Chapter 3

Nalaglag ang panga ni Estelle nang marinig ang masamang balita mula sa kaibigang HR.

“Ano? Hindi ako mapo-promote?”

“I’m sorry, Es. Biglaan ang naging desisyon ng nasa head office, eh. Maybe you’ll have your chance next time around,” malungkot na sabi ni Mindy. Hinawakan siya nito sa balikat.

“S-so… sino ang na-promote?” kuryusong tanong niya.

“Hindi ko talaga kilala, eh. But I read his profile. He’s thirty-two. May magandang record at experience, given that he’s from the US of A. Well, not to mention, he’s very good-looking! Nakita ko ‘yong picture niya, eh.” Napangiti ito sa kaniya as if consolation iyon para sa kaniya.

Napaikot siya ng mga mata. “So, isang import ang umagaw sa promotion ko? Gano’n ba?”

“Hay! Tsk. Tsk. Tsk.” Naiiling ang kaibigan.

Napakagat siya sa inner cheek niya. Paano na siya ngayon? Magiging stuck siya sa kinaroroonan niya sa trabaho. Kailangan pa naman niya sana ang promosyon na iyon para madagdagan ang kita niya at nang makapag-ipon naman siya ng pera para sa kinabukasan niya. Importante din iyon.

“At tingnan mo. Siya ang sinasabi ko sa ‘yo,” anang Mindy na napatingin sa entrance ng showroom.

Napalingon siya at napanganga nang mamukhaan ang lalaki.

Nakasuot ng three-piece suit ang lalaking pumasok. Walang gusot na makikita sa suot nito. Well-creased ang slacks at ang linis ng makintab na itim na sapatos. Hindi man lang nahalikan ng alikabok.

Nakita nilang sinalubong ito ng kanilang general manager na si Mr. Intog at napalingon ang mga ito sa kanila. Sinenyasan silang dalawa na lumapit.

Ipinakilala sila ng general manager. “This is Leandro Paras, our new showroom manager. Leandro, this is Mindy, our HR for this branch. Actually, payroll officer mostly ang function niya. And this is Estelle, our sales representative supervisor. Magsisimula na si Leandro rito ASAP para sa smooth transition. Magkakaroon tayo ng meeting in ten minutes sa office ko kaya sabihan mo na ang mga tauhan mo, Estelle.”

Tumango siya. “Yes, sir.”

Nagkatitigan naman sila ni Leandro. Napansin niya ang malagkit nitong tingin sa kaniya na siyang nagpasikdo sa puso niya. Pilit naman niya itong ibalewala.

Halatang nakilala siya agad nito. Ngumiti ito sa kaniya nang matipid pero hindi niya iyon tinugon. Obvious bang may grudge na siya kaagad sa lalaking ito?

‘Job snatcher!’ sa isip niya.

Marahan siyang pumihit at tumalikod sa mga ito. Narinig niyang may itinanong ang lalaki tungkol sa kaniya pero hindi niya iyon nakuha dahil tinawag na niya ang mga tauhan para ipaalam sa mga ito ang tungkol sa meeting. Malamang ipakikilala ang lalaking iyon sa lahat. Natural lang iyon pero nagtitimpi siya dahil sa inis.

Bakit sa lahat ng tao ay ito pa ang umagaw sa position na gusto niya? At bakit sa lahat ng tao ay ito ang pinagkauutangan niya ng loob dahil sa nangyari sa MRT station? Asar talaga siya.

***

Mga dalawang oras ang lumipas ay natapos din ang kanilang meeting. Hindi makapaniwala si Estelle na may presentation at comprehensive training ang lalaki para mag-improve ang kanilang sales. May monthly target pa ito na mas mataas kaysa dati. Nakaka-pressure.

“Let’s face it. Car sales representatives aren’t car experts, right? Hindi lahat kayo ay may alam sa kotse. Technically, speaking. So, I suggest that we learn. You must know what you’re selling, people. Dahil puwede nating gamitin ang knowledge na ‘yan para makapagbenta,” ang sabi ng lalaki. “Aminin na natin. Hindi natin palaging kasama ang mga technical experts habang nakikipag-usap tayo sa mga potential buyers natin. Sometimes, we encounter customers who know about cars. May ibang obsessed pa nga sa mga sasakyan. And they really know what they’re talking about. What if there are questions posed by the customers, and you cannot answer them? Imbes na maibenta mo ang product natin, ang mangyayari ay aatras ang customer dahil hindi mo alam kung ano ang hinahanap niya… kung ano ang gusto niya talaga. As sales representatives, dapat alam natin kahit ang basic and technical terms and the essential things about our products.”

“In fairness, he’s really good,” bulong sa kaniya ni Mindy.

Magkatabi silang nakaupo sa gitna ng opisina ng kanilang general manager na tahimik na nakikinig sa bago nilang showroom manager.

Napakagat-labi naman siya dahil sa inis. Ayaw mang aminin ay tama ito. Napasulyap pa siya sa bawat isa sa kanilang mga kasamahan sa trabaho. Nakikita niya ang paghanga sa mukha ng mga ito. Lalo na ang mga kababaihan. Lalo lang siyang nagpupuyos dahil dito.

Nang lumabas na siya sa opisina ng kanilang GM ay sumabay sa kaniya si Leandro para kausapin siya. Nagpaalam si Mindy na mauna na para bigyan sila ng pagkakataong magkausap.

“Hey. I didn’t expect to meet you again. Pareho pala tayo ng workplace.”

Napalunok siya habang napatingin sa mukha nito. “Ditto.”

“Um… can you tell your people that we’re going to have a thirty-minute meeting every morning before we start working?” anito. “Just for a couple weeks.”