Chapter 6: CHPATER 6: Angkan
RICKY
May nabalitaan ako na ikinasal ang isa sa mga apo ko at hindi ko inaasahan na si fin iyon, sakanya ako masyadong istrikto dahil hindi siya marunong pumili ng babae kaya ak0 na ang gumagawa ng paraan para bumitaw ang isang babae sakanya.
Meron akong naririrnig na kasa-kasama ni fin pero hindi ko pinansin dahil hindi niya pa ito pinapakikalala dahil narin siguro sa pagiging perfectionist ko kaya ayaw niyang ipakilala ung mahal niya kaya ito na ngalaking gulat ko na lang na ikinasal na siya at ng makita ko ung babae ay parang napaka layo nito sa mga pinakilala niyang babae noon.
Matanda ang itsura, hindi man lang ngumingiti at oo may galang pero kilala ko ang apo ko tungkol sa taste niya sa babae.
“ saan galing na angkan ang pamilya mo?” tanong ko.
“ simpleng angkan lang ho ang pinanggalingan ko” tinignan ko si fin, kailan pa siya naka gusto sa simpleng tao.
“ mmmm… saan kayo nakatira fin ngayon?” tanong ko.
“ sa hotel po habang nagpapaayos ako ng bahay” sagot ni fin.
“ mmmm… mas maganda kung sa bahay ko na lang muna kayo” tinignan ko sila.
“ papa hindi na ho kailangan dahil malalaki naman na sila kaya---” sinaman ko ng tingin si evie, nangingialam nanaman siya.
“ iyon ang gusto ko total wala ako kasama at mukhang magtatagal ako dito” alam kong ayaw nilang mag tagal ako dito dahil hindi nila magagawa ang mga gusto nila pero pakiramdam ko kasi kailangan kong mag tagal dito, tinignan ko si carah na tahimik lang habang kumakain.
May kakaiba dito, hindi man lang siya kinakabahan at ung reaksyon ng mukha ni fin na parang may itinatago.
“ ayusin niyo na gamit niyo ngayon dahil ipapasundo ko kayo mismo sa driver ko” narinig ko ang malakas na buga ni carah kaya napa tingin kami sakanya.
“ ano ba ito fin?? Excuse me po pasensya na kung itong mga----”
“ okay po lolo” singit ni fin, tumayo na siya.
“ tara na carah para maka pag ayos na ng gamit” napaawang ang labi ni carah.
“ huh?!!!”
“ tara na” tumayo na si carah at sumunod na kay fin.
“ evie may gusto ka bang sabihin?” seryoso kong sabi
“ wala po papa, maski ako ay gulat sa kasal nila at hindi pa ito alam ng papa niya. Sasabihin ko na lang pagka uwi niya at malamang ay magugulat siya” tunango ako, iniingatan niya si fin na hindi mapunta sa maling babae at tingin ko magagalit siya ng todo.
“ mauuna na ako, sabihan mo nalang ang asawa mo na pagkauwi niya ay puntahan ako agad” utos ko.
“ sige po papa” sagot niya, nag lakad na ako palayo at umuwi na. Hinintay silang dumating at mayat maya ay dumating na nga, tinignan ko si carah na parang wala lang sakanya ang bahay ko.
“ maliit ba ito para sayo? “ tanong ko sakanya.
“ sobra sobra ho itong laki ng bahay, buti at nakikita mo pa mga kasambahay niyo” sagot niya.
“ carah” tawag ni fin, kita ko ang pag ikot ng mata niya kay fin at wala man lang sakanya.
“ samahan ko na kayo sa kwaRto niyo” tatalikod na ako ng nag salita si carah.
“ magka hiwalay po ang aming kwarto dahil nag aaral pa lang kami” tumango ako, alam ko naman iyon.
“ oo naman, halina kayo” sinamahan ko na sila sa kani-kanilang silid, pinag gigitnaan nila ang silid ko para kung sakaling may problema ay meron ako agad para sakanila.
“ pahinga na kayo” iniwan ko na sila para maka pag pahingan naman na ako, masyadong mahaba ang araw na ito para sa matandang tulad ko.
Mga ilang oras may narinig akong nagsasagutan , lumabas ako at sinundan ung boses.
“ sige gawin mo yan, hindi ko na isasalba ang magulang mo” rinig kong sabi ni fin
“ anong meron sa magulang ko?” tanong ni carah.
“ ako na bahala doon basta ung sumunod ka sa rule natin” tungkol saan kaya itong pinag uusapan nila? Hindi kaya may kinilaman ito sa biglaang pagpapakasal nila?
“ may problema ba?” singit ko, kita ko na kasi ung init ng usapan nila.
“ itong apo niyo kasi masyado niyong inispoil” sabi ni carah, napa ngiti tuloy ako.
“ aminado ako diyan, kung ano man ang pinagtatalunan niyo Mas okay kung kalmahan niyo hindi ung pareho kayomg mainit ang ulo” payo ko.
“ pasensya na lolo, matigas lang talaga ang ulo ni carah” sabi ni fin.
“ as if ung ulo ko lang ang matigas, maski ikaw no at minsan nga dalawa pa sila” hindi ko mapigilang matawa.
“ huh???!!” sagot ni fin.
“ wala, maka pag meryenda na nga lang ng sausage” napapailing ako, ngayon pa lang nalalaman ko na ang ugali ni carah. Hindi siya pala tago ng ugali at maganda iyon para hindi mahirap alamin.
“ huwag niyo ng pansinin si carah lo minsan kasi talaga may pagka ingay yan” tumanvo ako.
“ sundan na natin siya at maka pag meryenda na din” sumunod kami kay carah na kumakain na ng spgahetti.
Tahimik kaming kumakain at ng nilingon ko sila may napansin ako, lagi lagi napaka hands on ni fin sa mga babae niya dahil saksi ako doon pero bakit ngayon ni hindi man lang niya abutan ng tubig si carah.
“ carah ano nagustuhan mo sa apo ko?” tanong ko
“ wala ho---- ung dimple niya” kumunot ang noo ko, dimple?
“ may dimple ka fin?” nilingon ko siya.
“ me-meron” maski siya hindi niya alam kung meron man o wala.
“ hehehe meron ho ung pusod niya” sabi ni carah.
“ ang cute kasi ng pusod ni fin, simulan mo doon hanggang paitaas magugustuhan niyo” paliwanag niya.
“ ung abs ba ang ibig mong sabihin?” tanong ni fin.
“ ayon na nga, pusod to abs” sagot ni carah, hindi kumbinsado sa sagot niya.