Chapter 8: CHPATER 8: Model
FIN
Nasa canteen ako ngayon kasama sila felix, fuego at vivian. Katatapos lang ng klase namin kaya andito kami para mag meryenda bago umuwi, pasubo ako ng nakita ko si carah na masayang nakiki pag tawanan sa mga kaklase niya kasama ang kaibigan niya na nakita ko sa bahay nila.
“ vivian balita ko mag momodel ka daw sa isang calendar, totoo ba?” Tanong ni fuego
“ yup! Excited----”
“ bakit hindi ko alam to?” tanong ko
“ mmm?? Hindi ko ba nasabi? Sorry babe pero ayon na nga mag momodel---”
“ huwag kang tumuloy” hindi ko na siya pinatapos, naka tingin siya saakin na nagtataka
“ babe big opourtunity ito sa career ko bilang model at---”
“ vivian wala ako masyadong alam sa modeling pero alam ko ang sinusuot kapag calendar model, are you serious na I balandra ang katawan mo?? Na everytime na titingin sila ng petsa ay nakikita nila ang litrato mo na kapirasong tela lang ang suot?!” angal ko
“ ang mean naman ng ibalandra fin pero kung ganun man it’s a part of my modeling career kaya I need to be professional na dapat ikaw din dahil alam mong ito ay career ko” sagot ni vivian.
“ bro vivian is right, model siya kaya dapat naiiintindihan mo na kung kailangan ipakita ang katawan ay okay lang sayo” singit ni felix.
“ tsaka bakit ngayon ka lang umaaangal eh matagal na akong nag momodel, hindi ka naman nag rereklamo” sabi ni vivian
“ kasi okay lang ung suot mo na mga damit, ito calendar na eh. Ibang usapan na ito, ayokong makita ng iba ang katawan ng mapapangasawa ko” ngumiti si vivian na halatang na touch sa sinabi ko.
“ I understand pero I need your support right now fin, gusto kong mag grow as model hindi lang sa pang damit na model fin” hindi ako maka paniwala na hihilingin niyang intindihin ko siya sa ganito, hindi niya ba naisip ung mararamdaman ko pero mas importante parin talaga ang career niya hanggang ngayon.
“ vivian I will let you go with this calendar but in exchange of getting married” binitiwan niya ang kamay ko
“ fin naman diba nag usap na tayo”
“ vivian---”
“ I will grab the opportunity and still please understand na getting married right now is a wrong move fin, wait patiently babe don’t worry darating tayo don” dinampian niya ako ng halik sa labi saka umupo.
Kapag ganitong malambing siya wala na akong laban, hindi na ako umimik at nilingon si carah na masayang masaya parin na nakiki pag kwentuhan.
“ ooops I have to go” tumayo na si vivian.
“ teka sabay na tayo, same way naman tayo” pahabol ni felix.
“ okay, bye una na muna kami” sabi ni vivian at walang lingon likod ay umalis na sila.
“ same way?? Kailan pa may bahay sa may south si felix?” tanong ni fuego.
“ diba fin sa south ang place kung saan Ang trabaho ni vivian” tumango ako at napaisip, oo nga paanong same way sila eh sa east si felix.
“ malay mo may condo siya sa south, alam mo naman yan NPA diba” ngiti kong sabi.
“ hahaha gago din eh No Permanent Adress ang loko” napapailing na lang kami, tinignan ko ang oras at need na naming umuwi.
“ mauna na ako bro, bukas uli” tumango si fuego
“ sige bro, uwi na rin ako. Ingat ka at sunduin mo na ung fake wife mo na nag eenjoy kanina pa” ngumiti siya tsaka tinignan sila.
Lumapit na ako, bigla silang tumahimik ng dumating ako. Tinignan ko si carah na naka tingin din saakin, tsk! Dapat gets na niya na oras na para unuwi.
“ ahm…. Im here to fetch carah” tinignan nila si carah.
“ iba din itong si fin, kanina may kasamang babae tapos ngayon ito naman si carah. Iba talaga si idol” sabi ng kasamahan niya.
“ how to be you fin” dugtong niya pa.
“ malabong maging katulad mo ako kaya shut up” umiba ang itsura niya.
“ come on tara na” utos ko kay carah.
“ tsk may pera ka lang kaya ganyan ka umasta pero kung wala kang pera sa tingin mo gugustuhin ka ng mga babae??? Lalo na ung kasama mo kanina na kung sino sino ang kasama” napa kunot ang noo ko.
“ tama na nga yan” singit ni carah, mag tatanong pa sana ako pero mukhang nang iinis lang naman siya kaya niya iyon nasabi.
“ tara na” tumayo na si carah at nauna na kaya sumunod ako ng nag salita pa ung lalaki.
“ kung manloloko ka din lang huwagsi carah” tinignan ko ung lalaki na napaka seryosonh tumimgin saakin.
“ mm? Matatakot na na ako sa banta mo?” inirapan ko siya sumunod na kay carah, halatang may gusto iyon kay carah para maging ganun ang sinabi niya.
“ sino ung lalaki?” tanong ko.
“ si gerry matagal ko ng kaibigan simula high school” sagot niya.
“ halatang may gusto sayo” diretsa kong sabi, napa tingin siya saakin sabay ngiti.
“ ganun ba?? Alam mo bang crush ko iyon noon” sabi niya.
“ hanggang ngayon?” iba ang ngiti ni carah kaya ibig sabihin ay hanggang ngayon.
“ masyado kayong nagpapakipot na dalawa, bakit di na lang kayo mag aminan para tapos na” inistart ko na ung sasakyan.
“ mmmm siguro darating din kami doon at mas okay na huwag muna ngayon kasi nasa ganitong sitwasyon pa ako” sagot niya, bahala kayo.
“ Pero sa tingin mo may gusto siya talaga saakin??” so ganito kiligin?? Pambihira parang pato na kumekembot kembot.
“ lalaki ako kaya alam ko kung may gusto ang isang lalaki sa isang babae” sagot ko.
“ ayyyiiiiiieeeeehhhhh!!!!!!!!” narindi ako sa sigaw niya, sinamaan ko pa siya ng tingin para mag peace sign siya saakin.
“ sana matapos na ito para maging okay na ang lahat at mapagtuunan ko na naman ang sarili ko” bigla siyang sumeryoso.
“ darating din tayo diyan” sagot ko.
“ sana nga fin, sana nga. Ayoko magsisi sa bandang huli” sabi niya.