Chapter 12: Kabanata 11: Report (part 2)

“Do you really think they exist?”

Agad na napabaling ang ulo ko sa direksyon ni Echo. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay hindi katulad kung siya ay nakangiti sa akin tuwing umaga. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya, bagay na hindi ko nakita sa kanya sa loob ng isang taon.

Hindi siya yung tipo na magiging ganito ka-seryoso. Sanay akong lagi siyang nagbibiro kaya medyo nakakapanibago na ganito siya at binibigyan niya ako ng konting kaba.

Tipid na ngumiti ako sa kanya.

“Why? Did you not?” sagot ko naman sa kanya, “I mean, with all the technology and intelligent, greedy and manipulative people this world has, did you really think that kind of thing would remain impossible?” pabalik na tanong ko kanya.

Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa akin, kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

“Cloning has been one of the greatest feat scientists have ever done. Diba nga kaya na nilang mag-clone ng animals and such. Edi posible na rin na magkaroon ng human clones without us even knowing.” diretsong sambit ko. "Baka nga meron na eh. It's either hindi lang natin alam, or we refuse to noticed and chose to ignored."

“Well, I agree. Kase diba, there’s this news before of a certain cloning company na nag-claim na nakabuo na sila ng first baby clone named ‘Eve’. It was actually intriguing and amazing.”

“But it was not proven.” pagtutuloy ko sa sinabi niya. “Pero yeah. I still believe that they are somewhere out there. There are someone out there living like a normal person but is not a human being.” makahulugang sagot ko sa kanya. "Malay mo isa na pala sa mga kaklase natin yon." natatawang dagdag ko.

Agad namang nawala ang nakakalokong ngiti sa labi ko ng makita ko ang mukha niya na nananatiling seryosong nakatingin sa akin. Wari ba ay sawang-sawa na siya sa lahat ng sinasabi ko.

Bumuntong hininga siya. “Anong gagawin mo kung sakaling mapatunayan na totoo ngang may clones?” tanong niya sa akin.

Napaisip ako. Ano nga bang gagawin ko? Ano bang magagawa ko? May magagawa ba ako?

Technically, realistically and honestly speaking, it doesn’t really matter to me. Hindi naman ako maaapektuhan kung sakali ngang totoong mayroong human clones sa mundo. Unless they decide to dominate the world and harm us, the humans. Syempre, doon hindi ko man kaya, kailangan kong kayanin. It is our safety we're talking about. Pero, kung for the sake of the world to be safe, ewan ko lang talaga.

It’s not like I can stop some sort of a company producing clones. Ano ako si Wonder Woman? Imortal lang? Wala naman akong gano’ng klaseng authority and power to actually stop one. I'm just a normal college student suffering with an amnesia.

Sarili ko ngang memories di ko magawang maalala, magligtas pa kaya ng buhay ng iba?

Pero, sa loob-loob ko, gusto kong may gawin. Kung sakali mang magkatotoo ang sinasabi ni Echo, gusto kong may gawin para sa kanila. Para sa mundo.

Parang mayroon sa loob ko na gustong mangialam at hindi ko alam kung bakit. Ang weird no?

Somewhere deep down inside of me, there's a burning passion to save and protect the world. Thinking about it makes my heart beats, my blood to rush fast into my veins and that very fire to burn even more.

Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko.

Tumingin ako kay Echo at saka napangiti. “Sa totoo lang Echo, hindi ko din alam. Wala din naman akong magagawa kung sakali ngang mayroon talaga and they are living with us. How can I even spot one right? And I don’t really have that kind of power to protect the world from being corrupted by that.” natatawang sagot ko sa tanong niya.

Umayos ako ng upo at saka napayuko. "Sariling memories ko nga di ko magawang maalala eh. Magligtas pa kaya? That's what you call impossible, Echo. Iyan ang imposible."

“Paano kung mayroon?” biglang saad niya na siyang nakapag-paangat ng tingin ko kanya.

Pirmi siyang nakatitig sa akin. Diretsong linya lang ang makikita sa mga labi niya at walang halong pagbibiro ang tono ng boses niya. Napasandal ako sa upuan at bahagyang ngumiti sa kanya.

Sumandal siya sa board na nasa likuran niya at saka ipinagsaklob ang mga kamay. “Well, sabihin na nating mayroon." pagtutuloy niya sa sinabi niya. "May magagawa ka, that you have the power and authority to actually stop one, what would you actually do?” tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako nagatubiling sagutin ang kanyang tanong.

“Take down that manipulative, bullshit, dimwit bitch who would use cloning and human DNA as a weapon to dominate and destroy the world.” seryosong sagot ko kanya.

Katulad ng naging reaksyon niya, medyo nagulat ako sa sinabi ko. Saan nanggaling yon? Bakit may gano’n? Kanina lang ay katalo ko pa ang aking sarili at sinasabi na hindi ko naman kaya, na wala naman talaga akong magagawa, pero mabilis pa sa alas kuwatro ang naging sagot ko? May sariling isip ba ang dila at bibig ko at nagsasalita sila basta-basta? Ano ba yan? Naaapektuhan na nila ni Blaze ang utak ko. Nagugulo tuloy ako.

Agad namang nakabawi si Echo at tumatawang napapailing, “Hugot na hugot lang Shadow?” natatawang saad ni Echo sa akin habang nakaturo pa sa aking mukha. “Nakakatawa yung mukha mo, napaka seryoso mo. 'I would take down blah blah blah.” sabi niya sabay hagalpak ng tawa na halos makita na ang toncil niya at wisdom tooth.

Tinignan ko na lang siya ng masama at saka inirapan. Somehow I felt relieved na tumawa na siya. Nawala na yung seryoso niyang mukha na hindi naman talaga bagay sa kanya. Mas okay ako na ganito siya kaysa sa nakaseryoso ang kanyang mukha. Hindi ako sanay at parang kahit kailan, hindi ako masasanay.

“Nagsalita ang hindi seryoso,” balik na asar ko sa kanya. “Ikaw nga diyan ang napaka seryoso ng mukha simula pa kanina na gumawa tayo. Lalo na nung nakita mo na si Blaze at ngayon sa usapang cloning.”

“Una, hindi lang talaga ako sanay kay Blaze, yun lang.” kibit balikat na sagot niya sa akin.

Bahagya akong natawa at tinignan siya ng patagilid pero hindi ako nagsasalita. Yun lang daw pero daig niya pa ang nakakagat ng dila sa sobrang tahimik niya. Sobrang tense ng aura sa pagitan nila ni Blaze tapos wala lang? Eh ang seryoso niya pa. Sus. Di mo ko maloloko Echo.

Sabihin na lang natin na naniniwala ako. For argument sake.

“Pangalawa, gusto ko lang na maging maayos yung report natin." saad niya. "You know how strict Prof. Lopez is. Pag pangit ang presentation both in written and oral, paniguradong ibabagsak niya tayo." nananakot na sagot niya sa akin.

"Wala naman akong sinasabi ha. I just said what I saw, ikaw itong napaka defensive." sambit ko. "I didn't even ask you to explain but you chose to. You are defensive, Echo."

"Hindi ha," tipid na sagot niya sa akin. "I just want to know your insight about it. What you know about it.” dagdag niya pa at saka umupo at diretsong tumingin na siya sa computer. "Yun nga lang, talo ako, kasi nakapag-research ka na.

'Mukhang mami-miss ko ang ganito mo Shadow once na bumalik na ang memory mo. Sana nga lang hindi ko ako kamuhian."

"Huh? May sinasabi ka ba? Hindi ko narinig eh, ano yon?"

"Wa-Wala."

Nagkibit balikat na lang ako at saka itinuloy ang nais sabihin.

“Pero seryoso, if ever na totoo ngang may clones at may kompanya na gumagamit sa kanila dahil sa greed, sobrang nakakatakot siguro yon,” sabi ko. “Imagine kung kaya mong i-program ang isang clone na parang isang AI, you could even make that clone a perfect and intelligent spy. Grabe, iniisip ko palang nakakatakot at nakakagalit na.”

“Mas nakakatakot ka kaya." biglang saad niya. 'biruin mo naisip mong ang clone ay magandang maging spy'.

Agad na napabaling ako sa kanya na nakakunot ng todo ang noo. "Nakakatakot? Nakakatakot dahil?" inis na sagot ko kanya. "Anong nakakatakot sa akin?"

"Ang galing mo lang kasi at ang talino mo pa." diretsong sagot niya sa akin, "for sure, kahit na gaano pa katalino at kaangas yung mga taong gagawa ng clones, alam kong mahuhuli mo yon ng ganun-ganun lang. Ikaw na yan oh!" dagdag niya pa sabay ngiti sa akin.

"Anong sinasabi mo?" natatawang sagot ko sa kanya. "Parang siguradong-sigurado ka naman diyan. Ito lang ako oh, normal na estudyante ng Mardox."

Tanging ngiti na lang ang isinagot sa akin ni Echo at hindi na muli pang nagsalita. Hindi ko na lang din pinansin ang sinabi niya at hindi na lang din binigyan pa ng kahulugan. For sure naman, inaasar lang ako ng isang 'yon.

"Oh pano? Kita na lang tayo ulit bukas sa univ?" pagpapaalam sa akin ni Echo nung maihatid ko na siya sa gate ng bahay.

Tumango ako sa kanya at saka iniabot ang flashdrive. "Kopya mo, mabuti na yung sigurado. Kung sakaling mawala ko yung akin, atleast meron ka." sambit ko sabay palatak at turo sa kanya.

Agad naman siyang natawa. "Ano yon? Anong ginagawa mo?" natatawang sambit niya.

"Actually, ewan ko. Kusa ko lang nagagawa 'yon. Parang may sariling utak at dila ang kamay ko." kumakamot sa ulong sagot ko sa kanya.

"Okay.. Kita na lang tayo bukas, dow. I mean Shadow." sambit niya.

Tumalikod na siya at akmang aalis na nang muli siyang humarap sa akin.

"May tanong lang ako, Shadow." saad niya

Napakunot ang noo ko at lumapit na muli sa kanya, "Ano yon? May naiwan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"May tattoo ka pala sa likod, sa bandang kaliwang ibabaw." sabi niya sabay senyas sa aking likod.

Tattoo?

Bahagya akong natawa at tumalikod sa kanya. Naka racer back sando kasi ako ngayon kaya siguro napansin niya ang nasa kaliwang bahagi ng likod ko sa bandang ibabaw.

Itinuro ko ito gamit ang kanang kamay ko. "Ito ba? Ito bang nandito?" senyas ko.

"Oo. Tattoo yan no? Ikaw ha! Hi-"

"Tignan mo nga! Mukha bang tattoo yan sa'yo!?" medyo napasigaw na sagot ko sa kanya. "Birth mark yan tanga!" dagdag ko pa sabay batok ng bahagya sa kanya.

Napahawak siya sa bandang likuran ng kanyang ulo nang nakasimangot. "Ang weird naman kasi ng birth mark mo." sambit niya.

"Mana ko yan kay Papa Alas. Pareho kaming may ganyan sa likod namin," nakangiti at masiglang sagot ko sa kanya na mabilis ding nawala.

Papa Alas? Sino naman yon? Saan nanggaling ang pangalan na iyon? Bakit bigla ay lumabas sa bibig ko ang ngalang wala akong nalalaman? At... papa? Hindi naman papa ang tawag ko sa tatay ko kung hindi dad or daddy.

So, sino si Alas?

"Papa Alas?" biglang tanong ni Echo na siyang nagpabalik sa wisyo ko. "tatay mo? tatay niyo nila Blaze?"

Medyo magulat pa ako at natahimil pero mabilis akong umiling sa kanya. "Hindi! Hindi naman Alas ang pangalan ni daddy kung hindi Samuel." mabilis na pagtanggi ko sa kanya habang bahagya pang umiiling.

Napakunot ang noo ni Echo. "So, sino si Alas?" tanong niya.

Sino nga ba 'yon at ginugulo niya ang utak ko?

"Ewan ko nga. Parehas nating di alam." seryosong sagot ko sa kanya at saka siya iginiya ulit sa gate ng bahay namin. "Sige na, umalis ka na at magpapahinga na ako. Magkita na lang tayo bukas." sabi ko at bahagya na siyang itinulak sa gilid ng kalsada.

Kumaway pa muna sa akin si Echo at saka tuluyan na ngang naglakad siya papalabas ng sub division namin.

"Sino ba ang Alas na yon? Bakit bigla ay nababanggit ko ang pangalan niya?" mahinang sambit ko sa sarili.

Kung sino ka mang Alas ka, sisiguraduhin kong maaalala kita dahil sigurado ako sa isang bagay. Ikaw ang magiging susi upang manumbalik na ang mga alaala ko.

Sigurado akong hawak mo at bahagi ka ng malaking parte ng pagkatao kong nalimutan at napabayaan.

Alas, pipilitin kong alalahanin ka at kung ano man ang nawala ay malapit na ngang manumbalik