Chapter 29
"Kiro! Please hear me out. . ." Pagpapakiusap ko sa lalaking kaharap ko ngayon. He was looking at me with those dark eyes. A teardrop escaped from my eyes.
"Wala akong choice kun'di patulugin doon si KD. The guest room is dirty and. . . and hindi ko kayang makita si KD na natutulog sa gano'ng sitwasyon."
Nilingon ko si Kingdom na ngayon ay nanonood na sa 'min. Pumunta kasi siya rito sa bahay kaso nga lang ay nakita niya si KD na natutulog sa katabi kong kama. Hindi ko naman expected na pupunta siya rito. Yeah, we don't have that kind of relationship yet but I still can't help myself to feel guilty.
Mas lalong umigting ang panga niya. His eyes is full of disappoinment while looking down at me. My heart ache because of it. Ayaw kong magalit siya sa 'kin, god knows how much I hate it.
"Kiro. . . please," I pleaded, my throat starting to ache.
"I don't want to hear your explanation anymore," madiin na wika nito.
"North! Huwag ka namang gan'yan kay South." Lalapitan pa sana ni Kingdom si Kiro nang malakas na sinapak siya nito. I gasped. Natutop ako sa kinatatayuan ko, hindi alam kung sino ang lalapitan.
"Don't you fucking tell me what to do!" puno ng puot na sigaw niya kay KD na ngayon ay nakaupo na sa sahig. Hawak-hawak ang gilid ng labi niya kung saan siya sinapak ni Kiro.
Napasinghap ako ulit. Mabilis akong lumapit kay Kingdom upang tulungan siyang tumayo. Takot na baka sasapakin ulit siya ni Kiro.
I didn't look up. I don't want to see the disappointment on his eyes again. Naiiyak kong hinawakan ang braso ni Kingdom upang tulungan siya.
"S-south. . . Kiro will be mad to you for doing this," mahina ang boses na tugon nito. Kahit na nasasaktan ay pinilit ko pa ring ngumiti.
"Wala kang kasalanan dito."
Nang gumaan na ang katawan nito ay doon ko lang siya napatayo. Naka-aalalay pa rin ako kay Kingdom, takot na baka matumba siya uli.
"K-kira. . ." Napakagat ako sa labi ko nang marinig ang boses niya, sa boses pa lang ni Kiro ay alam kong nasasaktan siya. Mahina ako napailing. Mas nasasaktan ako sa sitwasyon namin ngayon.
"S-south. . . don't mind me." Kingdom's eyes is now looking at me, nakikiusap na huwag siya ang tulongan ko.
Napaangat ako ng tingin kay Kiro. Kita ko ang sakit sa mga mata niya habang nakatingin sa 'kin at kay Kingdom. Malakas na buntong hininga ang ginawa niya bago piniling umalis.
Habang pinagmamasdan ang papalayong bulto nito ay doon na nagsimulang mahulog ang mga luha ko. Hindi na ako nag-abala pang punasan iyon. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng dibdib ko.
Kinagat ko muli ang pang-ibabang labi ko at mas hinigpitan ang paghawak kay Kingdom. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang unti-unti niyang kinuha ang dalawa kong kamay na nakapulupot sa braso niya. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay ngumiti siya sa 'kin.
"Go. . . go for him." Sumakit ang puso ko sa hindi malamang dahilan, para bang iba ang dating ng tono ng boses nito. Para bang nasasaktan siya.
"Naalala mo 'yong pangako ko sa' yo? I. . . " Tinuro nito ang sarili niya, "King Dominic AKA Kingdom will make a promise." Tinapat nito ang kanang kamay sa dibdib, like what he did back then. . .
"S-subukin man ng tadhana ang inyong pagmamahalan ay nandito ako upang tulungan k-kayo," his voice started to crack, his bottom lip began to tremble. Hindi ko aakalain na masasaktan ako ng ganito sa linya niyang tinatawanan ko lagi.
"Sisiguraduhin kong kayo ang magkakatuluyan." He took a deep breath, " Isusumpa ko ang magiging h-hadlang." He then forced a weak smile onto his lips. A teardrop feel down on his pale cheek.
"K-Kingdom," nasasaktan na tawag ko sa pangalan niya.
Mabilis niyang pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya. Ngumiti ulit siya nang matamis sa 'min.
"You should be thankful to me right?" He laughed, but a painful one.
Napatango-tango ako, nang inangat ko ang mga tingin ko ay doon ko siya nginitian pabalik. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"T-thank you. . ." I leaned forward and pressed a kiss on his cheek. Naramdaman kong natigilan siya.
"For everything. . ." bulong ko bago nilayo ang mukha ko sa kaniya.
Binigyan ko siya ulit nang matamis na ngiti bago tumalikod upang sundan ang lalaking mahal ko. Ang lakad ko ay unti-unting naging takbo. Parang sasabog ang puso ko habang tinatahak ang daan palabas. This time I'll risk everything, for him.
Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng bahay nila. Kumatok ako nang marahan. Nalaglag ang ngiti ko nang bumungad sa 'kin si Tito Tiz imbes na si Kiro.
"Oh? Kira, anong kailangan mo rito?"
Napalunok ako at ngumiti sa kaniya.
"Si Kiro, Tito?" nag-aalinlangan kong tanong.
"Umalis siya kanina. Hindi ko lang alam kung saan, bakit?"
Umiling ako. "Wala naman, sige alis na po ako!"
Mabilis ulit akong tumakbo. Rinig ko pa ang pagtawag sa'kin ni tito, I didn't bother to look back. Sorry tito pero nagmamadali talaga ako!
Napatigil ako nang ma-realize na hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Kiro. Nilibot ko ang tingin ko hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang malaking puno— ang puno namin dati.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko dahilan upang tahakin ang daan kung saan naroon ang tree house. Ewan, siguro dahil nagbabasakali ako na kahit papaano ay hindi niya nakalimutan ang mga ala-ala na meron kami sa puno na iyon dati.
Napabuga ako nang marahas na hangin nang sa wakas ay nakarating na ako sa tree house. Ang mga ala-ala rito ay unti-unting bumabalik sa isip ko. Bumigat ang pakiramdam ko nang makita ang batang bersyon na Kira at Kiro, masaya silang naghahabulan at naglalaro sa ilalim ng puno.
"Catch me if you can!"
"Ang daya naman mo naman kasi Kiro!"
"Anong daya?! Hindi ka lang talaga makahabol sa 'kin!"
"Tch! Alam mo naman na mabagal akong tumakbo! Bahala ka riyan, galit ako sa 'yo."
"Gusto mo lang ng ice cream, e!"
Natawa ako nang bahagya. Aaminin ko na minsan ay nagpapanggap akong galit upang mabigyan niya lang ng ice cream. Para akong tanga.
Mabagal akong umakyat sa tree house. Nililibot ang sariling paningin sa kapaligiran. The tree is already old, ang bahay sa taas ay halatang luma na rin. Siguro kung hindi ko minsan nililinisan 'to ay sigurado akong matagal na itong sira.
I sighed. Nang makaapak na sa taas ay doon ko binuksan ang pinto. Mas dumami pa ang butas nito kaysa noong nakaraan. Pagkabukas ko nang pinto ay tumambad sa 'kin ang maalikabok na loob.
Ilang buwan na rin kasi ako hindi nakapaglinis dito. Ang mga gamit at mga laruan na dati ay nilalaro namin ay nandito pa rin, hindi ko talaga tinapon iyon kasi gusto kong manatili ang mga memories na meron kami rito. Pero alam naman natin na kahit gaano natin ireserba ang mga bagay ay hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan. There's no such thing as forever, lahat ay magbabago rin gustohin man natin o hindi.
Pagkapasok ko ay doon hinanap ng mga mata ko si Kiro. Tiningnan ko ang bawat sulok ng loob, nagbabasakali na baka nandito si Kiro.
I was about to give up when the man I love show up. Dahil sa gulat ay hindi ko alam ang naging reaksiyon. I just stood there, staring at his dark eyes. My heart slammed against my chest. Hindi pa rin makapag-salita.
Hindi ko maipinta ang reaksiyon niya. Nakatayo lamang siya habang nakatitig sa kalaliman ng mga mata ko, as if he was searching for my soul.
Humakbang ako palapit sa kaniya ngunit nawasak ang puso ko nang umatras din ito. Naluluha kong tinitigan siya ng diretso sa mata. Bakit siya lumalayo? I don't get him anymore, akala ko ba may pag-asa na ako? I mean, naging mabait siya sa 'kin these past few days. Ayaw ko man aminim pero umasa ako. Umasa ako na baka pwede pa, na pwede maging kami.
"Please. . . umalis ka na, Kira," nahihirapang sabi niya. Kitang-kita ko na rin ang pagtakas ng luha niya.
Mabilis akong umiling. Tuloy-tuloy na rin ang paglandas ng mga luha ko.
"H-hindi ako aalis," mariin na sagot ko.
Napasuklay siya nang marahas sa buhok niya. Tinitigan niya ako nang mabuti bago ngumiti nang mapait.
"Why don't you just give up on me Kira?! Bakit hindi mo na lang ako pabayaan? Humanap ka na lang ng magiging best friend mo! O boyfriend na mas deserving diyan sa atensiyon na binibigay mo sa 'kin!"
Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya. Tangina, kung pwede nga lang e.
"Why. . . why can't you just leave me like my mom did?"
Mas lalong nadurog ang puso ko nang makita ang sunod-sunod na pag-agos ng luha niya.
"Tangina naman, Kiro." Napahilamos din ako sa mukha ko, "nasasaktan din ako! Bakit mo itatanong sa 'kin 'yan e, alam mo namang hindi ko kaya."
"Iiwan kita? Pero ikaw 'tong lapit nang lapit sa 'kin? Bumuo ako ng linya sa pagitan natin kasi 'yon ang sabi mo! Pero anong ginawa mo? Ha?"
"Pinaasa mo ako!" puno ng frustration kung sigaw, "kaya sabihin mo sa 'kin. . . Kasalanan bang manatili ako sa tabi mo?"
I look at him straight in the eyes, he look away. I bitterly smiled.
How can I fight when he keep pushing me away?
I slowly turned my back. Ang mga luha ko ay mas lalo pang bumuhos. Sa sobrang sikip ng dibdib ko ay halos hindi na ako makahinga. Should I really give up now?
Isang hakbang na lang sana ang kailangan ko upang makaalis ako sa lugar na iyon nang may mabilis na humablot sa kamay ko.
Sa sobrang gulat ay hindi agad ako makagalaw. Naramdaman ko na lang ang malambot na labi na dumampi sa 'kin. Dahil sa hindi ko inaasahan iyon ay nakalimutan ko sandali kung paano huminga.
Ang kanina'y nanlalaki kong mata ay unti-unting pumikit dahil sa mga halik niya. He started moving his lips, I also kissed him back with the same intensity.
After a few seconds, he stopped, he then look at me with those dark eyes, his eyes is full of something. . . I can't name of.
He leaned forward and kissed my forehead.
"Stay. . ." I heard him whispered.
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





