Chapter 23: Kabanata 23: next bride

Kabanata 23

Kahit sa kasal nina Erin at Cadmus ay iyong rejection ko lang sa proposal niya ang iniisip ko. Tuwang-tuwa ang lahat sa sa dalawa. The young and mysterious Arcajante kissed my brave and clumsy best friend in front of us.

Nakita ko si Renice ang maid of honor ni Erin. Si Fajarez ang best man ni Arcajante.

Magkilala pala silang dalawa. Sa bagay, parehas silang business related ang trabaho.

Noong bouquet toss na ay siksikan kami ng mga kaibigan ko.

“Jarell, ang laki ng ulo mo!” Tinulak ni Laurel ang ulo ni Jarell dahil matangkad ito.

“Pandak ka lang kasi!” Pang-aasar ni Nirca at humalakhak.  “Isa ka pa, Armenia, amoy Amerikana ka, sinusumpa ko ang amoy na iyan!” Sigaw niya sa katabi ko na hindi makatingin sa akin.

“Mabaho ba? Sorry!” Armenia looked worried.

“Ang bango kaya,” komento ko. Tumingin naman sa akin si Armenia.

Pati ang mga kaibigan namin noong highschool ay kasali. Iyong iba ay mga model na galing pang ibang bansa.

“One, two!”

Ni-ready ko ang sarili ko.

I thought I looked at Darell first but he’s already looking at me and smiling. Medyo malayo siya sa akin. Nasa taas siya noong batong hagdan ng simbahan tapos kami ay nakaikot sa baba.

“You look ethereal, goodluck, lovey.” He mouthed.

That made me smile. I nodded.

“Go!”

Gagalaw pa sana ako pero dahil sobrang sikip at maraming tao, hindi ako makagalaw. Nakataas din ang kamay nilang lahat kaya nagtaas na lang din ako ng kamay, wala na akong tsansa rito. Ang liit ko kasi! I just closed my eyes.

Hindi naman tayo big deal, hindi ba? Okay lang naman kung hindi ko masalo.

“Congratulations, Kahel!”

“Fajarez, pakasalanan mo na ‘to!”

Narinig ko ang pagcheer ng mga kaibigan ko sa akin at mga kaibigan ni Darell sa kanya.

Tinulak-tulak siya ng mga kaibigan niya sa akin. Muntik na siyang mahulog sa hagdan dahil sa mga ito.

“Tangina naman pre, ihuhulog mo ‘ata iyan eh.” Humalakhak si David sa asawa ni Monica na hindi ko maalala ang pangalan. Siya kasi ang nagtulak kay Darell nang malakas.

Si Cadmus ay nakikitawa lang sa mga ito.

“Hoy, kalaban ni Gulayat! Nasa simbahan ka, bakit ka nagmumura!?” Bulaslas ni Lynelle sa boyfriend niya. “Pasensya na po kayo riyan sa abnormal na ‘yan.” Nagbow pa siya sa amin.

Kinaladkad ni Lynelle si David gamit ang pagpingot sa tenga nito. Napa-aray tuloy si David!

Tiningnan ko ang bouquet na nasa kamay ko. Nakuha ko ang bouquet! Wow! I got it without trying.

“Ikaw na ang susunod na ikakasal,” maluha-luhang sabi ni Jarell at niyakap ako. “Congratulations!”

“Bakit ka umiiyak, Jarell? Bouquet pa lang iyan. Baka lumuha ka ng dagat pag pinakasalan talaga ‘yan ni Darell.” Humalakhak si Lynelle.

Tila umatras ang luha ni Jarell, sinamaan niya ng tingin si Lychie.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Darell. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti, like I’m a prize.

He looks at me like he has fallen a million times in my eyes. His eyes are sparkling, his lips are as wide as the ocean.

I saw his dimples, that’s the first time I saw him smile with his dimples!

Hindi ko na napigilang sundutin iyon. Pagkasundot ko, hinalikan niya agad ako sa pisngi.

“Papakasalan ko talaga ‘to!” Sigaw niya habang nakangiti.

Nakatingin lang… sa akin.

Isang oras lang kami sa reception at umalis na agad kami. Masakit kasi ang tiyan ko. Kahit itago ko ay nahahalata ni Darell kaya gusto niyang umuwi agad kami. I told him to stay, since he’s one of the most important guests. But he refused to stay.

“Enjoy your life as a married couple!” Ngumiti ako kay Erin. “We’ll get going now, Arcajantes!”

She hugged me and smiled. “Thank you for coming! Hope you’re the one who’s getting married soon. Please take care, Kahel! I want to see your baby soon.”

Tumango ako at kumaway na. Yayakap pa sana si Erin kay Darell dahil ganoon talaga siya magpaalam pero nang makita ang bahagyang pag-iwas nito dahil nakatingin sa akin, tumawa na lamang siya at tumango sa amin.

“Take care, Darell and Kahel.” Ang naka-suit naman na si Cadmus ang nagpaalam sa amin.

Kumaway na ako. Naglakad kami ni Darell papunta sa kanyang sasakyan. As usual, umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan sa shotgun seat bago siya umikot pabalik sa driver’s seat.

“Where are we going?” I asked him when I noticed that we’re going on a different pathway.

“Hospital,” simpleng sagot niya, busy sa pagd-drive.

“I told you, Darell. It’s not a big deal. Maybe it’s just indigestion---”

“You’re always a big deal for me, Kahel,” matigas niyang sabi.

Bumuntong hininga ako dahil alam kong wala na akong magagawa. Tumingin ako sa bintana. On the rearview mirror, I saw a black car following us. Naghiwalay na ang ibang mga sasakyan pero ito ay nanatili sa likuran namin. Kung gusto niyang mauna ay pwede naman siyang makisingit dahil maluwag naman ang kalsada at hindi traffic, so what’s the point of staying back there?

“Darell…” Nakatingin pa rin ako roon.

“We’ll go home after the check up, Kahel,”

“I’m okay but…”

“But?”

Humarap ako sa kanya. “Darell, I think someone’s following us.”

He glanced on the rear view mirror. His jaw clenched.

Nag-iba agad siya ng direksyon, para siguraduhin kung sinusundan nga kami nito.

“Kailan pa ‘yan diyan?” Tanong niya.

“Kanina pa, napansin ko ngayon-ngayon lang.”

Tumingin ulit ako roon. Ang itim na SUV ay nakasunod pa rin sa amin.

“Fuck, they’re really following us.” Darell’s expression darkened.

“What the fuck does he wants?” Bulong ko sa sarili. I know that car. Coincidence lang naman siguro, ‘di ba? Hindi siya ‘yan.

Kung saan-saan na kami pumunta pero ayaw kaming tigilan.

“How long have you been pregnant, Kahel?” He asked randomly.

“I’m not sure… About 9 weeks?”

Mariin siyang napapikit at pilit na pinakalma ang sarili.

“Please be safe,” bulong niya.

Maya maya ay huminto iyong SUV sa likuran namin. Pagkalabas, naka-itim itong helmet at black leather jacket. Sumakay siya sa motor na nakahinto sa tabing kalsada.

“Darell!” Kinakabahan kong sabi nang makita ko ang baril sa kamay nito. “Darell, he has a gun!” Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

In just a second, the motorcycle drifted in front of us, forcing Fajarez to stop the car.

Hindi nagsasalita si Darell pero alam kong kinakabahan siya. Not mainly for himself, but for me and his child. I can see it on his eyes.

Tinutok sa amin noong naka-helmet ang kanyang baril. Napakapit ako sa braso ni Darell dahil sa kaba. Nang tumingin ako sa paligid, walang kahit anong sasakyan o kahit isang tao lang. Just a road with this car and the motorcycle in front of us.

“Taas kamay!” Utos ng lalaki sa amin.

Tinaas namin ang kamay naming dalawa.

“Baba!” Utos nito.

“Dito ka lang---”

“Kayong dalawa!” Putol noong lalaki sa sasabihin ni Darell.

My boyfriend gave me a signal using his eyes. I know what that means.

‘I’ll take care of it.’

Unang lumabas si Fajarez na nakataas ang dalawang kamay.

“What do you want? Money? We can talk about it. Leave my woman alone.”

I gasped when the guy aimed the gun to him. Napahawak ako sa bibig at dali-daling lumabas.

“P-please… Let us go.” Nangilid ang luha ko. “I-I’m pregnant, p-please…”

Pinagdikit ko ang aking palad para magmakaawa. When I’m about to get down on my knees, Darell suddenly punched the guy.

“Kahel, run!”

Tiningnan ko lang siya roon. Lalo na nang makita ko ang paglabas ng maraming lalaki mula roon sa SUV. Hindi ko siya kayang iwan.

“Susunod ako!” Sigaw niya pa. I gasped when the guy punched his face but he couldn’t do anything while looking at me.

“No!” Bumaha ang luha ko sa takot.

“Kahel, listen to me, go and get some help!”

Tumalikod ako at hindi na siya tiningnan pa dahil nanlalabo na ang paningin ko. Hindi ko kayang makita na nasasaktan siya.

Hinanap ko agad ang cellphone ko nang medyo makalayo ako. Nagdial ng emergency number doon.

“Please… Answer. Fuck!” I sobbed when there’s still no one answering. “Fuck you!” I spat and almost throw it away.

“There you are.”

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may nagtakip sa aking bibig. Sinubukan kong magpumiglas pero malakas ang pwersa niya. Nilagyan niya ng tape ang bibig ko at tinakpan niya ang ulo ko gamit ang isang cloth bag para hindi ako makakita.

I woke up because of a loud rattling sound. For a second, I thought my body became numb but then I saw my hands tied up from behind. The tape and the cloth on my face before are no longer there.

Darell… Where’s Darell?

“K-kahel…” His weak voice made my tears form again.

I saw him there. He’s not tied up. His face and body are full of bruises and blood.

“I-I’m sorry…” Nangilid ang luha niya sa nanghihina niyang mga mata habang nakatingin sa akin. “I’ll try again…” He mouthed.

I started crying when I saw his shirt. Punong-puno ng dugo ang tagiliran niya. Hindi ko alam kung sinaksak iyon o binaril.

“Ano bang kailangan niyo?!” Sigaw ko habang umiiyak. “Let us go! Fuck you all!” I cried more.

Nasa isang bahay kami. A small house.

I heard someone’s steps on the staircase. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kiolo roon. Nagliyab agad ang mga mata ko dahil sa ngisi sa kanyang labi.

I knew it was him! I don’t know why I refused to believe that fact just because he loved me, if what he said before was true!

“What the fuck do you want from us, Kiolo?!” I sniffed. “Ano bang ginagawa mo? Wala kaming ginagawa sa ‘yo! Why are you doing this!?” Gigil kong tanong sa kanya.

Naka-corporate attire pa siya habang ang dress ko ay punit-punit na ang dulo. Galing akong kasal, hindi pa ako nakakapagpalit. Ito ang suot namin sa kasal ni Erin. Darell is now wearing his white ripped dress shirt covered with blood. Natanggal na ang suit niya.

Umupo sa harapan ko si Kiolo. “Ito ang gusto mo, ‘di ba? You asked me to do this to him.”

Nanlaki ang mga mata ko roon. Tumingin agad ako kay Fajarez pero nag-iwas lang siya ng tingin. Tila alam na niya ang tungkol doon at ayaw niyang ma-guilty ako.

“Let her go.” Pinilit ni Andrei na diretsuhin ang kanyang pananalita. “She asked you to do this to me. That means she’s out of here.” Galit na galit ang mga mata niya kay Kiolo.

“No.” Matigas na sabi ni Kiolo. “I heard you’re pregnant, love?” He asked me and lifted my chin.

Agad kong iniwas ang mukha ko sa kanya pero pinilit niya iyong iharap sa kanya kaya dinuraan ko siya sa mukha.

“What? Does it break your heart, huh?” Sarkastiko akong tumawa. “I broke you once again. Do you know how many times we fucked each other? Do you have any idea? Imagine it!” Mas lalo ko pang pinainit ang ulo niya.

I succeeded. He gritted his teeth and slapped me. “You whore!”

“Fuck you!” Darell spat, trying to stand up but failed.

“A whore you still can’t fuck.” Ngumisi ako pero puno na ng takot ang loob ko.

“Kahel!” Saway ni Darell.

“I thought I might help you out, but I changed my mind.” Masama ang tingin ni Kiolo sa akin. He was about to turn his back but he sat on my level again. “You know what, Kahel? I have loved you desperately all this years. I accepted all of the pain. Since high school. Kahit pagkausap sa ibang babae, hindi ko ginawa kasi mahal kita.”

Tahimik lang akong nakinig sa kanya.

“I worked for Legaspi just so I could protect you and I did. That’s the reason why you’re living quite a happy life now. I also paid the amount he’s asking you for. That’s why he’s no longer bothering your family. Ayaw mo akong kausapin. You changed your number. This… This is my last straw.” His eyes sparkled, a sign that he’s holding his tears. “Ayos na sa akin kahit hindi mo na ako gustuhin, basta wala na kayo ni Darell. Para hindi ka masaktan… Pero bumalik ka sa kanya.”

My lips parted.

“I-I’m sorry… For scaring you, for hurting you, for stressing you out and calling you a whore. But I’m not sorry for hurting Fajarez because he hurt you.” Tumingin siya kay Darell. “Just so you know, your sister is one of the reasons why I worked for that motherfucking Barron. Try hurting Kahel again, I’ll fucking finish your ass.” Kiolo glared at him.

“K-Kiolo…” My tears fell.

“Perry helped you for the evidence, right? But the evidence I’m about to give you is more useful than that. I will give it to you and set you free. Just promise me…” His tears fell. “Promise me you’ll live a happy and peaceful life. That you will not regret choosing Fajarez again.”

“P-promise.” I nodded.