Chapter 24: Kabanata 24: please don’t go

Kabanata 24

Pinalaya agad kami ni Kiolo noong araw na ‘yon. Turns out he only wants to talk to me about it. At least get the credit that he’s the one who helped me and my family. He saved me from that evil Barron Legaspi who murdered the daughter of the Fajarez.

Dahil nasa akin ang tutok ni Darell dahil palapit nang palapit ang kapananganakan ng bata, hindi pa niya gaanong inaasikaso ang kaso na ‘yon. He said he’s always focusing on that and he lost his focus on me so he’s making it right now. He still takes care of it, though. But not that much as before.

I wonder where’s Kiolo and Perry now.

Pinaglalaruan ko lang ang slingshot sa kamay ko. Napapapikit si Andrei pagtinututok ko iyon sa kanya. Akala niya siguro ay talagang gagamitan ko siya noon.

“Ibang klase naman ang pinaglilihian mo, Kahel,” he looks horrified while staring at the slingshot in my hands, observing it.

Naisipan kong takutin siya, inamba kong batuhin siya ng maliit na bato kaya takot siyang tumakbo kaagad sa pwesto ko para yakapin ako.

Tumawa ako sa reaksyon niya.

Ngayon ay pupunta kami sa isang grocery store. I’m now six months pregnant and the baby bump is very visible.

“I want that!” Tinuro ko ang kung ano-ano sa grocery.

Kinukuha niya naman ang lahat ng tinuturo ko at nilalagay sa basket.

Kumuha ako ng isang bag ng favorite biscuit ko. Pasimple ko iyong nilagay sa basket.

“Isa lang?” Kumunot ang noo niya sa akin. “Let’s take all of it.”

Nanlaki ang mga mata ko nang ilagay niya ang lahat ng biscuit sa basket.

“Hindi ko mauubos lahat ‘yan!”

“Naglilihi ka, walang imposible sa ‘yo.” Umirap siya at naglakad na ulit kami.

I pouted, trying to stop myself from smiling. He knows me really well!

Dahil hindi na roon kasya ang mga binili namin, kinuha ko ang isang shopping cart. Hinila ko iyon, halos matumba na ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakahila ko.

Ang laki kasi ng shopping cart! Kasya na ako rito, eh.

Buti na lang nahawakan ni Darell ang bewang ko.

“Tsk… So naughty.” Umiling-iling siya.

Kinuha niya ang shopping cart. Saktong may dumaan na couple sa harapan namin. Iyong babae ay nakaupo sa loob ng shopping cart, while her boyfriend is the one pushing the cart. Mas payat pa ako sa kanya at sure akong mas magaan ako. Hindi naman siguro ako makakasira pag sinubukan ko ‘yan ‘di ba?

I slowly turned my head to Darell and smiled evily.

Malalim siyang napabuntong hininga at napapikit, tila naintindihan agad ang gusto kong iparating.

Binuhat niya ako at pinasok sa loob ng cart.

“Satisfied?” Tanong niya.

Tumango naman agad ako. His face turned from frowning to happiness.

“Doon sa kabila, health and beauty section. Skincare!” Tinuro ko iyon.

Dinala niya naman ako roon. Pakiramdam ko ay nasa isang tub ako na puno ng produkto bilang tubig. Ang sarap nga sa pakiramdam na tinatabunan ako, eh!

“Ano pa?” Darell asked.

Napatingin ako sa tatlong punong basket at isang malaking cart na nag-uumapaw kung saan ako nakaupo.

“Hmmm… Okay na siguro ‘to?” Napaisip pa ako.

“Hindi, ang konti, damihan mo pa!” Sarkastikong sabi niya.

“Talaga? Pwede pa?” Kuminang ang mga mata ko.

“Buy all you want. Are you sure you don’t want to eat?”

“Joke lang, ang dami na nito. Wala pa ‘ata sa one fourth nito ang binibili namin sa grocery store noong bata pa ako. You’re spoiling me!”

He kissed my head. “Is this what you call spoiling? I can give you more than this, baby. I’ll get you whatever you want.”

Papunta kami roon ni Darell sa pababang bahagi ng grocery, ewan ko, hindi siya hagdan pero ganoon ang disenyo. Pwede paakyat at pababa. Specially designed for the carts.

“Hala, iyong skincare products!” Tarantang sabi ko nang mapansing dalawang basket lang ang hawak ni Darell. Naiwan ko iyong skincare basket ko! That is more important!

“Nasaan?” Pati siya ay nataranta.

“Nandoon ‘ata sa mga pancit canton!” Sabi ko at guilty na tumingin doon sa isang basket na puro pancit canton lang ang laman.

“Okay… I’ll get it. You stay here.” Sabi niya.

Tumango naman ako. But then after he let go of the cart, nagdire-diretso ako sa baba!

“Ahhh! Darell! MAHUHULOG AKO!!” Sigaw ko.

Nagmamadali siyang bumalik papunta sa akin pero pababa na ako. Puro pa naman mga kahoy lang ang lalagyan ng products sa baba, pag nahulog ang isa ay hulog ang lahat. 

Napataas ang kamay ko, tanggap na pahulog na ako pero napigilan ni Darell.

As soon as he caught the cart, napatakip siya ng mukha sa hiya. Lahat ng tao sa grocery, nasa taas man o sa baba ay nakatingin sa amin.

“Oh. I’m sorry.” I awkwardly smiled. Nagpeace sign ako.

Binuhat niya ako paalis sa cart noong nagbabayad na. Sa card siya nagbayad.

Hindi niya ako pinapansin. Siguro ay nahihiya pa rin sa nangyari kanina.

“Darell!” Tawag ko, nasa likuran ko siya kanina pero gusto ko siyang yakapin sa braso kaya hinintay ko siya pero hindi niya ako pinapansin.

Punong-puno ng plastic ang kanyang braso at kamay. Limang na plastic ang hawak niya. Isa sa kanang kamay, dalawa sa kanang braso, isa sa kaliwang kamay at isa sa kaliwang braso. Buhat niya lahat ng binili ko.

“Darell…” Panlalambing ko pa. I pouted. “Galit ka ba?”

“Ba’t ako magagalit sa ‘yo?” Mahina niyang sabi.

“Eh bakit hindi mo ako pinapansin?”

“Because you almost fell! I was so nervous.” Aniya.

Ngumiti ako dahil hindi siya makatingin sa akin. Tinapat ko ang hintuturo ko sa pisngi niya tsaka ko siya tinawag, “Hala, Darell!”

Humarap naman siya agad, nasundot ko ang pisngi niya.

He has no reaction on his face, but when I did that and he saw me smiling, he smiled too. “Tch.” Bumukol ang pisngi niya, pinaglalaruan niya ang dila sa loob to stop himself from smiling.

Habang siya ay hawak-hawak lahat ng binili ko, ako ay walang kahit anong hawak.

“What do you want next?”

“Let’s go home. I’m tired.”

“Okay…”

Inilagay niya ang mga binili ko sa trunk bago ako pagbuksan ng pinto bago siya pumunta sa pwesto niya.

“You sure you didn’t forget something?” He asked.

“Yeah.” Ngumiti ako. “Thank you!” I kissed his cheek. He immediately blushed.

“Where’s your slingshot?” He asked.

I pouted. “Nasira ko.”

Tumingin lang siya sa akin bago niya binuhay ang engine.

Natulog agad ako pag-uwi ko sa bahay. Masyado kasi akong napagod kahit wala naman akong ginawa kumpara kay Darell. Magkahiwalay ang kwarto namin dahil hindi pa kami kasal. Siya ang nakaisip no’n. Ang niyayakap ko ngayon ay ang malalaking teddy bear na binili niya para sa akin at ang unan ko. Nakatulog naman ako nang mahimbing.

Pagkagising ko ay dumiretso ako sa kwarto ni Fajarez pero wala siya roon. Wala rin siya sa kusina at sa living room. Baka nasa cr?

“Darell?” Kinatok ko ang bawat cr pero wala talaga siya. “Nasaan na kaya ‘yun? Iniwan ako nang walang paalam?”

I pouted. Mukhang umalis nga siya.

Lumabas na lang ako para magpahangin pero ang likod niya agad ang nakita ko. Nakaputing t-shirt lang siya at casual shorts. Akala ko naman ay umalis siya! Iyon pala, nakaupo lang sa damuhan at may kung anong ginagawa. Anong ginagawa niya?

Tahimik akong lumapit doon, gugulatin ko sana siya pero ako ang nagulat nang makita kong ginagawa niya ang aking slingshot. Tapos na niyang ayusin ang luma kong slingshot pero gumawa pa ulit siya ng bago.

Niyakap ko siya mula sa likuran. Medyo nagulat siya roon.

“What are you doing?” Kunwari ay clueless kong tanong.

“I’m making you another one. Just in case it breaks again.”

I pouted, trying my best not to smile. “For what? Why?”

“You like slingshots a lot…” Mahina niyang sabi.

Naglakad ako papunta sa harapan niya, lumapit sa kanya at umupo roon. Tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

“Salamat,” malapad ang aking ngiti.

He took care of me… Like I was a fragile glass that he cannot afford to break. My safety is always his priority. Of course, I’m carrying our baby. He’s treating me so well and it made me feel more than good that’s why I can’t help to think if after I gave birth, would he still love me? Maybe he’ll stop doing this once I gave birth.

Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Hannari no’n.

‘Ako, ayaw kong ikasal. Baka pagkapanganak ko iwan ako ng asawa ko dahil hindi na maganda ang katawan ko. Baka kasal na kami, niloloko niya ako habang pinapadede ko ‘yong anak namin.’

That’s my biggest fear. Baka hindi ko kayanin!

Oo, kaya ko mag-isa. Nasanay na akong mag-isa dahil pinaranas na ‘yon sa akin ng mga kaibigan ko, kahit hindi nila sinasadya. Pero iba iyon para sa bata. Paano kung lumaki siyang walang ama?

“Kahel? Hindi ba masarap?”

Napabalik ako sa katotohanan dahil sa tanong ni Darell. Nasa hapag kami pareho at tinitikman ko ang luto niya. Nakakaisang kagat pa lang ako nang lumutang ang utak ko.

“N-No! It tastes good, I swear!”

Tiningnan niya ako, puno ng pagdududa ang ekspresyon. “I doubt that.”

“I swear!” Depensa ko.

Kukunin niya pa sana ang plato ko, papalitan ‘ata niya ng pagkain pero hinuli ko ang kamay niya at umiling para sabihing ayaw kong kunin niya.

“I don’t think it tastes good for you. Baka magkaiba tayo ng taste dahil hindi naman ako buntis.” Inosente niyang sabi.

Tumawa ako. “Seryoso, masarap nga. Lumutang lang ang utak ko.”

“Share me your thoughts then,” aniya. “So we can talk about it. Huwag mong sarilihin. Kahit ano pa ‘yan.”

Tumulala lang ako sa kanya, naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko.

“I know that look. You’re overthinking for something?”

Nangilid ang luha ko sa tanong niya. Napatakip agad ako ng mukha ko.

“W-wag kang aalis…” I cried. “Don’t disappear when I wake up… Please don’t go.”