigi. Annulment papers hanggang sa pinakamaliit na detalye. Don’t ever contact me.”

Mabilis niyang ipinasok sa trunk ang maleta, saka umikot papunta sa driver’s seat. Nang makasakay, pinigil niya ang sariling sulyapan si Tan sa rearview mirror ng sasakyan. Mabilis niyang pinaandar palayo ang kotse.

“I’m sorry, Tan. Please don’t forgive me. I’d rather want you to hate me.”

Pagliko sa unang kanto pagkalabas ng subdivision, itinabi ni Elaine ang sasakyan sa gilid ng daan. At doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.

Hindi pa man nagbubukang-liwayway, tumunog ang cell phone niya. Hospital staff ang nakausap niya sa kabilang linya. Notifying her to come dahil malubha ang lagay ni Tan.

But she should not come. Gustuhin man.