Chapter 14
CLARAH'S POV
Good morning sunshine! Supposedly this day is the most special day for me pero parang hindi naman. Wala si mom, wala si dad. Palagi nalang ganito, palagi nalang katulong ang kasama ko sa bahay. Pilit akong ngumiti habang pinagmamasdan 'yong huling picture namin nila daddy na birthday ko. It's been 5 years na din pala since nakasama ko sila sa mga special occasion sa buhay ko. No'ng graduation tita ko lang din ang um-attend sa akin eh.
What a sad life, right?
Hindi ko nga alam kung alam ba ng mga kaibigan ko na birthday ko ngayon. Wala naman akong pinagsasabihan kahit sila Queenie hindi ko pa sila nasabihan kung kailan nga ba ang birthday ko. Wala, masyado kasing malungkot 'yong petsa at buwan na 'yon kaya hindi ko na inaalala.
I took a deep breath. Mukhang kailangan ko nanaman mag-bar on my own mamaya ah.
“Happy birthday, Iha!” bati sa'kin ng pinaka-yaya at pinaka-matandang katulong namin. Kilala niyo na siya.
Niyakap niya pa ako. This time, I feel special. Hindi ko inaasahan na siya 'yong unang babati sa akin. Si nanay Hasmin talaga.
“Thank you, nay” nakangiti kong sabi.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin, “wish ko lang, iha na maging masaya kana.” nakangiting sabi niya.
I hold her hands, “nay, masaya naman po ako.” pilit ngiting sabi ko.
“Ramdam kong andaming kulang sayo, iha at sana... dumating 'yong araw na makita ko 'yong kumpletong ngiti mo,” damn!
I'm speechless. Hindi ko talaga alam na kahit nararamdaman ko alam ni nanay Hasmin. Hindi ko alam na may tao pa palang nakakakilala sa'kin ng ganito. Those word, I was expecting na magulang ko ang makakakita ng gano'n kaso... never mind.
Ngumiti ako ng pilit, “sana nga po 'nay.” may kalungkutang sabi ko.
“Oh siya, ipaghahanda na kita ng makakain mo” sabi nito at tumalima na.
Napa-buntong hininga nanaman ako. Too bad for me, ampanget ng birthday ko. Sumunod na din ako sa kusina para kumain. I didn't expect na may madadatnan akong cake sa mesa and wait, my favorite ube halaya. I looked at them, they are all smiling at me.
“HAPPY BIRTHDAY MA'AM CLARAH!” sabay-sabay na bati nila. Pumalakpak pa silang lahat.
“Oh my...” hindi ko maituloy ang sasabihin ko. I'm so speechless.
“Kain kana po ma'am, ay hindi po pala dapat blow the candle po muna,” sabi ni China. Isa sa mga katulong namin dito.
“Blow the candle! Blow the candle!” udyok ng iba.
Napangiti ako. “I-I didn't expect this.” nakatingin sa kanilang sabi ko. Naiiyak na ata ako.
“Ano kaba, ma'am? Maliit na bagay lang 'to kumpara sa mga nagawa mo para sa amin, 'di ba?” ani ni Jean.
“TAMA!” sabay nanaman na sagot nila.
I chuckled, “grabe! Saan niyo kinuha 'yong pambili nito? Don't tell me---”
Hindi na nila ako pinatapos, “Blow the candle na, ma'am! H'wag ka na pong magtanong.”
Sabi ko nga.
Pumikit ako bago ihipan ang kandila. Nang mamatay ito narinig kong mas lumakas ang palakpakan nila. Seeing them enjoying makes me happy. Mukhang sila nalang talaga ang pamilya ko, bukod sa mga aso na meron ako syempre. Idinilat ko ang mga mata ko at ngumiti sa kanila.
“Kain kana, ma'am baka mahuli ka sa klase,” ani ni China. Ipinaghila pa talaga ako ng bangko.
“Salamat pero...” huminto ako sandali. “Gusto ko kasi ngayon kasabay ko kayong lahat kumain,” nakangiting sabi ko.
Nagkatinginan sila sa isat-isa. Ayaw ba nila ako kasabay? Bakit naman? Hindi naman ako kakain ng tao grabe. I just need someone to be with me, right now! I feel alone.
“Sige na, please” parang batang pagma-makaawa ko.
“Sige po, ma'am ayan ang gusto mo eh,” sagot nila at umupo.
Pumalakpak ako na parang bata. “Yehey!”
Napangiti sila sa akin. Speaking of ngiti namiss ko na si Xhuxi. Kasalakuyan siyang nasa yaya niya ngayon dahil nga busy ang kan'yang mommy dahil sa pesteng yawang pageant na 'yan. Mamaya bibisitahin ko siya dahil hindi pwedeng hindi ko siya makasama ngayong birthday ko. Xhuxi is one of my babies at itinuturing ko na din siyang part ng pagkatao ko.
Hindi naman masamang aso nalang ang sinasabihan ng problema hindi ba? Wala namang masama para sa'kin na wala akong kaibigan dahil ang mahalaga sa'kin may aso ako. Yes, dog is one of the best psychiatrist. Bakit? Without saying your problems nararamdaman ka nila. Xhuxi always give me a warm hug whenever she saw me crying, sad o kahit tulala pa 'yan.
I love my dog.
Matapos kong kumain agad din akong umalis. Papasok naman ako sa school ngayon kahit hindi naman talaga required na pumasok ako. Wala lang, gusto ko lang talaga may matutunan. Mamaya naman yayayain ko sila mag-bar pero hindi ko sasabihin sa kanila na birthday ko. Hindi din naman nila malalaman kasi nga fake birthday din ang nilagay ko sa mga account ko.
Ewan ko ba, ayoko ng may nakakaalam na birthday ko pero parang nagtatampo naman ako kapag walang bumati sa'kin. Ang weird 'no? Malapit na nga ata akong maging baliw dahil sa mga kalokohan ko. Sabi nga nila "kanya-kanyang trip lang 'yan" kung ayaw nila sa trip mo, eh 'di don't! Basic!
I'm on my car. Napatingin ako sa patungan ng cellphone ko ng mag-pop up ito. Kusa itong bumukas, ibjg sabihin may nag-message sa'kin.
From: unknown
Happy birthday, binibini ko. Nawa'y maging masaya ka ngayong araw ng kaarawan mo<33
My stalker again. The most sweetest stalker ever! Minsan nga lang ang creepy niya kasi nakakagulat na may picture ako sa kan'ya kung nasaang lugar ako. Hindi ba ang creepy no'n? Mamaya killer pala talaga siya, char lang. Pero natatakot talaga ako sa kan'ya at the same time kinikilig din.
******
Nasa parking lot na ako ng school. Nakakatamad pa sana bumaba ng kotse kaso wala akong choice eh. Siguro, hindi nalang muna ako a-attend ng isang klase ko mamaya. Kailangan kong magpa-reserve ng VIP room para sa amin mamayang gabi. Walwalan na this!
Nabigla ako ng pagkababa ko sa kotse ko may biglang nagtakip sa mata ko. Potangina sino nanaman 'to?! Bakit ang lalakas ng trip nila?!
“Tangina!” inis na usal ko.
“Shhh...” ayan lang ang narinig ko.
“Sino ba 'to?!” nakakagulat kaya!
“Shut up ka nalang muna, okay?” wait, parang si Flich.
“Flich?” patanong na sambit ko sa pangalan niya.
“Yes?” gago patanong din 'yong sagot niya sa'kin.
“Ano nanaman bang echos 'to?” mataray na tanong ko.
“Hmm? Nothing... just go with the flow,” sagot niya, “ayan! Okay na pwede ka ng maglakad.” nang-iinis ba 'to?
“Paano naman ako lalakad, eh tinakpan mo 'yong mata ko!”
“Ay oo nga pala, sorry naman HAHAHA”
Hinawakan niya 'yong kamay ko. Naging abnormal nanaman 'yong heartbeat ko. As usual Flich putangina mo ano bang ginawa mo sa'kin at nararamdaman ko sayo 'to?! Palihim kong kinagat ang labi ko dahil sa kilig. Ayoko namang ilabas dito mismo 'yong kilig ko, nakakahiya naman yata 'yon. Huminga ako ng malalim saka ikinalma ang sarili ko.
“Basta sumunod ka lang sa'kin,” ani niya.
Tumango ako, “siguraduhin mo lang na walang tae ah HAHAHAHAH” pagbibiro ko.
“Syempre wala HAHAHAH”
Nagsimula na kaming maglakad. May tiwala ako kay Flich, alam kong hindi siya gagawa ng kalokohan kahit nakapikit ako. Ay naks Clarah parang jowa ah! Ano ba brain?! H'wag ka namang gan'yan ka-baliw ngayon!
Ang lambot ng kamay niya. Kahit hindi ko siya nakikita na-iimagine ko 'yong mukha niya. Alam ko kung anong itsura niya at alam ko 'yong expression niya. Ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko kung bakit? Kailan? At paano ko nga ba naramdaman sa kan'ya 'yong ganito? Alam ko, oo, mag-kaibigan kami ni Flich. Noong una naman walang epekto sa'kin kahit nagpapa-cute siya sa iba pero ngayon?
Hindi ko na alam!
Is it love? No... no.... no... Hindi 'to love! Walang love at 'yang love na 'yan? Sasaktan ka lang! Hindi ako ngayon lang pinanganak sa mundo, hindi na nila ako maloloko kahit kailan. Sa dami ba naman ng naranasan ko hindi paba ako madadala? Losing someone you love, giving up on something, betrayed by someone, damn!
Ayoko ng masaktan!
Baka hindi ko na kayanin. Baka ikamatay ko na 'yon and worst baka mawala nanaman sa'kin lahat. Damn this day! Dapat masaya ako kaso putangina puro problema lahat ng nasa isip ko. Gusto ko sanang isipin na mag-enjoy kaso kapag naaalala ko 'yong about sa love, 'yong about sa feelings hindi ko ma-iwasang matakot nanaman.
Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla siyang huminto. Nandito naba kami? Grabe hindi ko namalayan sobrang over think ko nanaman.
“Are you ready?” tanong niya.
Tumango ako. “Medyo kinakabahan pero ready na,” sagot ko at nagpakawala ng buntong hininga.
Naramdaman ko ang paglakad niya sa likod ko. Unti-unti niyang tinanggal ang piring sa mata ko. Shit! Mukhang nasanay ata sa dilim amp.
“SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY, CLARAH!”
Shit!
Damn!
Teka....
Wait....
Si mommy at daddy nandito.
Sila Zyria nandito din.
Mga classmate namin.
Si Dean.
Si.....
Si Xhuxi ko.
Tears started escape from my eyes. Damn! I didn't expect this! Oo, surprise siya pero hindi ko inaasahan na ganito katinding surprise ang ihahanda nila sa'kin. Paano nila napapunta si mommy at daddy dito? Paano nila nakuha si Xhuxi?
Tangina!
“Okay ka lang?” concern na tanong ng isang kaklase ko.
Tinanguan ko lang siya. “Tears of joy lang 'to. H-Hindi ko lang in-expect 'yong g-ganito like... shit!” naiiyak ako.
Lumapit sa akin si mommy at bigla akong niyakap. Ngayon nalang ulit 'to. Ngayon nalang niya ako niyakap sa mismong kaarawan ko. Mas lalo akong napa-iyak dahil doon. This is too much! Kung sino mang naka-isip nito, utang ko sa kan'ya ang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon.
“I love you, my daughter,” sweet na sabi ni mommy.
Napangiti ako dahil doon. “I love you too, mom” balik ko sa kan'ya.
Kumalas na si mommy sa pagkakayakap. Nakangiti ito sa harap ko habang ang mga kamay niya'y nakahawak sa balikat ko.
“Ang ganda mo, anak ko. I'm sorry sa mga hindi natin paguusap for almost a years, I'm really sorry.”
“Mommy, hindi mo kailangan mag-sorry ano kaba?”
“Hindi anak, anlaki ng kasalanan ko sayo. Imagine just because of our business nakalimutan ko ng maging ina sayo. Nakalimutan na namin ng daddy mo na maging magulang sayo,”
Lumapit sa tabi ni mommy si daddy. The two perfect couple in front of me. I'm so lucky to have a parents like them. Madami silang mali pero hindi gaya ng ibang magulang na ipinipilit 'yong gusto nila.
“I'm sorry,” dad said.
“Wala nga po kasi 'yon! Mom, dad naiintindihan ko kayo. Alam kong importante sa inyo 'yon,”
Mom shook her head then hold my two hands, “hindi, mali ang ginawa namin dahil kung meron mang dapat na mas importante dito? Ikaw dapat 'yon hm?”
Shit!
“Tama na 'yan masamang pinaghihintay ang pagkain” may pabirong sabi ni dad.
Umalis na silang dalawa sa harap ko. Si mom lumipat sa tabi ko, gayon din si dad. Isa-isa kong tinignan ang mga classmate, kaibigan saka part ng school na 'to. Nakangiti silang lahat sa akin.
“Blow the candle na,” sabi ni Flich. Itinuro niya pa 'yong cake na kulay violet.
Paano nila nalaman 'yong favorite color ko?
“Uy! Ano na?! Putangina naman kain na kain na ako oh!” gagong Queenie talaga kahit kailan.
“Kalma 'te! Ninanamnam niya pa 'yong surprise natin sa kan'ya,” sumakay pa 'tong Aleah na 'to.
“Bago ang blow the candle dapat may message muna!” si Andrew.
“Oo nga! Tama!” sang-ayon ng lahat.
“Tangina, paano makakapag-message 'yan, eh tila natanggalan ng dila!”
Pinakyuhan ko siya. “Tangina mo 'te, hindi ba pwedeng nag-iisip lang? Apaka demanding mo ha!”
“Tanga 'te wala kang isip,” HAYOP!
“Magtatalo nalang ba kayo o uunahan ko na 'yong pagkain dito? H'wag nalang mag-blow the candle?” isa pa 'tong si Zyria.
“Message nga kasi muna,” sabi ni Dean.
“Okay,” huminga ako ng malalim. “First, thank you so much kasi hindi ko talaga inaasahan 'yong ganito ka-bonggang surprise galing sa inyo. I still don't know kung paano niyo napapunta sila mom at dad dito kaya...” I stop then breath again. “Grabe, I'm so speechless. Kung sino mang naka-isip nito talagang... pinasaya mo'ko,” hindi ko alam kung maiiyak ako o ano.
“Si Flich naka-isip nito.”
“Oo nga!”
“Siya may pakana nito.”
“Basta siya nag-organized lahat!”
Tumingin ako kay Flich. He just shrugged his shoulder. Damn! Kinikilig nanaman ako putangina! I didn't expect na siya 'yong may pakana ng lahat ng ito. How comes he know my favorite color? Paano niya napapunta sila mom dito? Paano niya nagawa 'to in just one night? Paanong?
Tumingin ako sa kan'ya na parang nagtatanong. Gaya kanina, kumibit balikat lang siya saka nag-iwas ng tingin. “Paano mo---” he cut me off.
“Blow your candle first,” sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Bakit ayaw niyang sabihin sa'kin? Bahala na nga! Lumapit nalang ako sa cake at saka inihipan ang candle nito. Pagka-ihip kong biglang inihampas ni Queenie sa mukha ko 'yong cake.
Tangina!
“HAHAHAHAHAHA happy birthday, gaga!” natatawang sabi niya.
Ipinikit ko ang mukha ko dahil puno ito ng icing. “Bwiset ka Kweny!” inis na turan ko.
“HAHAHAHAHA gandang make up niyan HAHAHAHA” natatawa ding sabi ni Zyria.
Pinahid ko 'yong icing na malapit sa mata ko. No! Hindi pwedeng ako lang 'yong magka-ganito. Tumingin ako sa kanila sabay pilyang ngumiti. Mukhang nabasa nila 'yong nasa isip ko.
“Ah-uh don't me!” umaatras na sabi ni Queenie. Gaga ka syempre ikaw uunahin ko, ikaw pasimuno eh.
“Subukan mo lang Clarah.” may pagbabantang sabi ni Aleah.
Si Zyria na chill lang dahil alam niyang andyan si Aldrake. Eh 'di sana all sa inyong dalawa tsk. Dahan-dahan akong lumapit kay Queenie, this is my revenge! Nang malapit na ako tumakbo siya kaya hinabol ko din siya. Syempre mabagal naman siya tumakbo kaya naabutan ko siya, agad kong pinunas sa kan'ya 'yong icing na nasa kamay ko.
Sunod namang sinipat ng mata ko si Aleah na nakatago sa likod ni Gio. Lumapit din ako sa dalawa saka pinunasan ng icing sa mukha. Damay na natin si Gio kanina pa tahimik eh. Tumingin ako kayla Aldrake, parehong nakataas ang kilay ng mga ito.
“Uy! Sila naman ang unfair bakit 'yong dalawa hindi mo pinunasan!” protesta ni Aleah na punong-puno din ng icing ang mukha.
“Oo nga!”
“Andaya naman!”
Lumapit ako sa dalawa. Nagkatinginan muna ito bago tumangin sa akin.
Sana all may katinginan!
“Go on,” walang emosyong sabi ni Aldrake.
“Sige lang birthday mo naman,” sabi din ni Zyria.
“Yieee!” pinusan ko na sila.
Wala manlang palag 'yong dalawa sa ginawa ko. Pumikit lang si Zyria ng dumampi sa pisngi niya 'yong kamay ko na may icing. Si Aldrake naman wala, boring lang na nakatingin kay Zyria. Habang tumatagal mas sumusungit na si Aldrake hindi ko alam kung bakit.
Nabigla ako ng may bigla nanamang pumunas sa mukha ko. Paglingon ko si Queenie nanaman. Nakakadami na 'tong babaeng 'to sa'kin porket birthday ko! Nagmumukha na kaming mga bata sa ginagawa namin. 'Yong mga tao sa paligid tumatawa lang kasama si mom. Ayoko naman magpatalo kaya hinabol ko din siya.
Kingina kapag nahuli ko talaga 'tong babaeng 'to! Gulat ang naging reaksyon ko ng bigla akong napatid. Tangina masusubsob pa yata ako huhu. Bobo bakit hindi ko alam na may bato do'n?! Nagpatangay nalang ako sa flow, bahala na kung kailangan ko masubsob ngayon birthday ko tatanggapin ko nalang.
Goodbye beautiful face...
Goodby---
Hindi ako nasubsob. May sumalo sa'kin! Tiningala ko kung sino 'yong nakasalo sa akin. Si Flich! My knight and shining armor ackk.
“H'wag masyadong maging tanga birthday mo pa naman HAHAHA” tangina. Okay na eh, nang-inis pa.
“Tsss....” pinunasan ko siya ng icing na ikinabigla niya.
“Clarah!”
Tumakbo ako palayo sa kan'ya saka dumila. “Ganti ko na 'yan sayo HAHAHAHA”
“Para silang mga bata.”
“Anong parang? Mga isip bata talaga sila HAHAHAHA”
“Sayang 'yong cake.”
“Eh 'di dilaan mo sa mukha nila.”
“Seriously?”
“Yeah.”
Ang ganda ng usapan ng parents ko 'no? Lakas maka-dimak. Nagtataka din ako minsan paano ko silang naging magulang eh.
Mga ilang minuto pa bago kami natigil sa kakapunasan ng icing sa mukha. Si Flich na kanina nananahimik lang, nakisali na din. Si Andrew at 'yong gf niya nakaligtas kasi nagpunta sa cr. Alam ko ginawa nila sa cr kahit hindi nila sabihin, ehe!
“Time out na!” sabi ni Queenie.
“Yuck ang lagkit ko na!” reklamo ni Aleah.
“Tangina! Iba nasa isip ko HAHAHAHA” si gagong Flich.
“You brat tsk. Pasalamat ka birthday mo,” kilala niyo na kung sino 'yan. Syempre si Gio. Nadamay kasi siya.
“HAHAHAHA okay lang 'yan, Gio. Maganda din 'yong nakikisali ka, sobrang tahimik mo kasi.” sabi ni Zyria na pinupunasan 'yong icing sa mukha ni Aldrake.
When?!
Lf pupunasan...
Kanina pa 'tong couple na 'to. Nakaka-bitter na ha!
“Oo nga naman!” sang-ayon ni Queenie.
“Pero sana all talaga pinupunasan.” akala ko ako lang nakapuna.
“Umamin kana kasi,” ani ni Aldrake kay Flich.
“H'wag na may kamay naman ako HAHAHA”
Kanino kaya siya aamin? May nagugustuhan na pala si Flich hindi ko alam. Parang may kung anong sumundot sa puso ko. Biglang kumirot. Sino kaya 'yong nagugustuhan ni Flich? Pwede ko bang ipa-salvage 'yon? Kasi kung oo gagawin ko na ngayon din.
“Tara sa bar” biglang yaya ko.
Tumingin sa'kin sila mommy. “Clarah?” taas kilay na sambit ni mom sa pangalan ko.
“Please mom... please?” I plead.
Bumuntong hininga si mom at tumingin kay dad. “Decide for her,” sabi nito.
“Hm? Okay fine pero hindi ka pwedeng umuwi ng sobrang lasing ha?”
Tumango ako. “Yes po!” sabi ko ng may pag-salute.
“Flich, bantayan mo nalang siya ha,” wait close sila?
“Close kayo?” tanong ko.
“Oo, kagabi lang HAHAHA” seriously, dad?
“Eh?”
“H'wag ka ng chismosa anak ang mahalaga may bantay kana.”
Bantay?
Nagugulohan akong tumingin sa kanilang tatlo. Bakit parang may alam sila na wala akong alam? Sabi ko na nga ba mahina na talaga ang radar ko pagdating sa chismis eh!
“Bago umalis ang birthday celebrant natin aba'y dapat kumain muna!” malakas na sabi ni Dean.
“Tamaaaa wohhhhhhh!” hiyawan ng iba.
“HAHAHAHA oh sige na! Kain naaaa!” energetic na sabi ko.
Agad silang nag-unahan sa pagkuha ng mga lalagyan. Oo, private school kami pero hindi namin maikaka-ila na ina-adopt namin 'yong buhay ng mga nasa ibabang tao. Bakit? Wala, gusto lang namin masanay at maging practical. Hindi palaging maganda ang buhay ng tao, hindi palaging nasa itaas ang isang tao. Kung ako pa, minsan iniisip ko na baka one day malugi ang company namin tapos maghirap kami. Mas maganda ng may alam ako sa buhay mahirap, sa buhay ng mga nasa ibaba kaysa naman nag-stick lang ako sa kung anong nakasanayan kong buhay.
Masaya akong pinagmamasdan silang lahat. May couple na malandi syempre nagsusubuan. Nang pagkain ha, h'wag kang green minded hinayupak ka! 'Yong iba naman nagpi-picture hindi ko alam kung para saan. Basta ako kalmado lang ako dito sa gilid.
Napatingin ako ng may naglahad sa harapan ko ng pagkain. Si Flich ulit. Bakit ba pakiramdam ko ang special ko sa kan'ya?
“Kumain ka,” sabi niya.
“Busog ako.”
“Kumain ka nga bawal uminom ng walang kain.”
“Kumain na ako bago umalis.”
“Kumain ka nalang, isa!”
“Naks may pa-isa ka ng bilang ha!”
“Kain na,”
“Ay---”
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong subuan gamit ang kutsara niya. Shit! Biglang uminit ang buong mukha ko, bumilis nanamaj ang tibok ng puso ko.
Flich naman!
Nakaka-inis kana! Bakit mo ba ginagawa 'to?! Wala na akong palag dahil madami siyang sinubo sa'kin. Nginuya ko nalang ito at saka masamang tumitig sa kan'ya. Masyado kang paladesisyon! Kinikilig nga ako tapos gumawa ka nanaman ng ika-kikilig ko! Mali 'yan Flich! Mali 'yan lalo na kung hindi mo naman ako paninindigan.
“Ayan, very good.” nakangiting sabi niya.
Hinampas ko siya sa braso, “bwiset ka!” inis na sabi ko.
“Tsk...” wow! Siya pa talaga nag-taray sa'kin ha! Tumama kaya sa ngipin ko 'yong kutsara.
“Ansakit gagi tumama sa ngipin ko 'yong kutsara mo.” reklamo mo.
“Kiss ko?”
“H'wag na baka lumalala pa”
“Masarap ako mag-kiss”
“Walang may pake”
“Sayang naman”
“Sayang your face!”
Napaka-lakas niya talaga mang-urat bwiset! Inerpan ko siya saka umiwas ng tingin. Naiilang ako kapag natingin ako sa mga mata niya. Para akong dinadala nito sa ibang dimension. Alam mo 'yong pakiramdam na hinihila ka niya gamit 'yong mga mata niya. Basta! Hindi ko siya ma-explain ng maayos. Natatakot ako sa mata niya na baka mas lalo pa akong mahulog sa kan'ya. Baka mas lalo pang lumalala 'yong nararamdaman ko para sa kan'ya and worst, hindi niya 'yong masuklian.
“Mukhang magiging mahabang araw 'to ngayon.” wika ko.
Tumabi sa'kin si Aleah, “mukha nga. I just wish for you na makalimutan mo na ng tuluyan 'yong past mo.”
Tumingin ako kay Aleah, “I wish too. Mukha namang nakalimot na ako pero may mga sakit padin na bumabalik talaga. I know one day, hindi na talaga ako masasaktan dahil lang naaalala ko 'yon.”
“You can do it! Ikaw si Clarah, malakas si Clarah.”
“How about you? Naka-move on kana ba kay Andrew?”
Umiling siya. “Hindi pa. Nasasaktan padin ako kapag nakikita ko silang magkasama ni... ano ngang name no'n?”
“Sandra.”
“Ayon! Medyo masakit pa. Syempre minahal ko si Andrew tapos dahil lang sa maliit na bagay magagawa niyang makahanap ng bago.” malungkot na sabi niya habang nakatingin sa dalawa.
Nararamdaman ko siya. Alam ko 'yong pakiramdam na biglang mawawala sayo 'yong taong minahal mo.
“Ang seryoso naman ng usapan niyo!” eto nanaman si Queenie.
“Alis! May saltik is not allowed!” pagtataboy ko sa kan'ya.
“Ouch....” humawak siya sa dibdib niya, “ansakit naman no'n.” umaarteng sabi niya.
“Hindi bagay gaga!” saway sa kan'ya ni Aleah.
Lumapit din si Zyria at saka ipinatong sa balikat ni Queenie ang isang kamay niya. “So... ano na?” tanong niya.
“Tara na sa bar?” tanong ko din.
“Gaga! Pupunta tayo doon ng ganito ang itsura?” oo nga 'no.
“Ay! Oo nga pala. So, uuwi muna tayo para magpalit tapos kita-kita nalang sa bar?”
Tumango silang tatlo. “Gano'n nalang. Ang lagkit ko din dahil sa icing.”
“Akala ko dahil sa ta---” ako na pumutol sa sasabihin ko.
“Anong ta--?” tanong ni Zyria.
Umiling ako. “Wala! Wala!” sabi ko.
Napatitig ako sa mga baliw na lalaking papalapit sa amin. Syempre sino pa nga ba? Eh 'di sila Gio. Minsan nakakapagtaka din kung paano nagkaroon ng kaibigan 'tong si Gio, Kreus at Aldrake ng katulad nila Flich at Andrew. 'Yong dalawa kasi malalandi, madadaldal, pala-salita, maingay tapos silang tatlo?
Never mind!
“Oh, ano ng plano?” tanong ni Flich.
“Uwi daw muna tapos magpalit.” sagot ni Aleah.
“Much better.” maikling sagot ni Gio.
“Mukha kayong mga batang gusgusin HAHAHAHA”
“At least sa laro eh, ikaw? Saan naman kayo naglaro?” mataray na tanong ni Aleah na may meaning. Tumingin din siya kay Sandra.
Mukhang alam ko na ang ibig sabihin niya. “Naglaro din sila?” inosenteng tanong ni Zyria.
“Just don't talk, Mrs. Buenaventura.”
“Nagtatanong lang naman, eh,” sabi ni Zyria sabay pout.
Nakita ko kung paano napa-lunok si Andrew at Sandra sa tanong ni Aleah. Mas lalong tumaas ang kilay ni gaga dahil halos hindi sila makasagot.
“Tama na 'yan.” saway ni Gio.
“Tara na, uwi muna tayo para makapagpalit. Kanina ko pa tinitiis 'tong mga icing sa mukha at kamay ko.” yaya ko para maiwasan tension sa paligid.
“Oo nga nakakadiri na!”
“Tara na.” yaya din ni Aldrake.
Nagpaalam lang ako saglit kayla mom and dad. Dederetso kasi sila sa bahay, ako naman sa condo ko. Syempre hindi ko nakalimutang ihabilin muna sa kanila si Xhuxi. Mamaya pala itatanong ko kung sinong kumuha kay Xhuxi. Hindi kasi siya basta-basta nasama kung kanino lang lalo na't hindi niya kilala.
Wait for me bar! Walwalan na mamaya!