Chapter 28
Everything I could not say.
Entry 85.
Dear Kiro North,
Hi? I don't know what to say, really. Syempre wala naman akong gustong sabihin sa 'yo. Siguro na-miss ko lang mag-drama ulit dito hahaha. Thank you na rin? Kasi naging masaya ako dahil sa 'yo. Gusto ko lang din ipaalala sa 'yo na kahit ano man mangyari nandito lang ako lagi sa tabi mo. I'm already satisfied with this, hindi ko man masabi lahat ng naisulat ko dito pero sana ramdam mo pa rin 'yong pagmamahal ko. Thank you, always.
"May Oral com. daw tayo sa lunes," Kiro reminded. He sat cross-legged in the floor.
"Na naman?! Grabe kakatapos lang ng practical research natin, ah!" Napasuklay ng buhok si Kingdom.
"Feel ko nga babagsak ako this sem," Kira added. Mukhang nag-aalala rin siya sa grade niya. Transferee pa naman kasi.
"Mas mahirap pa nga 'yong amin." Ngumisi si Vin. Kumuha ulit siya ng chips at nginuya.
I rolled my eyes. "Duh? Lahat ng strand mahirap. Huwag kang ano."
"Lahat na lang talaga ng sinasabi ko tutol ka," daing nito.
"Parang hindi tayo nagtulungan noon, ah?" lungkot-lungkotan nito.
"Kinuha mo kasi si Ash sa 'min!" pagtatanggol sa 'kin ni Kingdom.
Natuwa naman ako nang lumukot ang mukha niya. Ngayon lang ako natuwa sa ginawa ni Kingdom, may silbi rin naman pala siya.
Tumabi ako kay Kingdom at doon kami nagtulungan na asarin si Vin. Tawang-tawa lamang kami habang inaasar siya.
"Grabe kayo sa boyfriend ko!" Niyakap ni Ash si Vin. Parang bata naman na yumakap pabalik si Vin. Napangiwi ako nang sinuksok nito ang sariling mukha sa leeg ni Ash.
Humalakhak ako nang biglang sinugod ni KD si Vin at pinaghiwalay ang dalawa. Hindi mawala ang ngisi ko habang tinutulak pabalik si Kingdom sa dating pwesto niya.
Kiro huffed a short laugh. I couldn't help but to smile widely at the sound of happiness in his voice.
"OMG! Kingdom! Ang bigat mo!" Sumuko ako sa pagpigil sa kaniya. Hinang-hina kong binagsak ang katawan sa sahig. Kumunot ang nuo ko nang maramdaman ang malambot na bagay na ulo ko. Nagkasalubong ang kilay ko nang makita ang maliit na ice cream pillow.
"In-unan mo 'yan, malamig ang sahig," narinig kong sambit ni Kiro sa 'di kalayuan.
Sinunod ko naman siya. Pinatong ko ang ulo ko sa unan at doon inihiga ang sarili ko.
Kanina pa kami nag-aasaran at nag-kwe-kwentuhan dito. Paubos na rin ang chips at drinks na binili namin kanina. It's already 8:46 pm, kailangan na namin umuwi.
Pinili ko munang humiga sa sahig ng ilang minuto. Hinihintay na matapos ang away nina KD at Vin. Nakatulala lamang ako sa kisame nang Cafe.
"Hindi kayo uuwi?" tugon ni Kiro.
Nagising ang diwa ko nang may marinig na malakas na kumalabog. Mabilis akong bumangon at napaupo. I think nasa ilalim ang ingay.
"Narinig niyo 'yon?"
"Gago! Ikaw lang ba may tenga dito!" malakas na sambit ni KD habang hawak pa rin ang buhok ni Vin.
Napailing ako. "Bumaba kaya tayo?" suhestiyon ko.
"What if it's an intruder?"
"Or a killer?"
"Pero may staff pa naman sa baba ah?"
"Ewan."
Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ang takot sa mata nilang apat. Nag-pa-panic na rin akong lumapit sa kanila.
"Don't be scared, Kira. Baka may nahulog lang o ano." Tinapik ni Kiro ang balikat ko.
"Hala! Baka multo talaga 'yon!" Dumikit din sa 'kin si Kingdom. Dahil sa takot ay hinayaan ko na lang siya.
"Ang OA niyo! Wala 'yon!"
"Hon. Bumaba kaya tayo?"
Napatango ako sa sinabi ni Ash. Tama siya, kailangan namin bumaba. Baka kasi ano ng nangyari roon.
"Okay. . . basta dikit-dikit lang tayo."
Nasa unahan sina Kiro at Vin habang nakasunod naman kaming dalawa ni Ash sa likod nila. Si Kingdom naman ay nasa likod namin, nakakapit sa balikat ko at sa pinsan niya
Mas lalo pa kaming napaigtad nang may marinig ulit na kalabog. Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Kiro. Jusko! Huwag naman sana magnanakaw 'yong dahilan ng kalabog.
"Take a step slowly. Baka madulas kayo," aniya Kiro.
I nod unconsciously. Nabawasan ang kaba ko nang marinig ang boses niya. It's okay as long as Kiro is here. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Nang sa wakas ang nakababa na kami ay sakto namang nawalan ng ilaw. Napasigaw ako at mas lalong nilapit ang sarili kay Kiro. Naramdaman ko rin ang hawak ni Kingdom sa 'kin. Sa sobrang panic ko ay hindi ko na alam kung sino ang nasa paligid ko. Ang alam ko lamang ay nandito pa sila na nakapalibot.
"G–guys?" nanginginig na usal ni Ash. Sa tingin ko ay siya ang nakahawak sa kaliwa kong braso.
"Okay lang kayo?" nag-aalala namang wika ni Vin.
"Kira, you hear me?" It's Kiro's voice.
"I–im okay," I managed to answer.
"Kailangan na nating lumabas," seryoso na tugon ni Kingdom. I shivered on how serious and scary his voice is.
Ewan ko pero minsan nakakatakot din ang pagiging seryoso ni Kingdom. He can be scary sometimes. Or maybe It's just my imagination.
I shrugged my thoughts away.
Dahan-dahan kaming naglakad habang hawak pa rin ang isa't isa. Pilit kong inaninag ang nasa paligid kahit na sobrang dilim. Sa sobrang tahimik namin ay hininga at yapak lamang ang naririnig ko. Mas lalong dinaga ang dibdib ko.
Napatigil ako nang biglang huminto sila Kiro sa harap. Pinakiramdaman ko rin ang paligid. Napakuyom ako nang marinig ang papalit na yapak sa 'min. Nahigit ko ang hininga ko nang may humawak sa kamay ko. Dahil sa kaba ay hinayaan ko lamang iyon. He or she threaded our fingers together.
Mas lalo akong napapikit nang mariin nang mas lalong lumapit sa direksiyon namin ang yabag. Halos mayakap ko na patalikod si Kiro sa sobrang kaba.
Shit! What if killer talaga 'to?
"V–Vin. . ." naiiyak na bulong ni Ash.
"Shhh. . ." Naramdaman ko ang paggalaw ng tao sa tabi ko. Mukhang pinatabi ni Vin si Ash sa kaniya.
Grabe ha! Inuna pa nila ang landian.
Hindi ko na napigilang mapahiyaw nang may humablot nang marahas sa braso ko. Ramdam ko rin ang pag-panic nila. Humigpit ang hawak ng kung sino man sa kamay ko. Hinigpitan ko din ang hawak kay Kiro.
"Hala! Kuya! I'm still not ready to die." pagpapakiusap ko sa killer. Ang mga luha ko ay isa-isa na ring lumandas.
Please. . . I don't want to die yet.
Makikiusap pa sana ako nang may biglang humila sa 'kin. That someone pulled me in for a hug. Natigilan ako nang maramdaman ang pamilyar na init na bumabalot sa kaniya. I was out of breath.
Ilang segundo ang lumipas nang may maaninag akong liwanag. Napakurap-kurap ako at hindi pa rin inangat ang tingin. Bumalik na ang ilaw sa Cafe?
I slowly lifted my gaze. His dark eyes fixed on mine. I nervously gulped. Nilayo ko agad ang sarili ko mula sa pagkakayakap ni Kiro.
I paled when I saw their judging eyes. Tumikhim ako at iniwas ang mga tingin. My lips parted in shock when I saw the familiar man standing in front of us. Siya 'yong staff na kumuha ng litrato namin kanina. Don't tell me. . .
"Sorry po talaga ma'am and sir. Bigla kasing namatay ang ilaw kaya agad ko kayong hinanap sa taas. Nag-panic din po ako noong makita kayo rito sa baba, akala ko kasi magnanakaw kayo." Bahagya itong yumuko sa 'min.
"May nakapasok din kasi noon na magnanakaw dito sa Cafe kaya medyo gano'n 'yong naging reaksiyon ko."
He flashed an apologetic smile.
A moment of silence passed, until someone asked, "It's okay po kuya. Sorry din kasi napagkamalan din po namin kayong killer."
"Sorry din po kasi nasigawan kita kanina." I gave him a weak smile.
"Same here!" Vin added.
"Punta muna po kami sa taas, naiwan po kasi namin ang mga gamit namin."
"Uuwi na rin po kami." Kiro forced a smile.
Dali-dali kaming umakyat sa taas. Sigurado akong nahihiya rin kanina sila sa ginawa namin. Namula ang pisngi ko nang maalala ulit ang tagpo kanina.
Ayaw ko mag-assume pero may ibig sabihin pa ang yakap na 'yon? I mean pwede niya naman ako hawakan sa kamay o sa balikat pero mas pinili niyang yakapin ako. Hindi ko alam pero alam ko sa sarili ko na umaasa ulit ako. Hay! Lintik na pag-ibig.
"Dalian niyo sa pagliligpit! Ayaw ko na magtagal pa rito!" puno ng frustration na wika ni Kingdom. Mabilis niyang niligpit 'yong mga kalat namin.
"Kahiya talaga! Sino ba kasi 'yong nagsabi na killer 'yon ah?" naiinis din na saad ni Vin.
Bumuga ako ng hangin. Kinuha ko ang malaki kong bag at nilagay ang tela na in-upuan namin kanina. 'Yong mga party hat at decorations ay nilagay ko rin sa bag ko upang kahit papaano ay mabawasan ang kalat dito.
Napatigil ako nang mahawakan ang ice cream pillow na bigay sa 'kin kanina ni Kiro. Gusto ko sana tanungin kong kukunin niya pa ba 'to o hindi. Kaso nahihiya ako e! Masiyado naman kasi akong OA sa nangyari kanina. Kainis.
Napagdesisyonan ko na lang na ilagay na lang iyon sa bag ko. Bahala na! Ibabalik ko na lang iyon 'pag nakalimutan ko na ang nakakahiyang pangyayari kanina.
Agad kong sinukbit ang bag ko sa balikat nang matapos na kami. 'Yong mga table at ballons na lang ang naiwan rito. I think si Kuya na ang bahala doon.
"Bebe South! Tabi ako sa 'yo baka kasi may multo pa sa baba!" Hinawakan ni Kingdom ang braso ko at nagtago sa likod ko.
I breathe to calm my nerves. Pinabayaan ko na lang siya at nagsimula ng maglakad pababa.
"Ako na magdala ng bag mo," mungkahi nito. Agad naman ako sumang-ayon.
Pabagsak kong binigay sa kaniya ang malaking bag. Napadaing naman siya nang bahagya itong tumama sa mukha niya.
Deserve, Tss.
"Harsh mo talaga," he whispered in reply.
I rolled my eyes. Napatingin ako kina Vin at Ash na kanina pa tahimik. Kumunot ang nuo ko. Ano kaya ang nangyari sa kanila?
Nagkibit balikat na lang ako at naglakad muli. Sumama ang timpla ng mukha ko nang maramdaman ulit ang paghigpit ng hawak ni Kingdom sa braso ko.
"Bebe South. . . pwede ako makitulog sa inyo?"
Dahil sa gulat ay nataboy ko ito. Napalayo naman siya nang kaunti sa 'kin. My lips parted in shock.
"Mali ang iniisip mo ha? Wala kasi akong matutulugan ngayon kasi. . ." Napakamot siya sa batok niya, "sigurado akong galit sina mommy at daddy sa 'kin ngayon."
My eyebrows drew down.
"Why?"
"Kira! Hindi pa kayo uuwi?!" naiinis na sigaw ni Kiro sa labas ng Cafe.
"Let's talk about it outside." Naglakad ako palabas, rinig ko rin ang yapak niya na sumusunod sa 'kin.
Nang makalabas na kami ay nagpaalam muna ako kay Kiro na hintayin ako. Sa kaniya kasi ako makikisakay since pareho lang kami ng village. Sumang-ayon naman siya basta raw hindi kami magtagal.
Nagpa-iwan kami ni Kingdom sa labas upang mag-usap. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig lamang sa kawalan.
I sighed, beginning to feel pissed.
Pinaupo niya ako sa bench na nasa gilid lang ng Cafe. Umupo naman ako roon. Tahimik pa rin siya nang maka-upo na sa tabi ko. Mukhang seryoso talaga ang pag-uusapan namin.
"Kiro is waiting, Kingdom."
He breathe out. Hinarap niya ako, puno ng lungkot ang mala-tsokolateng mata niya habang nakatitig sa 'kin. Lumambot naman ang mga titig ko sa kaniya. Parang gusto ko siya ngayon I-comfort kahit hindi ko alam ang pinagdadaanan niya.
"S-south. . ." his voice cracked.
"Baka palayasin na ako sa bahay," panimula niya, "they prepared a grand birthday party for me but I didn't come."
Literal na napanganga ako. Gago? May party naman pala sa bahay nila bakit sumama pa siya sa 'min. Maiintindihan naman namin 'yon e.
"I mean, hindi naman talaga para sa 'kin 'yon. It's for their business partners and associates. At sawa na ako sa mga business na pinag-uusapan lagi nila. If I could've been there I'm sure that boredom would kill me." I can feel the bitterness in his voice.
"I don't regret it. Naging masaya ako dahil kayo ang naging kasama ko para I-celebrate ng birthday ko." He turned at me. A genuine smile tugged on his lips.
I smiled too. My heart melted because of his words. He's really a good guy, no doubt.
"So please, South. . . kahit ngayong gabi lang," he pleaded.
I sighed heavily. I nod at response. Ano pa bang magagawa ko? Hindi naman ako masamang tao upang tanggihan siya. That's what friends are for.
"Okay, just this once," I look directly at his eyes, "but I warned you don't do anything stupid."
He nod repeatedly like an obedient child. Kumalma naman ako.
Pinagpagan ko ang sarili ko at tumayo na sa pagkaka-upo. Ginaya niya naman ang ginawa ko.
"Ipahatid mo na lang ang pinsan mo sa boyfriend niya."
"Paano ang sasakyan ko?"
"Edi sakyan mo. Sasakay ako kay Kiro sumunod ka lang sa 'min," I obviously stated.
He sighed and nod again.
Kinuha niya ang phone at tumipa roon. It looks like he's texting his cousin. I rolled my eyes in the air. Kailangan ko pa siya ipaalam sa magulang ko tss.
Kumaway muna siya sa 'kin bago pumasok sa sasakyan niya. I waved back.
Lakad-takbo ang ginawa ko upang makarating sa sasakyan ni Kiro. Agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan sa harap. Nang maka-upo na ako sa passenger seat ay bahagya pa akong napaigtad dahil sa talim na titig na binigay sa 'kin ni Kiro.
"W-what's wrong with you?" gulat na wika ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat.
He scoffed and turned his gaze in the front.
"Anong pinag-usapan niyo?" his voice is stern making me nervous.
I shook my head. "Nothing."
Hangga't maari ay ayaw ko munang sabihin kay Kiro na makikitulog si KD sa 'min. May pakiramdam lang kasi ako na mag-o-overreact na naman siya.
He laughed, a sarcastic one. "So you're keeping a secret from me now."
My mouth went dry, unable to speak. It's not what he think for god sake!
"It's okay. Sino ba naman ako para pagsabihan ng sekreto." He sighed.
I look at him in disbelief. Ibubuka ko pa sana ang bibig ko nang agad niya nang pinaandar ang sasakyan. Pinili ko na lang tumahimik.
Buong byahe ay tahimik lamang kami. Kahit isa ay walang nagsalita upang basagin ang namumuong tensiyon sa pagitan namin.
Napaayos ako ng upo nang magsalita siya.
"Sasakyan ba 'yan ni Kingdom? Why is he following us?"
Napalunok ako. Napatingin din ako sa side-view mirror kung saan nakasunod ang BMW ni Kingdom. Ipapahamak pa talaga ako ni KD, tch.
"He will be staying in my house."
Napabuga ako ng hangin nang huminto ang sasakyan. Dahil nga expected ko na na mangyayari 'to ay nakakapit ako.
Hinarap niya ako. Sa sobrang dilim ng mukha niya ay hindi na ako makatingin nang diretso sa mga mata niya.
"Why?" puno ng diin na sambit nito.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumagot.
"Galit ang mga magulang niya kaya doon muna siya sa bahay matutulog. Isang gabi lang naman," I calmly explained.
"But it'll not change the fact that he's still a boy!" tumaas ang tono ng boses niya.
I shrugged. "Kingdom is my friend—your best friend—
"He's not anymore," he cut me off.
"Kiro! Nandoon naman 'yong mga magulang ko! Don't be so OA," tumaas na rin ang boses ko.
Kumalma naman siya sa sinabi ko.
"Okay, but don't let him sleep in your room."
"Of course not."
He took one more glance at me before driving his car again. I sighed. Wala talaga akong sekreto na hindi nabubunyag kay Kiro.
Napatingin ako ulit sa side-view mirror. Nagsimula na rin umandar ang sasakyan ni Kingdom halatang huminto rin siya kanina.
Ilang minuto ang lumipas nang makarating kami sa bahay. Agad naman hininto nu Kiro ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin.
Napatingin ako sa relo ko. It's already 9:41 pm, super late na ng gabi.
Agad kong binuksan ang sasakyan. Binaba ni Kiro ang bintana ng sasakyan upang makapag-paalam.
"Don't let him sleep in your room, Kira," he reminded again.
I just nod in response. Bakit siya lang ba ang gustong matulog sa kwarto ko?
Well, dati kasi nakikitulog din siya sa kwarto ko noong close pa kami pero ngayon—nevermind.
Tinitigan niya muna ang mukha ko bago tumango. Namula naman ang mukha ko nang ngumisi siya. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib sa sobrang lakas ng tibok nito.
"Goodnight," he whispered underneath his breath.
I just smiled. Kumaway ako nang nagsimula nang umandar ulit ang sasakyan. Ipa-park niya pa siguro sa garage nila.
"Bebe South," Kingdom called my name. Hindi ko namalayan na naka-park na pala sa harap ko ang sasakyan niya.
My smile fell from my face. I raised my one eyebrow.
"Hindi mo ako papasukin sa bahay niyo?" makapal na mukha na aniya.
"Opo. Papasukin na po kita, nakakahiya rin kasi sa inyo, ano?" puno ng sarkasmo kong wika.
He just smiled brightly. Nakataas ang nuo na naglakad siya papunta sa bahay namin. Bumuntong hininga muna ako bago sinundan ang walang-hiya.
"Malaki rin naman pala ang bahay niyo, Bebe South."
"Wala 'yan sa kalahati ng mansion niyo." Ngumiti ako ng nakakaasar bago binilisan ang lakad.
Binuksan ko ang malaking gate namin at pinapasok si Kingdom. Palihim naman akong umirap sa hangin. Nakangisi niya akong sinundan papunta sa pinto ng bahay namin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nagbabasakali na tulog na sina Mammi at Daddy.
Sinenyasan ko siya na pumasok na nang nasiguro kong wala sila sa sala. Kung pwede lang sana ay hindi nila malaman na may pinapasok ako sa bahay. Total maaga pa naman aalis si Kingdom.
I was about to lock our door when someone spoke.
"So, you brought someone?"
Napapikit ako nang mariin bago hinarap si Mammi na ngayon ay nakangisi na sa 'kin. I sighed in defeat.
"H-hi tita?" Kingdom waved at my mom.
I gritted my teeth. Ang kapal talaga ng mukha ni Kingdom! Jusko!
"Oh? Hello rin!" My mom smiled sweetly.
Padabog kong kinuha kay Kingdom ang bag na pinahawak ko kanina. Pasekreto ko siyang tinulak. Ngiti lamang ang natanggap ko sa kaniya.
"Dito siya matutulog, Mammi. Isang gabi lang naman. May guest room naman tayo diba?"
"Pero madumi at maalikabok doon, nak."
"Lilinisan ko na lang."
"It's already late, South. Pagod na 'yang kaibigan mo."
"But Mammi—
"South, huwag ka namang ganiyan sa kaibigan mo. Let him sleep in your room, besides dalawa naman 'yong kama mo."
"You don't trust your friend aren't
you?" I hate how disappointed she is right now.
"It's not that I don't trust him." Napatingin ako kay KD na ngayon ay bakas na ang lungkot sa mukha.
Nangako na kasi ako kay Kiro na hindi ko papatulugin si Kingdom sa kwarto ko. And I shouldn't break that promise.
"Okay lang po 'yon, tita! Ayaw ko rin po na hindi maging komportable sa 'kin si South. I don't want to invade her privacy." He smiled.
Napatitig ako kay Kingdom. Nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti rin ito sa 'kin.
"Saan ba ang guest room?" masaya na wika nito. I hope that I didn't offend him.
"Sa taas."
Umakyat kami sa taas kung saan nando'n ang kwarto ko at guest room. Apat lang ang kwarto rito. Isa ay para sa office ni dad, ang pangalawa ay ang kwarto nila ni Mammi, sunod ay ang kwarto ko at ang guest room namin.
I'm not really sure if that room is clean. Wala naman kasing nakikitulog doon.
"Dito ako matutulog?" Tinuro niya ang pinto.
Tumango ako. Agad ko iyon binuksan ngunit dahil nga hindi na ito nagagamit ay puno na iyon ng alikabok. Napaubo kaming dalawa.
Napangiwi naman ako nang makita ang loob ng kwarto. Ang daming gamit at karton ang naka-display, marami ring alikabok sa paligid halatang ilang taon ng hindi nalilinisan.
I sighed. Now I have no choice, hindi ko naman kayang patulugin dito si Kingdom. Ni hindi nga siguro 'yan napadapuan ng lamok e.
"Doon ka na lang sa kwarto."
"South, kaya ko naman matulog dito."
"Ano akala mo sa 'kin, walang konsensiya?" I lifted my eyebrows.
"If that will make you uncomfortable, I'd rather sleep here."
Pininigilan kong mapangiti. Dumbass.
"I'm comfortable being with you Kingdom. Don't be so dramatic."
A huge smiled spread on his lips. He's now in his usual self.
Dumiretso kami sa kwarto ko. Inayos ko ang bakanteng kama na nasa tabi lang ng kama na hinihigaan ko lagi. This one bed was supposed to be his bed—Kiro. Dati kasi ay nakikitulog siya lagi rito sa kwarto ko kaya napag-desisyon-an ni Mammi na bigyan siya ng sariling kama. Kaso simula non ay hindi niya na ako pinapansin kaya heto. . .
"You can sleep here." Pinagpagan ko ang bagong bedsheet na lagay ko.
Nakangiti naman siyang umupo sa tabi ko.
"Kay Kiro 'to?" He was probably talking about this bed.
Gulat man sa sinabi niya ay tumango na lamang ako. Observant na tao si Kingdom kaya hindi na ako magtataka pa kung alam niya.
"Nakaka-touch naman." He grinned.
"You should be. Alam mo naman na kung para kay Kiro ay para lang talaga sa kaniya." It wasn't supposed to be offensive.
"I know." He forced a laugh.
"You're literally amazing you know?" Kahit na ang tingin ko ay nasa harap ay alam kung nakakatitig na ngayon siya sa 'kin.
"How did you manage to love him like that?"
I shook my head, silently telling him that I didn’t know.
"Love is really powerful, sa sobrang makapangyarihan ay nakakatakot na," nakangisi niyang dagdag.
Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pinaharap ako sa kaniya.
"I want you to be happy, South, seriously. Love him as much as you can but don't forget to love yourself," he paused and look at me intently.
"Wala man ako sa lugar upang sabihan ka nito pero sana kung masakit na at parang susuko ka na talaga, hanapin mo lang ako. I-co-comfort kita hanggang sa makakaya ko."
"I don't mind being used by you."