Chapter 7: CHPATER 7: Debt
CARAH
Mamaya na ako uuwi total maaga pa naman, balak kong puntahan sila mama. Ayaw sabihin ni fin kung anong meron sa magulang ko ngayon, pumasok na ako sa bahay pero walang tao. Impossible naman na naka open ang bahay na walang tao.
“ ma” tawag ko, pumasok ako sa mga kwarto pero wala sila. Saan kaya sila nag punta? Pumunta akong kusina at binuksan ung ref nila, nakaka pag taka bakit naman parang ito parin ung huli kong iwan sakanila.
“ ano hindi niyo parin nakikita ung anak?!” napa kunot ang noo ko, sino ung nag salita? Lalabas sana ako para tignan ng biglang may humila saakin, tinakpan agad ung bunganga ko. Ano ginagawa ni fin dito??
“ your crazy” bulong niyang sabi saakin, hinila ako papalabas. May backdoor kami sa kusina kaya doon kami lumabas. Madali niya akong hinila hanggang papunta sa may sakayan, malakas niyang isinara ang sasakyan niya.
“ kailan ka ba makikinig?!” inis niyang sabi.
“ bakit wala ang magulang ko sa bahay? Sino ung mga lalaki?? Bakit sila nasa bahay??? c sunod sunod kong tanong
“ shit! Seryoso yan pa ang iniisip mo??? Muntik ka ng makuha nong mga iyon?!!!!” sigaw niya.
“ hindi ka ba naniniwala saakin? Ang sabi ko ako na bahala doon! Carah ang tigas ng ulo mo!” naiinis na ako.
“ paano ako susunod kung ayaw mong sabihin kung anong meron sa magulang ko?!” tanong ko.
“ Hawak sila ng sindikato? Okay na?!!! Anlaki ng utang ng magulang mo para ikaw ang kinukuhang kabayaran! Okay na??!!!” hindi ako naka imik doon, papaano? Napaka ingat ng magulang ko sa pera.
“ kung ganun ibigay mo na ako sakanila?! Paano kung kinawawa na nila ang magulang ko?!!! Sino ka para ikaw ang mag desisyon?!!! Mas mahalaga ang buhay ng magulang ko kaysa saakin!” sagot ko.
“ its not my decision-“”
“ paanong hindi ikaw?!----”
“ ito ang gusto ng magulang mo!” napailing ako.
“ paanong ito ang gusto nila???!! Nakausap mo ba?? Sinabi ba nila sayo??—”
“ Nong hulimg usal natin, iyon un. Galaw pa lang nila napansin ko na, hindi mo ba napansin na halos ibigay kana nila saakin nong araw na iyon dahil nga alam nilang may ganun na mangyayari at mabuti na lang naialis kita bago ka pa nila maabutan” paliwanag ni fin, tumulo na ang luha ko.
Paano na lang ang magulang ko? Kamusta na sila?? Baka naman bugbug sarado na sila o kaya kinakawawa na sila?! Mas kampante ako kapag ako na lang kaysa ang magulang ko ang andon, kaya ko naman mag tiis.
“ itigil mo ang sasakyan” seryoso kong sabi.
“ ano gagawin mo?” tanong niya.
“ basta itigil mo!!!” sigaw ko pero hindi parin niya itinitigil.
“ itigil---”
“ hindi! Kung balak mong bumalik doon para maki pag deal, huwag na. Sabi ko nga sayo ako na bahala doon basta gawin mo ang pinagkasunduan din natin” sabi niya.
“ paano ako makakasiguro na hindi na bangkay ang magulang ko kapag nakita sila kung sayo ko ipapaubaya?”” tanong ko
“ because I have the power okay? Just trust me…. Hindi ko pababayaan ang magulang mo, just stay as my fake wife for the meantime until vivian will be ready” kinalma ko ang isip ko at Inisip na tama siya dahil sabi niya sindikato, malamang hindi ito basta bastang sindikato.
“ okay” tumango siya
“ good, now act like my wife” napa buga ako ng hangin, sana okay kayo magulang ko.
UMuwi na kami at nadatnan namin ang lolo ni fin na napaka seryoso ang mukha, didiretso na sana ako ng tinawag ako.
“ let me talk tp your wife” sabi niya kay fin, tumango si fin at iniwan na ako.
“ may problema ba para late kayong umuwi? “ tanong saakin.
“ may ginawa lang po” sagot ko, una pa lang na kita ko sakanya hindi na siya basta bastang tao. Bakas sa mukha niya na may gusto siyang sabihin na napaka seryoso.
“ may gusto ka bang aminin saakin?” ano kaya ibig niyang sabihin?
“ ano pong aaminin ko?” tanong ko.
“ ikaw kung may aaminin ka tungkol sayo o sainyo ni fin” sabi niya, hindi ko naman pwedeng sabihin ang tungkol sa deal namin ni fin.
“ sa totoo lang may guato akong sabihin noon pa pero hindi ko lang masabi dahil nga may rason din kung bakit pero gusto kong malaman niyo na hindi ho talaga ako totallly in love sa apo niyo” aruuuuyyy! Tama ba ang palusot ko? Haist! Bahala na, alam kong may kakaiba sa tanong ng lolo ni fin.
“ àlam ko naman dahil unang una pa lang ay kita ko na iyon, hindi ikaw ung tipo ni fin” ouch! Grabe naman.
“ alam ko din na same kayo ng nararamdaman na hindi masyadong mahal ang isat isa kaya napapaisip ako kung bakit kayo nag pakasal?? Pwede mo bang sabihin?” tanong uli niya, hindi naman matapos tapos itong tanong niya.
“ nag pakasal kami dahil sa gusto na ni fin na mag sitigil ang mga babae kakapalibot sakanya kaya kahit hindi pa kami intact masyado ay nag pakasal na kami” aruuuuuy!!! Patawarin niyo ako sa kasinungalingan ko.
“ ganun ba?? Mabuti at naisip niya iyon” tumango ako, tama na ang tanong.
“ last iha bago ka mag pahinga, what do you think about fin? Dis regard mo ung sitwasyon niyo ngayon” napa isip ako, ano nga ba si fin??
“ mmmm fin is babaero, mayabang ang hard headed din po” tumango siya
“ about sa feeling? Pag ba dumating ang panahon magugustuhan mo ba kahit ganun ang ugali niya?” tanong niya uli.
“ mmmm sa tingin ko po oho kasi kung mahal mo naman ibig sabihin minahal mo din siya kung ano siya. Tanggap mo ang lahat maski ano pa man” sagot ko.
“ mmmm okay sige, mag pahinga kana” tumango ako at hindi na nag isip pa ng kung ano
“ carah” napa hinto ako sa pagtaas
“ kung ano man itong pinasok niyo sana hindi kayo masaktan sa bandang huli” tumayo na siya at naunang tumaas, may alam siya.