Chapter 28

Chandee's Pov

Kasama ang ilang taga Sittio na nag boluntaryong tumulong din samin na samahan kami sa sapa. Napag alaman namin na dito pala sila sa sapa kumukuha ng tubig na ginagamit nila sa pang araw araw sa mga tahanan nila.

"Dati napaka lamig ng tubig dito ngunit ngayon ay naging mainit na. Ang sabi ng ilan ay dahil sa mainit na panahon" Sabi ni Mang Alipio habang binabagtas namin ang kahabaan ng sapa.

Habang naglalakad kami ay sinasabi ng mga boluntaryong taga rito ang kasaysayan ng sapa nila. Napag alaman ko rin na galing sa Sapa ang pangalan ng Sittio Batuan dahil sa mga naglalakihang bato ang nakapaligid roon.

Nakarating kami sa may mga tumpok tumpok na malalaking bato. Simula daw ng may makuhang ginto doon ay marami ng nagmina ngunit pinagbawal ng Pinuno kaya't tumigil na rin ang mga ito.

Nag ikot ikot pa kami hanggang may napansin akong grupo na naliligo sa may batis.

"Pwede din po palang maligo dito?" Tanong ko sa katabi ko na taga Sittio

"Opo binibini marami ang naliligo dito lalo na ngayon na mainit ang panahon. Kadalasan ay nagbabaon pa kami ng mga pagkain lalo na ang mga taga ibang ibayo para hindi magutom" Sagot nito

"Pero di po ba dito rin kayo kumukuha ng iniinom niyo?" Tanong ko pa

"Malinis parin naman ang tubig dito kahit dito kami naliligo. Dito nga rin kami naglalaba at matagal na namin iyon ginagawa" Sabi pa nito

Tumango nalang ako. Ayokong sumang ayon sa sinabi nito na malinis ang tubig. Oo at malinaw nga ang tubig pero hindi ako sigurado kung malinis nga ito dahil ang umaagos ay kontaminado na galing sa unahang bahagi kung saan mayroong mga naliligo.

Nakarinig ako ng hiyaw ng kabayo kaya naman napatingin ako kung saan ito nanggaling. Nakita ko ang paghinto sa pagtakbo ng kabayo at ang pagbaba ng sakay nito. Literal akong napanganga ng makita si kapitan na papalapit sa akin ngayon. Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito siya.

"Mabuti nalang at may nakapag sabi na dito kayo pumunta, ang sabi ni Glenda maaga ka daw umalis ng bahay" Sabi nito ng makalapit siya sa'kin

Sasagot sana ako ngunit may mga lumapit sa amin na bumati sa kanya.

"Magandang umaga kapitan" lahat ay bumati sa kanya at kilala siya. Napatitig nalang ako sa kanya na ngayon ay nakangiti at kinakausap ang mga ito. Ang gwapo talaga niya lalo na kapag ganitong ngumingiti siya, lagi nalang kasing seryoso ang mukha niya at mukhang laging galit.

"May napansin ka bang kakaiba binibini?" Tanong ni Agustin sa'kin na hindi ko man lang napansin na nakalapit na pa la sa akin.

Nginitian ko siya at umiling "Wala naman maliban lang sa mga naliligo" Sabi ko

"Marami ngang may naliligo dito, maging ako noong kabataan ko ay madalas maligo dito kasama ang mga kaibigan ko. Malinaw at malamig kasi ang tubig dito" nakangiting sagot niya

"Yan nga din ang sabi ni Mang Isidro sa'kin kanina. Dito rin daw sila naglalaba" Sabi ko

"Tama ka binibini mahirap kasi ang tubig dito sa Sittio Batuan malalayo ang mga balon na pinagkukuhanan ng tubig. May mga poso naman ngunit walang lumalabas na tubig" Sabi pa niya

"Kaya pala dito sila lahat umaasa sa sapa" Sabi ko at tinignan ang malinaw na tubig na umaagos sa sapa.

Nagulat naman ako sa kamay na biglang pumulupot sa baywang ko.

"Mag ingat ka binibini madulas ang daan" Sabi ni Kapitan. Kumunot naman ang noo ko at tinignan siya.

"Malayo ako sa tubig at hindi naman madulas sa kinakatayuan ko" Sabi ko sa kanya

Napatingin naman ako kay Agustin na bigla namang tumawa.

"Iba na ang nag iingat" sagot sa'kin ni Kapitan at matalim na tinignan si Agustin na ngayon ay pinipigilan ang pagtawa.

Tinanggal ko ang kamay ni kapitan at umalis na sa kinakatayuan ko. Iniwan ko sina Agustin at Kapitan doon na ngayon ay nag uusap. Huminga nalang ako ng malalim at nilapitan si Doktor Gilberto at ang iba pa.

Nang sumulyap ako kung nasaan sina Agustin at Kapitan ay medyo kinabahan ako. Napaka seryoso ng mukha nila at tila nagkaka pikunan. Hindi ko naririnig ang pag uusap nila ngunit nakikita ko ang pagtagis ng bagang at ang pagkuyom ng kamao ni Kapitan. Nakangisi naman si Agustin na tila pinipikon siya.

Mabilis akong lumapit sa kanila dahil baka magka abutan pa sila ng kamay. Gumitna agad ako at kunwari wala akong ideya sa nangyayari sa kanila.

"Paumanhin Agustin hihiramin ko lang muna si Kapitan may sasabihin lang ako" nakangiting sabi ko kay Agustin

"Ayos lang binibini sige lalayo muna ako ng makapag usap kayo ng mabuti" maginoong sabi nito na may ngiti pa sa mga labi. Nginitian ko naman siya at tumango.

Hinawakan ko ang nakakuyom na kamao ni Kapitan at hinila siya papunta sa mas malayong parte ng sapa. Ang kaninang nakakuyom na kamaong hawak ko ngayon ay magkalapat na ang aming kamay. Huminto ako sa paglalakad at binitawan na ang kamay niya.

"Nababaliw ka na ba? Kung hindi pa ako lumapit sa inyo kanina ni Agustin baka nagkasakitan na kayong dalawa" inis na sabi ko

"Hindi ko naman siya papatulan kung wala siyang gagawin sa'kin at kung wala siyang sasabihin na hindi maganda sayo" Sagot niya

"Kaya pala mukhang papatay ka ng tao kanina" Sabi ko naman

"Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa'kin kanina? Nakakapikon pero marunong naman akong magtimpi lalo na't walang kwenta ang mga sinasabi niya" Sabi nito na nagtagis ulit ang bagang at mukhang galit.

"Ano ba ang sinabi niya? Bakit mukhang galit ka kung hindi ka naman pala napikon? Para kang bata" Sabi ko

"Ang sabi niya wala daw akong pag asa sayo dahil nakikita niyang nahuhulog kana sa kanya. Alam kong hindi iyon totoo ngunit nakakapikon parin talaga. Hindi rin ako nag aasal bata ngayon dahil kung mangyayari iyon nasaktan ko na talaga siya sa dami ng mga sinabi niya" Sagot nito

"Paano mong nasabi na hindi totoong nahuhulog na ako sa kanya? Mabait si Agustin gwapo at matulungin din. Kahapon ko lang siya matagal na nakausap at nakasama pero nakita ko kung paano niya ako itrato maging ang iba pan-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko pa ng bigla niya akong kabigin at halikan sa labi

Ilang segundo lang nagtagal ang pagkakadikit ng labi naming dalawa at humiwalay na ito.

"Satwing babanggitin mo ang pangalan niya hahalikan kita. Ayoko ring naririnig na pinupuri mo siya" Sabi nito

"Sira ulo ka ba?!" Sabi ko sabay hampas sa dibdib niya. "sino ka ba para pigilan ako sa kung sino ang magustuhan ko at purihin ko!" Isang hampas ulit sa dibdib niya ang ginawa ko

"Nasisiraan na nga siguro ako ng ulo dahforil wala akong balak ipaubaya ka sa iba. Ayokong may pinupuri kang ibang lalaki lalo na sa harapan ko pa. Alam ko marami akong karibal pagdating sayo pero sa akin ka na" sagot nito na literal na ikinanganga ko.

"Walang nag ma may ari sa'kin kundi ang sarili ko lang" Sabi ko at tinulak ang dibdib niya

Hinuli naman nito ang kamay ko at nilagay sa likuran niya kaya naman napalapit ulit ako sa kanya. Pigil ang hininga ko ng makita kung gaano lang kalapit ang pagitan ng mukha naming dalawa.

Unti unti pang lumapit ang mukha nito kaya mariin na pumikit ako. Inaasahan ko na ilang segundo nalang ay muling lalapat ang labi nito sa labi ko.

"Nung umamin ako sayo sa unang pagkakataon at tinanggihan ang pag ibig ko ay tinanggap ko iyon" napamulat naman ako ng marinig ko ang sinabi niya na bumubulong sa tenga ko "nagulat ako sa sagot mo at nasaktan ngunit tinanggap ko, inisip ko na baka nagmadali ako at hindi ka pa handa" tuloy nito sa sinasabi niya"ginawa ko naman ang gusto mo diba? Ang hirap para sa'kin gawin ang mga hiling mo pero ginawa ko at sinubukan ko. Hindi ko lang talaga makayanan ang pangungulila ko sa'yo at dumagdag pa ang pag aalala ko ng malaman ko na may sakit na namang kumakalat at ikaw na naman ang nangunguna upang tumulong sa mga tao" Sabi pa nito at inilayo ng bahagya ang mukha nito at hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko. "Patawarin mo'ko kung hindi ko na magagawa ang pinangako ko sa'yo na iiwasan ka, ang akala ko kasi dati ayaw mo talaga sa'kin. Nung bumalik ako kahapon wala akong balak ipilit ang sarili ko sa'yo. Ngunit ng makita ko si Agustin at kung paano mo siya ngitian nangamba ako. Hindi ako mapakali tinatanong ko ang sarili ko kung bakit siya pwede at ako hindi. Doon ako nagpasya na kailangan ko ng kumilos hindi pwedeng maghintay nalang ako at walang gawin habang yung iba ay napapangiti ka na" mahabang sabi nito "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng malaman ko ang dahilan kung bakit gusto mong iwasan kita. Para akong nawala sa katinuan kakangiti at kakaisip sayo. Hindi na ako papayag na may gigitna ulit sa atin dalawa na maaaring maging dahilan ulit ng hindi pagkakaintindihan. Hindi ko na masukat ang paghihirap ko kakaiwas sa'yo at satwing gusto kang makita, ang dami ng oras na nasayang dahil sa maling akala mo pero ayos lang iyon. Ayos lang mahal ko hindi rin naman masusukat ang ligayang nararamdaman ko ngayon. Ngayon ipinapangako ko na walang sino man pwedeng umagaw sa'yo. Hindi kita bibigyan ng pagkakataon na maagaw ka nila sa'kin" mahabang lintanya nito. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa kusang tumaas ang dalawang kamay ko at kumapit sa leeg niya. Nagsimula kaming naghalikan na tila ba wala ng bukas. Blanko narin ang isip ko at hindi na pumasok sa isip ko na maraming tao sa paligid na pwedeng makakita samin. Ang gusto ko lang ngayon ay maramdaman ang pag ibig ni Kapitan sa'kin.

Habol ang hininga ng bumitiw kaming dalawa sa halikang nahanap. Sinalubong ko ang tingin niya na may ngiti sa mga labi at ganoon din siya. Niyakap ako nito at gumanti rin ako ng yakap. Narinig ko nalang na may mga pumito at palakpakan kaya napahiwalay ako ng yakap sa kanya at nagtago sa likuran niya. Tawa naman ng tawa si kapitan habang binabati kami na bagay daw kaming dalawa. Sa huli ay humarap ako sa mga tao na malapad ang mga ngiti habang magkahawak kamay kaming dalawa ni Kapitan.

******