Chapter 25: Kabanata 25: Cielle Paeonia Fajarez

Kabanata 25

Hindi naman nagtagal at dumating na siya sa mundo.

“Welcome to the world, Cielle Paeonia.” I kissed her forehead. My eyes watered as I looked at the small and beautiful I’m carrying on my arms. “I’m your mom.” Pagpapakilala ko sa sarili.

Darell kissed my forehead then the baby’s. “And I’m your papa, Cielle…” He then looked at me and gave me a small smile. Tears formed in his eyes too while looking at us. “You did great. Thank you. I’m so proud of you…” He kissed my hands and said ‘thank you’ again, countless times.

Hindi ako makapagsalita, tanging ngiti lang ang naisusukli ko sa kanya habang lumuluha. I kissed my daughter’s face again.

Suot ko pa ang hospital gown, nakaupo sa hospital bed. Si Darell ay nakahawak lang sa kamay ko habang puno ng pagkamangha ang tingin niya roon sa bata. Kumikinang ang mga mata niya habang pinagmamasdan ito.

I’m tired, but I’m so happy…

“Thank you…” Hindi na napigilan ni Fajarez na umiyak sa harap ko.

Bahagya akong gumalaw kahit na hirap para lang mayakap siya. Magkayakap kaming tatlo.

“I love you, I love you, I love you…” Paulit-ulit niyang sabi at pinagsalit-salitan ang halik sa amin ng anak niya. “How beautiful…”

“I love you,” I whispered.

“Let’s take a picture.” Aniya at pinalis ang luha. Nakakulay pulang polo lang siya at simpleng pantalon ngayon. Gulo-gulo pa ang buhok niya.

Hindi ko inasahan na manganganak na ako kahapon noong naliligo ako. Akala niya pa ay nagbibiro lang ako noong sinabi kong manganganak na ako dahil lagi ko iyong ginagawa sa kanya kaya nagduda siya noong una pero noong lumakas ang sigaw ko ay pumasok siya sa cr. Wala pa akong saplot nun at basa pa ang katawan!

Halos isampal ko na kagabi sa kanya ang paa ko dahil sa sakit. Nasabunutan ko siya dahil sa frustration kaya pati siya ay hindi na nakapag-ayos. Habang nangyayari iyon ay inisip kong kahit kailan ay hindi na ako magpapabuntis sa kanya kahit kailan. Last na ‘to!

Pero ngayon… Ang sarap sarap sa pakiramdam.

Darell angled his digital camera. Umupo ako nang mas diretso kahit ang sakit-sakit, parang napunit ang buong pagkatao ko at dinikit lang gamit ang glue. Hawak ko pa rin si Cielle. Nasa tabi namin siya. Umusod ako para makaupo siya. Parehas naming hinawakan si Cielle.

“Say, Cielle!” He said.

“Cielle!” Sabi naming dalawa ng may malawak na ngiti sa labi. He clicked the camera and I heard the shutter sound.

Tuwang-tuwa ang pamilya naming dalawa nang makita si Cielle. Pinlano na talaga nila na magpakasal kami pero hindi sumasagot si Darell, tumitingin lang sa akin at tila iniisip kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Tinanggihan ko ang engagement proposal niya… Kaya ngayon iniisip niya na baka hindi ko siya pakasalan.

After ten months, ganoon pa rin ang nasa isip ko. Ang pagpapakasal naming dalawa at ang overthinkings ko sa future. Sa kabilang banda, hindi na kinaya nila mama na magpabalik-balik sa bahay namin ni Darell at sa bahay ng family namin. Kaya inimbitahan kami nila papa na sa bahay para doon muna saglit, gusto kasi nilang makasama si Cielle. Wala naman dito si Poseidon dahil nakakuha ng scholarship sa syudad.

“Mrs. Artamerez, iaakyat ko lang po si Kahel sa taas, pagod na po kasi siya sa biyahe.” Paalam ni Darell kay mama.

Nakahawak siya sa braso ko para alalayan ako. Hilong-hilo kasi ako sa biyahe.

“Sige, nak. Huwag mo na rin akong tawagin sa ganyan. Tanggap ka namin, huwag kang mag-alala. Mama na lang.” Ngumiti si mama sa boyfriend ko.

Ngumiti rin si Darell at tumingin sa akin. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya dahil suka ako nang suka sa byahe.

Inakyat niya ako sa taas.

“Hindi ako pagod, Darell… Nahilo lang ako sa byahe.” Napahawak ako sa ulo ko noong sinarado niya ang pinto.

“Then you should rest.”

“I’m not tired.” I gave him a dizzy look.

Inalalayan niya ako para makaupo sa dulo ng kama tsaka hinawakan ang noo ko. “Wala ka namang lagnat. Kukuha na lang ako ng tubig sa labas.” Aniya at tatayo na sana pero pinigilan ko ang kamay niya.

“Don’t leave.”

Gusto ko siyang kausapin tungkol sa kasal namin. Ngayon ko siya tatanungin kung may balak pa ba siyang pakasalan ako pagkatapos kong manganak. Susubukan ko. Pero hindi ako makatiyempo.

“Tatakbuhin ko na lang para makabalik ako rito.”

“Ayos nga lang ako.”

“Huwag kang makulit, Kahel.”

“Ikaw ang huwag makulit!” Napasigaw ako. Nang makita ko ang gulat niyang reaksyon ay nagbadya ang luha ko at padabog na humiga. “Bahala ka nga.” Nagtalakbong ako ng kumot.

Akala ko aalis na siya para kumuha ng tubig pero lumundo lang ang tabi ko. Nandoon siya, nakaupo.

“May problema, anong meron?” Kalmadong tanong niya. “Huwag mong sinasarili ang problema mo. Ikaw ang nagsabi niyan sa akin. Bakit ikaw, sinasarili mo?” Tanong niya sa mababang boses pa rin.

Hindi ako umimik. I pursed my lips when I started crying. I closed my eyes.

“You know I love you, right?” Tanong niya at sinubukang tanggalin ang kumot pero malakas ang kapit ko kaya hindi niya natanggal.

Hindi pa rin ako nagsalita. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“I want to… get married.” I heard his deep sigh again.

My eyes opened when he said that.

“Ayaw mo ba sa ‘kin?” Tanong niya.

“N-No.” mahinang sagot ko.

“I wonder why you don’t want to get married to me…”

Tinanggal ko ang kumot at umupo. Gulo-gulo pa ang buhok ko, dumikit dahil sa pawis kaya inayos niya. Niyakap ko lang siya dahil hindi ko na kinakaya ang pagkain sa akin ng overthinkings ko. Nasa dibdib niya lang ang pisngi ko, tahimik akong umiyak.

“Bakit?” Mahinang tanong niya at hinagod ang likod ko. “Sinabi ko lang… If you’re not ready, I can wait, you know.” Hinalikan niya ang ulo ko.

“D-Do you still love me?”

“Hindi pa ba halata para itanong mo sa ‘kin ‘yan, Kahel?” Parang nainsulto pa siya sa tanong ko.

“I mean… I’m not beautiful anymore. Like the girl you used to like. I-I… I have stretch marks on my belly… and my scars---”

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at inilayo sa dibdib niya. “You accepted me even I have scars all over my body and now… you’re doubting if I’d accept you just because you have scars and stretch marks for giving birth of our baby?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Is that what’s on your mind the whole time?”

I slowly nodded.

“Patingin.” Aniya.

“N-Ng?” Takang tanong ko.

“I want to see the stretch marks.”

I pouted. “No.”

“Kahel…” Banta niya.

Pinunasan ko ang luha ko habang nakanguso pa rin. Tumayo ako at itinaas ang dress ko para ipakita sa kanya ang tiyan ko.

Hinawakan niya iyon habang nakatingin sa akin.

“I will not stop loving you just because you have that… Nagkaroon ka niyan dahil sa akin. Dahil nagdala ka ng mabuting bagay sa mundo natin. You gave birth. You survived. You should be proud of it, not ashamed.” Slowly, he kneeled in front of me to kiss my belly. “Scars symbolizes that you survived, be proud of it, baby. We made it here.” Then he stood up and kissed my cheeks.

Tears rolled down my face. Wala pa rin akong imik.

Hiniga niya ako sa kama at hinalikan sa noo, ilong at pisngi.

Bumagsak ang strap ng dress ko dahil sa pagluwag no’n, sinimulan niyang halikan ang leeg ko kaya napapikit ako. Akala ko didiretso siya sa dibdib ko pero sa tiyan ko siya dumiretso. Hinalikan niya lang iyon, maingat at puno ng pagsamba.

Bumalik ang halik niya sa leeg ko.

“M-Magpakasal na tayo…” my tears fell again as I closed my eyes when I said that.

Tumigil siya sa paghalik kaya bumukas ulit ang mga mata ko. Saktong paghalik niya nang mabilisan sa labi ko.

“Pakasal na tayo?” He asked again and smiled.

I pouted and slowly nodded.

He smiled more wide and kissed my ears.

We heard knocks on the door. “Nak, Darell, pasok na ako ah. Pagkain para sa inyong dalawa ni Kahel.” Dire-diretsong binuksan ni mama ang pinto.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Napangiti rin siya ‘di kalaunan.

“Ba ba ba… ba Banana… Ba ba ba, ba banana…”

“Naku! Nanonood pala kayo ng cartoons!” Malapad ang ngiti ni mama at nakinood sa laptop namin. “Alam ko ito. Minions, hindi ba? Ang ku-cute talaga!” Komento niya at masayang bumalik doon sa maliit na table dahil doon niya saglit nilapag ang tray na naglalaman ng pagkain namin.

“O-Opo.” I awkwardly smiled and nodded.

Napatingin ako kay Darell na nakayuko at nagpipigil ng tawa. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay napakagat siya ng labi at nag-iwas ng tingin.

Parehas kaming nakahiga habang nanonood sa laptop ng Minions. Nakatukod ang dalawa kong siko para suportahan ang mukha ko, para hindi mangalay. Siya ay nakatago na ang mukha ngayon sa kanyang matitipunong bisig habang tumatawa. Taas baba pa ang likuran niya habang ang paa ay taas baba.

“B-Bakit? Bakit tumatawa?” Nakitawa rin si mama kahit puno ng pagtataka ang mukha.

“Wala lang ‘yan ma, baka nabaliw na.” Tumawa rin ako.

“O siya sige, manood muna kayo riyan. Kami na ng papa niyo ang bahala kay Cielle habang nagpapahinga kayo. Aalis na ako.” Ngumiti si mama bago niya kami iniwan sa kwarto.

Hinampas ko agad sa braso si Darell dahil ang pangit ng acting niya.

“Na-weirdohan si mama sa ‘yo! Paano kung nakahata iyon na kung ano-ano ang ginagawa natin dito?” Inis kong tanong sa kanya pero hindi mapigilang mapangiti.

“Bakit?” Tanong niya habang nakatago pa rin ang mukha.

“Wala na siya, huwag mo na itago ‘yang mukha mo.”

Unti-unti niyang inangat ang mukha niya. Akala ko ay tumatawa lang siya pero nagulat ako nang makitang umiiyak siya habang tumatawa.

“Anong nangyari sa ‘yo? Nababaliw ka na talaga?” Tinanggal ko ang dumikit na buhok sa mukha niya dahil sa pawis at luha. Natawa ako sa kanya. “Ba’t ka umiiyak?” Niyakap ko naman siya agad.

“Kasi… pakakasalan mo na ‘ko. Pakakasalan na kita.”