Chapter 9: CHPATER 9: Jealous

GERRY

Tsk! Akala niya lahat na lang ay kayang kaya niyang makuha dahil lang sa mayaman siya, kunh ka gwapuhan din lang naman ang basehan sus! Pantay looks lang kami at kung estado ng buhay ay hindi naman kami kasing yaman niyA pero may kaya kami.

“ selos to the bone?” sabi ni daisy.

“ tsk! Ano ba meron sakanilang dalawa? Bakit simula nong kumalat ang tsismis na kasal sila ay bigla silang naging close??!! Uy! Daisy sabihin mo nga saakin, ano ni carah si fin mozi mozi na iyon” napa ngiti siya.

“ bakit ako tinatanong mo, tanungin mo si carah o kaya kay fin” sagot niya.

“ pa ngiti ngiti ka pa, di mo na lang sabihin na wala kang alam” inis kong sabi

“ haha paano ba naman kasi halatang selos na selos ka, gerry matagal mo mg kilala si carah pero hanggang ngayon hindi mo parin inaamin na gusto mo siya” napa inom ako ng softdrinks, hindi naman sa natotorpe pero iniisip ko kasi ung friendship namin. Kasi diba aamin ka sakanya tapos hindi kayo pareho ng feelings may awkwardness iyon, doon magbabago na ung pakikisama niya at ayaw ko ung mabago

Gusto ko walang magbabago kaya ayokong sabihin na may gusto ako sakanya, natatakot din ako na malaman na may gusto siyang iba kasi umaasa ako na same feelings kami.

“ darating din tayo diyan, huwag ko lang malaman na umiiyak si carah dahil sa babaerong fin na iyan” sagot ko.

Walang pasok ngayon kaya namasyal ako saglit at bumili ng gamit ko ANong oras na ako makakauwi kasi dumaan pa ako ng kakanin sa paboritong bilihan ni mama, sasakay na sana ako ng mAkita ko si fin na may tinitignan, sinilip ko ung tinitignan niya at si vivian.

Diba siya ung rumored girlfriend niya daw, Bakit di niya lapitan at patingin tingin na lang siya sa malayo. Hahayaan ko na lang sana ng nagulat ako sa nakita ko, nilapitan siya ng lalaki tsaka hinalikan sa labi. Walang kaibigan na hahalik sa labi diba??

Tinignan ko si fin na pumasok na sa sasakyan at umalis, hindi niya kokomprontahin? Pag ako siguro iyon baka ingi ngodngod ko na sa pader ung lalaki tsaka ko sasabin ‘ mga manloloko!!!’ oh diba pang pelikula, hahaha.

Sasakay na ako pero napatigil uli ako, kanina kasi hindi kita ung lalaki pero ngayong nag palit sila ng pwesto ni vivian na kilala ko ang lalaki at parang hindi lang ngodngod ang gagawin ko. Pambihira, paano na lang kapag nalaman niya na siya iyon.

Karma is real ika nga, mukhang nakakarma na siya sa pagiging babaero niya. Mmmm alis na ako baka makita pa nila ako at madamay pa nga.

CARAH

Kasama ko si daisy na namasyal, ang boring nga kasi sa bahay kaya naisipan naming gumala.

“ oh si gerry iyon” turo ni daisy na seryoso sa tinitignan, tatawagin sana ni daisy ng pinigilan ko dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko.

“ bakit??” tanong ni daisy.

“ tara na” hinila ko siya palayo sa lugar, bakit??? Paano naman si fin???!!! Ano na lang ang magiging reaksyon niya?!

Nawala na ako sa mood kaya mag pasya na kaming umuwi ni daisy, nakarating na ako sa bahay ng maka salubong ko si fin na may hawak na alak. Hapon pa lang ah, lakasng trip niya. Naalala ko tuloy ung nakita ko kanina.

“ magagalit si lolo niyan” sabi ko sabay tingin sa alak na hawak niya.

“ I don’t care” sabay tungga sa bote, mukhang lasing pa nga.

“ kung ganun matulog kana pagkatapos mong inumin yan” maglalakad na sana ako ng hinawakan niya ung braso ko.

“ love me” seryoso niyang sabi, halos mabilaukan ako kahit wala akong kinakain.

“ love me, can you do it??” seryoso ba siya???

“ lasing---”

“ im not drunk, im asking if can you love me even its fake” nagkatitigan kami, ano ba nangyayari sakanya.

“ drop that fake wife thing, all I want you to do is love me even its fake” paano pekehen ang pagmamahal??

“ fin ano ba nangyayari---”

“ can you do it or not!!!” sigaw niya, ibang iba ang mukha niya ngayon.

“ all I ask is love me even its fake, I don’t care. Can you do it please…..” kumawala na ung pagkakahawak niya at bigla ng nawalan ng malay.

“ at shemay!!!!” buti nasalo ko, ang bigat niya

“ manang!” sigaw ko, lumabas sila at nakita ang itsura namin.

Tinulungan niya kami na sakto naman na meron si lolo, umiba ang mukha niya.

“ uminom siya??” tumango ako.

“ call his doctor now!” doctor? Bakit? Lasing lang naman siya, nag madali si manang at masamang naka tingin saakin si lolo.

“ his your husband pero hindi mo alam na bawal sakanya ang alak?!” bawal?? Anong alam ko tsaka alam naman pala niyang bawal bakit siya uminom pa kanina.

“ anong nangyari para umabot siya ganito huh?! His attempting to die! Holy shit!” nAnlamig ako dahil sa narinig ko at mas natakot ako sa pagmumura ng lolo niya.

Binuhat na si fin sa may kwarto niya, dumating na din ang doctor niya at nag hintay na lang ako sa sala.

“ kung may away kayo ni fin dapat ayusin niyo, huwag mong hintayin na lumaki at umabot sa ganitong iinom siya. Muntik na si fin at maski asawa ka niya hindi kita mapapatawad kung may nangyarisa apo ko” sabi ng lolo niya

“ pasensya na po, hindi na po---”

“ dapat lang carah” pAgsusungit ng lolo niya.

“ by the way pauwi na ang papa niya” malaki bang gulo kapag uuwi na ang papa ni fin??

Iniwan na niya ako, ano ba gagawin ko kapag umuwi ang papa ni fin? Haist!!! Andami kong iniisip pati ba naman yan iisipin ko din? Kainis naman yan!