CHAPTER 12: Tsk
Tsk
"Happy birthday, happy birthday to you!" sabay-sabay naming kanta kay David.
Maraming nakahanda na putahe sa lamesa. May Menudo, Lechong Paksiw, Spaghetti at cake.
Tanghaling tapat pa lang. Mamayang gabi ay magna-night swimming kami.
"Oh, Kuya! Pambawi dahil nilagtas mo ko kay Daddy last week." sabi ni Kath bago inabot ang malaking box na regalo niya.
Ngumiti lang si David. "Kung gaano kalaki ang box, I'm sure ganoon din kaliit ang laman. You can't fool me, Kath!"
"Malaki talaga laman niyan! Pinaghirapan kong balutin 'yan para naman malaman mo na mahal kita!" sigaw ni Kath.
Natawa kaming lahat dahil sa alitan ng dalawang kapatid.
"Happy birthday again, David. Here's my gift." si Alison iyon.
She gave David a small rectangle gift. "Salamat, Alison." ngumiti si David.
"Here's mine. I'm not sure if it's fits you perfectly. Pero pabalik na lang pag hindi para mapa-adjust ko." sabi ko. Binigay ko ang regalong relo sa kanya.
"Akala ko pabalik na lang pag hindi kasya, sayang kasi bili ko." biro ni Althea. Napuno ng halakhak ang dining table.
Nagsimula kaming kumain at napuno ng kwentuhan ang lamesa. Ang daming kwento ni Kath. Siya nag-uumpisa ng panibagong topic. Parang hindi siya napapagod sa kasasalita.
Nang umabot ang alas singko ng hapon ay nag-start na kaming mag-ayos para sa night swimming.
We all agree na maglatag ng malaking banig sa tabi ng pool at doon ilagay ang mga pagkain. Parang picnic lang. Maganda kasi ang simoy ng hangin sa labas. We all busy. Kanya-kanyang gawain kami para pagsabit ng ala-asis ay okay na.
Nasa labas sila Alison, Jyra, Alyssa kasama sila April at David para ayusin ang labas. They all want put a design in the pool that's why. Gusto nila parang pang-party lang. Kami ni Lucas ay nag-aayos ng pagkain para daldalhin sa labas. Kath and Blake are also both busy cleaning the area.
"Hindi nagalit Daddy mo?" tanong ni David. Nasa kusina kami. Nag-hahanda ng mga pagkain. Luto na ito, ilalagay na lang namin sa malaking plato.
Umiling ako. "Hindi... I'm glad Dad is not mad. He looks worried than mad."
"Lola is one who looks mad, I think." aniya.
Napatingin ako sa kanya. Kumunoot ang noo ko.
"Bakit naman magagalit si Lola? Tumawag sa'yo?" takang tanong ko.
Nagkibit siya ng balikat. "Yeah... kaninang umaga she called me. She keeps asking who's your boyfriend but I didn't want to intrude to your life. Sabi ko ikaw na lang magpakilala sa kanila." kwento niya.
"Lola is being protective again." nagbuntong hininga ako.
Ipindot niya ang kaliwang pisngi ko kaya nagtaas ako ng tingin sa kanya. "Lola Almita was just worried about you. Kausapin mo na lang pag-uwi." nakangiting sambit niya.
Tumango ako. "Isa pa 'yan! I'm very nervous about Blake meeting my family." ngumuso ako. Humalakhak naman siya kaya simaan ko siya tingin.
"Chill, Ava. Hindi naman nangangain ang sila Tito at Tita." tumawa siya.
"I'm freaking out here, Lucas!"
Tumigil niya ang ginagawa at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Medyo nagulat pa ako dahil doon.
Nakangisi ang labi niyang tumingin sa'kin. "Hindi ka naman siguro papaluin nila Tito dahil nagka-boyfriend ka. They'll understand you, don't worry about it." malambing na sabi niya.
I can't help but to smile. Tama si Lucas. They are my parents after all.
"Pandak, samahan mo 'ko sa labas."
Parehas kaming napatingin sa entrance ng kusina. I saw Blake standing there with his arms crossed around his chest. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa'min ni Lucas. Mabilis akong gumalaw para mabitawan ni Lucas. His eyes were cold. Para tuloy akong nakagawa ng mali.
"Saan? May ginagawa ako," sagot ko.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Kaya na ni Lucas 'yan."
Hinila na niya ako palabas ng kusina. Pumunta kami sa pool kung saan nag-aayos pa rin ang iba. Papalubog na ang araw kaunti na lang.
"Help me with this," ani Blake.
Nagluluto siya ng barbeque sa tabi ng set up namin. Tumango lang ako bago lumapit sa kanya. Nahuli ko pa si Alison na nakatingin sa amin. Better not to think about her. I'm here to relaxed. I grabbed the other tong. Marami pang hindi nalulutong barbeque sa gilid.
"You seems to be very close with Lucas, huh?" malamig na sambit niya.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Wala sa akin ang atensyon niya at nasa niluluto niya. "Si Lucas ang unang nakilala ko rito sa Isla Esme, eh." sagot ko.
"And he's close to your family too?" malamig pa rin ang boses niya.
"Yeah... especially to my Lola. They've been very close since magkaibigan ang Mommy niya at si Lola." nagkibit ako ng balikat.
"That's why he's here? Kasi hindi ka papayagan pag hindi siya kasama?"
Nagkunot ako ng noo sa kanya. What's wrong with him? "Oo," sagot ko na lang.
Tinigil niya ang ginagawa at tumingin sa'kin.
"Next time, hindi mo na kailangan ng bodyguard. I'm here. I can take care of you." he said, coldly.
Okay? Is he jealous? Dapat magalit ako dahil parang ayaw niyang nandiyan si Lucas. But instead a smile plastered on my lips.
"Hindi ko desisyon 'yan." nagkibit ako ng balikat. "I mean he's a friend and Kath and April are close to him so..."
"Tss!" nag-iwas siya ng tingin at nag-focus sa niluluto.
Natawa ako sa kanya. Kinurot ko ang tagiliran niya. "Stop thinking about him."
"Stop it, Ava!" mariin na sambit niya kaya humalakhak pa 'ko lalo.
"Baka abutin kayo ng siyam-siyam diyan kung maglalandian lang kayo!" sigaw ni April.
Nakatingin na pala sila sa amin. Nakagat ko ang ibang labi para pigilan ang tawa. Nag-angat ako ng tingin kay Blake. Nakatingin din siya sa'kin. Ngumisi ako at nag-taas ng kilay sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin. Pinindot ko ang balikat niya. "Blake, Lucas is my friend. Isa pa, wala kang dapat ipag-alala sa kanya. He likes someone else." ani ko.
"April like him but he likes someone else? Who?"
"Ewan," sagot ko. "hindi naman niya sinasabi sa'kin, eh."
"Tsk!" saad niya at may binulong pa pero hindi ko narinig.
Hindi nawala ang ngiti ko habang nagluluto kami rito. Hindi naman mahirap dahil barbeque naman ito at tinutulungan ako ni Blake.
Natapos kami at mabilis namin iyon nilapag. It's already 6:30 PM and we're all eating while the boys are in the swimming pool.
"Lucas is really have an amazing body! Jusko! Kailangan ka mapapa-sa'kin?" napahagikhik si April.
Nakahubad ang mga lalaki at tanging shorts lang ang suot nila. Nakababad sila sa pool.
"Galaw-galaw kasi April!" saad niya Althea.
"Soon, girl! Soon! Pag ako nag-first move, walang nang kawala 'yan!" humagikhik ulit siya.
Natawa ako kay April. I will be very happy if she ended up with Lucas. Lucas is nice man and I'm sure he can take care of April.
"Pandak! Dito ka!" sigaw ni Blake.
"Mamaya na!" sigaw ko pabalik.
Alison and her friends are also in the pool. They all wearing two piece habang ako'y ito nakasuot ng rash guard. Hindi naman ako kagaya nila na sexy. Ang laki-laki ng balakang ko. Seventeen pa lang ako kaya no need to rush everything for now.
Umahon si Blake sa pool kaya ito na naman ang puso kong hindi mapakali. Paano ba naman. He's topless at kitang-kita ko ang ganda ng katawan niya!
"Halika na, Pandak." hinawakan niya ang kamay ko at hinila.
"Mamaya na nga, eh! Blake—ay!" tinulak niya ako sa pool. Mabuti na lang marunong akong lumangoy. Simaan ko siya ng tingin at hinampas ng malakas sa braso.
"Siraulo ka talaga!" sigaw ko.
Inayos ko ang buhok. Tumawa siya ng malakas. Lumangoy ako sa tabi ng pool.
"Jyra, be careful." rinig kong sambit niya David.
Nandito rin sila sa gilid ng pool. Mukhang may something sa kanila dahil ang sweet-sweet nila sa isa't-isa.
"Alison, are you okay?" rinig kong tanong ni Alyssa.
Tumango si Alison. "Yeah... I'm just tipsy," sagot niya.
Tumingin ako kay Blake na ngayon ay nakatingin kay Alison. Worried was written on his face. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at lumayo. May kung ano akong naramdaman. Nanlamig ako bigla!
I know he's worried. Of course! Mahal niya si Alison. Ako, ito lang! D*mn it! I shouldn't think about this but why I am affected!
"Hey, are you okay?" tumingin ako kay Lucas.
He's starring at Blake too. Umiigting ang panga niya.
Tumango ako. "Y-yeah," sagot ko.
"Gusto mo kumain muna?" tanong niya ulit.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Mamaya na," tugon ko.
Lumipat ako sa kabilang side ng pool at tiningnan ang view. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito, pero iyon ang nararamdaman ko!
I can't help it! Potek!
"Sa Wednesday, samahan mo naman kami ni Annica sa Mall." sabi niya maya-maya.
"Sure! Anong gagawin niyo?" tanong ko. I tried to smile. Bahala sila!
"Sasamahan siyang bumili ng school supplies. Excited sa pasukan niya." mahina siyang natawa.
Ngumiti ako bago tumango. "Sige! After school, alis na tayo?"
"Noted! Sabay na tayo pag-uwi. I'll just text Lola para ipaalam ka."
"Okay!"
"Ava! Lucas! Halina kayo!" sigaw ni Alyssa.
Umahon kami ni Lucas at umupo. Hinila ako ni Blake pa-upo sa tabi niya. Wala na akong nagawa kaya umupo na lang ako. Nakita ko pa ang matalim niyang titig kay Lucas.
"Kuya, kantahan tayo. I'll just bring your guitar!" saad ni Kath bago tumayo.
Sumang-ayon ang iba sa suggestion ni Kath. Bumalik siya na dala ang gitata at umupo. Kinuha iyon ni Lucas at nagsimulang kumanta. Lahat kami'y tahimik habang pinapanood siya.
Maganda ang boses niya. Buong-buo ang boses niya. Nang dumating ang chorus ay sumakay kaming lahat sa pagkanta.
"Si Ava naman daw sunod!" katyaw ni Gino.
Mabilis akong umiling. "Ayoko!" nahihiyang tanggi ko.
"Maganda ang boses ni Ava! Sige na!" pagpilit ni April.
"Hindi maganda boses ko!"
"Asus! Huwag ka ng mahiya. Tayo-tayo lang ang nandito!" saad ni Althea.
"I saw her singing," ani Lucas sabay tingin sa'kin. "si Lola pinakita video mo noong ten years old ka na kumakanta."
"Ayon naman pala! Singer!" pang-aasar nila David.
Halos mamula pisngi ko. Si Lola talaga!
"Pinakita niya sa'yo 'yon?" tanong ko.
Humalakhak lang siya. "Oo. Ganda nga ng boses mo, eh. Try it!"
"Tsk!" Napalingon ako kay Blake. His expression is cold and unreadable. Kumunot ang noo ko bago
kinuha ko ang gitara at umayos ng upo.
Huminga ako ng malalim bago kinalabit ang gitara. They all listening to me as soon as I started singing. Nawala ang hiya ko at pinagpatuloy ang pagkanta. Nakangiti ako habang kumakanta. Singing is my hobby. Pag-bored ako kakanta lang ako para ibsan ang pagka-boring ko.
This is the first song that I've learned. Tapos natuto rin akong mag-gitara dahil sa kanta ng 'to. Nagpalakpakan sila after kong kumanta.
"Ang galing-galing ng kaibigan ko!" proud na sambit ni Kath.
"Sali ka sa Clud Day sa September. Pasok ka sa singing contest!" saad naman ni Gino.
Mabilis akong umiling. "Ayoko!" mabilis na tanggi ko.
"I can't believe I have a beautiful and smart girlfriend. Maganda pa boses!"
Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Blake. Bakit ba ganito ang apekto niya sa'kin? Kaunting galaw lang niya, ibang na ang dating sa katawan ko!