Chapter Twenty
Turn of the Tide
“I-is she having a heart attack or something?” tanong ni Richard. Halos magkandabuhol-buhol ang dila nang makita ang paghahabol ni Elaine ng hininga. Kung si Tan ang tatanungin, gusto niyang patayin si Richard right then and there. Pero hinayaan niya itong kumaripas ng takbo dahil natakot matapos makita ang nag-aapoy niyang tingin.
He knew better. Elaine wasn’t having a heart attack, she just felt like she was having one. Her eyes were out of focus, she looked like she was separated from her surroundings habang nakaguhit ang matinding takot sa mga mata nitong bahagyang nanlalaki.
Naninikip ang dibdib na naupo si Tan sa tabi ni Elaine. Kinuha niya ang kamay nitong nakahawak sa dibdib. Her hand was cold to the touch. Para siyang paulit-ulit na dinidibdiban nang kumapit ito sa kamay niya, mahigpit.
Pinahid niya gamit ang hinlalaki ang luhang namalisbis sa mga mata nito. Nakita niyang kumurap si Elaine. Tumitig sa kanya bagaman halos wala pa ring focus.
He took a deep breath. Masuyong pinisil ang palad nito. “Look at me, Elaine. I’m here. It’s all right,” anas niya sa malumanay na boses. “No one’s going to harm you. I won’t let anyone hurt you,” paulit-ulit na pagbibigay niya ng assurance.
A tear fell from her eye. He swallowed the imaginary lump in his throat. Hindi mapigilan ang sarili, he reached for her and held her close. Bagaman wala siyang ideya kung ano ang takot na pinagdaraanan nito, para siyang sinasakal sa nakikitang paghihirap nito.
Saglit lang ay naramdaman na ni Tan ang unti-unting pagkalma ng paghinga at tensiyonadong muscles ni Elaine. Hanggang tuluyan nang mawala ang episode na nararanasan nito.
Marahil na-realize na may kayakap ito, she tensed then went still. Kumawala ito sa kanya. Dumaan ang kalituhan sa mga mata bago mabilis na tumayo sa pagkakalugmok nang makilala siya.
She swayed nang sumubok itong tumayo. Tan stood up. Without a word, he carried her in his arms. Gustong magprotesta ni Elaine, pero alam niyang wala pa itong lakas para gawin iyon.
On their way back, nasalubong nila sina Primo, Jenna, at Danielle na bagaman gustong magtanong, mas piniling sundan na lang sila ng tingin.
Elaine hugged her knees close nang maingat niya itong mailapag sa mat sa loob ng tent.
Ipinikit ni Elaine ang mga mata. Mariin. The cold weather was making its way through her jacket and jeans. Her disheveled hair fell loose about her face. Gusto niyang hawiin ang buhok na nagkalat sa kanyang mukha, pero hindi niya magawang utusan ang katawan.
She desperately prayed for someone to come and save her. She imagined Tan talking to her, she thought she heard his soft, soothing voice, his warm hand tightly holding hers. Giving her assurance that he was there with her at hindi ito papayag na may manakit uli sa kanya. Those thoughts pulled her back to reality—para lang matagpuan ang sarili na totoong yakap-yakap ng lalaki.
Naramdaman niyang kumilos si Tan. Inaayos nito ang higaan.
“I know it’s hard but try to get some sleep,” he said.
Bahagya niyang ikiniling ang ulo sa lalaki. “S-si Richard…”
Katahimikan.
“Let’s deal with him tomorrow.”
Hindi mapakali si Elaine. Mag-isa na lang ba siya nang abutan ni Tan malapit sa banyo? Hanggang saan ang nakita nito? Did he saw her having an attack? Kaya ba pakiramdam niya ngayon, malumanay itong magsalita?
Kumilos siya nang tapikin ni Tan ang higaan na inayos nito para sa kanya. Tumagilid siya uli patalikod dito nang makahiga. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito.
She closed her eyes. Ilang saglit na ang lumipas pero alam niyang hindi tumitinag si Tan sa pagkakaupo. May pakiramdam siyang nakatutok lang ang mga mata nito sa kanya.
Dinig niya ang mabigat at maya’t maya nitong buntong-hininga. Pagkatapos, kumilos ito, lumabas ng tent. Isinara iyon bago niya narinig ang mga yabag nito paalis.
Nakatulong siguro kahit paano ang lamig ng panahon. Hindi niya namalayan, unti-unti, hinihila na siya ng antok.
Lumipas ang mahigit isang oras bago nakabalik si Tan sa tent. Elaine laid curled up. He was sure she was still cold under her blanket.
Naupo siya sa tabi nito. Dinig niya ang banayad nitong paghinga katibayang malalim na ang tulog nito. Hinubad niya ang suot na jacket, ikinumot pa iyon sa katawan ng babae.
Naramdaman niya ang paglabas ni Elaine ng tent kanina. Hindi makatiis, nagdesisyon siyang sundan ito. Palabas na siya ng tent nang masulyapan ang scarf na naiwan nito. Sumabit iyon sa bag ni Elaine nang hablutin niya. Natumba ang nakabukas na bag.
Parang tinadyakan si Tan pabalik sa nakalipas nang gumulong mula roon ang puting medicine bottle…
September 10, 2017
De Marco Residence, Quezon City
Nakaupo si Tan sa gilid ng kama. Hawak niya sa kamay ang isang PET bottle na nakita niya sa side table kanina.
Pasakay na siya sa kotse nang magdesisyong bumalik para i-remind si Elaine sa dinner date nila mamayang gabi. Gusto niyang bumawi. Wala siyang ibang nakikitang rason kaya ito nagiging bugnutin maliban sa baka nakukulangan na ito sa oras na naibibigay niya.
Wala pang isang taon silang mag-asawa. Kung tutuusin, dapat nasa honeymoon stage pa sila. Kaso, hating-hati ang atensiyon niya dahil sa hectic na trabaho sa ospital.
Gusto niyang bigyan ng assurance kahit paano si Elaine na kahit busy siya dahil sa sinumpaang tungkulin, ito naman ang nasa isip niya pagkatapos.
Hindi siya nag-angat ng tingin kahit nang marinig ang pagbukas ng pinto ng bathroom at iniluwa niyon si Elaine. Katatapos lang nitong maligo. Nakasuot ng roba at may nakapaikot na tuwalya sa ulo nito.
“Akala ko ba aalis ka na?” bungad nito pagkakita sa kanya.
“Kailan ka pa gumagamit nito?” malumanay na tanong niya. Bahagyang iniangat ang hawak na botelya ng gamot. Bumaba roon ang mga mata ni Elaine.
Tan could not dare look at her in the eye. Pakiramdam niya, sinusuntok siya sa sikmura tuwing nakikita ang walang emosyong mga mata ng asawa.
Lumakad palapit si Elaine. She snatched the bottle from him, saka iyon padabog na iniitsa sa drawer.“Kailan ka pa natutong makialam sa gamit ko?”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Hindi niya makuhang tumayo sa pagkakaupo at harapin ito.
Narinig niya ang iritableng pagbuga ni Elaine ng hininga.“Sinabi ko na sa ‘yo, ayokong magbuntis.”
“Why?”
“Dahil ayaw mong makinig sa ‘kin! Ni wala ka na ngang oras sa ‘kin, gusto mo pang gumawa ng responsibilidad.”
Bumuntong-hininga si Tan. Sa wakas ay nagawa niyang tingnan ang asawang nakahalukipkip at nakatitig sa kanya.
Wala na ang pangingislap ng mga mata nito tuwing magkasama sila. Napalitan na iyon ng iritasyon, ng disgusto. Para itong palaging nakikipag-away kahit nakikipag-usap naman siya nang maayos.
“I’m not fighting with you, Elaine. I just don’t understand. Gusto kong bumuo tayo ng pamilya. Sinabi ko na sa ‘yo, gagawan ko ng paraan para mabawasan ang oras ko sa ospital.”
“Bakit ba nagpapakahirap ka sa ospital na ‘yon kung puwede ka namang maupo sa komportableng upuan sa Textile at kumita ng mas malaking pera?”
Nangunot ang noo niya. “You keep mentioning Textile. I told you already, wala akong ambisyong pumalit kay Papa.”
“And I thought I made it clear, Tan. Gusto ko ng mayamang asawa na magbabago ng estado ko sa buhay. Hindi ko kailangan ng pipitsuging doktor na minamando-manduhan lang.”
Tan sighed. Habang tumatagal, pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harap.“May hindi pa ba ako naibibigay? Hindi naman tayo naghihirap. Nabibili mo ang lahat ng gusto mo. Hindi kita pinipigilan.”
“You just don’t understand,” tila nauubusan ng pasensiyang sabi nito.
“Please make me understand.”
“Ayoko ng bata!” she snapped. “Kung gusto mo ng anak at ipipilit mo ‘yan, maghiwalay na lang tayo, Tan! Maghanap ka ng ibang asawa, wala akong pakialam!”
Saglit siyang natigilan. Mapait ang ngiti niya.“Naririnig mo ba ang sinasabi mo?”
Elaine scoffed, annoyed.“Oh, don’t look at me that way. You’re staring at me as if I’m in the wrong here. What crime did I commit? I was just being honest, for God’s sake. Masakit ang katotohanan so you’d rather want me to lie, is that what you want?”
Hindi siya sumagot. Ilang saglit na nakatitig sa asawa bago tahimik na tumayo sa kinauupuan. Nilapitan niya si Elaine. Mahigpit itong niyakap. Humalik sanoo nito bago lumabas ng kuwarto…
Pero hindi birth control pills ang nakita niya sa bag ni Elaine kundi paroxetine. Isa iyong antidepressant na ibinibigay sa mga pasyenteng may panic disorder at post-traumatic stress disorder.
Maraming tanong na naglalaro sa isip ni Tan. Noong nakita niya si Elaine few weeks ago sa labas ng bar ni Lander, was she having an episode?
And there he was, sa halip na ipakita ang totoong nararamdaman, mas pinili niyang maging asshole sa harap nito. He closed his eyes tightly.
He heaved a deep sigh before he crawled into bed next to Elaine. Tumagilid siya paharap sa likod nito. Ipinatong niya ang ulo sa nakatuping braso.
The urge to wrap his arms around her was huge but he reined himself. At nagkasya na lang sa masuyong pagtitig sa likod nito at sa nakasabog na buhok nitong itim na itim.
Ano ang nangyari kay Elaine pagkatapos siyang iwan? Bakit pakiramdam niya, sa kabila ng ikinasal ito sa kanya, estranghero pa rin ito sa kanya? Bukod sa pagsisinungaling tungkol sa sariling ina, pakiramdam niya ay marami pa itong inililihim sa kanya.
Umungol si Elaine. Kasabay ng pag-ungol ay ang pagtalima nito paharap sa kanya.
Tan caught his breath. Pagkatapos, hindi niya pinigilan ang pag-angat ng kaliwang kamay palapit sa maliit nitong mukha.
He brushed a strand of hair from Elaine’s face and gaze at her almost unflinchingly. She still looked as pretty as a picture since the first time he laid his eyes on her nine years ago.
Tan could still remember how her dark black intriguing eyes sent his heart a thump nang daanan siya nito ng mabilis na tingin. She was seventeen then pero may awra na ng pagiging fighter.
But her stares were different simula nang bumalik ito mula sa Amerika. How he wished she could stop looking at him with those teary eyes of hers and just start glaring at him again. He was more used to her getting angry at him—kahit walang sapat na rason. Mas pipiliin niya iyon kaysa makita itong parang kuting na hindi marunong mangalmot. Kagaya ng reaksiyon nito kanina habang hina-harass ni Richard.
Nang kumilos si Elaine at bahagyang dumikit sa kanyang katawan, kumilos si Tan. He touched her cheek gently with the back of his hand. Idinikit ang noo nito sa kanyang noo bago hinayaang bumaba ang mukha niya sa mukha nito.
He closed his eyes even before his lips brushed hers. The soft, delicate kiss lingered just long enough until he could inhale Elaine’s breath. He opened his eyes, he was teary-eyed.
He missed her. Like crazy.
Iniyakap ni Tan ang mga braso paikot sa katawan ni Elaine. Hinalikan ang tuktok ng ulo nito before he closed his eyes at mas hinigpitan pa ang yakap dito.
Tahimik angpaligid nang magising si Elaine. Bumangon siya sa pagkakahiga. Nakita niya agad ang jacket ni Tan, nakakumot sa kanya. Wala na ang lalaki sa loob ng tent. Sumama kaya itong umakyat sa summit?
Usually, hindi siya nakakatulog kapag inaatake ng panic sa gabi. Pero nakapagtatakang malalim ang naging tulog niya. Ni hindi niya namalayan kung anong oras na nakabalik si Tan. O kung natulog nga ba ito sa tabi niya kagabi.
Itinupi niya ang jacket ni Tan. He must be cold somewhere. Isa lang ang nakita niyang jacket na dala nito. Malamig pa rin ang temperatura sa bundok kahit mataas na ang sikat ng araw.
Na-disappoint si Elaine nang kaunti. Hindi siya nakasama sa pag-akyat sa summit ng Mt. Pulag. She missed the breathtaking sunrise at ang ipinagmamalaki ng mga locals na sea of clouds.
Nagdadalawang-isip siya kung lalabas. Paano kung nasa labas si Richard? Bago pa siya makapagdesisyon, bumukas na ang pinto ng tent. Sumungaw si Tan.
“Kung okay ka na, sasamahan kita sa banyo. May baon akong mineral water, puwede kang maghilamos.”
Nagbuka siya ng bibig pero walang salitang lumabas. Nagkumahog siyang maghagilap ng toothbrush, toothpaste, at sabon.
Nakita niya si Tan sa labas ng tent. Nakatayo lang ito roon, hinihintay siya. Nang makita siya, saglit itong tumitig sa kanya.
Sumunod siya nang magpatiuna na si Tan sa paglalakad. Malapit sa tent ni Danielle, nakita niya si Richard. Bahagyang bumagal ang mga hakbang niya. Nakaramdam ng takot nang maalala ang nangyari kagabi.
Bago pa siya tuluyang mapahinto sa paglalakad, nakita niyang binalikan siya ni Tan. Kinuha nito ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan.
Napasunod si Elaine sa malalaking hakbang ni Tan. Nang madaanan nila si Richard, bahagya itong nag-angat ng tingin. Kinabahan siya. May mga nangingitim na pasa sa gilid ng bibig at mukha ang lalaki.